Jake
Takte! Sabi na at dapat na sinundan ko si Crimson kanina eh. Pinagalit niya siguro si pikon kaya hinampas nito ang lamesa. Loko loko kasi 'tong si Crimson eh.
Alam niyang pikon 'yon pinagalit pa niya. Ang ending suspended si pikon. Hindi pa naman ako mahilig mag take down notes pero dahil nga sa 'kin umaasa si pikon eh wala akong magagawa.
"Kuya Andrew, bakit?"
Lumapit sa amin si kuya Andrew at nag-aalala.
"Hindi. Umuwi na siya dahil suspended siya." Sagot ko.
"Wala siya sa bahay."
"What?" Sabay na tanong ni Raia at Alexa.
Bakit wala sa bahay nila si pikon? "Baka nasa restaurant niyo?" Pagbabakasakali ni Blake.
"Wala siya do'n dahil sarado 'yon. Nasa hospital sila mama."
"Bakit nasa hospital sila tita? Ano nangyari?" Tanong ni Tristan.
"May bumugbog kay Andrei kanina. Hindi namin alam kung sino pero mukhang alam ni Andeng. Galit na galit daw ito nung umalis kanina kaya nag-aalala ako. Kilala mo siya Jake." Mahabang sagot niya saka umalis.
Sino naman ang bumugbog kay Andrei? Mapapatay sila ni pikon kapag malala ang ginawa nila sa bunsong kapatid niya.
"Where could she possibly be?" Tanong ni Raia.
'Yan din ang tanong sa isip ko. Kapag nahulog kami ay baka nga makapatay si pikon. Nasa'n ka ba, Andrea?
"Anong sa tingin mo ang gagawin ni Andrea, Jake?" Nag-aalalang tanong ni Alexa.
Tinignan ko siya at puro pag-aalala ang makikita mo sa kaniyang mukha.
"You've been with her since childhood. You know her since then." Saad ni Raia na nag-aalala din.
"Baka makapatay siya." Sagot ko.
Nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat. Hindi siguro nila inaasahan ang sagot ko.
"Saktan mo siya 'wag ang pamilya niya. Saktan mo ang lahat 'wag ang malapit sa kaniya." Wika ko. "Kapag nahuli tayo at hindi natin siya nahanap agad ay baka mangyari nga ang ikinatatakot nating lahat."
"Blaine Cuevas." Tristan muttered.
Lumingon kaming lahat sa kaniya. Tama dita. Si Blaine Cuevas. Tumayo kaming lahat at sabay sabay na nagpunta sa room ni Blaine Cuevas. Wala talaga siyang awa. Hindi niya masktan si pikon kaya ang kapatid nito ang pinupuntirya niya.
Alexa
Blaine Cuevas is unbelievable. My goodness. Nagpunta kami sa classroom niya para tanungin siya. Thanks to Tristan's resources, we know where to go.
"Hi Al." She greeted Al.
She's flirting with my cousin? I can't accept her to be part of our family. "Tell me, saan mo ipabugbug ang kapatid ni Andrea?" Al asked calmly.
She acted as if she's thinking. Alam ko naman na gusto niya lang makasama pa ng matagal si Al kaya siya ganyan psh. "Abandoned building?" Patanong niyang sagot.
Thanks to Al's charm. We don't need to look around for Andrea. We go straight to the abandoned building to find Andrea.
When we get there, nakita namin 'di Andrea na pinatumba ang huling taong nakatayo. We saw almost 16 person on the ground. They were all struggling because of the pain they were feeling.
They were all lying in the ground with full of blood on their body. Kinuha ni Andrea ang dos por dos na kahit para ipalo ito sa taong nasa harap niya ngunit hindi niya ito naituloy dahil tumakbo 'di Jake papunta sa kaniya para pigilan siya saka siya nito niyakap.
Jake took the dos por dos from Andrea then he threw it away. Ikinuyom ni Andrea ang kaniyang mga palad, pilit na pinipigilan ang kaniyang galit.
"Tama na. Enough is enough, Andrea."
Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Jake. He's always joking around to make us laugh. This is also the first time that I saw Andrea like this.
She's full of anger. "Etong tatandaan niyong lahat. Sa oras na may mangyaring masama sa kapatid ko, mamamatay kayong lahat. Kaya ipanalangin niyo na magising siya agad, dahil kada linggo na magdaraan at wala pa rin siyang malay, pamilya niyo ang magbabayad. Iisa isahin ko ang pamilya niyong lahat kaya ngayon palang ay manalangin na kayo." Galit niyang banta sa lahat.
