Share

Chapter 65

Xander

Ikinabigla naming lahat ang sinabing iyon ni Queen. Lahat kami ay ngangang napatingin sa kaniya maging si boss.

Binigyan niya kami ng nagtatakang tingin bago siya magsalita ulit.

"Ano? Bawal na ba?" Tanong niya pa.

"A-ahh." Mukhang hindi alam ni boss ang sasabihin niya kaya 'yan lang ang nasabi niya.

Maging kami ay hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin. Nabigla talaga kami sa sinabing 'yon ni Queen.

Hindi inaasahan ng kahit sino sa amin. Kahit nga si boss ay hindi inaasahan 'yon.

Bumuntong hininga si Queen at saka siya tumingin sa amin ng pilit ang ngiti.

"Hindi ako bumabalik dito para maging leader niyo ulet. Bumabalik ako bilang isang ordinaryong miyembro gaya ng iba dito. Ikaw pa rin ang magiging boss, Chano. Pero kung ayaw niyo naman ay ayus lang. Mauuna na ako." Wika ni Queen saka kami tinalikuran.

Hahakbang palang siya nang magsalita naman si boss.

"Queen!" Tawag niya dito.

Lumingon naman si Queen sa kaniya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Hmm?" Tanong ni Queen habang nakataas ang dalawang kilay niya.

"Accepted ka na." Nakangiting sabi ni boss kaya nginitian din siya ni Queen.

"Thank you for accepting me again." Nakangiting sabi ni Queen. "Mauuna na ako sa inyo. Magpahinga na din kayo dahil may pasok pa bukas. See you!"

'Yun lang at umalis na siya.

Nagkatinginan kaming lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.

"Bumalik na si Queen." Hindi makapaniwalang sabi ni Gelo.

"Wow!" Hindi din makapaniwalang usal ni Jen.

Ako naman ay speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ngayon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon ay nagbalik na si Queen sa grupo namin.

"The Queen is back!" Masayang sigaw ni boss kaya lahat kami ay napangiti at masayang sumigaw.

"Our Queen is back!" Masayang sigaw naming lahat.

Nag-apir kaming lahat isa-isa habang may ngiti sa mga labi namin.

Masaya kaming lahat dahil nagbalik na si Queen. Matagal na naming hinihintay 'tong araw na 'to. Ang bumalik si Queen.

Andrea

Pagkatapos kong pumunta sa hideout ay dumeretso na ako sa bahay. Alas dos mahigit na din kaya masyado ng late. Kailangan ko pang matulog.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakabukas ang ilaw sa loob ng bahay kaya nagtaka ako.

Bakit nakabukas 'to? Tulog na sila mama ah? Alam naman nila na umalis ako kanina at bago ako umalis ay tulog na si Kuya Andrew kaya imposible na hinihintay nila ako.

Si Kuya Andrew lang naman ang naghihintay sa akin lagi kapag late akong umuuwi. Pinagpapahinga niya sila mama dahil maaga pa silang gumigising para maghanda ng agahan namin.

Binuksan ko ang gate ng bahay namin saka dumeretso papasok. Mas lalo akong nagtaka ng makita ko na medyo bukas ang pinto namin.

Ang alam ko ay sinarado ko ito kaya bakit nakabukas? Nakaawamg ito ng kaunti.

Dahan dahan ko itong binuksan saka ako pumasok sa loob. May mga naririnig akong mga tao na nag-uusap sa gawi sa dining area.

Sino naman kaya ang mga 'to?

Naglakad ako papunta sa dining area at doon ko nakita sila lola.

Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay kung ano na 'yon. Akala ko ay may nakapasok na dito.

Ang nandito ay si lola at Tita Beth kasama sila mama. Maging sila kuya Andrew, kuya Andrello ay Andrei ay nandito din sa dining area.

Si tita Beth ang unang nakapansin sa presensya ko.

"Nandito na pala si Andrea." Aniya habang nakangiti.

Sabay sabay naman na naglingunan sa gawi ko ang iba pa niyang kasama sa dining area.

"Andrea, apo. Halika dito." Nakangiting saad ni lola saka ibinuka ng malawak ang mga braso niya naghihintay na yakapin ko siya. "Yakapin mo si lola, apo."

Nakangiti akong lumapit sa kaniya at yumakap. Habang yakap naman niya ako ay hinalikan niya ako sa buhok.

"Namiss kita 'la." Nakangiti kong saad pagkahiwalay namin sa yakap.

"Namiss din kita." Sambit niya saka ako muling niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.

Namiss ko talaga si lola. Alam ko na kailan lang ay binisita namin siya pero hindi naman matagal 'yon kaya namiss ko siya agad.

Nagmano ako sa kaniya saka ako lumapit kay tita Beth para magmano at yumakap din.

"Namiss din kita, tita." Sabi ko habang yakap si Tita Beth.

Bahagya niya akong inilayo sa kaniya para makita niya ang mukha ko at parang nagtataka na nagulat ng bahagya ang mukha niya ng tignan ko kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Naging malambing ka yata?" Takang tanong niya.

Humiwalay muna ako ng yakap sa kaniya bago magsalita. Pero magsasalita palang sana ako pero naunahan na ako ni Andrei.

"'Yan ang epekto ng pagkakaro'n niya ng boyfriend." Nakangising saad niya.

Nagulat naman sila lola sa sinabi niya. Hindi kasi nila alam na may boyfriend ako dahil hindi ko naman sila madalas nakaka-usap sa telepono. Sila mama ang kausap nila lagi na hindi naman yata nababanggit sa kanila na may jowa ako.

"Talaga!?" Sabay nilang tanong. Gulat na tanong nila to be exact.

Tumango ako sa kanila bilang sagot.

Parehas naman silang ngumiti ng malawak. Sinasabi na masaya sila para sa akin.

"Sino ang nakapagpatibok sa puso ni Andrea?" Tanong ni lola.

"Mula ng ipanganak ako, 'la, tumitibok na ang puso ko."

"Ikaw talaga ay puro ka kapilosopohan. Tinatanong ka ng lola mo ayaw mong sumagot." Si papa.

"Sinagot ko naman, ah?"

"Ang dapat kasi na tanong d'yan, para sumagot 'yan ng ayus, sino ang boyfriend mo?" Si tita Beth.

"Alistair Crimson ang pangalan niya." Sagot ko.

"Gusto kong makilala ng personal ang lalaking iyan. Dalhin mo siya dito bukas at iharap sa akin." Wika ni lola.

Tinanguan ko siya.

'Yon naman ang balak ko. Wala nga lang akong free time para pumunta ng Sagada kaya hindi agad ako makapunta para ipakilala si Hagdan ke lola.

Ang layo ng Sagada dito sa Manila. 12 hours ang byahe para makarating do'n kaya hindi madali.

Lalo na at may pasok kami. Nag-aaral kami kaya naman hindi ako makahanap ng tyempo.

"Bakit nga pala dito kayo sa dining area nag-uusap? Bakit hindi sa sala?" Takang tanong ko.

Pwede naman kasi silang sa sala nalang mag-usap, dito pa nila napili.

"Nagutom si Andrei kaya nagpunta kaming lahat dito." Sagot ni mama.

"Lagi namang gutom 'yan, eh."

"At least ako, lagi lang gutom. Eh, ikaw? Laging masungit!"

"Minsan lang ako magsungit, ikaw kasi may alaga kang dragon d'yan sa tiyan mo kaya ka laging gutom."

"Eh, ikaw? Para kang laging meron, eh."

"Anong meron?"

"Mens!"

"Tama na 'yan, tama na 'yan." Awat sa amin ni mama. "Kayo talaga para kayong aso't pusa."

