๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฟ
๐๐ฟ๐๐ป๐ธ
Nasa likod ni Raymond ngayon ang lasing na lasing na si Dennis. Pinasan na niya ito dahil muntik nang masubsob sa daan ang isa noong tinangkang maglakad. Ayaw naman niyang makitang nagda-dive ito sa daan. Kung hindi lang siya nag-aalala rito, baka hinayaan niya ito. Iinom ng alak, hindi naman pala kaya.
"Ang panget mo 'lam mo 'yon? Shi Raymond ay panget..." bulong ni Dennis sa may leeg niya na nagpakiliti at nagpanindig ng balahibo sa leeg ni Raymond. Mukhang gising pa ang buhat niya ngunit antok na antok na base sa kilos nito.
Tangina. Pahirap kahit kailan 'to, e! Sinabihan na siyang pangit, tinutukso pa siya! Tangina talaga!
"Saan bahay n'yo? Ihahatid kita," aniya kay Dennis at tinapik ang kanang binting hawak niya.
"Ba...hay? Ayo...kong... omowe... galet ako sa mame kow..." na sinabayan nito ng tawa. Napangiwi si Raymond. Naloko na talaga.
Nakarating din sila sa bahay. Hindi alam ni Raymond kung anong oras na pero alam niyang inabot sila nitong si Dennis ng hatinggabi. Matagal na lakaran ang nangyari na dapat thirty minutes walk lang.Dahil hindi niya mabuksan ang gate, sumigaw siya. Alam niyang nasa sala pa ang kuya niya dahil naglalaro ito ng ML. Laging nakadikit 'yon sa WiFi modem. Feeling daw kasi nito, mas malakas ang sagap ng internet kapag malapit sa modem."Kuya! Pabuksan ng gate!""May laban kami, teka! Putragis ka, Ray, nakikisabay ka! 'Pag bumaba rank ko, humanda ka sa akin!""Dali na! Nangangalay na 'ko!" reklamo ni Raymond."May kamay ka, 'di mo kayang buksan ang gate?" galing sa loob ng bahay na sigaw ng kuya niya."May hawak nga 'ko! 'Tsaka nakakandado na! Ano isususi ko, ilong ko?!""Ano ba 'yang ingay na 'yan? Hatinggabi na, nangbubulahaw pa kayo?!" Bumukas ang bintana mula sa second
"Siraulo ka! Mali ka ng iniisip, 'no!"Tumawa ang kapatid niya. "Bakit, ano bang iniisip ko?"Natahimik siya pero masama ang tingin sa kapatid.Kinuha ni Raysen ang cellphone na nakapatong sa center table, tumayo at dumiretso sa hagdan. Ngunit bago ito umakyat, nagsalita pa ito."Use protection, bunso, a? 'Tsaka dapat may consent ng kaibigan mo, baka makasuhan ka ng rape.""Gago!" malutong na mura ni Raymond. Papatayin niya talaga ang WiFi mamaya! Bahal itong magwala. Makikita talaga ng kuya niya!Malutong na halakhak nito na papalayo ang narinig niya bago tumahimik. Ang tanging naririnig niya na lang ng mga oras na iyon ay ang mahinang hilik ni Dennis.Sinulyapan ito ni Raymond at bumuntong hininga. Bahala na nga! Hinawakan niya ang dulo ng shirt ni Dennis at itinaas para mahubaran ito pero nasa kalagitnaan na siya nang m
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ฒ๐๐ณ๐ณ๐ถ๐ป๐ถ๐๐"Kain lang, Dennis, marami pang pagkain, o?" Nilagay ng mama ni Raymond ang sunny side-up egg sa plato ni Dennis at kumuha rin ng bacon strips para sunod na ibigay sa kanya.Kanina, pagkagising pa lang, pinag-init siya ng mama ni Ray ng gatas at pinainom para bumaba raw ang tama ng alak sa sistema niya. Pinahiram naman siya no'ng isa sa kuya ni Ray ng spare na damit para makapagbihis. Gulat na gulat siya dahil kahit kailan, wala pang nag-asikaso sa kanya nang ganito tulad ng pamilya ni Raymond.He smiled helplessly. He was feeling shy but deep inside, he felt the warmth of a family. This is what he's loooking for at his family but never get it. Hindi niya akalain na makukuha niya ang pakiramdam na iyon sa pamilya ni Raymond kahit ngayon lang.Inabot ni Raymond sa kanya ang bandehado ng kanin at kumuha siya nang kaunti. Hindi niya napansin na nagti
Busy si Dennis sa paghihimay ng pritong Tilapia para sa lola niya. Oras na ng pagkain at siya na ang umasikaso dito. Ganito ang ginagawa ni Dennis tuwing dadalaw siya."Ano pang gusto mong ulam, 'La?"Nagpunas siya ng kamay dahil tapos na siya sa isda pero tingin ni Dennis, kulang ang ulam ni lola kaya kailangan niyang dagdagan.Itinuro nito ang Menudo at pagkatapos iyong Tinolang Manok. Lumapit siya sa main table at kumuha ng mga mangkok. Nilingon niya ang matanda. "'La, konti lang sa Menudo, ha? Alam n'yong mahina na ang panunaw n'yo. Dadamihan na lang natin ng sabaw."Nakangiting tumango ang matanda at nang matapos siyang magsandok ng pagkain, nilagay niya ang mga 'yon sa food tray bago nagtungo sa matanda.Umupo si Dennis sa harap nito, ipinatong ang tray sa mesa bago inihain sa lola niya."Kain na kayo, 'La," aniya.