I don't know if they hear her but what Andrea said was scary. Kumalas siya sa yakap ni Jake then she walk away. She didn't even give us a glance. She just walk as if we're not here.
You can't see anything from her eyes except from anger. We follow her leaving the men behind. Tristan already called an ambulance to help them.
"Andrea, kumalma ka anak." Pilit na pinapakalma ni Tita ang anak niya.
"Hindi ako kakalma hangga't hindi nagigising ang kapatid ko." ~Andrea
Kuya Andrew and kuya Andrello came together. They both look to Andrea. "Don't do anything stupid." Kuya Andrello reminded her.
But Andrea seemed not to care. "Hindi ako tanga." Andrea replied coldly.
"'Wag mong dumihan ang pangalan at palad mo Andrea, dahil lang sa mga taong gaya nila." Kuya Andrew said.
Andrea didn't say anything. Naupo lang siya sa couch at isinandal ang ulo niya dito.
"I found out something." Tristan muttered. We all look at him giving him a questionable look. "Blaine Cuevas is Asher's ex girlfriend."
Andrea shifted her look at him. That's another problem. I can't imagine that Asher is Blaine's ex boyfriend. Asher is a good man. Blaine doesn't deserve him.
Andrea stood up and started to walk towards the door. "Sa'n ka pupunta?" Tanong ni kuya Andrew.
Ibang iba ang aura ng pamilya Smith ngayon. Kung dati ay seryoso na sila, ngayon ay mas seryoso sila. "Blaine Cuevas." Andrea answered.
Hinawakan ni Tristan ang braso ni Andrea to stop her.
Hinigit niya ang braso niya mula kay Tristan at saka muling naglakad patungo sa pinto. The door open bago pa siya makalapit dito.
Iniluwa ng pinto si Asher. Matapos niyang isara ang pinto ay tumingin siya kay Andrea and we didn't expect what Andrea did.
She punch Asher's face. Natumba si Asher sa sahig at pumutok din ang labi niya. "Andrea Smith, tumigil ka na!" Tita Sharia shouted.
"What's wrong, moonlight?" Asher ask.
His face is full of confusion ang shocked at the same time.
She shifted her eyes to Al then she left. I hope we didn't make her life miserable.
Andrea "May balak ka bang pumatay?" Tanong ni kuya Andrew na may bahid ng galit. "Meron, kung hindi agad magigising si Andrei." Sagot ko. Mapapatay ko talaga sila kapag hindi agad nagising ang kapatid ko. "'Wag mong balewalain ang babala ko sa 'yo, Andrea." Wika ni kuya Andrello na may bahid ng pagbabanta ang boses. Hindi mo ako matatakot ngayon dahil puro galit lang ang nararamdaman ko. Galit para sa mga g*gong gumawa nito sa kapatid ko. Araw na upang maningil. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Andrei. Tapos na ang palugit na binigay ko sa kanila. Maaga 'kong umalis sa bahay namin dahil ayokong masaktan ang pamilya ko dahil sa pagpigil sa 'kin. Sa ospital natutulog sila mama dahil binabantayan nila si Andrei kaya sila kuya lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay. Wala akong pasok dahil suspended ako kaya may oras ako p
Andrea "Turuan mo 'ko ng martial arts ate, para maipagtanggol ko sarili ko." Sabi ni Andrei. Kaming dalawa lang ang nandito sa hospital room niya dahil pinauwi ko muna sila mama para makapagpahinga ng ayus. "Sige, 'pag galing ka na." 'Yun din naman ang balak ko. Malaki na rin naman siya at hindi na siya bata. Dapat na niyang protektahan ang sarili niya. "Nakilala mo ba kung sino ang bumugbog sa 'kin?" Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya sa kama pagkatapos ko siyang ipagbalat ng pongkan. "Oo." Maikli kong tugon. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung sino 'yun pagkatapos mo akong turuan? Para makaganti man lang ako." "Alam mo namang masama ang gumanti, hindi ba? 'Yun ang turo sa atin nila mama." "Pero ikaw gumaganti ka." Nakanguso nitong sabi. "Hindi pagganti ang ginawa ko sa kanila
Alistair She never had a boyfriend, huh? But now, someone show up and they are acting like a couple. Hindi ko alam na may magkakagusto pa pala sa kaniya. Hindi naman gwapo 'yung lalaki. Mas gwapo pa rin ako sa kaniya. Ano kayang nagustuhan nila sa isa't isa? "Bro, ayus ka lang?" Nakangising tanong sa akin ni Tristan. "Of course." I reply. "May boyfriend pala si Andrea eh. Kawawa ka." He tap my shoulder before he left. What is he talking about? Ano naman sa 'kin kung may boyfriend na 'yung babaeng 'yun? I don't care. It has nothing to do with me. Tss. Nagpunta ako sa isang park malapit sa bahay namin para mawala ang badtrip ko. Ewan ko ba kung bakit ako na badtrip ng dahil lang sa babaeng 'yun. I don't understand myself lately. That's the first time that I saw her that happy and I don't like it. I
