Share

My Troubled Visitor
My Troubled Visitor
Author: TheGoodBoySide

Prologue

Ako si Jayden Lazaro.

For a 19-year-old guy, I am living my life on my own. In other words, namumuhay ako nang mag-isa — sa sarili kong mga paa.

I am living my life independently for a reason.

Anak ako sa labas ng tatay kong magaling. Ang nanay ko naman, masakit mang isipin pero she has a new family now. Ipinaubaya niya ako sa mga tiyahin ko noong maliit pa lang ako. Nope, hindi naman sila 'yong tipo ng mga malulupit na tiyahin katulad noong mga napapanuod natin sa mga cliché na teleserye sa TV. Mababait sila sa akin but they cannot maintain my finacial needs anymore.

Ang ending, napunta ako sa side ng tatay ko — iyong mismong tunay niyang pamilya.

But fate challenged me. Hindi naging maganda ang treatment sa akin noong pamilya niya. Mabait naman 'yong tatay ko at alam kong may pakealam siya sa akin. Kaya lang, hindi ko na rin natagalan ang mga pangmamaliit ng mga stepbrothers at ng madrasta ko. So what I did, umalis ako without saying any words. Iyon naman 'yong gusto nila eh. Kaya iyon ang ginawa ko.

I promised myself that day na kailangan ko nang mabuhay na hindi dumedepende sa iba — kahit na 'yong mga taong related sa akin. Napatunayan ko kasi sa sarili ko na ako at ako lang talaga ang magse-save sa sarili ko sa huli. Natuto akong tumayo sa sarili kong paa at mga kakayahan. So here I am.

That was 2 years ago.

Ang magsimulang mabuhay nang mag-isa ay hindi madali. Pumasok ako sa iba-ibang part-time jobs habang pinagpapatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Dalawang taong kurso ang kinuha ko. Pagkatapos no'n ay kung anu-anong trabaho na ang mga pinasukan ko, basta legal at matino. Mula sa isang simpleng apartment, kumuha ako ng isang bahay na kailangan kong hulugan for 10 years. Yes, it's a big risk pero I took it to challenge myself.

I managed to work as a resort manager at day and a solo song performer naman sa isang bar kapag gabi.

Everything is fine. Maayos na ang buhay ko. May sarili na akong bahay. May sarili na rin akong perang ginagamit sa mga bagay na gusto at kailangan ko. Sapat na iyon para mabuhay ako on my own. But I know, something's not good enough.

Sa sobrang focus ko sa pag-aayos ng sarili kong buhay at trabaho, nakalimutan kong hindi lang umiikot doon ang buhay ng tao.

I forgot that one thing called Love.

At times when I was hoping to find love, tsaka nangyari ang isang bagay na bumago sa buhay ko.

A man came into my life — accidentally.

He got me into so much trouble.

All this time, I thought I found him.

But then I realized...

It was him who found me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status