๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ง๐๐ผ
๐ค๐๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป
Tapos na ni Dennis lahat ng kailangang gawin ngayong gabi pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tanging pag-scroll sa F******k ang ginagawa niya habang nakahiga.
Dahil wala pa ring makakuha ng atensyon niya, binagsak niya ang cellphone sa kama at tumitig siya sa kisame.
Madilim ang kwarto niya dahil pinatay niya ang ilaw at tanging ilaw mula sa katabing poste ng streetlight ang nagsisilbing liwanag sa loob ng bedroom niya.
Another sleepless night.
Dennis let out a breath. His insomnia is manifesting again and he's sure that it will last until sunrise. Because he really couldn't sleep, he picked his phone again to look for something funny or interesting to pass his time.
When he opened his F******k app, he saw that Ervin posted something on his wall an hour ago. Agad niyang ni-like iyon bago niya binasa ang post.
Tanging letter A at S lang sa black background and post ni Ervin na matagal niyang tinitigan.
Wala sa isip na pinindot niya ang message icon na nasa itaas na bahagi at agad na nagtipa doon.
Is this post about Aldrin?
Naitipa na niya iyon message box pero noong ise-send niya na, natigilan si Dennis. Ano ang karapatan niya para i-message nang ganito si Ervin? At kahit sigurado siyang initials nga ni Aldrin ang post ni Ervin, ano naman sa kanya?
Sila ba ni Ervin para magtanong siya?
Damn it.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago i-exit ang app. Pumunta na lang siya sa secret forum na madalas niyang bisitahin kapag wala siyang magawa sa buhay.
Agad siyang nag-post ng tanong. Isang tanong na malabong maramdaman ni Ervin sa kanya. Siguro gusto niya lang aliwin ang sarili niya. Baka sakaling kapag nakatulog siya, sa panaginip, may gusto si Ervin sa kanya.
Anonymous
Just now โข๐โข
How to know when the guy you want is interested in you?
PS: I'm also a guy.
Mayamaya lang, nag-vibrate ang phone niya at may mga comments na kaagad.
User123: Uh... wut?
KillAllTheJerksInTheWorld: Kiss him. If he doesn't feel nauseated, it's true love!!! <3 <3
Joker111: What do we hav here? A faggot! Why don't you guys die?!
Pdsyencm: ^Go away, fucktard. @OP if you want to confess, please do so. Maybe you'll get a surprise.
KillAllTheJerksInTheWorld: @Joker111 Oh, another homophobic jerk. This is why I want to burn and kill people. LOL. Y dun u fuck urself? Go back to hell.
GoldilocksAndWendyIsMyOneTrueLove: @OP Ask him first if he's interested to his same peer. If he does. Just say it.
BarneyIsNotFunnyIWantToShootHim: U'll know he wants you if he knows all your quirks and favorite things w/o asking u. (ใ ' ห ')โก
Sinarado niya ang thread nang makakuha ng feedbacks. Hindi na niya pinansin ang isa sa rude comment dahil wala rin namang mangyayari. He can't change those people's mindsets, anyway.
***
Nakangiti si Dennis habang buhat ang isang plastic bag na puno ng mga snacks para sa barkada. Gusto niyang manlibre ngayon dahil maayos ang pinasa niyang group project sa English subject nila.
Nabura lang ang ngiti sa mukha niya nang makita si Ervin at Aldrin na magkasama. Kasalukuyang kinukulit ni Ervin iyong isa at halata sa mukha ni Aldrin ang pagkabuwisit.
Dennis wants to intervene to their talk but decided not to. Sino nga naman siya para sumingit sa dalawa gayong ano ba siya ni Ervin? Wala naman, 'di ba? Magselos man siya, hanggang doon lang iyon. Hindi niya puwedeng ipahayag dahil kaibigan lang ang tingin sa kanya ni Ervin.
Tumalikod si Dennis at natanaw niya si Franco na may kaharutang babae sa mahabang corridor. Lumapit siya at pabatong ibinigay kay Franco ang plastic bag. Agad na nasalo iyon ng lalaki.
"Uy, dami nito, a? Para kanino?" tanong ni Franco, wala na sa isip ang katabing babae. Pagkain lang talaga ang katapat ni Franco para mawala ang atensyon sa mga babae nito. Hindi rin tinapunan ng tingin ni Dennis ang kasamang babae ni Franco kahit na palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
"Basta. Sa inyo na lang. Bigyan mo 'yong iba, a?" bilin niya.
Tumango-tango si Franco. Nang silipin muli nito ang loob ng plastic bag at makita ang pagkain na paborito nito, ngumisi ito kay Dennis at inakbayan siya.
"Kaya sa'yo ako, e. Alam mo talaga kahit pagkain ko. Sige, tawagin ko sina Ervin para bigyan nito. Salamat, Dennis mamhen! Wabyu!"
Patakbong umalis si Franco at parang nanalo sa Lotto nang sumigaw ito sa gawi nila Ervin. Naiwan naman ang kinakausap nitong babae na may pagkaasiwa sa mukha habang tinatanaw ang siraulong si Franco. Ang ginawa ng babae ay sumulyap kay Dennis at may pagkamahinhin na inayos ang buhok nito.
"H-hi, Dennis," anito sa boses na nahihiya.
Dennis secretly winced. Matagal na niyang alam sa sarili na hindi siya nakakaramdam ng kung ano para sa mga babae. Ghad, he's not straight, okay? He's not into girls. Magkakagusto ba siya kay Ervin kung hindi?
Pero hindi tulad ng iba na nagbibihis-babae, hindi niya trip ang mga ganoon. Sa katunayan, ayaw ni Dennis 'yon. Mas kumportable pa rin siya sa pagsusuot ng pantalon.
"P-puwede mo ba akong samahan?" Natigil ang pag-iisip ni Dennis at alanganing sinulyapan ang babaeng kaharap.
Paano ba tumanggi nang hindi nakakasakit sa feelings?
"Dennis, can you help me with these balls?" May sumigaw sa pangalan ni Dennis at nakita niya ang dati nilang Physical Education Teacher na si Mrs. De Luna. Ito ang tumawag sa kanya at nasa open field ang may katandaang guro kung saan madalas idaos ang practice ng baseball at soccer. Ilang dipa ang layo sa kanila ng teacher at buhat-buhat nito ang tatlong nets na puro bola ang laman.
Wala nang nagawa ang babaeng kausap ni Dennis nang tumakbo siya papunta sa gurong tumawag sa kanya. Between the two options he have, he'll pick the latter. Mautusan man siya ngayon, wala namang babaeng magpapakita sa kanya ng motibo.
"Yes, ma'am?" tanong niya. Iniabot kaagad sa kanya ang tatlong malalaking nets ng mga bola na kinagulat niya kaya mabilis niyang kinuha iyon.
"Pakidala naman sa storage room ng gymnasium, Dennis. May meeting kasi ang faculty namin. Ikaw lang nakita kong puwede ngayon, e. Ayos lang ba?"
Kapag sinabi ba niyang hindi, papayag 'to? E, naabot na nga kaagad sa kanya 'tong mga bola tapos aalma pa siya?
Pekeng ngiti ang ginawa niya na hindi nito pansin at tumango siya rito. "Okay po, ma'am."
"Naku, thank you talaga, Dennis!" Hindi rin siya nakaalma nang pisilin nito ang pisngi niya bago umalis.
Masamang tingin ang binigay niya sa direksyon nito at agad pinunas ang mukha niya sa manggas ng uniporme. Kahit kailan talaga! Tuwing nakikita siya ng teacher na 'to, puro utos ang sinasabi sa kanya! May kasama pang pagpisil sa mukha niya! Parang sumu-sweldo siya kung utusan nito, a?!
Pinilit ni Dennis na hindi ipakita ang inis habang buhat ang nets. Pero dahil nakakangalay, binaba niya sa sahig ang nets at pahatak na lang ang gawa niya.
"Ako na."