Hindi naman ako nagsalita at naglakad nalang papunta sa sala at naupo sa couch.

Ganun din ang ginawa nila. Sumunod sila sa akin at naupo sa couch.

"Ano naman bang itsura ng boypren mo, Andeng?" Tanong ni lola sa akin.

"Gwapo lola, gwapong gwapo kaya hindi bagay kay ate." Si Andrei ang sumagot.

Nginiwian ko lang siya.

"Bakit mo naman nasabing hindi bagay sa ate mo?"

"Eh, syempre, 'la. Papangit 'yon kapag si ate lagi ang kasama. Biruin mo, laging masungit."

Anong konek nung sinabi niya?

May pagka-abnoy talaga ang kapatid kong 'to.

"Grabe ka naman kay, Andeng. Nabawasan kaya pagiging masungit niya." Sabi ni kuya Andrew habang nakatingin sa 'kin.

"Naging malambing pa nga, eh." Nakangising sabi naman ni kuya Andrello na nakatingin din sa 'kin.

"Aba'y mabuti kung ganun! Gusto kong makita kung paanong maglambing ang apo kong ito."

"Oo nga, gusto ko ding makita kung paanong maglambing si Andeng." Wika ni Tita Beth.

"Minsan lang maglambing 'yan, Beth. Kapag may kasalanan." Sabi ni mama.

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanila habang nag-uusap. Ako ang pinag-uusapan nila kahit na nasa harap nila ako. Hindi sila nahihiya. Gaya nga ng sabi ko kay James noon, hindi uso ang hiya sa pamilyang ito.

"HAHAHA, tama ka diyan, Andrei. Laging nakangiti ang ate mo dati pero nagbago siya ng bigla." Si lola.

"Noong bata ang ate mo, mga limang taong gulang. Lagi siyang nakangiti, tumatawa at madalang ang oras na hindi siya ganun. Nagbago lang siya bigla." Patuloy pa niya.

"At ngayon ay nagbabalik na siya sa dati. Mabuting balita iyon." Masayang sabi ni Tita Beth.

"Oo nga po, eh. Mabuti nalang at dumating si kuya Al at napa-ibig siya." ~ Andrei.

"Napatino pala siya nung kasintahan niya, hano?" Si lola.

"Matino naman ako, 'la ah?"

"Oo nga, ang ibig kong sabihin ay nagkaroon na ng emosyon ang katawan mo."

'Dati naman ng meron, tss.'

"Ganito kasi 'yun, Andrea. Hindi ba at lagi kang seryoso na animong walang nararamdaman? Hindi ka marunong maglambing. Hindi ka madalas ngumiti. Hindi ka madalas tumawa. Pero nung naging kayo, naging boypren mo siya, natutunan mong gawin lahat ng 'yun, NG MADALAS. Gets mo?"

Naiintindihan ko ang ipinupunto nila. Alam ko rin naman sa sarili ko na nagbago nga ako dahil kay Hagdan. Ewan ko ba pero pakiramdam ko dapat kong gawin 'yung mga bagay na 'yun lalo na kapag kasama ko siya.

Dapat akong ngumiti at tumawa lalo na kapag nag jo-joke siya at kapag gusto niya akong ngumiti.

Aaminin ko rin na kusa ko 'yong naramdaman. Parang nabago niya ako at naibalik niya ang dating ako.

Naibalik niya 'yung Andrea na laging nakangiti, laging tumatawa at hindi seryoso na walang emosyon.

Naibalik niya si Andrea na kilala ng lahat 11 years ago. 'Yung Andrea na naging kalaro ni Cassandra.

Si Hagdan ang dahilan kung bakit bumalik ako sa dating ako. Aaminin ko na hindi talaga ako ganito dati. Naging ganito lang ako noong may mga siraulong bumaril kay Cassandra at dahil doon ay inakala ko na patay na siya.

Hindi pala, dahil nagamot pa siya ng mga magulang niya na doktor.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status