Share

Chapter 5

J A Y D E N

"Kapag nasanay, mahirap mag-goodbye."

Sa isang linggong pinatuloy ko sa bahay ko ang estrangherong si Johnson, dapat lang na maging masaya ako na aalis na siya dito.

Kasi magiging normal na ang lahat. Hindi na ako matatakot para sa sarili kong buhay. Everything will go back to the way it used to be.

Pero bakit gano'n?

Bakit parang sa loob ng pitong araw na nandito siya, nasanay yata akong may ibang tao dito sa bahay ko? Nasanay akong kasama siya.

Wala lang 'to, siguro nga gano'n lang ako ka-dali na-attached sa kanya at mabilis na napalapit ang loob ko kay Johnson.

Itinuring ko na siyang isang kaibigan mula noong gabing nag-usap kami tungkol sa buhay niya at kung bakit gusto siyang patayin ng mga taong nanakit sa kanya.

Nalaman ko na anak rin siya sa labas ng tatay niya, katulad ko. I see myself in him.

Pakiramdam ko, marami kaming pagkakatulad.

I-kinwento rin niya ang lahat. Kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon at kung bakit gusto siyang ipapatay ng sarili niyang ka-dugo.

Oo, tama. Pumunta siya sa Pilipinas para bisitahin ang lolo niya. Malaki ang galit sa kanya ng ibang kamag-anak niya dito, lalo na ang kanyang nakatatandang stepbrother — na gusto siyang ipapatay.

Bakit? Katulad ng mga napapanuod natin sa mga teleserye, gusto siyang mawala ng kuya niya dahil sa pa-mana na matatanggap nito kapag namatay ang kanilang lolo — ang may hawak ng mga kayamanan ng pamilya nila.

Lalo pang tumindi ang galit nito sa kanya nang malaman na, 60 percent ng mana ay mapupunta kay Johnson. Bilang dalawa lang silang magkapatid na maghahati sa pera kapag namatay ang lolo nila, ang 40 percent ay mapupunta sa stepbrother niya — at hindi iyon matanggap ng kuya niya.

Kaya naisip nitong ipapatay si Johnson nang malaman na uuwi ito ng bansa.

Plano rin ng stepbrother niya na ipapatay ang kawawa nilang lolo para mas mapa-dali ang proseso ng pagtanggap ng mana nito.

Oh, 'diba? Oo, alam ko. Maging ako rin ay nagulat sa i-kinwento niya sa akin. Akala ko ay sa mga teleserye at pelikula lang iyon nangyayari, without realizing na may mga gano'n palang tao sa totoong buhay.

Well, kung sino man 'yong stepbrother niya na 'yon ay isa siyang kampon ng kadiliman.

Sino bang matinong tao ang ipa-papatay ang sariling kapatid at ang lolo niya dahil lang sa pera?

Gustong-gusto kong tulungan si Johnson pero wala akong magagawa. Hindi ko rin alam kung paano 'yon gagawin.

Ngayong araw, aalis na siya para puntahan ang lolo niya sa malayong probinsya ng Belio Rico . Wala akong ideya kung saan ang lugar na iyon. Ang alam ko lang, base sa ginawa kong research — naka-locate iyon sa pinaka-dulong bahagi ng bansa.

Gusto ko man siyang pigilan dahil na rin sa pag-aalala, hindi ko rin naman magawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dumito nalang siya sa bahay at magtago. Gustuhin ko man na gano'n nalang, hindi ko pwedeng isa-walang bahala ang buhay ko. Alam niyang hinahanap na siya ng mga taong inutusan ng kuya niya, kaya mas mabuting umiwas ako sa kapahamakan at huwag nang madamay pa.

Gano'n pa man, kinakabahan ako para sa kanya.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?" Tanong ko kay Johnson na inaayos ang laman ng bag na ibinigay ko sa kanya. "Paano kung makaharap mo ulit sila at patayin ka nila?"

Tumingin siya sa akin.

Suot niya ang damit at pantalong ibinigay ko. Nakasuot rin siya ngayon ng sombrero at jacket para kahit papaano ay walang makakilala sa kanya sa labas.

"Kapag hindi pa ako kumilos, baka mahuli na ako. I will never forgive myself, kapag may nangyaring masama kay grandpa." Tugon nito at sinuot na ang bag sa likod niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Kung ako lang ang masusunod, tatawag na ako ng mga pulis ngayon din." Umiling ako pero pilit na ngumiti nalang. "Pero diskarte mo naman 'yan, eh. Isa pa, labas na ako dyan. Gusto ko lang na masigurong magiging okay ka." Sambit ko pa sa kanya na natigilan dahil sa sinabi ko.

"Salamat sa lahat," lumapit siya sa akin at ngayo'y magkaharap na kaming dalawa. "Kung hindi dahil sa'yo, siguro ay wala na ako ngayon. I owe you my life, Jayden." Sambit niya at marahang ngumiti.