Andrea Periodical exam namin ngayon hanggang kinabukasan. Hindi ko lang alam kung may isasagot ako dahil hindi ako nakapag review kagabi dahil sa pagod. Ipinamigay na ng bantay naming guro ang questionnaire matapos niyang sabihin sa amin ang dapat at hindi dapat na gawin. Hindi kahirapan ang exam namin kaya hindi sumakit ang mga ulo namin. Half day lang kami ngayon dahil nga periodical exam. Ganiyan naman lagi sa school namin basta exam, half day lang. "Chick lang pala ang exam eh." Mayabang na sabi ng animal na prenteng nakaupo sa bench. Nasa rooftop kami ngayon. "Akala ko nga mahihirapan ako, hindi naman pala." Sabi ni Tristan. "No need to review, we can answer those questions even if we don't." Ani Raia. "It's easy for us, pa'no sa iba?" Tanong ni Lexa. "'Wag kayong magpakampante. Hindi ibig sabihin na madal
Andrea Miss ko na si lolo. Sobra. Bata palang ako noong namatay si lolo. Sobrang lungkot nung araw na iyon. Napakamapaglaro naman kasi ng tadhana. Noong umaga lang ay masaya pa kaming naglalaro, nag-uusap, nagbibiruan at nagkakainan. Tapos pagsapit ng hating gabi, ginigising kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Walang paglagyan ang lungkot na nararamdaman namin noong gabing iyon. Ang lahat ay tahimik na humihikbi at tahimik na dinaramdan ang sakit ng pagkawala niya. Wala kang maririnig na kahit anong salita mula sa aming lahat noon. Iyak at hagulgol lang. Sobrang sakit. Biruin mo 'yun, natulog ka lang tapos 'pag gising mo, ang balitang maririnig mo sa pamilya mo ay wala na ang pinakamamahal mong lolo. Sabay sabay kaming kumain sa bahay ng hardin nila lola. Naghanda sila ng isang mahabang lamesa dito na mayroon pang kulay puting tela sa iba
Andrea Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako. Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine. Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh. Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim. May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs. Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito. Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.
Andrea Hindi naman ako makakasabay kela Tristan dahil nauna silang lumabas sa akin. Punyeta naman. Hindi ako makatayo sa kina-uupuan ko dahil para akong matutumba kapag tumayo ako kaya pinapahinga ko muna ang sarili ko baka sakaling mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. May mga yabag ng paa akong narinig palapit sa akin at may presensya ng tao akong naramdaman sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin. Mukha ni hagdan ang tumambad sa akin at pag-aalala ang makikita doon. "Are you okay?" Tanong niya ng puno ng pag-aalala. "Hmm." Sagot ko. "No, you're not." Sabi niya saka sinalat ang noo ko. "Kaya mo bang tumayo?" "Hmm." Sagot ko saka ako tumayo. Kinuha niya ang bag ko at saka ako inalalayang lumakad palabas. Nakahawak ang isang kamay niya sa balikat ko ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko.
Andrea Hindi na ako nakapaghapunan kagabi dahil tuloy tuloy na ang naging pagtulog ko. Hindi na daw ako ginising nila mama dahil nga ang sakit ng ulo ko. Gutom na gutom tuloy ako paggising ko dahil hindi naman ako nakapag miryenda kahapon. Dapat ay hindi ako late ngayon kung hindi lang dahil sa letseng ball pen ko na hindi ko malaman kung saan ko nailagay. "Anong oras na Andrea, hindi ka pa ba aalis?! Late ka na!" Sigaw ni mama mula sa baba. Punyeta pati pala notebook ko sa history nawawala. Hayst. "Sandali lang, 'ma!" Sagot ko. "Mauuna na kami sa iyo. Isarado mo ang bahay, ah?" "Sige!" Punyeta naman oo. Bakit ngayon ka pa nawala. May pagka terror pa naman ang teacher namin sa MAPEH. Baka hindi na naman ako makapasok nito ngayon. Nyeta. Bahala na nga. Bumaba na ako at patakbo kong tinungo ang
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo