Andrea
Nakakainis naman!
Kailangan kong bumangon kahit hindi pa ako gaanong nakakatulog. Alas kwatro na din kasi ng matapos kaming mag-usap nila lola.
Ang tagal 'no? Ewan ko nga kung bakit ganun, eh. Hindi kasi namin namalayan ang oras.
Alas sais naman ng gumising ako dahil may pasok!
Punyeta!
Bumangon ako sa kama ko saka pumasok sa banyo at ginawa ang kailangan kong gawin.
Ilang oras din bago ko matapos ang kailangan kong gawin saka ko hinanda ang gamit ko at bumaba sa dining area.
Dinig ko ang usapan at tawanan nila habang pababa ako.
"Eh, mas loko loko naman si Andrei noong bata." Dinig kong sabi ni lola.
"Bakit naman, 'la?" Si Andrei.
"Aba'y, sabi sayo ng mama mo na 'wag kang aakyat noon sa upuan dahil baka mahulog ka. Naghuhugas ng plato nun ang mama mo. Alam mo ba kung anong ginawa mo?"
"Ano?"
"Pumunta ka sa kusina at kinalabit mo ang mama mo saka ka tumakbo palapit sa upuan at umakyat."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" At nagtawanan sila.
"Sa lahat ay ikaw ang matigas ang ulo." Dinig kong sabi ni mama.
"Ayan na pala si Andeng." Saad ni papa pagkadating ko sa dining area.
"Gising ka na?" Takang tanong ni kuya Andrew.
"Tulog pa, kuya. Naglalakad siya ng tulog." Pang-aasar ni kuya Andrello sa kaniya.
Inismiran lang siya ni kuya Andrew.
"Good morning, Andeng!"
"Good morning, Andrea!"
"Good morning!"
"Good morning, ate!"
Bati nilang lahat sa akin.
"Morning." Bati ko pabalik saka ako naupo sa upuan ko.
Kumuha ako ng bread at bacon saka ko nilagyan ng mayonnaise. 'Yun ang kakainin ko dahil wala ako sa mood magkanin ngayon.
"'Yan lang ba ang kakainin mo?" Takang tanong ni mama sa akin.
"Hmm." Sagot ko.
"Wala sa mood." Dinig kong bulong ni Andrei.
"Paanong hindi mawawala sa mood 'yan, eh dalawang oras lang ang tulog." Sabi naman ni mama.
"Bakit ba kasi gumising ka ng maaga?" Tanong ni papa sa akin.
"Baka ma-late ako." Sagot ko.
"Oh, eh, ano naman? Mas mainam na late ka kesa ganiyang wala ka sa mood. Paano kang makakapag-aral ng ayus niyan?" Saad ni Tita Beth.
Nginuya ko muna ang laman ng bibig ko bago ako magsalita.
"Kapag late ako, hindi na naman ako makakapasok sa first subject ko."
"Bakit naman?" Tanong ni Andrei.
"Dahil hindi ako papapasukin."
"Bakit naman?"
"Dahil late ako."
"Bakit naman?"
"Dahil hindi ako gumising ng maaga."
"Bakit naman?"
"Ayy, punyeta!" Inis na sigaw ko.
Puro bakit naman, bakit naman ang sinasabi.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa naging reaksyon ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Inis akong umalis at walang paalaman na naglakad papunta sa garage at sumakay sa motor ko.
Wala na nga ako sa hulog nangbwisit pa ang loko.
Nagmaneho ako papunta sa school at mabuti nalang dahil walang traffic. Baka lalo akong ma badtrip dahil sa punyetang traffic na 'yan.
Alexa
"I'm going... mom, dad." Paalam ko sa parents ko.
I kiss them in their cheeks before walking towards na dining area's door.
"Take care, hija."
Katatapos lang naming kumain ng breakfast and I'm happy dahil maaga akong nagising at nakasabay ko sila.
Minsan kasi ay 6 am palang ay wala na sila. Ganoon sila ka workaholic.
I don't know, but sometimes naiinis ako sa kanila dahil sobrang workaholic nila.
Parang mamamatay sila kapag hindi sila nag-work ng sobra. God!
Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa mansion nila Raia. I want to visit her, and of course her parents.
Nandito kasi sila tita and I'm happy na nagtagal sila dito. I'm sure that Raia is the most happy daughter now because her parents is staying here at the Philippines.