Sasagot na sana ako sa sinabi niya pero hindi ko natuloy dahil sa ingay na narinig ko sa labas.

Narinig rin niya iyon kaya pareho kaming nagkatinginan. May mga tao sa labas.

Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung sino ang mga taong nag-uusap sa labas ng bahay ko.

Tatlong lalakeng malalaki ang katawan at maraming tattoo sa mga braso nila ang palapit sa bahay ko. Hindi kaya?

Kinabahan ako bigla at hindi ko mapigilang isipin na ang mga taong 'yon ay ang mga gustong pumatay kay Johnson.

"Sila ang mga tao na 'yon," gulat na bulong ni Johnson sa akin. "Paano sila nakarating dito?" Nagtatakang tanong niya habang ako naman, halos manigas na sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

"Anong gagawin natin?" Mahinang bulong ko kay Johnson. I maybe calm kung titingnan ang istura ko pero nagpa-panic na ako in the inside. "Papatayin nila tayo pareho." Nag-aalalang sambit ko sa nag-iisip na si Johnson.

"KUMATOK KA SA PINTO!" Pareho kaming nagulat nang marinig ang malaking boses na iyon mula sa labas.

Ano nang gagawin ko? Ayoko pang mamatay nang maaga! Sigurado akong kapag nakita nilang kasama ako ni Johnson ay papatayin rin nila ako. Ano nang gagawin namin ngayon?

Di ko namalayan na nanginginig na 'yong tuhod ko at pinagpapawisan na rin ang buo kong katawan nang dahil sa kaba.

Nasa labas lang naman ngayon ng bahay ko ang mga taong gustong pumatay ng tao!

Biglang hinawakan ni Johnson ang mga kamay ko at pinilit akong pa-kalmahin.

"Jayden, kumalma ka nga." Mahinang sabi niya na mahigpit pa ring hawak ang kamay ko. "Hindi tayo mamamatay." Paninigurado niya na pilit pa rin akong kinakalma.

Unti-unting naging kalmado ang katawan ko dahil na rin sa mga sinabi ni Johnson.Kinalma ko rin nang pilit ang sarili ko kahit nandoon pa rin 'yong kaba at pag-aalala.

Nakarinig kami ng malalakas na katok mula sa labas, dahilan para mapatingin ako kay Johnson na pinagpa-pawisan na rin ngayon.

Huminga siya ng malalim at tiningnan ako nang diretso sa mata.

"Anong plano mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Harapin mo sila," tugon niya na ikinagulat ko.

What?! Ipapahamak ba ako ng lalakeng 'to?!

"Gusto mo ba akong mamatay? Kapag hinarap ko sila, baka barilin nila ako bigla. Ayoko!" Mahinang protesta ko habang patuloy pa rin sa pagkatok ang taong nasa labas.

"MAY TAO BA SA LOOB?"

"WALANG SUMASAGOT, BOSS EH."

"MAY MOTOR DITO SA HARAP. MALAMANG AY MAY TAO DYAN SA LOOB."

"KATUKIN NIYO 'YAN AT KUNG WALA PA RING SUMAGOT, SIRAIN NIYO NA!"

Napalunok ako sa mga narinig na pag-uusap nila sa labas ng bahay ko. Sa mga naririnig ko palang na boses, pakiramdam ko ay hindi nila sasantuhin ang kung sino mang lumabas doon sa pinto.

Tapos, gusto pa ng lalakeng 'to na harapin ko ang mga haragan na 'yon?

"Kung pwede lang na ako ang humarap sa kanila, ginawa ko na kanina pa." Bulong ni Johnson sa akin na hawak ang kamay ko. "May plano ako. Kailangan mo lang magtiwala sa akin. Pakiusap." Diretso ang mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Tila na-kumbinsi ako ng mga titig niya kaya kahit natatakot at hindi sigurado, sumang-ayon ako sa gusto niya.

"Anong gagawin ko at anong plano mo kapag hinarap ko na ang mga lalakeng 'yon?" Kabadong tanong ko sa kanya.

Ipinaliwanag sa akin ni Johnson ang lahat nang mabilisan. Kahit kinakabahan pa rin ay sinubukan kong ibalik ang normal na galaw at kilos ko papunta doon sa harap ng pinto.

Hindi ko alam kung anong magiging resulta ng plano ni Johnson na 'to pero wala akong choice ngayon, kung hindi ang magtiwala sa kanya.

Bago buksan ang pintong halos masira na sa lakas ng mga pagkatok ng mga taong nasa labas, napa-sign of the cross ako at naalala ang isang kasabihang galing kay lola.

"Kapag kinakabahan at natatakot, kailangan pa ring sumubok."

Gusto kong dagdagan ang kasabihan na 'yon ni lola at gawing — kahit kinakabahan at natatakot, kailangan pa ring sumubok — kahit di mo alam kung mabubuhay ka pa ba kapag baril na ang nakatutok. Hays.

Bahala na!

"SIRAIN NIYO NA!"

Nang marinig ko iyon ay agad ko namang binuksan ang pintuan at pinakita ang galing ko sa pag-arte.

Pupungas-pungas ako kunwari habang kinukusot ang mga mata ko. Kinakabahan ako pero hindi ko dapat iyon ipakita. Kailangan kong galingan sa pag-arte at mapaniwala sila.

"Who are you?" Pagsisimula kong magsalita ng English sa harapan ng tatlong nakakatakot na lalakeng ito.

Lumapit ang pinaka-malaki sa kanilang tatlo, may mahaba siyang buhok at tadtad ng tattoo sa naglalakihan nitong mga braso.

Masama ang tingin nito sa akin. "May tao ka bang tinatago sa loob ng bahay mo?" Madiin at diretsa niyang tanong sa akin na pilit kinakalma ang sarili sa loob ko.

Kunwari ay hindi ko siya naintindihan at kinunot ang noo ko. "What? I'm sorry but I don't understand you. I came back here from States a few days ago, I cannot speak and understand Tagalog. I'm so sorry, can you speak in English?"Panlilinlang ko sa kanila.

Bigla namang tumawa 'yong dalawang kasama niya sa likod.

"Nako, boss. English-spokening pala 'yan, eh. What now, you will do? Hahaha!" Pang-aasar noong isa niyang kasama.

"Gags! Huwag mo ngang gina-ganyan si boss. She know what to do! 'Diba, boss? Am right?" Isa pa 'to, kung alam lang ng boss nilang ginawa na siyang SHE kahit HE siya.

Ngumiti ako sa boss nilang mukhang naiinis pero nag-iisip kung paano siya makikipag-usap sa inaakala niyang tao na hindi marunong mag-tagalog.

"You...what, ah." Mukhang nahihirapan siya at ang mga kasama niya sa likod ay tinatawanan naman siya, lumingon siya doon at binigyan sila ng masamang tingin. Tumahimik naman sila. "You, hayd...pipol der!" Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin kahit nakakahilo ang English niya.

"What do you mean? There's someone inside my house? No, there's no other people here. I'm all alone here." Sambit ko sa boss nilang natigilan pa at tila hinihimay pa isa-isa ang ibig sabihin ng sinabi ko.

Hindi na siya sumagot pero may itinuro siya sa may sementong hagdan kung saan siya nakatayo. Iyon ang mga patak ng dugo ni Johnson. Nakalimutan ko pala 'yon alisin doon.

Kahit nakaka-timang itong gagawin ko, na hindi naman talaga ginagawa ng isang normal na tao — wala akong choice.

"If you want, you can come inside to check if I'm hiding someone here."

Mukha namang na-intindihan niya iyon at hindi na sumagot pa't pumasok na agad sa loob ng bahay ko.

God knows kung gaano ko hindi ka-gusto ang mga nangyayari ngayon. God knows.

"Boys, pasok!" Pagtatawag niya sa mga kasama niya na pumasok rin sa loob.

"You, ha! You nosebleed, boss! Hahaha!" Sambit noong isa na sinegundahan naman nung isa pa.

"You, wait her. Okey?" Buset, ginawa pa akong babae sa HER na 'yon.

Tumango ako at pumasok na ang mga lalakeng iyon sa bahay ko na akala mo'y may search warrant, na tuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa pinaka-loob.

Ginamit ko naman ang pagkakataon na 'yon para lumabas at puntahan ang naka-sakay na ngayong si Johnson sa motor ko.

"Get in," mahinang command niya na agad ko namang ginagawa.

Sinimulan na niyang pa-andarin ang motorsiklo ko at nang marinig iyon ng mga lalakeng nasa loob ay agad silang lumabas pero huli na ang lahat.

"NAKATAKAS SILA!"

Rinig kong sigaw ng isa sa kanila na sinubukan pa kaming habulin pero mabilis masyado ang pagpapatakbo ni Johnson ng motor, kaya mabilis rin kaming nakalayo agad.

Ito ang plano ni Johnson.

Ang harapin ko ang mga lalake sa labas ng bahay at mag-isip ng kahit anong pwedeng tactics para i-distract sila, kaya ginamit ko ang pagsasalita ko ng English para linlangin sila at lalong malito — mas matagal ay mas sapat na oras para kay Johnson na kumuha ng mga gamit at maghanap ng tamang tiyempo para dumaan sa likuran ng bahay — papunta sa unahan kung nasaan ang motor ko.

Nakalayo na kaming dalawa sa bahay ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil nasa ganitong sitwasyon ako ngayon — kasama niya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi hindi na siya aalis o maiinis dahil mula ngayon ay damay na ako sa problema niya?

Tama nga ang sinabi sa akin ni lola noon.

May mga tao talagang hindi mo inaasahang darating, kaya kailangan mo ulit mag-saing.

Ay mali pala. Hindi pala iyon 'yong sinabi ni lola.

"May mga tao talagang hindi mo inaasahang darating, kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo sa mga bagay na posible mong problemahin."

I need you here, lola. Right here, right now po!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status