J A Y D E N
Ibinaba ko ang bagong timplang kape sa lamesa, dito sa may dining area. Kaharap ko ngayon si Dr. Sebastian, ang doktor na tumingin sa kalagayan ni Johnson.
Siya ang ninong kong doktor na kaibigan ni papa.Madalas kapag may sakit ako na hindi na nadadaan sa simpleng gamot lang na binili sa tindahan, siya 'yong tumitingin at nagpapagaling sa akin.
Hindi na ako madalas nakakabisita sa ospital na pinagta-trabahuhan niya dahil na rin sa pagiging busy ko sa sarili kong trabaho. Hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon pa ulit kami magkikita.
"Kamusta na po siya?" Magalang kong tanong sa kanya, referring to Johnson na nakahiga pa rin doon sa may sofa.
Ibinaba niya muna ang iniinom na kape bago magsalita. "Okay na 'yong lagay niya. Nagcollapse siya due to his wounds and cuts, masyadong marami ang sugat niya sa katawan kaya nag-result 'yon sa mataas na lagnat na nararanasan niya ngayon." Paliwanag ni ninong sa akin. "But don't worry. Maayos na ang lagay ng kaibigan mo. I've injected an anti-bacterial medicine sa katawan niya para hindi na lumala ang mga sugat niya at para mas mapabilis ang paggaling nito. Here are some of my prescription para sa ilang gamot na kailangan niyang inumin in process of his recovery."
Ini-abot niya sa akin ang isang maliit na papel kung saan nakalagay ang reseta ng mga gamot ni Johnson.
"Salamat talaga, ninong." Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti nalang talaga at pumunta kayo dito. I hope, hindi ako nakaabala sa inyo."
Umiling naman siya agad. "Don't mention that. Basta ikaw, inaanak." Ngumiti naman siya sa akin in return. "Would you mind if I ask kung anong nangyari sa kaibigan mo na 'yon? Mukhang malala ang nangyari sa kanya." Pag-uusisa ni ninong kaya napalunok ako bigla ng laway, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
No choice but to make some lies.
"Ah, nadamay po kasi siya sa isang gang-fight. Dinepensahan niya lang 'yong sarili niya kaya siya nagka-ganyan." I smiled. Sana kumagat siya sa hindi ko alam kung effective ko na kasinungalingan.
Tumango naman si ninong. "Have you report it to the police? Serious physical injuries ang tinamo niya. Ano bang klaseng gang-fight 'yon? Kailangan silang managot kung gano'n." Opinyon pa ni ninong, dahilan para mapakamot ako sa ulo ko.
"Ah, eh. Ang mahalaga po muna ay ang recovery niya ngayon, ninong. Saka na po 'yong pagre-report sa mga pulis." Tugon ko.
"Bakit nga pala dito siya nag-i stay sa bahay mo?" Isa pang tanong ni ninong kaya medyo nahirapan na akong sumagot sa kanya. Ano ba 'tong si ninong, ang daming tanong.
"Kasi po, ano." Uminom ako ng kape bago magsalita. "Malayo po 'yong bahay nila at itong bahay ko lang ang pinakamalapit na lugar kung saan siya hinatid ng ibang kaibigan niya. Kaya I took the responsibility for him to stay in my house." Sagot ko na sa tingin ko nama'y nai-tawid ko nang maayos.
Tumango lang si ninong at ngumiti. Sana wala nang kasunod 'yong mga tanong niya. Nakakapagod nang gumawa ng kasinungalingan eh. Hindi kasi ako magaling sa ganitong bagay. Ang hirap pala!
"Hanga talaga ako sa kabaitan mo, inaanak. Pagbutihin mo at I hope na gumaling na sa lalong madaling panahon ang kaibigan mo."
Tumango ako. "Maraming salamat po ulit, ninong."
"Walang anuman 'yon. I-kamusta mo ako sa kanya kapag maayos na 'yong lagay niya." Bilin niya at tumayo na hawak ang bag niya. "Paano, mauna na ako." Paalam nito.
Ngumiti ako at niyakap siya saglit.
"Salamat ulit, ninong. Mag-ingat po kayo."
Hinatid ko siya sa labas at hinintay na makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Tiningnan ko ang lalakeng iyon na nakahiga sa sofa. Mahimbing siya ngayong natutulog at sa tingin ko naman ay maayos na nga ang pakiramdam niya mula nang i-check siya ni ninong.
Somehow, naiinis ako kasi napilitan akong gumawa ng kwento at magsinungaling dahil sa taong 'to. Hindi ako sinungaling na tao pero dahil sa kanya, kinailangan kong maging gano'n — and I hate it.
So much for today. Una, na-puyat ako. Pangalawa, na-late ako sa trabaho. At pangatlo, naging sinungaling ako at the moment. Will it get any worse sa mga susunod na araw? Huwag naman sana.
———
Apat na araw ang lumipas mula noong gabing nakita ko si Johnson sa loob ng bahay ko, duguan at humihingi ng tulong.
Sa loob ng apat na araw na iyon, ako ang nag-alaga sa kanya. Inilipat ko na rin siya doon sa may guest room dahil mukhang hindi makakatulong kung sa sofa ko lang siya pahihigain, for the rest of his healing process. I bought the prescribed medicines that Doc. Seb gave me. So far, okay na ang kundisyon niya. Unti-unti na siyang nakaka-recover.
Nakakatawa lang isipin na naging abala rin ako sa pag-aasikaso sa kanya kahit na hindi ko naman siya ka-ano ano. Hindi rin naman ako sumi-sweldo sa ginagawa ko pero tinuloy ko pa rin talagang tulungan siya.
Sabi nga ni lola sa isa niyang kasabihan, tumulong ka nang walang hinihinging kapalit. Ayan ha, nakakarami na si lola sa akin. Kaunti nalang talaga at ico-compile ko na lahat ng mga kasabihan niya. Gagawin kong isang libro at ibebenta ko sa mga bookstores. Nang sa gano'n, mapa-kinabangan ko iyon sa tamang halaga. Mga Munting Kasabihan Ni Lola. Oh, diba? Title pa lang, mapapabili ka na!
Ano ba 'tong mga iniisip ko? Hays. Si lola kasi, eh.
Kahit gano'n ang sitwasyon ko sa bahay, tuloy pa rin ako sa pagta-trabaho sa resort. Hindi ko iyon pwedeng pabayaan dahil iyon ang main source of income ko. Paano nalang ako kung wala 'yon?
Samantala, tuloy pa rin ang mga secret moves ko para paglapitin sila Zam at Meyer. Although, wala pa masyadong progress dahil sa sobrang manhid ni Meyer. Ewan ko ba sa lalake na 'yon. Obvious na nga na gusto siya no'ng tao, eh. Sobrang bato!
But seriously, sa nangyayari sa akin ngayon ay nagawa ko pa talagang bigyan ng oras ang paglapitin sila ah? Sarili ko ngang love life, hindi ko ma-bigyang-pansin eh. Kaya ma-swerte sila, 'noh.
Matapos ang trabaho ko, dumaan ako sa isang fast food resto para bumili ng dinner. Tinatamad kasi akong magluto kaya doon nalang ako um-order ng kakain ko at syempre, ni Johnson.
Speaking of him, naabutan ko siyang nakaupo sa sofa nang dumating ako.
Ngumiti ito sa akin at gano'n rin naman ako sa kanya. Ibinaba ko 'yong mga dala kong take-out meals sa lamesang kaharap niya.
"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Bumili lang ako sa labas ng pagkain. Wala ako sa mood magluto ngayon kaya ayan muna." Sambit ko.
"Salamat," usal nito habang diretsong nakatingin sa akin. May mga benda at band-aids pa siya sa katawan pero mukha namang medyo okay na 'yon. "Maraming salamat," pag-uulit pa niya na ikina-kunot ng noo ko.
Umiling ako sabay tumawa ng kaunti. "Ano ka ba, pagkain lang 'yan. Huwag ka masyadong magpasalamat." Tugon ko habang ina-unpack iyong mga rice meals sa mga plastics nito. "Ayan. Dito nalang tayo kumain sa box para walang hugasin ngayong gabi." Nakangiting dagdag ko pa sa ngayo'y nakatingin pa rin sa akin na si Johnson. What's the matter, ba?