~ Raia's House ~
•
DING DONG DORRBELL •Nag doorbell ako and hindi naman nagtagal ay pinagbuksan ako ng kasambahay nila.
Binati muna niya ako bago niya ako papasukin. "Magandang umaga, hija. Pasok ka." She said.
"Good morning!" I greeted back then I come in.
"Nasa dining pa si Ma'am Raia, nag-aagahan pa sila." Saad niya habang naglalakad kami papasok.
"Am I disturbing them?" Nahihiyang tanong ko.
Grabe, naman. Wrong timing yata ako. Hayys bakit kasi hindi ka nag-iisip? Ang aga pa naman.
"Aba'y, hindi naman. Patapos na rin siguro sila dahil kanina pa sila kumakain."
"Ang aga naman po."
"Maaga talaga silang kumakain tuwing umaga dahil may pasok si ma'am Raia. Maupo ka muna d'yan at ipapaalam ko lang na nandito ka."
Pina-upo niya ako nung makarating kami sa living room ng house nila Raia.
I sat in one of their couch and wait for Raia to come.
Hindi naman nagtagal at lumabas na siya with her parents.
I stood up to greet them.
"Good morning, Tito and Tita."
"Good morning, Lexa." They greeted me back while smiling.
"Sit down." Tita said so I sit down.
"Ang aga mo naman." Bulong sa 'kin ni Raia.
She sat beside me while her parents sat beside each other in front of us.
"I woke up early, that's why." I whispered back.
"Mabuti naman at nakadalaw ka dito, hija." Nakangiting sabi ni Tita.
"Of course, Tita. Namiss ko po kayo, eh. Hehe."
"We miss you too. Nasa'n naman ang naggugwapuhang kasintahan niyo?"
Nagkatinginan kami ni Raia dahil sa tanong na 'yon. Its an awkward question dahil hindi pa naman ayus sila Raia at Blake.
"Their still asleep, I guess."
"Why?"
"Uhmm." Naiilang akong tumingin kay Raia at nanghingi ako ng tulong sa kaniya sa pamamagitan ng tingin.
"They are t-tired. B-because of our s-study." Raia said.
Ugh! Bakit ba kasi napunta agad dito ang usapan? Ugh! Nakakainis!
"I wanna meet them later. Invite them and the new friend of yours over. What's her name again? Andrea?" ~ Raia's mom.
"Y-yes, mom."
"Invite them for dinner, okay?"
"Yes, mom." ~ Raia. "We have to go. Baka ma-late kami."
Nagpaalam kami bago kami lumabas.
Hinatid kami ng driver nila papunta sa school. Pinauwi ko na rin kasi ang driver ko pagkadating ko sa bahay nila Raia dahil gusto kong makasabay ang bestfreind ko.
"Paano nakilala ng parents mo si Andrea?" I asked while we're on their car.
"I tell them about her." She replied.
Napatango ako.
"How about you and Blake?"
"What about us?"
"Did you tell your parents about what happened?"
Sandali siyang napa-isip habang nasa labas ang paningin niya.
Nahiya naman ako dahil in-open up ko pa ang topic na 'yon. She might be uncomfortable about that topic.
I was about to say sorry but I stopped because of what she said.
"No... me and Blake is... I don't know, haha. It's complicated."
Halata na pilit ang tawa at ngiti ni Raia habang sinasabi niya 'yon. Napabuntong hininga naman ako.
Nakaka-awa siya dahil halata naman na mahal na mahal pa rin niya si Blake. Kung hindi lang naman kasi siya selosa, edi sana walang ganitong eksena.
Hindi naman sa sinisisi ko siya, pero dahil din naman kasi sa kaniya 'yon kaya nagkaganun.
"I'm an idiot for letting him go." Pilit ang ngiting dagdag niya dahilan para maibalik ko sa kaniya ang paningin ko. "He doesn't want to broke up with me, but I insist, haha."
Bumuntong hininga siya matapos niyang sabihin 'yon. I can see sadness and pain in her eyes. Nakadagdag 'yon sa awa na nararamdaman ko sa kaniya.
Poor Raia.
"And now, I feel hurt whenever I see him happy with Cassandra. They were happy together." Pagpapatuloy niya. "I don't know if there's still a hope for us to be together."
Nahinto kami sa pag-uusap nung makarating na kami sa parking lot. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako.
Habang naglalakad kami papasok sa school ay wala siyang kibo at nakatingin lang siya ng deretso sa daan.
Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya habang naglalakad. She's hurt, I can see it in her eyes. How I wish I can do something to take that away.
