Andrea
"May balak ka bang pumatay?" Tanong ni kuya Andrew na may bahid ng galit.
"Meron, kung hindi agad magigising si Andrei." Sagot ko.
Mapapatay ko talaga sila kapag hindi agad nagising ang kapatid ko. "'Wag mong balewalain ang babala ko sa 'yo, Andrea." Wika ni kuya Andrello na may bahid ng pagbabanta ang boses.
Hindi mo ako matatakot ngayon dahil puro galit lang ang nararamdaman ko. Galit para sa mga g*gong gumawa nito sa kapatid ko.
Araw na upang maningil. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Andrei. Tapos na ang palugit na binigay ko sa kanila.
Maaga 'kong umalis sa bahay namin dahil ayokong masaktan ang pamilya ko dahil sa pagpigil sa 'kin. Sa ospital natutulog sila mama dahil binabantayan nila si Andrei kaya sila kuya lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay.
Wala akong pasok dahil suspended ako kaya may oras ako para maningil ng utang ng mga g*go.
Si Blaine Cuevas ang uunahin ko. Siya ang may kasalanan ng lahat dahil siya ang nag-utos.
Maaga daw laging pumapasok sila Blaine Cuevas dahil may lalaki siyang hinihintay dito. Masama na nga ang ugali malandi pa. Sa'n kaya pinaglihi ang babaeng 'yun.
Sakto ang dating ko dahil pagkarating ko sa parking lot ay kalalabas lang niya mula sa kwarto niya.
"Blaine Cuevas." Tawag ko sa kaniya at saktong pagkaharap niya ay tumama ang kamao ko sa mukha niya.
Tumumba siya at pumutok ang labi niya. Masamang masama ang tingin niya sa 'kin pagkatayo niya.
Umikot ako saka sinipa siya sa mukha dahilan upang tumumba siyang muli. Hindi ko na siya hinayaan pang makatayo. Nilapitan ko siya saka siya sinipa sa dibdib dahilan upang mapahiga siya sa semento.
Nakita ko na nahihirapan na siya pero hindi pa rin ako nasisiyahan sa nakikita ko parang kulang pa.
Pasalamat siya at marunong akong maawa sa babae. Nilapitan ko siya saka ko siya sinabunutan para itaas ang ulo niya.
"Sa susunod na saktan mo ang kapatid ko. Hindi na ako maawa sa 'yo." Sabi ko sa kaniya bago ko bitawan pabagsak ang buhok niya.
Hindi pa ako tapos maningil. Nagsisimula palang ako. Pupunta sana ako sa kuta ng Arsanel ngunit hinarangan ako ng mga pulis.
"May nag report sa amin na may ninakaw ka daw na isang necklace." Saad ng isang babaeng pulis saka ako kinapkapan.
Punyeta!
May nakuha silang half moon silver necklace sa bulsa sa likod ng pantalon na suot ko.
"Inaaresto ka namin sa salang robbery. May karapatan kang manahimik ang lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. May karapatan ka rin sa isang abogado kung wala ka ay may itatalaga ang korte lara sa iyo."
Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kanila. Pinosesan nila ako saka isinakay sa police mobile at dinala sa prisinto.
Andrew
Gumawa kami ng plan A at plan B, at gaya nga ng inaasahan namin ay palpak ang unang plano.
Ang plan A ay ang ikulong siya sa kwarto niya. Mabuti nalang at maagang nagising si Andrello par silipin ang kwarto ni Andrea ngunit wala siyang naabutan.
'Yon ang naging hudyat namin para isagawa ang plan B. "She's been caught." Wika ni Shan.
Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. "Sa mga oras na ito ay papunta na sila sa prisinto." 'Yan ang nasa isip ko.
"'Wag lang sanang manlaban si pikon, kilala niyo naman 'yun." Saad ni Jake.
"Knowing my sister, hindi niya gagawin 'yun." Sabi ni Andrello. Sa tono ng boses niya ay para bang nakakasiguro siya sa sinasabi niya.
"How are you sure?" Tanong ni Blake.
"Dahil ayaw na ayaw niyang lalabagin ang batas."
"She's the future Prosecutor of this family." Wika ni Shan.
Gustong maging isang Prosecutor ni Andrea. 'Yun ang pangarap niya.
"Hindi pa rin tayo nakakasiguro ngayong galit siya." May punto si Jake. Walang sinasanto si Andrea kapag galit siya. Maging ang batas ay kinakalimutan niya.
"Don't be negative guys. Think positive dapat tayo. She's not going to fight and escape. She's going to follow the law." Sambit ni Lexa.
"Kung sakaling labagin man niya ang batas ay siya mismo ang magdadala ng sarili niya sa prisinto pagkatapos." Wika ni Andrello.
"'Wag pa rin tayong pakampante. Baka nakakalimutan niyo kung sino siya dati." Saad ni Jake.
"Anong dati ang tinutukoy mo, Jake? Hindi nagbago ang kapatid ko." Saad ni Andrello.
Tama siya. Hindi naman nagbago si Andrea. Ganun talaga ang ugali niya mula noon pa. Medyo bumait lang siya.
"Ano ba si Andrea dati?" Tanong ni Tristan.
"Makikilala niyo rin siya. At natitiyak ko na malapit na 'yon." Si Jake ang sumagot sa kanila. "Mapalad kayo at mabait na siya nung nakilala niyo."
"Bakit? Masama ba ang ugali niya dati?" Tanong ni Raia.
Hindi naman masama ang ugali ni Andrea dati. Medyo lang. 'Yung tipong kapag kinulit mo siya ng wala ang permiso niya ay may instant bakasyon ka. Sa ospital nga lang.
"May mas isasama pa pala ang ugali niya." Sambit ni Al ng nakangiwi.
Pasalamat nalang siya at hindi iyon ang inabutan niya.
"Ubod ng sama ang ugali nung babaeng pikon na 'yun."
"Tama ka, at makikita mo ulit kung gaanong kasama ang ugali ko dati kapag hindi mo itinikom 'yang bibig mo."
Nagulat kaming lahat ng marinig namin ang boses niya. Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at doon namin nakita si Andrea na naglalakad papalapit sa amin.
Naupo siya sa tabi ni Andrello at sinamaan kami ng tingin. Wala kaming nagawa kung 'di ang mag-iwas nalang.
"Why are you here? What happened?" Naguguluhang tanong ni Raia.
"'Yung kwintas na INILAGAY NIYO sa bulsa ko ay kagaya ng kwintas na iniregalo sa akin ni ulan noon. Tinawagan ko siya upang kumpirmahin ito sa mga pulis."
Putakte, pati pala plan B palpak.
"Sabi mo sigurado ka na wala siyang ganung kwintas." Singhal sa akin ni Shan.
'Yun ang akala ko mali pala.
"Kung gusto niyo akong pigilan dapat ginawa niyo nalang hindi 'yung pinahuli niyo pa 'ko sa mga pulis. Muntikan pa akong maging magnanakaw dahil sa inyo. Muntik pa akong magkaroon ng criminal record." Singhal niya.
"Kung pinigilan ka ba namin magpapapigil ka?" Tanong ni Lexa.
"Kung sana'y hindi ka namin kilala." Saad ni Jake.
Iba ang ikinikilos ni Andeng ngayon. Good mood siya. Isang himala.
"Oo naman." Sagot niya.
Sagot niya na ikinagulat ng lahat. Ngumiti pa siya pagkasabi nun.
"Anong problema mo? Tinatakot mo kami." Sambit ni Jake.
"He's awake."
Sumilay ang mga ngiti sa labi namin dahil sa sinabi niya. Kaya pala ganito ang kapatid ko. Gising na pala si Andrei.
Good job Andrei.
Andrea "Turuan mo 'ko ng martial arts ate, para maipagtanggol ko sarili ko." Sabi ni Andrei. Kaming dalawa lang ang nandito sa hospital room niya dahil pinauwi ko muna sila mama para makapagpahinga ng ayus. "Sige, 'pag galing ka na." 'Yun din naman ang balak ko. Malaki na rin naman siya at hindi na siya bata. Dapat na niyang protektahan ang sarili niya. "Nakilala mo ba kung sino ang bumugbog sa 'kin?" Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya sa kama pagkatapos ko siyang ipagbalat ng pongkan. "Oo." Maikli kong tugon. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung sino 'yun pagkatapos mo akong turuan? Para makaganti man lang ako." "Alam mo namang masama ang gumanti, hindi ba? 'Yun ang turo sa atin nila mama." "Pero ikaw gumaganti ka." Nakanguso nitong sabi. "Hindi pagganti ang ginawa ko sa kanila
Alistair She never had a boyfriend, huh? But now, someone show up and they are acting like a couple. Hindi ko alam na may magkakagusto pa pala sa kaniya. Hindi naman gwapo 'yung lalaki. Mas gwapo pa rin ako sa kaniya. Ano kayang nagustuhan nila sa isa't isa? "Bro, ayus ka lang?" Nakangising tanong sa akin ni Tristan. "Of course." I reply. "May boyfriend pala si Andrea eh. Kawawa ka." He tap my shoulder before he left. What is he talking about? Ano naman sa 'kin kung may boyfriend na 'yung babaeng 'yun? I don't care. It has nothing to do with me. Tss. Nagpunta ako sa isang park malapit sa bahay namin para mawala ang badtrip ko. Ewan ko ba kung bakit ako na badtrip ng dahil lang sa babaeng 'yun. I don't understand myself lately. That's the first time that I saw her that happy and I don't like it. I
Andrea Periodical exam namin ngayon hanggang kinabukasan. Hindi ko lang alam kung may isasagot ako dahil hindi ako nakapag review kagabi dahil sa pagod. Ipinamigay na ng bantay naming guro ang questionnaire matapos niyang sabihin sa amin ang dapat at hindi dapat na gawin. Hindi kahirapan ang exam namin kaya hindi sumakit ang mga ulo namin. Half day lang kami ngayon dahil nga periodical exam. Ganiyan naman lagi sa school namin basta exam, half day lang. "Chick lang pala ang exam eh." Mayabang na sabi ng animal na prenteng nakaupo sa bench. Nasa rooftop kami ngayon. "Akala ko nga mahihirapan ako, hindi naman pala." Sabi ni Tristan. "No need to review, we can answer those questions even if we don't." Ani Raia. "It's easy for us, pa'no sa iba?" Tanong ni Lexa. "'Wag kayong magpakampante. Hindi ibig sabihin na madal
Andrea Miss ko na si lolo. Sobra. Bata palang ako noong namatay si lolo. Sobrang lungkot nung araw na iyon. Napakamapaglaro naman kasi ng tadhana. Noong umaga lang ay masaya pa kaming naglalaro, nag-uusap, nagbibiruan at nagkakainan. Tapos pagsapit ng hating gabi, ginigising kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Walang paglagyan ang lungkot na nararamdaman namin noong gabing iyon. Ang lahat ay tahimik na humihikbi at tahimik na dinaramdan ang sakit ng pagkawala niya. Wala kang maririnig na kahit anong salita mula sa aming lahat noon. Iyak at hagulgol lang. Sobrang sakit. Biruin mo 'yun, natulog ka lang tapos 'pag gising mo, ang balitang maririnig mo sa pamilya mo ay wala na ang pinakamamahal mong lolo. Sabay sabay kaming kumain sa bahay ng hardin nila lola. Naghanda sila ng isang mahabang lamesa dito na mayroon pang kulay puting tela sa iba
Andrea Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako. Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine. Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh. Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim. May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs. Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito. Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.
Andrea Hindi naman ako makakasabay kela Tristan dahil nauna silang lumabas sa akin. Punyeta naman. Hindi ako makatayo sa kina-uupuan ko dahil para akong matutumba kapag tumayo ako kaya pinapahinga ko muna ang sarili ko baka sakaling mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. May mga yabag ng paa akong narinig palapit sa akin at may presensya ng tao akong naramdaman sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. Mukha ni hagdan ang tumambad sa akin at pag-aalala ang makikita doon. "Are you okay?" Tanong niya ng puno ng pag-aalala. "Hmm." Sagot ko. "No, you're not." Sabi niya saka sinalat ang noo ko. "Kaya mo bang tumayo?" "Hmm." Sagot ko saka ako tumayo. Kinuha niya ang bag ko at saka ako inalalayang lumakad palabas. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.
Andrea Hindi na ako nakapaghapunan kagabi dahil tuloy tuloy na ang naging pagtulog ko. Hindi na daw ako ginising nila mama dahil nga ang sakit ng ulo ko. Gutom na gutom tuloy ako paggising ko dahil hindi naman ako nakapag miryenda kahapon. Dapat ay hindi ako late ngayon kung hindi lang dahil sa letseng ball pen ko na hindi ko malaman kung saan ko nailagay. "Anong oras na Andrea, hindi ka pa ba aalis?! Late ka na!" Sigaw ni mama mula sa baba. Punyeta pati pala notebook ko sa history nawawala. Hayst. "Sandali lang, 'ma!" Sagot ko. "Mauuna na kami sa iyo. Isarado mo ang bahay, ah?" "Sige!" Punyeta naman oo. Bakit ngayon ka pa nawala. May pagka terror pa naman ang teacher namin sa MAPEH. Baka hindi na naman ako makapasok nito ngayon. Nyeta. Bahala na nga. Bumaba na ako at patakbo kong tinungo ang
Andrea Project na naman ang gagawin namin. Sa lumipas na araw at linggo ay mas lalo kaming naging abala. Ang sabi ng isa sa mga guro namin ay mas magiging mahirap daw sa mga susunod na grading. May mas ihihirap pa pala ito. Ang sabi nila ay mas madali daw ang math ngayong grade 10 pero parang hindi. Ewan ko ba kung bakit parang wala akong naiintindihan sa mga itinuturo nila ngayon. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa damuhan. Kailangan ko ng kaunting katahimikan dahil ang sakit na ng ulo ko. Punyetang ulo 'to, eh. Laging sumasakit. Hindi ko alam ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko sa t'wing marami akong nalalaman dahil sa pag-aaral. Dati naman akong hindi ganito. Hindi alam nila mama 'to, dahil hindi ko sinasabi. Ayoko na dumagdag pa sa isipin nila. Kahit kela kuya. Magka-away sila nung mga girlfriend nila kasi nga lagi silang busy sa ML. Nawala
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo