Share

Chapter 3

J A Y D E N

May isa pang sinabi sa akin si lola noong nabubuhay pa siya. "Kapag nasimulan mo na, kailangan mong tapusin. Wala nang atrasan pa." Ewan ko ba kay lola, ang dami niya masyadong nalalaman na kasabihan. Kaya noong nawala siya, na-mana ko yata ang ilan sa mga 'yon. Ano ba 'yan? Sana talaga makatulong 'yong mga kasabihan ni lola at sana hindi 'yon maglagay sa akin sa bingit ng kamatayan.

Kahit may mga ganitong sitwasyon, hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili kong trabaho. Kaya matapos akong tawagan ni Meyer kanina, ang assistant manager ng resort na pinagta-trabahuhan ko — I rushed to work agad.

Late nga lang ako ng 30 minutes, na unusual na nangyayari sa akin kapag trabaho na ang pinag-uusapan. Bilang manager, isa sa pagpasok ng maaga ang pinahahalagahan ko.

Never pa akong na-late, ngayon lang.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis dahil sa taong 'yon. I mean, si Johnson.

Nang dahil sa kanya ay nasira 'yong punctuality ko sa trabaho. Hindi ko alam kung ano pang ibang masamang outcome ng desisyon kong tulungan siya, pero I gave him my words already. Hindi rin ako 'yong tipo ng taong binabawi ang isang bagay na naibigay o nasabi na niya. Isa pa, ilang araw lang naman.

A few days only and everything's will going back to normal. Tama!

"Mukhang sobrang distracted ka ngayong araw. Tell me, what happened?"

Lumapit si Meyer sa table ko, umupo siya sa upuang kaharap ko. Magkalapit lang ang table naming dalawa bilang manager at assistant manager, pero palagi nalang siyang lumalapit sa table ko para kausapin ako.

"Wala, kulang lang ako sa tulog. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi." Tugon ko at inayos ang mga folders na nasa table ko.

"Eh? Hindi ka pa na-late nang ganito. I'm pretty sure na may nangyari. Ano 'yon?" Pangungulit niya pa.

Tumingin ako sa kanya at marahang umiling.

"Walang nangyari, okay? Mabuti pa, bumalik ka na do'n sa table mo. May aasikasuhin pa akong files dito sa computer." Pa-suplado kong sambit at humarap sa laptop habang kunwaring magta-type ng kung ano.

Alam ko namang mangungulit na naman siya kapag na-sense niyang may bumabagabag sa akin. Like the last time na nagkita kami ng pinsan kong si Ben, napaamin niya ako na badtrip ako dahil do'n. Magaling siyang mamilit magspill ng iniisip ko pero this time, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung bakit ako distracted. Walang dapat makaalam na may tinatago akong tao sa loob ng pamamahay ko. Iyon din ang bilin sa'kin ng lalake na 'yon kaya kailangan kong tumupad sa usapan.

"How about this, magdinner tayong dalawa mamaya. Treat ko." Anyaya ni Meyer na confident namang papayag ako dahil sa ngiti niyang halatang-halata kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

"No." Maikling tugon ko sa kanya nang hindi man lang bumabaling ng tingin.

Kahit nakaharang ang laptop sa harap ko, alam kong biglang nabura 'yong ngiti niya nang marinig ang sagot ko.

"Come on, hindi ka pwedeng tumanggi." Pagprotesta niya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa mouse ng laptop. "Binasted mo na nga ako last month tapos hindi ka papayag na kumain sa labas kasama ko?" Pagpapa-awa niya sa akin habang naka-pout ngayon ang manipis niyang labi.

Tiningnan ko siya this time at marahang inalis ang pagkakapatong niya sa kanang kamay ko.

Bakit ba pinaalala na naman niya 'yon?

Last month, tinanong niya ako kung pwede niya akong maging boyfriend at hindi ko siya sinagot. I mean, siguro sa ibang term ay tama nga siya. Na-basted ko siya. Alam kong dinadaan niya lang palagi sa biro pero I know, nasaktan ko siya dahil do'n.

Meyer is a good-looking guy. Hindi iyon maikakaila sa killer smile niya at sa dimples niyang kahit sino yata ay mahuhulog. Maganda ang katawan niya dahil madalas siyang magwork out sa gym. Mabango naman siya palagi at malakas ang dating.

Pero bakit nga ba hindi ko siya sinagot noong araw na 'yon?

Hindi sa hindi ko siya gusto. Malakas ang appeal niya at nararamdaman ko iyon. Gusto ko rin ang humor niya kapag nagbibitaw siya ng jokes. It's just that alam kong hindi ako iyong taong dapat niyang gustuhin. Alam kong wala ako sa lugar para diktahan siya sa kung ano ang nararamdaman ng puso niya, but ayokong masaktan lang siya sa akin kapag pinilit niya 'yong sarili niya. He's a very good friend of mine. Ang swerte ko sa kanya. But believe me, may isang taong naghihintay lang na mapansin niya.

"Ah, excuse me?"

Naputol ang pag-uusap namin ni Meyer nang dumating si Zam sa office. Isa rin siya sa mga nagta-trabaho dito sa resort, obviously. Siya ang naka-assign sa lobby ng resort kung saan siya ang tumatanggap ng mga nagche-check in dito. Isa rin siya sa mga malalapit kong kaibigan.

"Oh, Zam? Anong kailangan mo?" Tanong ni Meyer sa kanya.

Pansin ko ang pagiging kabado ni Zam nang tanungin siya ni Meyer. Hindi na iyon bago para sa akin. Ako lang naman yata ang nakakapansin na kinakabahan siya tuwing kakausapin siya nito.

"Kukunin ko lang sana yung susi ng room 4 at 5. May magche-check in kasi doon ngayon." Ngumiti si Zam sa kanya at nahihiyang lumapit sa table kung nasaan kami.

Kinuha ko naman ang mga susing kailangan niya sa drawer ng table ko at ini-abot iyon sa kanya.

"Heto, Zam."

Ngumiti naman siya sa akin. "Salamat." Sumulyap pa ito sa walang ka-malay-malay na si Meyer bago tuluyang lumabas ng office.

Napailing nalang ako nang makaalis siya.

Ako ang nagpasok sa kanya dito, mga ilang buwan na rin ang nakakalipas. Kaibigan ko na siya since college kaya kilala ko na ang isang 'yon kapag may nagugustuhan siyang lalake. Nahihiya lang siyang aminin pero alam kong may gusto siya kay Meyer.

Palagi ko siyang nahuhuling nagnanakaw ng tingin dito at madalas din niyang kuhanan ng litrato si Meyer na walang ka-alam-alam. Alam niyang alam ko iyon pero mas pinili niyang hindi sabihin sa akin. Siguro dahil nabalitaan niya iyong tungkol sa nararamdaman ni Meyer para sa akin. Gano'n pa man, hindi siya nagalit noong nalaman niyang may gusto sa akin si Meyer.

Kaya nangako ako sa sarili ko na paglalapitin ko silang dalawa kapag nakahanap ako ng tamang tiyempo.

"Ano, pumapayag ka na ba?" Tanong ng nangungulit pa ring si Meyer.

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Sige, papayag na ako." Ngingiti na sana siya pero hindi natuloy nang bigla akong magsalita. "Papayag lang ako kung isasama natin si Zam sa dinner na 'yon." Ngumiti ako sa kanya.

Naguluhan siya bigla nang marinig ang kondisyon ko pero hindi naman na siya umapila pa.

"Iyon lang pala, eh. Sige, game!"

"Walang ibig sabihin 'tong dinner na 'to, ha? Napag-usapan na natin yung bagay na 'yon." Paalala ko sa kanya, regarding sa nararamdaman niya para sa akin.

"Copy!" Mukha namang malinaw sa kanya.

"At oo nga pala, ikaw na ang magsabi kay Zam na kakain tayo sa labas." Ngumiti ako at nagpatuloy na sa aking ginagawa.

Tumango lang siya at hindi na nagreklamo pa. Mukhang umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari, ah. Kung sana ay hindi manhid itong si Meyer, hindi ko na sana kailangang gumawa ng paraan para mapansin niya si Zam. Si Zam na matagal na siyang gusto. Hays.

6 pm noong umalis kami nil Meyer at Zam sa trabaho. Katulad ng napag-usapan, kakain kaming tatlo sa labas at lahat iyon ay libre ni Meyer.

Halos 30 minutes din iyon at pagkatapos, nagpasya akong umalis na. Kung kanina ay sa motor ko umangkas si Zam, ngayon nama'y hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at ipinasuyo nalang kay Meyer ang lahat. Isa iyon sa mga paraan ko para paglapitin sila. Dinahilan ko nalang na may pupuntahan ako kaya hindi ko maihahatid si Zam sa kanila. It seemed to be effective naman.

Ang totoo, dadaan rin ako sa isang pharmacy store para bumili ng mga gamot para kay Johnson. Kahit hindi ko siya ka-ano ano ay di ko mapigilan ang sarili kong tulungan siya sa ganitong paraan. Isa pa, first aid pa lang 'yong ginawa ko sa kanya kagabi at makakatulong kung bibili ako ng ilang gamot para sa tuluyan niyang paggaling.

Mas mabilis na recovery, mas mabilis din siyang makakaalis sa bahay ko. Mas magiging panatag 'yong loob ko at hindi na ako malalagay sa kapahamakan. Tama!

Matapos kong bumili ng ilang tableta ng gamot, bumili rin ako ng prutas dahil sabi ni lola noong nabubuhay pa siya — may sense of healing daw ang mga prutas kapag may sakit o sugat ka.

Napa-praning ako habang nagmamaneho ng motor ko pauwi. Baka kasi bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang mga taong gustong pumatay sa lalakeng nasa bahay ko ngayon. Ano bang malay ko kung talagang hinahanap na siya ng mga iyon?

Nakarating ako sa bahay at ipinark na ang motor ko. Hindi ko pa rin nalilinis ang mga bakas ng dugo sa may semento pero malinis naman na 'yong doorknob at yung loob ng bahay.

Iniwan ko siya kanina sa loob ng bahay. Tiwala akong hindi naman siya gagawa ng masama habang wala ako. O kung hindi man, sigurado akong sa kondisyon niya ngayon ay imposible iyon. Nag-iwan ako ng tubig sa lamesang malapit sa sofa kung saan siya nakahiga. Nandoon rin ang tasty bread at saging na inilagay ko kanina pero hindi ito nabawasan. Tanging 'yong tubig lang yata ang ginalaw niya.

Tulog siya pero pansin ko ang panginginig ng buo niyang katawan. Agad naman akong lumapit para i-check kung anong nangyayari sa kanya.

Ipinatong ko ang palad ko sa noo niya. Halos mapaso ako dahil sa sobrang init na naramdaman ko sa balat niya.

"Mataas ang lagnat mo…" gulat pero mahinahon kong sabi nang mapagtanto ang kalagayan niya.

Teka, anong gagawin ko? Hindi naman ako doktor pero bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bahala na!

Ginawa ko nalang ang alam kong gawin kapag may lagnat ako, kumuha ako ng maliit na batiya at isang malinis na bimpo. Nilagyan ko iyon nang maligamgam na tubig at ibinabad ang bimpo do'n, bago pigain at paulit-ulit na pinunasan ang mainit niyang katawan. Sana makatulong 'tong ginagawa ko.

Nanginginig pa rin siya dahil sa lagnat. Nalilito man ako sa kung ano ang gagawin, ipinagpatuloy ko nalang ang pagpunas sa katawan niya. Sobrang taas ng lagnat niya at kailangan ko na sigurong tumawag ng doktor.

"Tatawag na ako ng doktor!" sambit ko pero pinigilan niya ako nang hawak ko na ang cellphone ko.

"H-Huwag..." Mahina niyang pakiusap pero umiling lang ako.

"Alam kong ayaw mo pero hindi pwedeng pabayaan kitang ganyan. Hindi kita kilala pero hindi kita ipapahamak. Huwag kang mag-alala." Tugon ko sa kanya na nanginginig pa rin. "May kilala akong doktor na pwedeng pumunta dito."

Wala naman na siyang nagawa pa at tumayo na ako para tawagan ang doktor na kilala ko.

Calling Dr. Sebastian...

Hindi ko siya kilala pero nag-aalala ako para sa kalagayan niya.

Nang dahil sa kasabihan ni lola, na sinunod ko — nakasalalay tuloy sa akin ngayon ang buhay ng taong 'yon.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang sumagot na ang tinatawagan kong doktor.

"Hello, Ninong? Pwede bang pumunta kayo dito sa bahay? I need your help."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status