Andrea
Pagkatapos ng klase ay nagpalit ako ng damit at dumeretso sa restaurant. Para malibang ako at hindi na mag-isip ng kung ano ano.
Nagta-trabaho na din dito si James. Tinanggap niya ang alok kong trabaho sa kaniya at natutuwa sila mama dito dahil masyado daw masipag.
Maging ang mga katrabaho niya ay natutuwa sa kaniya dahil may katulong na daw sila. Naglilinis din daw ito sa kusina kapag tapos na siya sa trabaho niya. All around siya. Lahat ng trabaho sa restaurant ginagawa niya pwera lang s pagluluto.
Hindi naman karamihan ang customer kaya nakakapagpahinga kami kahit papaano. "Kamusta dito?" Tanong ko kay James.
Magkasama kaming nakaupo sa isang bakanteng table ngayon. "Ayus, nag-eenjoy ako." Sagot niya.
Salamat kung ganun.
"Hindi ka nahihirapan?"
"Hindi sisiw lang 'to. Mahilig ako magluto at gusto kong maging chef. Kaya sa mga restaurant ko gustong magtrabaho. Kaso walang tumatanggap sa akin dahil sa appearance ko."
Mahilig din pala siyang magluto, parang si kuya Andrew.
"Gusto mong magtrabaho sa kusina?"
"Hindi ako qualified dun. Ni hindi ko nga alam kung makakapagtapos ako eh."
"Bakit?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot. Nakangiti siya pero halata sa mata niya ang lungkot.
"Mahirap lang kami. May tatlong kapatid pa ako. Mas okay na sila nalang ang makapagtapos para sa kinabukasan nila. Ayus na ako sa ginagawa ko."
Ngayon lang ako nakakita ng gangster na ganito kabait. Ang sweet niya bilang kuya.
"Bakit sila lang kung pwede namang kayong lahat na?"
"Hindi kakayanin. Walang matatag na trabaho si tatay, ang nanay ko naman nagtitinda tinda lang ng kung ano ano."
"Magaling ba magluto nanay mo?"
"Sobra. Sa lahat, ang luto niya ang pinakagusto ko."
Namangha ako sa kaniya dahil sa paghanga na ipinakikita niya sa nanay niya.
"Pwedeng pumasok dito ang nanay mo bilang cook. Pareho na kayong may matibay na trabaho, siguro naman makakapag-aral 'pag ganun."
Nagliwanag ang mukha niya pagkarinig ng sinabi ko. "Kaso nakakahiya na." Nakayuko niyang Saad.
"Hindi uso ang hiya sa pamilya namin. Kaya 'wag kang makaramdam niyan lalo na kapag nandyan sila mama."
Naputol ang pag-uusap namin dahil may dumating na customer. Sila Lexa na naman. Naging close na din sila kela Dave at Azalea.
Si James ang umasikaso sa kanila. "Anong ginagawa nun dito?" Tanong ni Jake. Ang init ng ulo nito kay James eh.
"Nagtatrabaho."
"Alam ko. Pero bakit tinanggap niyo siya dito?"
Alam naman pala nagtatanong pa. "Kulang kami sa trabahador at kailangan niya ng trabaho kaya pinasok ko siya dito." Sagot ko.
"Alam ba nila tita ang ginawa niyan sa 'yo?"
"Ang dami mong tanong."
Dumating na ang order nila kaya tumahimik na siya. Ang sama ng tingin niya kay James habang inilalapag nito ang order nila sa lamesa.
Binatukan ko siya kaya bumaba ang tingin niya. "Ano ba?! Masakit!" Daing niya.
"Sinisigawan mo 'ko?"
"Hindi." Tugon niya. Nagbaba siya ng tingin.
"Doon muna ako." Paalam sa akin ni James.
Hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. "Dito ka." Ani ko.
"Pero---"
Hinila ko siya paupo sa isang bangko sa tabi ko kaya hindi na niya naituloy ang pag-angal niya.
"Pwede naman siguro siya dito?"
Hindi naman sila umangal. "Pwede siyang maupo pero wala siyang pagkain. Sakto lang sa atin ang in-order namin." Daming problema ng animal na 'to.
Tumayo ako saka pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain. "May problema ka pa?" Tumahimik nalang siya at nagsimula ng kumain.
"Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Nagpunta kami sa bahay niyo sabi nila nandito ka daw." Sagot ni Dave.
"Bakit kayo nagpunta sa bahay namin?"