Bumaling ang tingin ni Dennis sa taong kumuha mula sa kamay niya ng mga hawak. Si Raymond ang bumungad sa kanya. Effortless nitong binuhat ang dalawang nets at isa na lang natira sa kamay niya kaya hindi na mahirap buhatin.Dahil natigilan si Dennis, naunang maglakad si Raymond papunta sa direksyon ng gym. Napalatak siya. Bakit ba pakiramdam niya, buntot niya 'tong si Raymond?Huminga siya nang malalim at sumunod kay Raymond. Agad naman siyang nakahabol at sabay silang naglakad nito."Bakit ba gustung-gusto mong pahirapan ang sarili mo? Uso ang tumanggi. Para lang magmukhang mabait sa paningin nila, magpapanggap ka? Ano, para matanggap ka?"Dahil ilang beses na niyang narinig ito mula kay Raymond, hindi na siya nakaramdam ng galit. Hindi na lang siya kumibo pero sa loob-loob kahit siya, iyon ang tanong sa sarili na alam naman din niya ang sagot.Bakit ba gusto ni
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ง๐ต๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ป๐Hanggang ngayon, nagbabalik sa isipan ni Dennis ang sinabi ni Ervin. Ervin told him that he's not into guys but the exception of that was Aldrin.Aldrin. Si Aldrin iyon at hindi magiging siya.Nag-play muli sa utak ni Dennis ang naging usapan nila ni Ervin."Magkagusto? Ah... hindi, e.""Wala akong gustong iba bukod kay Aldrin," tuloy nito sa sinabi. Nanlaki ang mga mata ni Dennis at nakanganga na tumitig kay Ervin. Talagang sinabi nito ang totoo! Natawa si Ervin sa mukha niya."Nakakagulat ba? Siya lang ang gusto ko, Dennis. Wala na akong nagustuhan na iba bukod kay Aldrin." Iniwas nito ang tingin at binalik ang pagtanaw sa malayo.Natulala si Dennis sa narinig dahil kahit alam niyang may gusto si Ervin kay Aldrin, iba pa rin kapag sinabi na nito talaga."S-sigurado
Balak na niyang i-cancel ang tawag nang mag-connect iyon. Narinig ang baritono ngunit may pang-iinis na boses ni Raymond sa kabilang linya."Napatawag ka? Bakit, miss mo 'ko?" tukso nito.Gustong ibaba ni Dennis ang tawag pero hindi niya ginawa. Imbes, nagsalita siya."Puwede ka ba ngayon?" May panlalatang mahihimigan sa boses ni Dennis."Ha? Bakit? May nangyari ba?" Mukhang nabigla si Raymond sa tanong niya kaya bakas sa boses nito ang alinlangan.Hindi siya kumibo at sandali ring natahimik si Raymond. Mayamaya, nagsalita rin ito."Nasaan ka ba?"Luminga si Dennis sa paligid. Dinala siya ng mga paa sa may intersection. Kung didiretso siya ng lakad, papunta iyon sa school nila. Kung sa kaliwa o kanan naman, may mga establisiyementong puwedeng tambayan."Malapit sa may intersection.""Ah, diyan pala. Sige hintayin mo 'ko."
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฟ๐๐ป๐ธNasa likod ni Raymond ngayon ang lasing na lasing na si Dennis. Pinasan na niya ito dahil muntik nang masubsob sa daan ang isa noong tinangkang maglakad. Ayaw naman niyang makitang nagda-dive ito sa daan. Kung hindi lang siya nag-aalala rito, baka hinayaan niya ito. Iinom ng alak, hindi naman pala kaya."Ang panget mo 'lam mo 'yon? Shi Raymond ay panget..." bulong ni Dennis sa may leeg niya na nagpakiliti at nagpanindig ng balahibo sa leeg ni Raymond. Mukhang gising pa ang buhat niya ngunit antok na antok na base sa kilos nito.Tangina. Pahirap kahit kailan 'to, e! Sinabihan na siyang pangit, tinutukso pa siya! Tangina talaga!"Saan bahay n'yo? Ihahatid kita," aniya kay Dennis at tinapik ang kanang binting hawak niya."Ba...hay? Ayo...kong... omowe... galet ako sa mame kow..." na sinabayan nito ng tawa. Napangiwi si Raymond. Naloko na talaga.
