Share

Chapter 63

Andrea

Sama-sama kaming lahat dito sa loob ng bahay nila Raia dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa 'yun umuuwi.

Mangiyak-ngiyak si Lexa nung tumawag siya sa 'min kaya napasugod agad ako dito. Tinawagan daw siya nung kasambahay nila Raia at sinabing hindi pa umuuwi si Raia hanggang ngayon.

Alas dose na ng madaling araw ay wala pa siya?

"Hindi pa rin niya sinasagot ang mga calls namin." Nag-aalalang sabi ni Lexa.

Kaunti nalang ay iiyak na siya. Nilapitan siya ni Tristan at niyakap. Doon siya umiyak sa bisig ng kasintahan niya.

"Nasa'n na ba kasi 'yun?!" Medyo inis na tanong ni Blake.

"Calm down Blake." Saad ni Cassandra.

"Calm down? How can I? Raia is missing?!" Sigaw ni Blake habang nakatingin kay Cassandra.

"I know! We're all worried here for her. But if you're going to be like that, nothing will happen. If you will let your anger to control you, you might do something that you shouldn't have!"

Natigilan si Blake sa mga sinabi ni Cassandra saka siya kumalma.

Ako ay napabuntong hininga nalang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil hindi ko alam kung nasaan si Raia.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Nasobrahan naman yata ang pagsasama nila ni Lucas.

"Damn that bastard! 'Wag lang niyang gagawan ng masama si Raia! I'll kill him!" Galit na sigaw ni Blake.

"Blake please calm down!" Sigaw ni Tristan sa kaniya. "Like what Cassandra said, nothing will happen if you're going to let your anger control you."

"And Blake, please. Don't be a criminal." Mahinahong sabi ni Lexa sa pagitan ng mga hikbi niya.

Natigil silang lahat sa pagsisigawan ng mag ring ang phone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa ng jacket na suot ko saka tinignan kung sino ang tumatawag.

Xander calling...

Sa wakas ay tumawag na din ang kanina ko pang hinihintay.

"Anong balita?" Tanong ko.

"Kanina pa sila dito sa isang parang warehouse. Hindi pa rin sila umaalis kaya nagtataka na kami." Sabi niya.

Ano namang ginagawa nila sa warehouse?

"Hindi ba siya napilitan nung nakita mo silang bumaba ng sasakyan?" Tanong ko.

"Hindi. Kusa siyang sumama."

Kusang sumama? Anong ginagawa nila do'n ng ganoong katagal?

"Tanungin mo na p're." Dinig kong bulong ni James kay Xander.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Ahh, Queen. Nag-aalala na kasi kami. Baka pwede naming pasukin ng makasiguro kami."

"Sige, pasukin niyo. I-text mo na rin sa 'kin ang exact address. Pupunta kami d'yan." Sabi ko saka ibinaba ang linya.

"Who's that?" Sabay na tanong ni Cassandra at Hagdan.

"Si Xander." Sagot ko.

Nakita ko kung paanong kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Hagdan. Nagsususpetsa na 'to, panigurado.

"Who's that Xander? Tinawagan ka pa talaga niya ng ganitong oras?" Bakas sa boses niya ang inis.

Tumingin ako kela Cassandra at sa iba pa naming kasama, lahat sila ay nagtatanong ang tingin.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Isa siya sa mga nagbabantay kay Raia. Ang sabi niya ay nasa isang warehouse daw huminto ang sasakyan nila at doon pumasok 'yung dalawa. Kanina pa daw dun at hindi pa lumalabas." Paliwanag ko.

"Where is that warehouse?" Agad na tanong ni Blake.

"Sumunod nalang kayo sa 'kin. Kumuha din kayo ng baril dahil kung tama ang kutob ko ay mga siraulo ang taong nandun. Kailangan niyo 'yon pang self defense at hindi para pumatay ng tao dahil sa galit." Sinabi ko ang mga huling linya habang nakatingin kay Blake.

Napayuko siya saka bumuntong hininga bago tumingin ulit sa 'kin. "I promise, I'll use that for self defense." Sinserong sabi niya.

Tumango lang ako sa kaniya.

Agad na nagsikilos ang mga kasama ko at nagsi-uwi sa mga bahay nila para kumuha ng baril.

Naiwan naman kami ni Cassandra dahil hindi na namin 'yon kailangan.

"I think that we're thinking the same thing." Sabi niya.

"Baka nga."

"If our gut feeling is right, Raia's life is in danger now."

"Punyeta siya. 'Wag lang niyang sasaktan si Raia, baka hindi na niya abutan ng pagsikat ng araw."

"Calm down, Andrea. Save your strength and anger for now. We will kill him together if he do something to Raia." Saad ni Cassandra.

Nahinto kami sa pag-uusap nung sabay sabay dumating ang mga kaibigan namin sakay ng mga kotse nila.

Sumabay ako kay Hagdan at si Cassandra naman ay sumabay kay Blake. Sabay sabay kaming umalis at pumunta sa lugar kung saan naroon sila Raia.

Raia

"Hayop ka!" Sigaw ko kay Lucas.

"HAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAH!"

Tinawanan niya lang ako. Hayop siya!

Nandito ako sa isang warehouse dahil dito niya ako dinala. Ayaw ko mang sumama ay wala akong nagawa dahil tinutukan niya ako ng baril kanina.

Papatayin daw niya ako kapag hindi ako sumama.

I'm stupid to believe everything he said before. I'm so stupid to choose to be with him than to be with my friends.

And now because of my stupidity, I'm here.

Nakaupo ako sa isang chair habang nakatali ang kamay at katawan ko. Sa mismong upuan nila ako itinali.

"Tanga ka naman kasi, ang dali mong paikutin. HAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHA!"

I know that I'm stupid, 'wag mo ng ipamukha.

"Lahat ng sinabi mo ay kasinungalingan lang lahat?!"

"Yeah. Pina-ikot lang kita para may pulutan na kami. HAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHA!"

Pulutan? Anong tingin nila sa 'kin? Pagkain?

Sana pala ay nakinig ako kay Andrea before. Wala sana ako dito.

"Asshole!"

"I know that I'm an asshole. Pero sorry ka nalang. Sumama ka sa tulad ko, eh."

"You'll die if my friends know this."

"Natakot naman ako." Umakto pa siya na animong natatakot. "Walang laban sa 'kin ang mga kaibigan mo. Gangster kami at leader ako. Anong laban nila?"

Gangster? Sumama ako sa isang gangster? The hell?!

Natakot ako nung sinabi niya 'yon. Alam kong alam na nila Lexa na hindi pa ako umuuwi hanggang ngayon dahil panigurado na sinabi na ni Manang 'yon sa kanila.

Ganun lagi ang ginagawa ni Manang kapag hindi agad ako nakakauwi at late na. Tumatawag siya kay Lexa at sinasabi ang nangyari.

"'Wag kang mag-alala, Raia. Masasarapan ka sa gagawin namin. Wala ka namang ibang gagawin kung hindi ang bumukaka at ipakita sa 'min 'yang pinakaiingatan mo."

Nakakadiri! Patayin na nila ako pero hindi ko gagawin 'yon. I won't do that, NEVER IN MY LIFE!

"And do you think that I'll do that?" I ask sarcastically.

"Oo, dahil wala ka namang choice. Kahit nga patayin ka namin ngayon ay pwede ka pa rin naming gawing pulutan. Why? Dahil kahit patay ka na buo pa rin ang katawan mo."

May pinagkaiba naman 'yon. I won't feel it because I'm dead. So I think that it's better than when I'm alive.

"Kill me, then." Hamon ko na nakapagpatigil sa kaniya.

Naglakas loob na akong sabihin 'yon. Mas maganda na 'yon kesa buhay ako pero binaboy naman na nila.

Saglit siyang natigilan bago ngumisi sa akin.

"'Wag kang atat. Mas gusto kasi nang mga kasama ko na buhay ka para marinig nila ang ungol mo. Masarap sa pandinig namin ang ungol ng mga babae kapag kinakain na namin." Huminto siya saglit sa pagsasalita saka naglakad paikot sa pwesto ko. "Panigurado na mabango 'yan dahil anak mayaman ka. Hindi na ako makapaghintay na dilaan at kainin 'yan. Mas lalong hindi ako makapaghintay na ipasok ang aking alaga diyan. Tumatayo na nga ang junior ko kapag naiimagine ko ang mga bagay na 'to." Nakangisi niyang sabi.

Kinilabutan ako sa mga narinig ko. What the hell is he saying?!

"Boss, ang tagal naman yata nung mga inutusan mo?" Tanong nung kasama niya.

May mga kasama siya. Nasa 20+ I guess.

"Ang tagal nga, eh."

"Bakit kasi hindi nalang siya mag-isa?"

"Baka mamatay agad 'to, mahirap na. Hindi naman pwede na ang mga nauna lang ang makakarinig ng ungol kaya dapat pati 'yung iba. Hintayin nalang natin 'yung mga 'yun. Baka parating na din kasama ang dalawa pang babae."

Hindi lang pala ako? May dalawa pa? What the hell?

They are bunch of crazy people!

Bumukas ang pinto na parang gate. I don't know what to call this thing. Bakal siya na malaki na nagsisilbing pinto ganun.

Ang akala nila ay iyon na ang hinihintay nila but they are wrong. Two guy come in. Ang sama ng tingin nila kay Lucas at sa mga kasama nito.

Si Lucas naman ay parang na shock when he saw the two person.

"Long time no see Remson." Bati nung kapapasok pa lang na lalaki habang masamang nakatingin pa rin kay Lucas.

Remson? Hindi Lucas ang name niya, kung 'di Remson?

"Long time no see." Bati din ni Lucas dito.

Naglakad papalapit 'yung dalawa sa akin. Huminto lang sila ng ilang dipa nalang ang layo nila sa 'kin.

Ang isa ay parang kilala ko. I think I saw him somewhere. Saan ko nga ba siya nakita?

Ahh, siya 'yung nagtatrabaho sa restaurant nila Andrea. Siya din 'yung dumukot nun kay Andrea.

Napatingin siya sa 'kin nung naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng Are-you-okay look kaya tumango ako. Tumango din siya nang bahagya sa akin at bahagyang ngumiti bago ibalik ang tingin niya kay Lucas.

"Alam mo ba kung ano ang gagawin sa 'yo ni Queen kapag nalaman niya ang ginagawa mong 'to?" Tanong nung isa sa mga lalaki na pumasok.

Bakas sa mukha ni Lucas na nagulat siya at the same time ay natakot dahil sa sinabi nung guy.

"Wala akong pakielam sa gagawin niya."

"Talaga? Hindi ka natatakot?" Nakangising tanong ng kausap niya.

"Matagal ng wala si Queen. Matagal na siyang umalis at matagal na din akong umalis kaya labas na ako sa inyo."

"Matagal na nga siyang umalis at matagal ka ng umalis pero alam ko na nirerespeto mo pa rin siya. Alam mo ba kung sino 'yang taong 'yan?"

Hindi sumagot si Lucas. Nakatingin lang siya doon sa kausap niya.

"Kaibigan 'yan ni Queen."

Kaibigan? Sino sa kanila ang tinutukoy nito?

Bumukas muli ang isang malaking bakal na nagsisilbing pinto nitong warehouse at doon pumasok sila Andrea kasama sila Blake, Cassandra, Alistair, Tristan and Alexa.

Tumingin ako kay Blake at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Sa pamamagitan din ng tingin niya ay tinatanong niya kung okay lang ako.

Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti din siya sa 'kin. Ibinaling ko sa iba pa naming kaibigan ang tingin ko at ganun din ang tingin na ibinigay nila sa akin kaya nginitian ko sila.

Nang tignan ko si Andrea ay sinipat niya saglit ako saka ibinaling ang tingin kela Lucas.

Naglakad siya papalapit sa pwesto nung dalawa na nag bow sa kaniya nung makita siya.

"Long time no see, Remson." Seryosong sabi ni Andrea kay Lucas.

Pati siya ay Remson ang tawag kay Lucas. Naguguluhan na ako.

Naglakad din papalapit si Cassandra. Naiwan sa likod nila ang mga kaibigan namin.

"Hindi kita agad nakilala dahil nagbago ka ng style mo. Nagbago ka din ng pangalan. Hindi din kita madalas na makita kapag may pagpupulong kaya hindi ka pamilyar sa akin." Dagdag ni Andrea.

"Sino ka ba? At bakit naman ako pupunta sa pagpupulong niyo? Ha? Sino ka ba?!" Mayabang na tanong ni Lucas.

Ngumisi muna si Andrea sa kaniya bago magpakilala. "I'm Lethal the Queen of Dauntless. Your Queen." Biglang napalitan ng galit ang boses ni Andrea.

Nakita ko kung paanong napalitan ng takot ang kaninang mayabang na aura niya. Nanginginig na din ang mga kamay at tuhod niya.

"Queen ka niya? Alam mo bang siya ang boss?" Singit nung isa sa mga kasama ni Lucas.

Sabay sabay silang nagtayuan at pumunta sa likod ni Lucas.

"At ikaw." Turo niya kay Cassandra. "Sino ka naman? 'Wag mong sabihing Queen ka din ni boss?"

Tumingin sa kaniya si Cassandra saka ngumisi. "You're right. I'm a Queen. But not his Queen. I have my own group. Wanna know me? I'm Butterfly the Queen of Dragons." Saad ni Cassandra.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status