Jake
Ang aga-aga nasa parking na agad ang motor ni Pikon. Himala at nauna siya sa 'kin ngayon.
Ang kadalasan kasi ay ako ang nauuna sa kaniya at hinihintay ko lang siya, ngayon ay siya ang nauna.
Dumeretso ako sa room namin pagkadating ko dito. Motor din and dala kong sasakyan ngayon dahil tinatamad akong mag kotse at baka ma-traffic pa ako.
~ Room ~
"Good morning, Pikon!" Bati ko sa kaniya pagkapasok ko sa room namin.
Iilan palang rin naman ang estudyante sa loob dahil maaga pa.
Tinignan lang ako ni Pikon at ibinalik ang paningin niya sa bintana.
Wala sa mood 'to, panigurado. Kung nasa mood 'to, eh malamang at naasar na agad 'yan dahil sa malakas na pagbati ko sa kaniya.
Ngayon kasi eh, kahit na anong emosyon ay wala kang makikita sa mukha niya.
Lumapit nalang ako sa kaniya nung hindi niya ako pansinin at naupo sa tabing upuan niya.
"Hooyyy!" Malakas na tawag ko sa kaniya kaya naman inis siyang humarap sa akin.
Pinigilan ko ang matawa dahil sa naging reaksyon niya. Pikon talaga, HAHAHAHAHAHA.
"Bakit ba?!" Inis na tanong niya.
"Sungit mo, ke aga-aga eh."
"Mukha mo palang kasi nakaka-asar na!"
"Aww, bakit naman ganiyan ka sa 'kin?"
"Tumabi ka nga!" Inis na sigaw niya nung tumabi ako ng husto sa kaniya.
"Ba't ba ang init ng ulo mo?!" Kunwaring galit na tanong ko.
Kunwari lang, syempre. Magagalit ba naman ako dito, eh siya nga ang inaasar ko. Bwahahahahaha.
"Wala ako sa mood ngayon, Amilton, 'wag mo 'kong simulan." Nagbabanta ang tinig niya nung sinabi niya 'yon.
"Wala ka na naman sa mood? Baket? Dahil galing ka pa sa hideout niyo kagabi at late ka ng umuwi?"
Medyo nagulat siya sa tanong ko pero mabilis din siyang naka-recover. Huli ka balbon.
Hindi naman siya sumagot at doon nalang ulit sa bintana tumingin.
Napabuntong hininga naman ako at saka seryosong tumingin sa kaniya.
"Andrea." Seryosong tawag ko sa pangalan niya kaya naman tumingin din siya sa 'kin ng seryoso.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya ng deretso sa mga mata ko.
"Alam kong bumalik ka na sa grupo mo dahil naging maugong iyon. Kaninang alas-singko ay tumawag sa 'kin si Jeremie at sinabing nagbalik na si Lethal." Wika ko.
Naging maugong talaga ang balitang iyon sa lahat ng mga gangster. May sarili din kaming mga group page sa mga social media at nakapost doon ang pagbabalik ni Lethal.
Sa mga group page na 'yon ay hindi tunay na pangalan namin ang gamit namin kung 'di mga codename lang.
Alam niyo naman siguro kung paano gumawa ng f* account na one name lang?
Hindi ulit siya nagsalita kaya naman kinuha ko ang phone ko at nagpipindot doon. Nung mahanap ko ang hinahanap ko ay ipinakita ko sa kaniya 'yon.
BRAKING NEWS:
•The former leader 'QUEEN' of Dauntless Gang AKA Lethal is now BACK!!!
COMMENTS
Dark: Wahh? Talaga? Bumalik na si Lethal? Exciting siguro ang laban ngayon.
Duke: Magkakaroon na ako ng chansa na makalaban si Lethal. First time in the history, may makakatalo sa kaniya.
Shine: Makalipas ang ilang taon ay bumalik si Lethal? Mukhang gaganahan na ulit akong makipaglaban sa grupo nila.
Ripped: 'Wag kayong mayayabang dahil kahit magsama-sama kayo ay hindi niyo kaya si Lethal.
Dine: Oo nga, dahil sobrang galing niya!
News Update:
•Lethal of Dauntless Gang is now back as an ordinary member said by one of their members.
Comment
Rein: Bakit ordinary member lang?
Shan: Aba, marunong din palang mahiya 'yan, 'ano? HAHAHAHA
Kris: Baka mahina na at hindi tulad ng dati kaya ganiyan na lang ang position niya. HAHAHA. Tignan natin ang tapang mo ngayon, Lethal. Lalabanan kita. Hinahamon kita!
Binasa niya ang nga 'yon at bakas naman sa mukha niya na hindi siya interesado.
"Bumalik ka talaga? Anong trip mo?"
"May dahilan ako."
"Ano namang dahilan 'yan? Anong dahilan 'yan at kailangan mo pang bumalik?"
"'Wag mo ng alamin."
"Ano nga?! Sabihin mo?!"
"'Wag mo na ngang alamin.."
Napabuntong hininga ako. Ang tigas talaga ng ulo nitong babaeng 'to, kahit kailan!
"Anong dahilan mo?" Malumanay na tanong ko.
Napabuntong hininga naman siya saka iniiwas ang phone ko na nakaharap pa din sa kaniya at saka tumingin sa akin.
Alam naman niyang hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya ako sinasagot kaya humarap siya sa akin.
"Isa ang pinsan ko ang kalaban. Si Catherine."
Nagulat ako sa isinagot niya. Paanong nasali sa gang ang pinsan niya? Ang alam ko ay wala sila dito sa Manila.
"Anong ibig kong sabihin?" Naguguluhang tanong ko habang nakakunot pa ang mga noo.
"Bumalik ako dahil sumali siya. Isa din siya sa mga makakalaban namin kaya naman nung nalaman ko 'yon ay agad akong pumunta sa hideout at hiniling ko sa mga kasama ko na ako na ang lalaban." Sagot niya.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na sumali ang pinsan niya sa gang.
"Pa'no mo nalaman 'yan?" Tanong ko.
"Sinabi sa 'kin ni Rain na sumali ang kapatid niya sa isang gang dahil bored daw 'yon. Inalam ko kung anong gang 'yon at sinabi niya sa 'kin."
"Anong gang?"
Rossin ang bagong gang. Alam ko na bagong gang 'yon dahil kasasali lang nila sa mga group page namin at bago pa sa pandinig ko ang pangalan ng gang nila.
Hindi ko alam na isa pala do'n ang pinsan ni Pikon. Peste! Pati kami ay hinahamon no'n. Pa'no nalang ang gagawin ko?
Ngayon ay naiintindihan ko na si Pikon kung bakit siya bumalik.
Andrea~ FLASHBACK ~Yesterday around 1:00 am.Pabalik na kami matapos naming sunduin si Raia sa warehouse na pinagdalhan sa kaniya.Sa kotse ni Hagdan ako sumabay, kasama din namin ni Cassandra sa kotse niya dahil ayaw daw niyang makigulo sa dalawa.Gaya nung bago kami pumunta sa warehouse ay sa kotse ni Tristan sumakay si Alexa at sa kotse naman ni Blake si Raia."My goodness! He is one of your kid?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cassandra.Sinulyapan ko naman siya bago tumango."How come? Why didn't you notice him?""Bakit nga hindi mo siya nakilala?" Tanong ni Hagdan."Hindi ko naman kasi madalas na makita 'yon noon." Sagot ko.
AndreaNasa kubo kami ngayon dahil wala namang klase. Wala daw 'yung isang subject teacher namin.Madalas wala ang isang 'yon, ewan ko kung bakit. Baka may importante na ginagawa.Magkakasama man kaming magkakaibigan dito sa kubo ay may sari-sarili naman kaming ginagawa. By partner, Haha.Si Raia at Blake na mukhang malapit ng magka-ayus. Si Tristan at Lexa na naglalambingan. Si Cassandra at Jake na puro asaran. At ako at si Hagdan."Really, huh? I'm too much for you!" Sarkastikong sabi ni Cassandra kay Jake.Sinasabi kasi ni Jake na baka daw tama ang sinabi ko na may gusto si Cassandra sa kaniya."Umamin ka na, 'wag ka ng mahiya." ~ Jake."They look cute together." bulong sa 'kin ni Hagdan."Mmm. In denial stage pa nga lang sila, HAHAHA." Natatawang sabi ko.Mahahalata naman kasi sa dalaw
AndreaLumipas ang oras ng hindi kami nagkikibuan ni Alistair. Hindi niya ako pinapansin.Kahit na lapitan ko siya ay umiiwas siya. Kapag nagtatangka naman akong kausapin siya ay umiiwas din siya.Nagalit nga siya sa ginawa ko. Ako naman 'tong bobo at hindi nag-iisip.Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagkaganito kami ni Al. Nakakatawa lang na ngayon ko lang naisip ang mga mali ko.Inu-unahan kasi ako ng takot. Takot na baka magalit siya. 'Yon lagi ang nangunguna sa akin kaya 'eto kami ngayon.HINDI NAGPAPANSINAN.Hayys.Akala ko matapos ang klase ay kakausapin niya na ako pero mali pala ako. Hindi niya pa rin ako pinapansin at nagtuloy lang siya sa paglabas.Napabuntong hininga nalang ako na sinundan siya ng tingin at saka hinintay sila Alexa para sabay-sabay na kaming lumabas ng room."Nag
AlistairIt's been days since I confronted Andrea. Hindi pa rin kami nagpapansinan at nakakapag-usap.Halos wala na rin kasi akong time. We have a practice before and after our class so, school basketball court lagi ang deretso ko.Hindi naman niya ako hinihintay at lagi siyang nauunang umalis. She's a bit cold to our friends too. Hindi lang ako ang hindi niya pinapansin. Pati na din sila Lexa.Nakaka-usap naman siya si Jake pero madalang at saglit lang.If she's mad at me now, I don't understand why. I don't know why. Why would she be mad? She's the one who's keeping secrets from me.I don't see any reason for her to be mad."Class dismiss." Sir Lee said. Our P.E. Teacher. "Jake and Andrea. Go to my office now. Spare me a minute.""Okay, sem." Jake said.Andrea just nodded at him and fix her things. After
AndreaBumalik kami ni Jake sa klase matapos kong umiyak sa mga balikat niya.Habang nasa klase kami ay ramdam na ramdam ko ang pagtingin lagi ni Alistair sa akin.Hindi ko naman 'yon pinansin at nakinig nalang sa nagtuturo. Kung gusto niya naman siguro akong kausapin ay kakausapin niya ako mamaya.Kung paninindigan naman niya ang pagiging boyfriend nung Samantha, eh 'di bahala siya.Habang nasa loob ng klase ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.May nag message sa akin. Binuksan ko ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nag-text.Nagsimulang pumatak ang mga luha ko ng mabasa ko ang message na natanggap ko.Hindi ko napigilan ang mga luha ko at nagtuloy tuloy ito sa pagtulo. Sobrang sakit ang naramdaman ko matapos basahin ang message na 'yun."Smith are you okay?" Tanong ng subject te
AndreaNagmaneho ako papunta sa ospital kung nasaan sila mama. Gusto kong makita si lola.Wala akong pakielam sa mga sasakyan sa paligid ko. Nung may traffic akong nakita ay sumisingit ako kahit na may magasgasan akong sasakyan ng iba.Sinisigawan na ako ng iba pero wala akong pakielam sa kanila. Dinig ko ang inis na sigaw nila dahil nagagasgasan ko ang sasakyan nila pero hindi ko pinapansin.~ Hospital ~Agad akong pumunta sa room ni lola sa ospital pagkadating na pagkadating ko dito.Tinakbo ko 'yon mula entrance. May nababangga nga ako na mga tao na naglalakad mapa-pasyente, mapa-doktor o mapa-guardian ay nababangga ko.Wala naman akong pake dahil nagmamadali ako papunta sa kwarto ni lola.Pagdating ko naman do'n ay isang nurse nalang ang naabutan ko na inaayus ang kama na hinihigaan ni lola kanina.
AndreaIlang araw ding ibinurol ang labi ni lola bago siya inilibing. Gaya ng hiling niya ay doon siya sa tabi ng puntod ni lolo inilibing.Nagising na din sila mama at Tita Beth pero si papa ay comatose pa din. Ang malungkot lang ay hindi na umabot sila mama sa libing ni lola.Nagising sila matapos ilibing ni lola at nakabalik na kami dito sa Manila. Kasama naming bumalik sa Manila ang mga kapatid nila mama.Sumama sila sa amin dahil gusto daw nilang alagaan at bantayan ang mga kapatid nilang nasa ospital.Ang imbistigasyon naman sa nangyari sa kanila ay nagpatuloy pa din. Hindi pa namin alam kung sino ang may sala pero alam naming merong may sala.Ang sabi ng mga pulis ay may sumira ng break ng kotse na sinasakyan nila mama kaya ito nawalan ng preno.Tama ang hinala ko. Ang tanong nalang ay kung sino."Na-hack ko na ang
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo