Andrea
Ilang araw ding ibinurol ang labi ni lola bago siya inilibing. Gaya ng hiling niya ay doon siya sa tabi ng puntod ni lolo inilibing.
Nagising na din sila mama at Tita Beth pero si papa ay comatose pa din. Ang malungkot lang ay hindi na umabot sila mama sa libing ni lola.
Nagising sila matapos ilibing ni lola at nakabalik na kami dito sa Manila. Kasama naming bumalik sa Manila ang mga kapatid nila mama.
Sumama sila sa amin dahil gusto daw nilang alagaan at bantayan ang mga kapatid nilang nasa ospital.
Ang imbistigasyon naman sa nangyari sa kanila ay nagpatuloy pa din. Hindi pa namin alam kung sino ang may sala pero alam naming merong may sala.
Ang sabi ng mga pulis ay may sumira ng break ng kotse na sinasakyan nila mama kaya ito nawalan ng preno.
Tama ang hinala ko. Ang tanong nalang ay kung sino.
"Na-hack ko na ang CCTV footage nung restaurant na kinainan nila lola." Sabi ni Andrei kaya lumapit agad kaming magkakapatid sa kaniya.
Sama sama kami dito sa bahay ay gumagawa ng sarili naming imbistigasyon. Masyadong mabagal kumilos ang mga pulis.
Nakita namin sa CCTV footage ang mga nangyari noong mga nakaraang araw sa restaurant. Hinanap naman ni Andrei ang parking lot kung saan naka park ang sinasakyan nila mama.
Hinanap din niya 'yung mga kuha nung CCTV footage noong araw na 'yon. Medyo matagal tagal din siyang naghanap dahil ilang araw na ang nakalipas at masyadong madaming tao sa restaurant na iyon.
"Ito." Sabi niya pa saka ipinakita sa amin ang footage.
Nakita namin na ipinark ni papa ang kotse sa isang parking space. Nauna silang bumaba ni mama at inalalayan pa nilang bumaba sila tita Beth at lola.
'Lola...'
Hindi ko na naman maiwasan ang malungkot dahil nakita ko si lola. Nakangiti pa siya habang naglalakad.
'I miss you lola...'
Matapos nilang bumaba ay nilock muna ni papa ang kotse at saka sila naglakad papasok sa restaurant at saka doon kumain.
Ilang saglit lang din ay may apat na grupo ng tao kaming nakita na lumapit sa sasakyan nila papa.
Mga nakakulay itim na t-shirt at pantalon ang dalawa. Ang dalawa pang iba ay naka jacket na itim at pantalon din.
May mga bonet silang suot na ginawa nilang maskara para itabon sa mukha nila at hindi sila makilala.
Luminga linga muna sila sa paligid at nung masiguro nila na walang taong makakakita sa kanila ay saka sumuot ang isa sa ilalim ang kotse at doon na niya ginawa ang pagsira sa break ng sasakyang sinasakyan nila mama.
Ang tatlo ay nakabantay lang sa harap at likod. Nag-aabang kung may tao bang maaaring makakita sa kanila.
Sa kasamaang palad ay walang taong nakakita sa kanila at nagtagumpay sila sa nais nila.
Tumayo ang lalaki ng matapos ang ginagawa niya at tinanggal ang gwantes na sinuot niya kanina.
"Stop." Sambit ko kaya hininto ni Andrei ang video.
May napansin kasi ako sa kamay niya medyo malabo lang kaya hindi gaanong kita. Malabo kasi ang kuha ng CCTV.
"Zoom in." Utos ni kuya Andrew na ginawa din ni Andrei.
Matapos niyang i-zoom in ang part ng video na 'yon ay doon ko lang nakita ang nakalagay sa kamay ng lalaki.
"Eagle tattoo." Bulong ni kuya Andrello na dinig naman namin.
Eagle tattoo nga ang nasa kamay ng lalaki. Nasakop nung tattoo na 'yon ang buong kamay niya.
"Isa lang ang may-ari niyan." Saad ni Andrei.
Tama siya. Isa lang. Ang mga g*gong 'yun lang ang may ari ng tattoo na 'yan.
Nagkatinginan muna kaming tatlo at saka sabay sabay na napabuntong hininga. Animong iisa lang ang nasa isip namin.
"Phoenix gang." Sabay sabay naming sabi.
Letse ang mga Phoenix gang na 'yan. Sila pala ang may gawa nito kela lola. Biglang nagliyab muli ang galit sa loob ko.
"Bakit nila ginawa 'yon?" Nakakunot noong tanong ni kuya Andrew.
Bakas na din ang galit sa mga mata niya. Maging sa iba ko pang kapatid ay bakas na ang galit.
