Andrea
Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako.
Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine.
Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh.
Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim.
May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs.
Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito. Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.
Sunod kong pinuntahan ang puntod ni lolo. Ngayon na lang ulit ako nakadalaw dito. Pumasok ako sa isang musuleo kung saan naroon ang puntod niya.
Inilapag ko ang bulaklak na binili ko bago ako pumunta dito saka ako naupo sa harap. Pinunasan ko ang alikabok na nakita ko saka ko tinitigan ang pangalan ni lolo.
Leonardo D. Ortega
Born: February 13, 1943Died: October 17, 2014"'Lo, nandito na 'ko. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw." Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin ko. Bumibigat na naman kasi ang dibdib ko.
"Ang daya mo naman kasi 'lo, eh. Iniwan mo kami agad. 10 years old pa lang ako nang iwan mo kami. Hindi mo man lang kami hinintay na lumaki bago mo kami iwan. Ang saya pa natin nung umaga, 'di ba? Bakit nung natulog kami, tayo, iniwan mo na kami. Bakit hindi ka na gumising, 'lo? Sumobra naman sa himbing ang tulog mo."
Hindi ko na napigilan ang luha na bumagsak mula sa mga mata ko. Kanina ko pa iyon pinipigilan ngunit kusa na siyang nahulog ngayon.
Tuloy tuloy ang bagsak nito na para bang rumaragasang tubig sa ilog. Hindi ko ito mapigilan kahit na gusto ko.
"Sa 'yo kami tumatakbo kapag pinapagalitan kami nila mama. Pa'no na ngayon? Kanino na kami tatakbo? Sabi mo pagkatapos kong mag-aral ng martial arts, maglalaban tayo. Pero saktong pagkatapos kong mag-aral, nawala ka na. Nakakainis ka, 'lo. Alam mo 'yun? Kahit man lang grade 6 hindi mo hinintay. Sana naman nandun ka nung grumaduate ako ng grade 6. Pero ayus lang, 'lo. 'Wag mo na kaming alalahanin. Kaya na namin ang mga sarili namin ngayon. 'Wag ka na ring mag-alala kay lola. Kami na ang bahala sa kaniya."
Pinunasan ko ang mga luha na lumalabas mula sa mga mata ko saka ko kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.
"Ito lolo oh. Tignan mo ang saya namin. Kaya 'wag ka ng mag-alala sa 'min ah. 'Eto pa, ang dami kong awards na nakuha mula sa school. Kahit sa guidance may nakukuha ako. Pasensya na, 'lo. Mainitin ulo ng apo niyo eh."
Ipinakita ko ang mga litrato na kuha namin kahapon at ang mga awards ko kahit na hindi naman niya talaga iyon nakikita.
"Malapit na 'kong grumaduate, 'lo. Magtatapos akong ng pag-aaral ko, pangako 'yan. Tutuparin ko ang pangarap mo para sa 'kin, ang magtapos ng pag-aaral. Pagkatapos kong mag-aral 'lo, babalik ako dito. Ipapakita ko sa 'yo ang diploma ko. Balik nalang ulit ako next time, 'lo ah. Miss na miss na kita. I love you."
Natapos ang reunion namin kasabay ng pagtatapos ng 1 week holiday kaya pasukan na naman.
Pumasok kami ng sabay sabay sa school gamit ang kotse ni kuya Andrew. Matagal na rin nung huli naming ginawa ito. Ang sabay sabay pumasok.
"Dito tayo magkita kita mamaya. Be on time." Paalala sa amin ni kuya Andrew.
Sa main gate ng campus niya kami ibinaba. Tumango kami sa kaniya at nag-kaniya kaniya na.
"Kamusta bakasyon niyo?" Tanong sa amin ng adviser namin.
"Ayus naman po."
Tinanong niya kami kung saan kami pumunta o kung ano ang ginawa namin na sinasagot naman namin.
"Ikaw, Smith? Sa'n ka nagpunta?" Tanong niya sa 'kin.
"Sagada." Sagot ko.
"Maganda daw dun, ah."
Tumango ako sa kaniya.
"Ano 'yung lugar na napuntahan mo?"
"Hanging coffins."
"Hindi ka natakot."
"Hindi, bakit naman ako matatakot?"
"May mga patay sa loob nun, 'di ba?"
"Oo, hindi naman nakikita. Pinaka kabaong lang. Saka wala namang magagawa ang patay sa 'kin. Patay na sila at wala na silang magagawa na kahit ano kung 'di ang mahiga sa kinalalagyan nila."
