“WHAT IS HE DOING HERE, MAMA?” bakas ang pagkalito sa anyo na untag ni Hajie sa ina.Gumuhit ang isang malapad na ngiti mula sa magkabilang sulok ng ga labi ni Tori. Lumuhod siya sa harapan ng anak para magpantay sila. Katulad ng madalas niyang gawin ay inayos niya ang buhok nito na muling nagulo. Tinitigan niya si Hajie saka niya hinawakan ang magkabila nitong kamay.“Uhm, love, he is here because,” simula ni Tori na sandali pang tumigil para tumikhim. Nilingon din niya si Taj na nakatayo pa rin malapit sa pinto. Nginitian niya ito nang mapansin niya ang pangamba sa anyo nito saka siya muling tumingin kay Hajie. “sweet cake, he is your father.” deretsong turan niya sa anak. Hindi niya inalis ang mga mata rito dahil gusto niyang makita ang magiging reaction ni Hajie.Umiral sa loob ng apat ng sulok ng silid ang katahimikan. Hawak pa rin ni Tori ang maliliit na kamay ni Hajie habang si Taj naman ay nabitin yata ang paghinga. Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni
PAGKARATING ni Taj sa bahay niya ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang inang si Alyssa. Panay ang tingin nito sa likuran niya at nang hindi makontento ay sinipat pa nito nang mabuti ang loob ng kanyang sasakyan. Nang hindi makita ang inaasahan ay kunot ang noo na binalingan nito ang anak.Wala namang pakialam na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad si Taj patungo sa hagdan at nilagpasan ang ina. Ni hindi niya pinansin ang dalawa niyang kapatid na parehong nakaupo sa mahabang sofa. Bakas sa anyo nina Claudia at Maddie ang pag-aalala samantalang hindi naman maipinta ang anyo ni Kara. Hindi siya makapaniwala na pumayag siya mapagsolo si Taj at ang babaeng iyon.“Ano ang nangyari?At nasaan ang apo ko?” puno ng pinaghalong pagtataka at diskumpiyadong tanong ni Alyssa kay Taj.Bumuga ng hangin si Taj saka siya tumigil sa paglalakad. Nilingon niya ang ina at tiningnan ito nang seryoso.“He’s with his mom,” simpleng sagot niya na hindi man lang kumurap nang makita niyang naningkit ang mga mata
HULING ARAW na ni Tori sa Sebastian Plantation bilang sekretarya ni Taj at sa totoo langg ay nalulungkot din siya. Kahit paano kasi ay napalapit na rin sa kanya ang mga naging katrabaho niya roon, maging ang magkaibigang Sandra at Hannah na dati ay palagi pa siyang sinusungitan.“So, sure ka na talaga?” untag ni Hannah kay Tori.Kasalukuyan silang nasa canteen na katabi lang din ng administration building kung saan sila nag-o-opisina . Break time at kagaya ng madalas nilang gawin ay nagpapalipas na naman sila ng oras roon habang nagka-kape.Napatigil sa akmang pagsubo ng hawak na turon si Tori. Ibinaba niya ang hawak sa kaharap na platito bago tumango ng dalawang beses.“Uh-huh,” maikling tugon niya saka dinampot ang tasang may lamang umuusok na black coffee.Biyernes na at nagkataon pang araw ng sahod kaya buhay na buhay ang lahat. Katulad ng palagi nilang ginagawa ay napagkasunduan na naman ng ilan na pumunta sa Drifting Mist. Dati ay sumasama si Tori sa mga ito pero ngayong kasama
“SO, KAILAN mo balak magk’wento?”Napatingin si Tori sa kaharap niyang si Cynthia. Saglit siyang natigilan at napatitig sa babaeng sa maikling panahon ay itinuring na niyang kaibigan. Dahil sa pagiging istrikto ng Mommy niya ay hindi nagkaroon si Tori ng pagkakataon na magkaroon ng totoong kaibigan. Palagi kasing nakabantay ang kanyang ina sa lahat ng mga ginagawa niya, to the point na pati ang mga taong napapalapit sa kanya ay kailangan pa ng approval nito. Noong una ay ayos lang naman iyon kay Tori pero sa mga nakalipas na taon habang nasa ibang bansa siya at mag-isang hinaharap ang bagong buhay bilang isang ina ay napagtanto niya kung gaano ka-importante ang pagkakarooon ng kaibigan. And that’s when Wanji came into the picture. Dumating ang lalaki sa panahong kailangang-kailangan niya ng masasandalan. Isang filipino-chinese ang lalaki na nakabase sa Los Angles. Noong una ay nagduda pa siya sa pakikipaglapit nito sa kanya lalo pa nga at hindi pa rin tuluyang humuhupa ang mga isyu
“TOTOO BA NA ang dating mong asawa na si Taj Sebastian ang ama ng anak mo, Tori?” Iyon kaagad ang isa sa maraming tanong ang sumalubong kay Tori pagkalabas niya ng R5 network na pag-aari ri ng mga Rodriguez. Katatapos lang ng guesting niya para sa isang midnight talk show at kasalukuyan silang naglalakad patungo sa sasakkyan nila.Pagkatapos ng announcement tungkol sa pagkaka-postpone ng kanyang comeback tour ay ngayon lang muling lumitaw sa national TV si Tori. At alam din niyang may pakpak ang balita kaya hindi na siya nagtataka kung nakatunog ang media tungkol sa anak niya.“You heard what you heard and that’s just what it is.” maikling tugon niya sa nagtanong bago itinuloy ang paghakbang palabas.Kaagad namang pumagitna ang publicist ni Tori pati na rin ang manager na si Ember.“I’m so sorry pero ang lahat ng inyong mga katanungan ay masasagot lamang ni Tori sa isang exclusive one on one interview with Miss Cheska. For now, wala ho muna kaming sasabihing kahit na ano.” sabi ng ma
GREENWOODS CABIN, isang private farm resort na pag-aari ni Taj na nasa pusod ng Sebastian Plantation. Mayroong isang malaking swimming pool na para sa adults at isa pa na para naman sa mga bata. Mayroon ding sampong native style na cottages na nakapalibot sa marahil ay four thousand square meters na farm resort. Isang main hall kung saan gaganapin ang birthday party ni Hajie at isa pang extra hall para naman sa gustong kumanta dahil mayroong videoke machine doon. All in all ay napaka-ayos ng paligid.Hindi naman ganoon karami ang imbitado sa ika-limang kaarawan ni Hajie. Ilang malalapit na kaibigan at kapamilya lang ni Taj ang naroon samantalang si Tiya Belen lang ang pumunta sa ilang natitirang kamag-anak ni Tori. Hindi naman siya malapit sa mga kapatid niya sa ama kaya hindi na niya sinubukang imbitahan. Pumunta rin ang ilan sa mga naging malapit sa kanya sa opisina ni Taj kagaya ng magkaibigang Sandra at Hannah saka sina Troy at Lenon.Dumating din ang mag-asawang Cynthia at Raymo
MANGGAHAN FESTIVALGUIMARAS“Good evening, Jordan!” malakas na sigaw ng babaeng host na ang tinutukoy ang mga mamamayan ng Jordan, ang kapital ng probinsiya ng Guimaras. Umikot ang kanyang paningin sa malawak na open ground at kaagad na sumilay ang matamis na ngiti mula sa magkabilang sulok ng kanyang labi.Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyawan na may kasamang sipol, tanda ng kasiyahan ng lahat ng naroon at pakikiisa sa pagdiriwang ng Manggahan Festival.“Happy festival po sa ating lahat ng mga na naririto ngayong gabi. Alam ko pong marami sa inyo rito ay galing pa sa iba’t-ibang bayan ng Guimaras kaya isa pong mainit na pagbati para sa ating lahat. Isa na naman pong masaganang taon ang ibinigay sa atin ng ating Panginoon kaya naman narito tayo ngayon para ipagdiwang ang taonang Manggahan Festival, isang selebrasyon ng pasasalamat para sa masagang taon.” patuloy ng host na hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti sa mga labi.Napakaganda ng gabi. Banayad at malamig ang
NAPATIGIL SA KANYANG ginagawa si Taj nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na tunog mula sa nakasaradong pinto ng kanyang opisina. Mula sa kanyang binabasang dokumento ay saglit siyang nag-angat ng paningin bago nagsalita.“Come in,” aniya.Dahan-dahan bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang sekretarya niyang si Cynthia.“Sir?” may bahid ng pag-aalangan sa tinig na tawag-pansin ni Cynthia kay Taj.“What is it?” tanong ni Taj habang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa kanyang binabasa.Maraming pending papers na kailangang pirmahan si Taj dahil na rin sa ilang sunod-sunod na mga pangyayari. Kailangan niyang mapirmahan ang lahat ng iyon hanggang bukas dahil lilipad naman siya patungo sa Manila para sa kanyang weekly meeting kasama ang board of directors ng Consunji Real Estate and Construction Company.“May gusto pong makipag-usap sa inyo.” turan ni Cynthia habang nakatayo sa harapan ng mesa ng kanyang boss.Napatigil si Taj sa akmang pagpirma sa hawak na papeles. Kumunot