Nakakuyom ang mga kamao ni kuya Andrello at nanginginig na 'yon sa sobrang pagkakakuyom.
Si Andrei naman ay sobrang sama ng tingin sa laptop na hawak niya at napapadiin din ang hawak niya dito.
"Bakit kailangan nilang gawin 'to kela lola? Anong kasalanan nila lola sa kanila?" Tanong ni Andrei.
'Yan din ang tanong sa isip ko noong mga nakaraang araw. Anong kasalanan nila lola para ganunin nila?
"Sadyang mga g*go ang mga 'yan." Galit na sabi ni kuya Andrello.
"Magbabayad sila." Mariing sabi ko.
Pagbabayarin ko kayo sa ginawa niyo sa lola. Lintik lang ang walamg ganti, mga g*go. Sisiguruhin ko na kung ano ang nangyari kela lola ay 'yun ding mangyayari sa inyo.
"Play it." Sambit ko na ginawa ni Andrei.
Matapos maghubad ng lalaki ng gwantes ay hinubad din niya ang bonet na suot niya. Ganun din ang ginawa ng iba.
Matapos nilang maghubad ng bonet ay sabay sabay silang ngumisi dahil nagtagumpay sila.
"Mga bobo." Bulong ko.
"Naghubad pa talaga sila ng bonet, ah. Ngayon alam na natin kung sino ang dapat singilin." Si kuya Andrew.
"Akin 'yung g*gong sumira nung break." Saad ni kuya Andrello.
"Sa 'kin 'yung naka t-shirt na may eagle design ang suot." Si Andrei.
Pinag kaniya-kaniyahan namin ang mga g*gong naging dahilan ng pagkawala ni lola.
Ang mga g*gong muntik ng kunin ang buhay ng mama at Tita ko. Ang mga g*gong naging dahilan kung bakit comatose pa din si papa hanggang ngayon.
Mabuti at apat sila. Tig-iisa kami.
"Andrello, hanapin mo ang profiles ng mga 'yan. Andrei, kapag nahanap na niya i-background check mo. Ikaw Andrea, samahan mo 'ko sa ospital. Magpapaalam muna tayo saglit kay mama." Sabi ni kuya Andrew.
"Bakit kailangan pang magpaalam? Baka hindi tayo payagan." Saad ko.
Baka kapag pumunta kami doon at nagpaalam ay hindi na kami paalisin ni mama.
"Oo nga, kuya." Si Andrei.
"Magpapaalam tayo na aalis tayo at sasabihin natin kela Tito at Tita na sila muna ang bahala kela mama. Hindi tayo magpapaalam na may gagawin tayong ganito." Paliwanag niya.
Napatango nalang ako. Hindi kasi nililinaw, eh.
"Anong akala niyo kay kuya? Hindi nag-iisip?" Tanong ni kuya Andrello.
Nginiwian lang namin siya ni Andrei.
"O, sige na. Kumilos na kayo. Let's go, Andrea."
Sumakay kami sa kotse niya papunta sa ospital. Habang nasa byahe ay kinausap niya ako.
"Mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Alam kong hindi kita mapipigilan kahit na anong gawin ko dahil may galit kang nararamdaman sa puso mo. Pero sana, Andrea. Mag-isip ka bago kumilos. 'Wag kang gagawa ng ikakapahamak mo. Naiintindihan mo?" Wika niya.
"Sino namang tanga ang gagawa ng bagay na ikakapahamak niya?" Sarkastikong tanong ko.
"Andrea. Hindi ako nagbibiro."
"And so, I am."
"Andrea." Nananaway ang boses na tawag niya sa akin.
"Ye, ye." Sabi ko nalang.
Maipapangako ko naman na hindi ako mapapahamak pero hindi ko maipapangako na hindi masasaktan ang mga g*gong 'yon sa 'kin.
Pagdating namin sa ospital ay dumeretso agad kami sa kwarto ni mama at nagpaalam. Sinabihan niya lang kaming mag-ingat sa gagawin namin saka kami pinaalis.
Nandoon din sa kwarto niya sila Tito Edwardo kasama ang anak niyang si Edward at ang asawa niya. Sila ang nagbabantay kay mama.
Sunod naman naming pinuntahan ang kwarto ni Tita. Sila tita Cath naman ang nandito kasama ang iba pa nilang pamilya.
Matapos naming magpaalam sa kanila ay dumeretso naman kami sa ICU kung nasaan si papa.
Madaming nakakabit sa katawan niya habang nakaratay siya dito sa ospital. Nadagdagan tuloy ang galit na nararamdaman ko ng makita ko ulit siya na nakahiga at kung ano ano ang nakadikit sa kaniya.
"'Pa, pagaling ka. Pangako ko, magbabayad sila." Bulong ko sa kaniya saka ko siya hinalikan sa noo at lumabas na.
Bumalik na kami sa bahay matapos naming magpaalam sa lahat.
Pagbalik namin ay nasa sala sila Andrei at kuya Andrello. Nakaupo sila sa couch habang may hawak hawak na papel.
"Nakita na namin ang mga pangalan nung mga g*go." Sabi ni kuya Andrello saka kami inabutan ng papel.
"Eto naman ang background nila." Sabi naman ni Andrei saka inabot sa 'min ang isa pang papel.
"Akala ko naman ay may mayaman sa kanila." Bulong ko.
Puro mahihirap lang sila pero marami sila sa isang pamilya. Madami silang kapatid.
"Mag-ayus na kayo. Hahanapin natin ang mga g*gong 'yan." Utos sa amin ni kuya Andrew.
Tumango kami sa kaniya saka sabay sabay na umakyat patungo sa kwarto namin.
Pumunta ako sa walk in closet ko at kumuha ng black shirt, black leather jacket. Black pants, black cap, black gloves at white na rubber shoes.
Pagkatapos kong kumuha ng mga isusuot ko ay inilapag ko sa tapat ng kama ko ang sapatos at sa ibabaw naman ng kama ko ang gloves at cap.
Dinala ko ang mga damit na susuotin ko at saka ako pumasok sa banyo at nagbihis.
Matapos kong magbihis ay kumuha ako ng isang pony sa drawer ng make-up table ko saka ako nag pony ng buhok.
Pagkatapos kong mag-pony ay kumuha ako ng isang baril at inilagay sa guns pocket ng leather jacket na suot ko.
Sinuot ko na din ang cap at sapatos ko saka ako nagsuot ng gloves.
Nang makitang okay na ako ay saka ako lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa sala.
Si kuya Andrello palang ang nando'n at naka purong itim siya. Maging ang sapatos niya ay itim. May gloves din siyang suot gaya ko.
Ilang minuto lang din ay dumating na sila kuya Andrew at Andrei. Pareho din silang mga purong itim ang suot. Naka itim na sapatos si kuya Andrew samantalang si Andrei ay naka puti gaya ko.
"Are you guys ready?" Tanong sa amin ni kuya Andrew.
"Kanina pa." Sagot namin ni kuya Andrello. Si Andrei ay tumango lang.
"May dala ba kayong baril or any weapons?" Tanong pa niya.
Tumango kaming lahat.
"Let's separate now. Good luck." Sabi niya pa.
"Good luck sa kanila." Sabi ni Andrei.
"It's payback time." Sabi ko saka kami sabay sabay na umalis ng bahay.
Lahat kami ay naka-motor. Hindi na nagdala ng kotse sila kuya dahil mas madali nga naman kung motor ang gagamitin.
Lahat kami ay may tig-iisang motor pero sila kuya Andrew at kuya Andrello lang ang may kotse.
Bago ako umalis ay tinext ko muna si Chano. Sinabi ko sa kaniya na kunin ang ate at nanay nung isang g*go na may kasalanan kung bakit nangyari 'yon kela mama.
Pagka-send ko sa kaniya ng message ay saka ko pinaandar ang motor ko paalis at nagpunta sa isang bakanteng lote na apat na kanto ang layo sa bahay namin.
Ayon kasi sa nakalap nila Andrei na impormasyon ay laging nandito ang g*gong 'yun at nagliliwaliw sa babae.
G*gong g*go talaga.
Ng marating ko ang lugar na 'yon ay agad akong bumaba sa motor ko. Tinignan ko pa muna ang baril sa gun's pocket ng leather jacket na suot ko bago ako pumasok.
May isang malaking gate kang bubuksan muna bago mo ito mapasok. Mukhang sinusuwerte ako ngayon dahil nakaawang ito ng kaunti.
Dahan dahan ko iyong itinulak para mabuksan ko ito. Mabuti nalang kahit na bulok na ito ay hindi ganoon katindi ang ingay na ginawa.
Hindi ko na 'yon sinara at pumasok nalang ako sa loob.Ang itsura nung bakanteng lote ay 'yung mga dingding ay may mga crack na at konting lindol nalang ay babagsak na.
May mga nagkalat din bakal at mga bato sa sahig. Madumi din ang sahig. Parang abandonadong lugar na siya.
Tsk, dito sila gumagawa ng kababalaghan, huh? Hindi man lang sa medyo ayus na lugar, tsk!
Bago ako makapasok sa loob ay nag-text sa akin si Chano.
From: Chano
Nakuha na namin sila Queen.
7:37 PM
Good.
Pumasok ako sa loob at doon ko nakita 'yung g*go na nakaupo sa isang mono block habang may nakakandong na babae sa kaniya.
Hindi niya ako napansin dahil hinahalikan niya 'yon sa leeg. Ang laswa, tsk!
"Ang laswa naman ng salubong mo sa 'kin." Pailing-iling na sabi ko.
Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatayo ang babae sa kandungan niya.
Takot itong tumakbo palabas. Sinundan ko lang siya saglit ng tingin saka ko muling tinignan 'yung g*go.
"We meet again." Nakangising aniya. "Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Naglakad naman ako papalapit sa kaniya at huminto ng ilang dipa nalang ang layo ko.
"Nandito ako upang maningil ng utang." Sabi ko.
Ngumisi siya sa akin saka tumayo mula sa pagkakaupo niya.
"Wala naman akong utang sa iyo." Nakangising sabi niya.
"Sa akin wala, sa pamilya ko meron." Saad ko.
Lalong kumukulo ang dugo ko sa tuwing ngingisi ang g*gong 'to. Lalo siyang pumapangit!
"Nalaman mo agad, samantalang on-going pa ang investigation ng mga pulis. Ang galing mo talaga." Sabi niya saka pumalakpak habang umiiling. "Nalaman mo nga, pa'no mo naman ako sisingilin ngayong nag-iisa ka?"
"Nag-iisa ka rin naman."
"Sinong nagsabi sa 'yo?" Nakangising tanong niya saka pumitik upang palabasin ang mga bata niyang nagtatago kanina sa dilim. "Alam mo, Lethal?" Tanong niya saka muling naupo sa kaninang inuupuan niya at nagpandekwartong pambabae.
"Hindi." Sarkastikong sagot ko.
Natawa siya ngunit sarkastiko din ito saka ngumisi.
"Hindi mo na 'ko matatakot ngayon. Hindi na ako natatakot sa 'yo."
Tumango ako sa sinabi niya saka humakbang papalapit sa kaniya ng dalawang beses.
"Hindi ka naman nanankit, eh. Hindi ka gaya ni Chan. Kapag si Chan ay kinanti mo ay siguradong bugbog sarado ka na. Ganun ka din naman noon kaya kami takot sa 'yo. Pero ngayon na nagbago ka na ay wala na akong nararamdamang takot sa 'yo." Sabi niya pa.
Si Chan ay si Chano. Codename niya ang Chan.
"Tama ka, pero may isang bagay ka na hindi alam sa akin. Isang 'napaka-importanteng' bagay." Saad ko. "Alam mo kung ano 'yon? 'Yung kung ano ang magagawa ko kapag galit ako. Kung ano ang magagawa ko kapag sinaktan ang pamilya ko. Gusto mo ba malaman kung ano?"
"Interesado ako. Ano?"
"Gumaganti ako at pamilya din ng kung sino mang g*go na nanakit sa pamilya ko ang ginagantihan ko." Sagot ko.
Biglang nawala ang ngisi sa mukha niya dahil sa sinabi ko at napalitan iyon ng seryosong mukha.
Bakas na din ang kaba sa kaniya.
Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin na hindi ka na takot sa akin. Ngayon ay bigla kang kinakabahan.
"Tawagan mo si Rey." Utos niya sa isang bata niya habang hindi pa din inaalis ang tingin niya sa akin.
Nginisian ko siya saka ako humila ng isang mono block at naupo doon.
Ginawa ng bata niya ang utos niya at ako naman ay naghihintay lang sa kung ano ang sasabihin ng bata niya.
Naka ilang pindot din siya sa telepono na hawak niya pero mukhang wala pa din.
"Boss, hindi sumasagot si boss Rey." Sabi sa kaniya ng bata niya.
"Tawagan mo ng tawagan. Kayong iba d'yan. Tawagan niyo din sila Nico, Benz at Dan!" Utos niya pa sa iba.
Kita ko na ang kaba na nahahaluan ng takot sa mukha niya. Pero nananatili pa rin siyang kalmado kahit halata naman na ang kaba sa kaniya.
"Ang tagal naman." Angal ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Hindi ka na pala takot, ah? Okay, tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo.
~ RING! RING! ~
Tumunog ang telepono niya at muntik pa siyang mapatalon. Napangisi nalang ako.
Tunog ng telepono napapatalon na. Tsk, tsk, tsk.
Kinuha niya 'yon mula sa ibabaw ng table at sinagot.
"Ano?!" Sigaw niya habang kunot na kunot ang noo saka galit na ibinaba ang tawag.
"Hayop ka, Lethal!" Galit na sigaw niya sa akin. Ngumisi lang ako sa kaniya. "'Wag mong sasaktan ang pamilya ko, HAYOP KA!" Sigaw niya pa na napatayo pa.
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,