Hindi naman ako magagawan ng kahit ano ng patay kaya bakit ako matatakot? Mas nakakatakot pa nga ang mga tao kesa multo o patay eh.
Nagsimula ang klase pagkatapos ng homeroom. Wala ako sa mood makinig kaya tumingin nalang ako sa bintana. Hindi ko alam pero wala akong ganang mag-aral ngayon.
Salita ng salita si Ms. Rivera pero wala akong naiintindihan. Pasok sa isang tenga labas sa kabila.
"Smith!" Nilingon ko si Ms. Rivera ng isigaw niya ang pangalan ko. "Are you with us?" Mataray niyang tanong.
"Yes ma'am." Sagot ko.
"If you're really with us, why is the sky blue?"
"Gases and articles in Earth's atmosphere scatter sunlight in all directions. Blue light is scattered more than other colors because it travel as shorter, smaller waves. This is why we see a blue sky most of the time." Sagot ko.
"Okay, good."
'Yan ang nagagawa ng advance study. May maisasagot ka kahit hindi ka nakikinig.
Andrea Hindi naman ako makakasabay kela Tristan dahil nauna silang lumabas sa akin. Punyeta naman. Hindi ako makatayo sa kina-uupuan ko dahil para akong matutumba kapag tumayo ako kaya pinapahinga ko muna ang sarili ko baka sakaling mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. May mga yabag ng paa akong narinig palapit sa akin at may presensya ng tao akong naramdaman sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. Mukha ni hagdan ang tumambad sa akin at pag-aalala ang makikita doon. "Are you okay?" Tanong niya ng puno ng pag-aalala. "Hmm." Sagot ko. "No, you're not." Sabi niya saka sinalat ang noo ko. "Kaya mo bang tumayo?" "Hmm." Sagot ko saka ako tumayo. Kinuha niya ang bag ko at saka ako inalalayang lumakad palabas. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.
Andrea Hindi na ako nakapaghapunan kagabi dahil tuloy tuloy na ang naging pagtulog ko. Hindi na daw ako ginising nila mama dahil nga ang sakit ng ulo ko. Gutom na gutom tuloy ako paggising ko dahil hindi naman ako nakapag miryenda kahapon. Dapat ay hindi ako late ngayon kung hindi lang dahil sa letseng ball pen ko na hindi ko malaman kung saan ko nailagay. "Anong oras na Andrea, hindi ka pa ba aalis?! Late ka na!" Sigaw ni mama mula sa baba. Punyeta pati pala notebook ko sa history nawawala. Hayst. "Sandali lang, 'ma!" Sagot ko. "Mauuna na kami sa iyo. Isarado mo ang bahay, ah?" "Sige!" Punyeta naman oo. Bakit ngayon ka pa nawala. May pagka terror pa naman ang teacher namin sa MAPEH. Baka hindi na naman ako makapasok nito ngayon. Nyeta. Bahala na nga. Bumaba na ako at patakbo kong tinungo ang
Andrea Project na naman ang gagawin namin. Sa lumipas na araw at linggo ay mas lalo kaming naging abala. Ang sabi ng isa sa mga guro namin ay mas magiging mahirap daw sa mga susunod na grading. May mas ihihirap pa pala ito. Ang sabi nila ay mas madali daw ang math ngayong grade 10 pero parang hindi. Ewan ko ba kung bakit parang wala akong naiintindihan sa mga itinuturo nila ngayon. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa damuhan. Kailangan ko ng kaunting katahimikan dahil ang sakit na ng ulo ko. Punyetang ulo 'to, eh. Laging sumasakit. Hindi ko alam ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko sa t'wing marami akong nalalaman dahil sa pag-aaral. Dati naman akong hindi ganito. Hindi alam nila mama 'to, dahil hindi ko sinasabi. Ayoko na dumagdag pa sa isipin nila. Kahit kela kuya. Magka-away sila nung mga girlfriend nila kasi nga lagi silang busy sa ML. Nawala
Andrea Sinundo ako ni Alistair sa bahay namin kanina kaya sabay kaming pumasok ngayon sa school. Alam na rin nila mama na kami na. Sila Lexa nalang ang hindi nakakaalam. Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ni Al habang nasa byahe kami. Problema nito? "Baka mapunit 'yang labi mo?" Tinignan niya ako saglit saka ibinalik ulit ang tingin sa daan. "I'm just happy." Aniya. "Bakit?" Tanong ko. "Because you're mine now." Nakangiting sagot niya saka ako tinignan muli. "Tss." Nginitian ko rin siya. Ang saya niya masyado, hanggang umabot sa punto na hindi na mawala ang mga ngiti sa labi niya. Kanina pa 'yan mula nung sinundo niya ako sa bahay namin. Pagdating namin sa school ay pinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot. Lalabas na sana ako nung pigilan niya ako. "Wait. Stay sti
Andrea Kaarawan ni Madam Arcardia ngayong araw at imbitado ako sa selebrasyong magaganap mamaya. Kailangan daw ay pormal ang suotin naming damit at hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Sasamahan daw ako nila Raia at Lexa na humanap ng damit na susuotin ko mamaya. Paniguradong sila na naman ang pipili ng damit. "Oyy, pikon." Tawag sa akin ni Jake. Nasa garden kami ng eskwelahan namin at nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga halaman sa paligid. Siya ang kasama ko ngayon dahil may inaasikaso si Al na project nila. Hindi kasi sila gumawa sa bahay kaya sa library sila gumagawa ngayon. Hindi pa nila tinapos sa bahay, mga tamad kasi kaya ngayon ay nagmamadali silang tapusin ang ginagawa nila. "Bakit?" Tanong ko. "Sa tingin mo, matatapos nila 'yun ngayon?" Tanong niya na ang tinutukoy ay a
Andrea "Saan tayo pupunta?" Tanong ko kela Lexa dahil sila ang sumalubong sa akin kanina pagkagising ko. Sabado ngayon at wala kaming pasok, wala din kaming napag-usapan na lakad ngayon kaya ang akala ko ay tahimik ang araw ko. Nagkamali ako sa akala ko dahil nandito sila at sinusundo ako dahil may pupuntahan daw kami. Hindi ko nga lang alam kung saan. "Malalaman mo rin, don't be impatient and wait until we reached our destination." Sagot niya. Binigyan ko siya ng nanunuyang tingin bago sumakay sa kotse na dala nila. May dala pa talaga silang kotse at si Raia daw ang magda-drive. 'Wag lang sana kaming bumangga o mabangga habang siya ang nagmamaneho. Hindi ko pa siya nakakasama sa sasakyan na siya ang driver kaya wala akong tiwala sa kaniya. Ayon din sa kanila ay ito ang unang pagkakataon na magmamaneho si Raia kaya wala pa akong tiw
Nagtungo siya sa rooftop at doon niya inilabas ang sniper na dala niya. 'Yun pala ang laman nang bitbit-bitbit niya. Ang tanong ngayon ay kung sino siya. Malalaman ko rin 'yan. Umalis na ako doon nang makahingi ako nang kopya nang mga footages. Pag-aaralan ko itong muli pag-uwi ko sa bahay. Sa ngayon ay si hagdan muna ang aasikasuhin ko. Sa susunod na kami magtutuos nang kung sinumang taong nasa likod nito. Bumalik ako sa ospital at dumeretso ako sa kwarto ni hagdan. Ang sabi daw nang doktor ay kailangan pa daw nang mahabang pahinga ni hagdan. Marami rin daw ang nawalang dugo dito kaya mas lalo niyang kailangan nang pahinga. Stable naman na daw ang kondisyon niya, ang kailangan nalang ay pahinga at i-monitor ang lagay niya. "Nalaman mo ba kung sino ang culprit?" Tanong ni Alexa sa akin. Umiling ako. "Hindi pa, sa susunod ko pa pag-aaralan ang mga fo
Nagpasalamat muna ang mga pamilya ko bago umalis ang doktor. "Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni papa. Ano nga ba ang nangyari? Inalala ko ang mga nangyari kanina bago ako magising. Pero nawala ako sa konsentrasyon nang makaramdam ako nang gutom. Bakit dito sa ospital ay nagugutom ako? Ang sabi nila ay kahit hindi na daw kumain basta naka dextrous ka. Sinungaling ba sila? "Pwede bang mamaya ko na alalahanin ang nangyari? Nagugutom na ako. Gusto ko nang makakain." Sabi ko. Dali dali namang lumapit si mama sa isang table at kumuha nang pagkain mula sa container na nandoon. "Gutom na gutom ka 'no? Ang haba naman kasi nang tulog mo. Ano kayang napanaginipan mo at nahimbing ka." Saad ni Andrei. "Anong oras na ba?" Tanong ko. Anong oras na ba? Madaling araw na ba? Lumapit sa akin si mama
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo