Share

Chapter 64

Raia

Nanatiling nagtataka ang mga kaibigan ko sa likod nila samantalang si Alistair ay hindi. Parang bang alam na niya lahat ng 'to.

Ganun din ako. Nagtataka dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Queen sila? What group are they talking about?

"Mga g*go yata 'to, eh. Sinong niloko niyo?" Mayabang na sabi nung mga kasama ni Lucas saka naglabas ng kaniya kaniyang baril.

Nung makapag labas sila ng baril ay isa isa ding naglabas ng baril sila Alistair, Blake at Tristan na ikinabigla ko.

Bakit sila may baril? What the hell is going on?

May nabuong tensyon sa pagitan ng magkabilang kampo. Lahat sila ay nagtututukan ng baril.

Natatakot ako para kela Blake dahil wala silang laban kela Lucas dahil sobrang dami nila at lahat sila ay may baril.

Sabihin na nating may baril ding hawak sila Blake pero kakaunti 'yon kumpara kela Lucas. Tatlo laban sa twenty. Walang wala sila.

Mas nabigla ako ng magbunot ng baril si Lucas at itutok 'yon sa mga kasama niya.

Nabigla din ang mga kasama niya kaya nagtataka itong tumingin sa kaniya.

"Ibaba niyo 'yan." Utos ni Lucas.

Hindi agad 'yon sinunod ng mga kasama niya dahil nagtataka pa rin sila. Maging ako ay nagtataka sa ikinilos niyang 'yon.

Bakit niya tututukan ng baril ang mga kasama niya? Baliw ba siya? Baliw pala talaga siya.

"Pero boss, G*gā€”ā€”" hindi naituloy nung nagsasalita ang sasabihin niya dahil pinaputukan siya sa hita ni Lucas.

Naging dahilan din 'yon para ibaba ng iba ang baril nila.

"'Wag mong pagsalitaan ng ganiyan si Queen. Kung hindi niyo siya kilala dahil bago lang kayo, baka kilabutan kayo kapag nakikilala niyo ang sinasabihan niyo ng ganiyan?" Galit na usal nito.

"Sino ba kasi 'yan boss?"

"Siya nga si Lethal ang leader ng Dauntless."

"Anong Dauntless ba kasi?"

"Ang Dauntless ay ang sinasabi ko sa inyo na kinabibilangan ko noon. Ang Dauntless ang kinatatakutan ng lahat lalong lalo na leader nito na nasa harap niyo ngayon."

Halatang nabigla ang mga kasama niya at nabahidan ng takot ang mga mukha nila.

Agad silang yumuko at nanatiling nakaganun habang nanginginig ang buong katawan nila dahil sa takot.

"Akala ko ay hindi mo ako makikilala, Remson." Wika ni Andrea.

Lumakad siya papalapit kay Lucas. Yumuko si Lucas at halatang hindi alam ang gagawin niya.

"Alam mo bang kaibigan ko ang nakatali ngayon sa upuan?" Tanong ni Andrea.

Bakas ang galit sa tono ng boses niya na maski ako ay natakot.

Hindi sumagot si Lucas kay Andrea at nanatili itong nakayuko.

Sila Alistair naman ay isa-isa ding ibinaba ang mga baril na hawak nila at pinanuod nalang ang mga nangyayari.

"Alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa ko sa mga taong sinasaktan ang kaibigan ko." Malumanay ngunit bakas ang galit sa pagkakasabi ni Andrea ng mga salitang 'yon.

"Pakawalan niyo siya. Ngayon na!" Sigaw niya na agad na sinunod ng mga kasama ni Lucas.

Sa tono ni Andrea ay bakas ang autoridad. Parang siya ang pinakamataas sa lahat kung magsalita siya. At kailangan ay sundin siya.

Nung mapakawalan na nila ako ay agad akong pumunta sa gawi nila Blake. Yumakap agad sa 'kin si Lexa. Sila Tristan naman at Alistair ay tinapik ako sa balikat.

Matapos akong yakapin ni Lexa ay agad akong hinila ni Blake para yakapin. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap.

Sa yakap niya ay naramdaman ko na safe na safe na ako. Wala na dapat akong ikabahala.

Matapos humiwalay sa yakap ay pinanuod na ulit namin sila Andrea na hanggang ngayon ay nakikipag-usap pa rin kay Lucas.

"Pagbibigyan kita ngayon dahil naging miyembro kita. Pero sa isang kondisyon." Huminto siya saglit sa pagsasalita saka inangat ang ulo ni Lucas ng magtama ang paningin nila. "Buwagin mo ang grupo mo at 'wag na 'wag ka na ulit gagawa ng kahit anong katarantaduhan. Hindi kita pipilitin na bumalik pero kapag nalaman ko na hindi mo binuwag ito. Hahanapin kita at ililibing ng buhay. Naiintindihan mo?" Banta ni Andrea.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kakaiba ang Andrea na nasa harap namin ngayon. Hindi siya ang Andrea na kilala namin.

Nakakakilabot ang mga linyang binibitawan niya.

"Sagot!!"" Sigaw ni Andrea sa mismong mukha ni Lucas ng hindi siya sagutin nito.

"O-oo. P-pangako." Sagot ni Lucas.

Binitawan na siya ni Andrea at naglakad paalis. Sumunod kami sa kaniya.

Bago siya tuluyang umalis ay lumingon muli siya kay Lucas na pinagmamasdan ang pag-alis namin. Nag bow ito sa kaniya at saka muling tumingin sa mga mata niya.

"Mas maganda kung babalik ka ng mababantayan ka nila." Sabi ni Andrea na itinuro ang dalawang lalaki na kaninang pumasok. "Pero kung ayaw mo ay 'wag."

Tumalikod siya sa mga ito at muling naglakad.

Xander

Bumalik kami sa hideout matapos kaming kausapin ni Queen. Gusto daw kaming magkausap ni boss at may pagpupulong daw kaming gagawin kaya imbes na sa bahay na ang deretso ko ay sa hideout ako pumunta kasama si James.

"Anong nangyari?" Tanong ni boss ng makapasok kami sa loob ng hideout.

Naupo muna kami sa dalawang silya na bakante bago kami sumagot.

"Tiklop ang g*go." Sagot ko si Remson ang tinutukoy.

Noong una ay hindi ko siya nakilala agad dahil gaya nga ng sabi ni Queen ay hindi madalas sa hideout ang gunggong na 'yon.

Nakilala ko lang siya noong makapasok ako kanina sa warehouse at makita siya ng malapitan. Lagi kasi kaming malayo sa kanila para hindi nila malaman na sinusundan namin sila.

Baka mayari kami kay boss at Queen kapag nahuli kami.

"Nalaman namin na dati palang miyembro ng Dauntless 'yung g*gong 'yon. Nung si Xander ang kausap eh hindi natatakot. Nung dumating si Queen, biglang tiklop." Si James.

Medyo natatawa pa siya habang nagku-kwento.

"Sino sa dating miyembro?" Tanong ni boss.

"Si Remson." Ako.

"At hindi mo siya nakilala?" Parang galit na tanong ni boss.

"Hindi ko naman kasi laging nakikita si Remson, boss. Hindi ko siya namukaan." Dahilan ko.

"Saka boss, lagi kaming nasa malayo dahil nag-iingat kami. Nagbago din daw ng itsura 'yon sabi ni Queen. Maging si Queen nga ay hindi 'yon nakilala kaya 'wag mong sisihin si Xander." Si James.

Laking pasasalamat ko dahil sumagot si James. Tinapik ko siya sa balikat. Alam na niya kung ano ibig sabihin nun.

"Nga pala boss. Tungkol saan ba ang pulong? Alas dos na, inaantok na ako. May pasok pa bukas." Pag-iiba ko sa usapan dahil baka daragin ako ni boss.

Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"May makakalaban tayong gang. Bukas 8 PM, sa hideout daw nila, doon daw nila gustong makipaglaban." Saad niya saka kami inabutan ng bond paper na nalalaman ng profiles ng makakalaban namin.

Rossin Gang

Members:

Ryle Romen

Gang Leader

Codename: R

20 years old

The heir of Romen Company

He's the one who discover the gang.

Jimuel Rossu

Codename: Jissu

18 years old

The heir of Rossu Company

He's been a member of Rossin gang 4 years ago.

Miro De Jesus

Codename: Mieus

17 years old

The heir of DJ Airline

He's been a member of Rossin Gang 5 years ago.

Catherine Ortega

Codename: Therine

15 years old.

She's been a member of Rossin Gang 1 year ago.

Nico Mendoza

Codename: Menic

19 years old

He's been a member of Rossin Gang 6 years ago.

"Bigatin pala 'yung mga 'to, eh." Sabi ni Reycie. Isa siya sa babaeng member namin.

15 kaming lahat kabilang ang mga bagong member. Umalis na kasi ang iba dahil umalis si Queen kaya naghanap kami ng bago.

Lima lang ang babae sa amin samantalang sampu ang lalaki. Ayaw kasi ni boss na masyadong maraming babae dahil ang iba ay maarte.

Ang mga kasama naman naming babae ay hindi maarte. Mga tahimik sila kapag kailangan. Walang arte sa katawan pero mga maldita at masusungit.

"Sa 'kin na 'yung babae." Sabi ni Myla.

"Sa 'kin siya!" Sigaw sa kaniya ni Reycie. "Ako unang nakakita."

"Lagi naman yatang ikaw? Baka gusto mong pagbigyan kami?"

"Nauna ako kaya akin siya."

"Paanong ikaw ang nauna?!" Halatang napipikon na si Myla. "Sabay sabay lang iniabot ni boss sa 'tin 'to. Ang una mong pinansin ay 'yung info nila na kesyo bigatin sila. Tapos nung sinabi kong akin 'yung babae sasabihin mong ikaw nauna? Baliw ka ba?"

Magsasalita na sana si Reycie ng biglang may isang nagsalita mula sa pintuan.

"Akin 'yung babae ng walang away."

Napalingon kami sa nagsalita at sabay sabay kaming tumayo at nag bow sa kaniya para magbigay galang.

Ang nagsalita ay walang iba kung 'di si QUEEN.

Naglakad siya papalapit sa amin at humila ng isang bangko at doon naupo. Naupo siya sa harap ni boss.

May isang mahabang mesa kami sa gitna at 'yon ang ginagamit namin kapag may pulong kami o pagtitipon. Minsan ay kumakain din kami dito kapag late na at magkakasama kami.

"Dito ka Queen." Sabi ni boss saka umalis na pwesto niya para doon paupuin si Queen.

Umiling ito sa kaniya saka sumandal sa upuan. "Your the boss and I'm a guest. You're the one who should sit on that sit and not me." Si Queen.

"No, Queen. You're still my Queen. Our Queen." Nakatungong sabi ni boss.

"That's not true. Ikaw na ang leader ngayon at hindi na ako."

"Sit down." Utos ni Queen na sinunod ni boss kahit nag-aalangan siya.

"Anong gang ang makakalaban natin?" Tanong niya na tinignan kami isa-isa.

Inabot sa kaniya ng katabi niya ang kaninang papel na ibinigay ni boss sa amin.

"Rossin?" Patanong na bigkas ni Queen sa pangalan ng gang saka siya napatango tango.

"Mayayaman silang lahat." Tatango tango niyang dagdag.

Matapos niya 'yong basahin ay muli siyang humarap sa amin.

Tumingin siya sa dalawang babae na nag-aagawan kung kanino 'yung babaeng member ng Rossin.

"Pwede bang akin na lang ang babaeng miyembro nila?"  Nakangiti niyang tanong sa mga ito.

"Y-yes Queen." Sagot ng mga ito sa kaniya saka sabay na tumungo.

"Thank you." Sambit ni Queen saka humarap kay boss. "Kailan?" Tanong niya dito.

"Bukas, 8 PM."

Ngumiti sa kaniya si Queen saka tumayo.

"Gayahin niyo si Chano. Hindi nauutal kapag kausap ako. Wag kayong mag-alala, hindi ako nangangain ng tao. 'Wag kayong matakot sa 'kin dahil hindi ko kayo sasaktan." Saad ni Queen habang nakatingin sa 'min.

"S-sorry Queen." Sabay sabay sabi ng iba.

Tumingin si Queen kay boss na nakatingin din sa kaniya.

"Baka naman kung ano-anong panget at masasama ang ikinuwento mo sa kanila tungkol sa 'kin kaya ganiyan nalang ang takot nila?" Tanong ni Queen na ikinabigla ni boss.

"Hindi, Queen." Sagot ni boss.

Natawa naman si Queen. Alam ko namang nagbibiro lang siya nung tinanong niya 'yon dahil nakangiti siya.

Hindi ko lang alam kung bakit ganun naging reaksyon ni boss. Pati tuloy kami ni James ay natawa ng bahagya. Pinigilan lang namin dahil baka malintikan kami kay boss.

"'Wag kayong matakot sa 'kin. Okay ba 'yun?" Nakangiting tanong ni Queen.

"Yes Queen." Sagot naming lahat.

Tumango si Queen saka muling tumingin kay boss.

"Pwede ba akong mag-apply bilang member ulit?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status