"No, I mean...thank you for everything." Natigilan ako sa pag-aasikaso ng mga pagkain nang sabihin niya iyon. "Hindi mo ako kilala pero hinayaan mo 'kong manatili dito sa bahay mo. Thank you, Jayden."
Kitang-kita ko ang tila pagkislap ng mga mata niya matapos niyang sabihin sa akin ang mga 'yon. He's sincerely showing his gratitude to me. Napangiti ako dahil do'n.
"Si lola ang pa-salamatan mo. Kung hindi dahil sa mga kasabihan niya ay baka hindi kita tinulungan. Sinunod ko lang ang mga kasabihang naalala kong sinabi niya sa akin dati." Nakatawa kong tugon kay Johnson, na hindi yata naintindihan ang punto ng mga pinagsasabi ko. Umiling naman ako at tiningnan siya. "Aaminin ko, nag-dalawang isip akong tulungan ka noong una. Syempre, inisip ko rin 'yong kaligtasan ko. But I realized, mas kailangan mo ng tulong kaysa sa namumuong takot sa loob ko. Ginawa ko lang siguro 'yong tama."
Ngumiti siya at tumango sa sinabi ko. I can see the sincerity in his eyes. Ngayon ko lang napansin 'yong ganda ng mga mata niya.
"Heto 'yong sa'yo." Ini-abot ko sa kanya 'yong rice meal niyang kaka-bukas ko pa lang. "Heto naman 'yong sakin."
"Salamat."
Hindi ko na siya niyaya doon sa may dining area para kumain. Instead, doon nalang rin ako kumain sa may living room kasama siya.
Matapos kumain, binuksan ko 'yong TV. Sobrang tahimik kasi dito sa bahay at baka rin nababagot siya. Isa pa, ang awkward kaya na may kasama kang taong hindi mo kakilala sa bahay mo tapos ang tahimik pa.
Tumabi ako sa nakaupong si Johnson sa sofa. Hindi pa siya masyadong nagke-kwento tungkol sa kanya at sa buhay niya.
So I took the chance to ask him some questions.
"Taga-saan ka nga pala?" A very common question, yes. Sa dami kasi ng gusto kong itanong, hindi ko na alam kung ano 'yong unang itatanong ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin bago sumagot. "Nakatira ako at ang pamilya ko sa Germany." Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung paano at bakit siya napunta dito kung sa ibang bansa siya nakatira — pero inunahan na niya ako. "I came here just to visit my grandfather. Nasa malayong probinsya siya."
Tumango ako at nag-isip ulit ng mga itatanong sa kanya.
"Do you have brothers and sisters?"
"Only a little sister," he nodded. "Rain ang pangalan niya. She's with my family sa Germany." Pagpapatuloy niya.
Tumango naman ako at humarap na sa TV. Gano'n rin siya. Na-ilang ako bigla nang tumahimik na ulit sa pagitan naming dalawa. Ano pa bang pwedeng itanong?
"Nabanggit mo sa akin na may mga kamag-anak at kaibigan ka dito sa Pilipinas, right?" Pang-uusisa ko at tiningnan siya na nakatingin naman sa TV. "Alam kong wala ako sa lugar para itanong 'to pero...sinabi mong hindi mo na alam kung sino sa kanila ang pagkakatiwalaan mo. What does it mean?"
After I asked that, tumingin siya sa akin nang seryoso. Ilang saglit siyang hindi sumagot. But, he felt the urge yata na sagutin 'yon kaya medyo nahiya ako sa kanya.
"Unlike sa Germany, iba ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko dito. Hindi ko sila mga ka-sundo. Pati ang ilan sa mga kaibigan ko na nakatira dito, they betrayed me. So that, it's hard for me to trust and to figure out who to trust." Hindi na niya in-elaborate 'yong sinabi niya but I can see the sadness in his eyes.
Hindi ko alam kung anong klaseng tiwala 'yong sinira ng mga taong nasa paligid niya, but why do I feel the same sadness that I saw in him? Maybe because I can relate to it?
Tumango ako sa sinabi niya.
"Tama ka," mahina kong sabi habang nakatingin sa may TV. "Mahirap naman talagang magtiwala, eh. Hindi madaling magtiwala pero kapag binigay mo na 'yong pagtitiwala na 'yon sa isang tao, madali naman 'yong nasisira. But, you can't blame it all to them."
Napatingin siya sa akin, as if I said a wrong statement. "Why do you say so?" Seryoso niyang tanong na tila nalilito.
"Simple." I said while looking at him. "Because in the first place, you're the one who voluntarily trusted that certain someone. Minsan kasi tayo rin 'yong nagpapahamak sa mga sarili natin, eh." Sambit ko at tiningnan ang mukhang nalinawan nang si Johnson.
Mukhang sumang-ayon naman siya sa sinabi ko at hindi naman umapila ng kung ano. Well, iyon naman talaga ang paniniwala ko pagdating sa trust. Mahirap i-earn, madaling i-break. Galing sa akin 'yan, ha! Hindi na 'yan galing sa mga kasabihan ni lola.
Maybe the reason kung bakit nakaka-relate ako kapag trust 'yong topic was because, isa rin ako sa mga taong pinaniwala pero sinira ang tiwala.
Si mama, I was 13 when she left me with my aunties. Nangako siyang babalik siya para kunin ako kila tita. Nangako rin siyang tatawag siya palagi para kamustahin ako sa kanila. Napakarami niyang pangako. Lahat naman, na-pako. Tandang-tanda ko pa no'n kung paano ako umasa sa mga sinabi niya. Umasa akong darating siya. Magta-trabaho lang daw siya sa ibang lugar at hindi niya ako pwedeng isama. I trusted her so much. I trusted her but she broke her promises.
She broke my trust.
Hays, naalala ko na naman ang bagay na 'yon. Dapat nga, kinakalimutan ko na 'yon eh. Masaya na siya sa bago niyang pamilya ngayon. Kung gano'n ang sitwasyon niya, masaya na rin ako para sa kanya. Isa pa, ayokong tumanda na may tanim na galit sa loob ko. Ang hirap no'n, noh.
Ang sabi kasi sa akin ni lola noon, gulay at bulaklak lang ang itinatanim, hindi ang galit na kinikimkim — kasi wala kang magandang a-anihin. Si lola talaga, oh!
I took a secret glance on Johnson's face.
Nakatingin ito sa TV at pinapanuod ang palabas doon. He's not smiling or laughing kahit nakakatawa 'yong palabas. Naisip ko tuloy na baka hindi niya trip 'yong channel. Ililipat ko na sana iyon pero napansin ko ang slight niyang pag-ngiti. Medyo nabigla ako sa snap na smile niyang iyon.
He's cute. Kahit may mga galos siya sa mukha at may mga bandage na naka-cover sa ilang bahagi ng katawan niya, masasabi ko pa ring gwapo siya. I don't know kung mai-intimidate ako dahil do'n or what, pero may something sa itsura niya na gugustuhin mong titigan nalang. Hindi ko rin maalis 'yong tingin ko sa maamo niyang mukha.
Eh?
Napailing ako sa mga iniisip ko. Ano ka ba, Jayden? Tumigil ka nga!
Sakto namang bumaling siya nang tingin sa akin. Nagtama ang paningin naming dalawa pero agad ko 'yong inalis. Nakakahiya. Ayokong mag-isip siya ng kung ano man.
Habang nasa kalagitnaan ng panunuod, naisip ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong itanong sa kanya pero hindi ko na-itanong kanina.
I'm hoping na this time, sagutin na niya iyon.
"Johnson?" Tumingin naman siya agad nang sambitin ko ang pangalan niya. "Ilang araw ka na rin dito pero hindi mo pa kine-kwento nang buo kung ano talagang dahilan kung bakit ka nagka-ganyan. Sinabi mong may mga taong gusto kang patayin, 'diba? Sino sila at bakit ka nila gustong patayin?" Halos sunod-sunod kong tanong sa kanya na sumeryoso pa ng konti ang mukha matapos marinig ang mga pagtatanong ko. Did I just over-asked?
Natahimik siya. Hindi niya agad ako sinagot. Siguro, masyadong confidential iyon kaya hindi niya pwedeng sabihin sa iba. Lalo pa at hindi naman niya ako kilala.
Ngumiti naman ako sa kanya at binawi nalang ang mga sinabi ko. "It's okay. Naiintindihan ko kung hindi mo pwedeng sabihin."
Napa-kamot ako sa ulo at ipinagpatuloy nalang ang panunuod ng TV.
"No," napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. "It's okay."
Ngumiti siya nang slight bago tuluyang i-kwento ang lahat sa akin.
J A Y D E N"Kapag nasanay, mahirap mag-goodbye."Sa isang linggong pinatuloy ko sa bahay ko ang estrangherong si Johnson, dapat lang na maging masaya ako na aalis na siya dito.Kasi magiging normal na ang lahat. Hindi na ako matatakot para sa sarili kong buhay. Everything will go back to the way it used to be.
J A Y D E NWALA pang yatang isang minuto ay ubos na ang apple juice na ibinigay sa akin ni Meyer.Sa bilis ng mga pangyayari kanina at sa nakaka-kabang sitwasyon na naranasan ko ay kulang yata ang ilang baso ng juice para mag-sink in sa akin ang lahat.Is this really happening to me? Kung pu-pwede lang ay sana panaginip nalang ang lahat — at sana magising na ako.
J A Y D E NAM I really out of my mind? YES.Nasa resort ako ngayon. Kaharap si Meyer na ngayon ay naka-busangot ang mukha.I told him about my decision on helping Johnson sa problema niya. And as my mind expected, hindi siya sumang-ayon sa desisyon ko."Malaking kapahamakan ang
J A Y D E NSa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman yung safeness na naramdaman ko kanina. When Johnson came and rescued me from my evil stepbrother, George.I asked, kung bakit siya nasa labas kanina, gano'ng delikado ang paglabas para sa kanya. Na-bored lang daw siya sa bahay ni Meyer. Di ko naman siya masisisi dahil iniwan namin siya doon mag-isa kanina. Sakto namang nakita niya ako at kung hindi dahil sa kanya, I would have been home now with a bleeding lips and a black-eye. Thanks to him.
J A Y D E NNAGISING ako sa pagtunog ng alarm mula sa cellphone ko.Hindi ko pala 'yon na-turn off kagabi. Alarm ko kasi 'yon kapag may pasok ako sa resort.At dahil inaantok pa ako, hinayaan ko lang 'yon na tumutunog mula sa kung saan. Hindi ko kasi alam kung saan ko 'yon nailagay kagabi.
J A Y D E NI woke up feeling okay than I was 3 hours ago.Nakatulog pala ako sa byahe. Without realizing na nakatulog ako sa balikat ni Johnson. Ngayon ko lang napansin 'yon nang tumigil ang bus sa terminal."Sorry, hindi ko namalayang nakatulog ako...sa balikat mo pa." Nahihiya kong sabi sa kanya at napa-kamot nalang sa ulo ko.
J A Y D E NANG sabi ni lola, sa tamang panahon ay mahahanap ko 'yong tamang tao para sa'kin.Kelan pa 'yong tamang panahon at tamang tao na 'yon? Nakakainip naman.Kanina pa umandar 'yong van na sinasakyan namin ni Johnson. Mga isang oras na rin mula kanina. He fell asleep. Hindi rin kasi kami nag-uusap masyado sa loob ng van kahit magkatabi kami. Kaya siguro inantok siya kasi ang boring kong kasama.Wala nang iba pang pasahero. Kami nalang talagang dalawa.Actually, kanina pa siyang tulog at kanina ko pa ring hindi mai-galaw 'yong kanang balikat ko dahil doon siya naka-sandal. I don't want to wake him up. Ewan ko, but I don't mind habang ginagawa niya akong unan ngayon. Besides, gano'n rin naman ako sa kanya habang nasa bus kami kanina.Looking at him in this angle, para siyang isang bata na naka-sandal sa balikat ng tatay niya. His face is so innocent as an angel. I can't help but to stare at him every time. Alam ko, hind
J A Y D E NNAGKAROON ako ng malay sa tabi ni Johnson. Nakatingin siya sa akin na may pagka-bigla sa itsura nito. Marahan akong umupo at minasdan ang paligid kung nasaan kami ngayon.Medyo madilim na ang langit at unti-unti na ring binabalutan ng dilim ang paligid. Sa tantiya ko ay alas sais na ng gabi, pero nandito pa rin kami sa masukal na bahagi ng gubat kung saan kami bumagsak kanina."Thank God, gising ka na." Mah