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ถ๐ ๐๐ผ๐น๐ฑMonday, past 7 AM in the morning. But it can't be discern inside the room because of the thick curtains hanging on the windows, blocking the sunlight. Dennis lied on the bed, looking at the void.It's too quiet inside this dark room but his mind is full of chaotic noisy thoughts. He knows that it's time for him to go to school but Dennis didn't have the energy to move his body. Even now, he can't take his mind off the things that he suddenly discovered.His grandmother neither confirm nor deny it but he's sure that he hit the bull's-eye this time and now can't face the sudden truth. Ano ba siya? Anak sa una? Anak mula sa one night stand? O wala talaga siyang tatay?Fuck.Dennis feels that his life's coiling down the drain. Too fucked up. Too messy to fix. Ano ba ang dapat itawag niya sa daddy nila? Ah, no. It's only Dave's dad. He doesn't ha
Nakatingin si Dennis sa hawak niyang piraso ng papel. Pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili na mali lang ang basa niya sa pangalan nang magiging partner niya sa Science Experiment pero kahit nakailang basa na siya, ganoon pa rin ang pangalan sa papel.Kanina bago umalis ang teacher nila, pinabunot sila sa box nito ng pangalan ng partner nila. Ngayon, tatlong subjects na ang natapos, hindi pa rin siya kumbinsido sa pangyayari.Shit.Sa lahat pa ng magiging partner, iyong kilala pang takaw sa gulo na kaklase nila. Ayaw nitong gumagawa sa klase at school bully rin 'to.What a bad hand you have, Dennis. You pitted yourself just by choosing that troublemaker for a workmate.May humintong tao sa harapan ng kinauupuan niya. Pag-angat ng tingin ni Dennis, nakita niya si Spencer, iyong partner niya.Ngumunguya ito ng chewing gum haban
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐น๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑAng pagsara nang malakas ng gate ang nakakuha ng atensyon ni Raysen mula sa paglalaro ng ML. Kahit nasa gitna siya ng laban ngayon, binaba niya ang cellphone sa center table at tiningnan ang direksyon ng pinto. Sino kayang siraulo ang nagwawala ngayon?Si Raymond ang pumasok. Ah, siraulo nga.Magkalapat nang mariin ang mga labi nito, magkasalubong ang parehong kilay at madilim ang ekspresyon ng mukha. Galit ang itsura."Anong itsura 'yan at pati si Leonardo Da Vinci, mahihiyang ipinta 'yang mukha mo?" Lumapat sa kanya ang masamang tingin ni Raymond at hinagis nito ang bag sa sofa na kaharap nito."Nabubwisit ako kay Dennis!" Pabagsak itong naupo sa sofa na katabi ng kinauupuan niya. Ngumiwi si Raysen. Kailan ba hindi nabwisit 'tong si Raymond kay Dennis? Eh, kada uuwi 'to mula sa school, bukambibig, si Dennis. Lapit naman nang lapit doon
Nakaalalay si Raymond kay Dennis ngayon. Galing na sila sa clinic at may plaster bandage na sa paa nito gawa ng na-dislocate na buto sa paa. Mabuti na lang at marunong ang doktor dito sa school nila at ilang beses lang inikot ang paa ni Dennis, naibalik din sa ayos iyon. Kundi ba naman kasi lampa, e?! Nadapa lang ito, na-sprain na ang paa?Pabalik sa classroom, hindi sila parehong nagsasalita. Pareho silang nakikiramdam sa isa't-isa, iniisip kung ano ang sasabihin.Si Dennis ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila at nakayuko ito nang bumulong. "S-Sorry..."Hindi kumibo si Raymond. Iniisip niya ngayon ang chibi demon version ni Raysen na nagsasayaw sa utak niya. Tae. Nagdilang-demonyo 'to at nanalo nga ang bwisit.Kung hindi lang nagbabasa-basa ng Psyche books iyong isang 'yon, nunca na tanungin niya? Minsan tuloy, 'di niya alam kung nagsasabi ba ng totoo 'yon o ginagago siya, e. P