EXTRA #4: Wedding
"Thank you so much for your help, Syrius. Kung hindi dahil sa ’yo, baka kung saan ako pinulot."
Malaki ang pasasalamat niya kay Syrius. Dennis just realized, if Syrius didn’t give him an advice from time to time, he will screw things up. Kung hindi rin nito hinanap ang tatay niya, baka natagalan pa ang paghaharap nila ng ina.
A lot of years already passed but Syrius remained the same. Ito pa rin ang kaibigan na matatakbuhan niya kapag may problema siya at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nito iniwan.
Mahinang tumawa si Syrius. Kinabig siya nito para yakapin. Nakailang tapik sa likod niya si Syrius bago siya nito bitiwan.
"Are you happy?" tanong nito pagbitiw sa yakap. Tumango-tango siya at ngumiti rito. Syrius also smiled at him. "Iyon lang naman ang gusto
EXTRA#5: Glimpse in the mundane life of Dennis Raymond was having a dinner with Dennis and their son at their restaurant when Den's handphone that was placed on the table suddenly rang. Agad na masamang tingin ang ipinukol niya r'on at bahagya na lang siyang nginitian ng asawa. Sinagot nito ang phone at nakita niya ang pagseryoso ng mukha ni Dennis."There's an emergency?! Is there any casualties?"Agad itong tumayo at dinampot ang mini bag nito at isinukbit iyon sa katawan."You're going to work, 'Dy? You didn't finish eating your food pa po?" tanong ni Ramiel dito at itinuro ang pinggan nito.Yinuko ni Dennis ang ulo para magtapat ang mukha nila ng anak. "Yes, I'm sorry, baby, but Daddy's gotta go to hospital. Sabayan mo na lang si Papa Raymond mong kumain, okay? Babalik din ako."Malungkot na tumango si Ramie
PrologueFakeInis na binabagtas ni Raymond ang pagbalik sa classroom dahil nalimutan niyang dalhin ang drawing board niya. May binigay pa namang homework ang Drafting Teacher nila na si Mr. Pagdanganan at kung hindi niya magagawa iyon, paniguradong magja-jumping jack uli siya sa harap ng klase sa buong durasyon ng pagtuturo ng teacher na 'yon. Iyon kasi ang ginawa niya nang minsang mahuli sa klase.Malapit nang mag-alas sais ng gabi at ayaw naman ni Raymond na abutan ng pagsasara ng gate kaya mabilis na ang lakad niya. Bakit ba kasi malilimutin siya?"So, Dennis, iiwan ko sa'yo 'tong test papers, a? Paki-check na lang, ano? Nandito na 'yong answer keys.""Sige po, ma'am. Ako na po ang bahala."Natigil si Raymond sa paglalakad dahil sa narinig. Ginalaw niya ang ulo at sinilip kung nasaan ang ingay at nakita niya si Dennis kasama ang Math Teacher nila na magkausap at nakaupo sa upuan ng mini st
𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗢𝗻𝗲𝗖𝗿𝘂𝘀𝗵Binalibag ni Dennis ang mga papel na hindi tapos-tapos na pinasa sa kanya. Tama lang na may ilang sentences ang nakalagay d'on, ni hindi man lang nabuo bilang paragraph. He's irritated!Kulang-kulang ang pinasang gawa sa kanya para sa group project nila. Ang mangyayari, siya na naman ang magtatapos ng report.Fuck this day!"O, inumin mo para sa init ng ulo mo." May coke na lumitaw sa mesa kung saan nakapatong ang laptop ni Dennis. Tumingala siya at dumapo ang mga mata kay Raymond na may iniinom ding Coke.Naka-uniporme pa rin ito ngunit bukas na ang polo kaya kita ang suot na puting sando nito. Hindi niya alam kung bakit nakita na naman siya nito gayong nasa tagong parte na nga siya ng school. Minsan, gusto niya nang maniwala sa bi
Sa buwisit niya, hindi na siya nag-reply pang muli. Bahala na 'yong gagong iyon. Inayos niya ang mga pinasa sa kanya at nang makitang ayos nga ang mga 'yon, pinagsasama-sama ni Dennis ang lahat at nag-print para ipa-check sa teacher nila.Mayamaya lang ay natapos na rin siya kaya malaki ang ngiti niya. Sa hula niya, hindi na ipapa-revise pa ng teacher ang pinasa nila. Kung hindi A+, A ang magiging grade nila sa subject na ito.Nang tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama ay nalagpasan niya ang mga medalyang nakasabit sa dingding ng kwarto. Sandali siyang lumingon doon at nakaramdam ng satisfaction dahil alam niya kapag naipakita niya ito sa ina Kapag may oras na ito, magiging proud ito sa kanya.Pagtapos ay lumabas si Dennis ng kwarto para kumuha ng pagkain sa ibaba. Hindi pa pala siya kumakain ng hapunan at kumakalam na ang sikmura niya.Bumaba si Dennis at naghanap sa refrigerator ng puwedeng
𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝘄𝗼𝗤𝘂𝗲𝘀𝘁𝗶𝗼𝗻Tapos na ni Dennis lahat ng kailangang gawin ngayong gabi pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tanging pag-scroll sa Facebook ang ginagawa niya habang nakahiga.Dahil wala pa ring makakuha ng atensyon niya, binagsak niya ang cellphone sa kama at tumitig siya sa kisame.Madilim ang kwarto niya dahil pinatay niya ang ilaw at tanging ilaw mula sa katabing poste ng streetlight ang nagsisilbing liwanag sa loob ng bedroom niya.Another sleepless night.Dennis let out a breath. His insomnia is manifesting again and he's sure that it will last until sunrise. Because he really couldn't sleep, he picked his phone again to look for something funny or interesting to pass his time.When he opened his Facebook app, he saw that Ervin posted something on his wall an hour ago. Agad niyang ni-like iyon bago niya
Bumaling ang tingin ni Dennis sa taong kumuha mula sa kamay niya ng mga hawak. Si Raymond ang bumungad sa kanya. Effortless nitong binuhat ang dalawang nets at isa na lang natira sa kamay niya kaya hindi na mahirap buhatin.Dahil natigilan si Dennis, naunang maglakad si Raymond papunta sa direksyon ng gym. Napalatak siya. Bakit ba pakiramdam niya, buntot niya 'tong si Raymond?Huminga siya nang malalim at sumunod kay Raymond. Agad naman siyang nakahabol at sabay silang naglakad nito."Bakit ba gustung-gusto mong pahirapan ang sarili mo? Uso ang tumanggi. Para lang magmukhang mabait sa paningin nila, magpapanggap ka? Ano, para matanggap ka?"Dahil ilang beses na niyang narinig ito mula kay Raymond, hindi na siya nakaramdam ng galit. Hindi na lang siya kumibo pero sa loob-loob kahit siya, iyon ang tanong sa sarili na alam naman din niya ang sagot.Bakit ba gusto ni
𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗧𝗵𝗿𝗲𝗲𝗖𝗼𝗻𝗳𝗶𝗱𝗮𝗻𝘁Hanggang ngayon, nagbabalik sa isipan ni Dennis ang sinabi ni Ervin. Ervin told him that he's not into guys but the exception of that was Aldrin.Aldrin. Si Aldrin iyon at hindi magiging siya.Nag-play muli sa utak ni Dennis ang naging usapan nila ni Ervin."Magkagusto? Ah... hindi, e.""Wala akong gustong iba bukod kay Aldrin," tuloy nito sa sinabi. Nanlaki ang mga mata ni Dennis at nakanganga na tumitig kay Ervin. Talagang sinabi nito ang totoo! Natawa si Ervin sa mukha niya."Nakakagulat ba? Siya lang ang gusto ko, Dennis. Wala na akong nagustuhan na iba bukod kay Aldrin." Iniwas nito ang tingin at binalik ang pagtanaw sa malayo.Natulala si Dennis sa narinig dahil kahit alam niyang may gusto si Ervin kay Aldrin, iba pa rin kapag sinabi na nito talaga."S-sigurado
Balak na niyang i-cancel ang tawag nang mag-connect iyon. Narinig ang baritono ngunit may pang-iinis na boses ni Raymond sa kabilang linya."Napatawag ka? Bakit, miss mo 'ko?" tukso nito.Gustong ibaba ni Dennis ang tawag pero hindi niya ginawa. Imbes, nagsalita siya."Puwede ka ba ngayon?" May panlalatang mahihimigan sa boses ni Dennis."Ha? Bakit? May nangyari ba?" Mukhang nabigla si Raymond sa tanong niya kaya bakas sa boses nito ang alinlangan.Hindi siya kumibo at sandali ring natahimik si Raymond. Mayamaya, nagsalita rin ito."Nasaan ka ba?"Luminga si Dennis sa paligid. Dinala siya ng mga paa sa may intersection. Kung didiretso siya ng lakad, papunta iyon sa school nila. Kung sa kaliwa o kanan naman, may mga establisiyementong puwedeng tambayan."Malapit sa may intersection.""Ah, diyan pala. Sige hintayin mo 'ko."