Nakarating din sila sa bahay. Hindi alam ni Raymond kung anong oras na pero alam niyang inabot sila nitong si Dennis ng hatinggabi. Matagal na lakaran ang nangyari na dapat thirty minutes walk lang.Dahil hindi niya mabuksan ang gate, sumigaw siya. Alam niyang nasa sala pa ang kuya niya dahil naglalaro ito ng ML. Laging nakadikit 'yon sa WiFi modem. Feeling daw kasi nito, mas malakas ang sagap ng internet kapag malapit sa modem."Kuya! Pabuksan ng gate!""May laban kami, teka! Putragis ka, Ray, nakikisabay ka! 'Pag bumaba rank ko, humanda ka sa akin!""Dali na! Nangangalay na 'ko!" reklamo ni Raymond."May kamay ka, 'di mo kayang buksan ang gate?" galing sa loob ng bahay na sigaw ng kuya niya."May hawak nga 'ko! 'Tsaka nakakandado na! Ano isususi ko, ilong ko?!""Ano ba 'yang ingay na 'yan? Hatinggabi na, nangbubulahaw pa kayo?!" Bumukas ang bintana mula sa second
"Siraulo ka! Mali ka ng iniisip, 'no!"Tumawa ang kapatid niya. "Bakit, ano bang iniisip ko?"Natahimik siya pero masama ang tingin sa kapatid.Kinuha ni Raysen ang cellphone na nakapatong sa center table, tumayo at dumiretso sa hagdan. Ngunit bago ito umakyat, nagsalita pa ito."Use protection, bunso, a? 'Tsaka dapat may consent ng kaibigan mo, baka makasuhan ka ng rape.""Gago!" malutong na mura ni Raymond. Papatayin niya talaga ang WiFi mamaya! Bahal itong magwala. Makikita talaga ng kuya niya!Malutong na halakhak nito na papalayo ang narinig niya bago tumahimik. Ang tanging naririnig niya na lang ng mga oras na iyon ay ang mahinang hilik ni Dennis.Sinulyapan ito ni Raymond at bumuntong hininga. Bahala na nga! Hinawakan niya ang dulo ng shirt ni Dennis at itinaas para mahubaran ito pero nasa kalagitnaan na siya nang m
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ฒ๐๐ณ๐ณ๐ถ๐ป๐ถ๐๐"Kain lang, Dennis, marami pang pagkain, o?" Nilagay ng mama ni Raymond ang sunny side-up egg sa plato ni Dennis at kumuha rin ng bacon strips para sunod na ibigay sa kanya.Kanina, pagkagising pa lang, pinag-init siya ng mama ni Ray ng gatas at pinainom para bumaba raw ang tama ng alak sa sistema niya. Pinahiram naman siya no'ng isa sa kuya ni Ray ng spare na damit para makapagbihis. Gulat na gulat siya dahil kahit kailan, wala pang nag-asikaso sa kanya nang ganito tulad ng pamilya ni Raymond.He smiled helplessly. He was feeling shy but deep inside, he felt the warmth of a family. This is what he's loooking for at his family but never get it. Hindi niya akalain na makukuha niya ang pakiramdam na iyon sa pamilya ni Raymond kahit ngayon lang.Inabot ni Raymond sa kanya ang bandehado ng kanin at kumuha siya nang kaunti. Hindi niya napansin na nagti
Busy si Dennis sa paghihimay ng pritong Tilapia para sa lola niya. Oras na ng pagkain at siya na ang umasikaso dito. Ganito ang ginagawa ni Dennis tuwing dadalaw siya."Ano pang gusto mong ulam, 'La?"Nagpunas siya ng kamay dahil tapos na siya sa isda pero tingin ni Dennis, kulang ang ulam ni lola kaya kailangan niyang dagdagan.Itinuro nito ang Menudo at pagkatapos iyong Tinolang Manok. Lumapit siya sa main table at kumuha ng mga mangkok. Nilingon niya ang matanda. "'La, konti lang sa Menudo, ha? Alam n'yong mahina na ang panunaw n'yo. Dadamihan na lang natin ng sabaw."Nakangiting tumango ang matanda at nang matapos siyang magsandok ng pagkain, nilagay niya ang mga 'yon sa food tray bago nagtungo sa matanda.Umupo si Dennis sa harap nito, ipinatong ang tray sa mesa bago inihain sa lola niya."Kain na kayo, 'La," aniya.