"Baka dahil sa 'yo?" Patanong na sagot ni hagdan.
"Wala naman kasi siyang sinabi na dahil kay Andrea kaya kayo nagpunta sa bahay nila kaya nagtanong siya." Si James ang dumepensa para sa 'kin.
"Manahimik ka hindi ka kinakausap." Sabat ni Jake kaya nagyuko ng ulo si James sa kahihiyan.
"Isa pa Jake." Banta ko.
"Bakit?" Painosente pa ang animal.
"Mamaya sa hide out James may training ka." Paalala ko dito.
"Ako na bahala sa training niya." Sabat muli ni Jake.
Ano kayang balak nito? "May laban kami mamaya kaya hindi ako pwede." Sabi ni James.
"Sama 'ko." Ani ko na tinutulan agad ni Jake.
"Andrea."
"Bakit ba?" Inis kong tanong dito.
Masyadong pakielamero eh. May mga customers na dumating kaya iniwan na namin sila at nagtrabaho na.
Ang daming problema ni Jake. Mas makuda pa kela mama eh. Malapit lapit ko ng sapakin 'yun.
Hindi ako pinapansin ni Jake Ilang araw na. Ano kayang problema nito? Nilapitan ko siya matapos ng klase namin. "Mag-usap tayo." Hindi niya ako pinansin. Tumayo lang siya at nag-umpisa ng magalakad.
Hinawakan ko ang balikat niya saka ko siya iniharap sa akin saka ko siya sinapak. "Andrea." Tawag sa akin ni Lexa.
Nakahawak sa labi niya si Jake at masama ang tingin sa 'kin. "Anong problema mo? Kinakausap kita hindi ka sumasagot." Tanong ko dito.
Tumayo siya para harapin ako. "Hindi ka rin naman nakikinig sa akin hindi ba?" Aniya
"Sobra ang paghihigpit mo. Ano bang ikinababahala mo?"
"Baka bumalik ka sa dati. Ayokong mangyari 'yun.".
"Dati? Ano bang dati? Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako nagbago? Kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo, panindigan mo 'yan..." Huminto ako sa pagsasalita saka tinignan siya. "Habang buhay." Pagpapatuloy ko saka ako lumabas.
Ang dami niyang problema kaya ang dami niyang ikinababahala. Ayaw niyang ibawas ang malalabong mangyari sa mga iyon.
Andrea Isang himala ang nangyari ngayong araw. Nauna ako kela Tristan sa table namin sa cafeteria. Ilang minuto na rin kami dito nila Lexa pero wala pa rin sila. "Andrea, are you free this holiday?" Tanong ni Raia. "Ewan ko." Sagot ko. Hindi ko alam kung may gagawin ba ako dahil madalas na may hindi inaasahang plano sila mama. "Andrea, what if Alistair likes you?" Biglang tanong ni Lexa. "Wala 'kong pake." Sagot ko. Kung mangyari man 'yun ay wala akong pake. "Aren't you going to like him back?" Tanong ni Lexa. "Wala akong oras sa mga ganiyang bagay. Naniniwala ako sa sinabi ni suga na if you're inlove at you're young age, it's fake love." Hindi pa rin naman sumasagi sa isip ko ang mga ganiyang bagay. "You're so mean!" Sigaw ni Raia sa akin. Si Lexa naman ay anim
Jake Takte! Sabi na at dapat na sinundan ko si Crimson kanina eh. Pinagalit niya siguro si pikon kaya hinampas nito ang lamesa. Loko loko kasi 'tong si Crimson eh. Alam niyang pikon 'yon pinagalit pa niya. Ang ending suspended si pikon. Hindi pa naman ako mahilig mag take down notes pero dahil nga sa 'kin umaasa si pikon eh wala akong magagawa. "Kuya Andrew, bakit?" Lumapit sa amin si kuya Andrew at nag-aalala. "Hindi. Umuwi na siya dahil suspended siya." Sagot ko. "Wala siya sa bahay." "What?" Sabay na tanong ni Raia at Alexa. Bakit wala sa bahay nila si pikon? "Baka nasa restaurant niyo?" Pagbabakasakali ni Blake. "Wala siya do'n dahil sarado 'yon. Nasa hospital sila mama." "Bakit nasa hospital sila tita? Ano nangyari?" Tanong ni Tristan. "May bumugbog kay And
Andrea "May balak ka bang pumatay?" Tanong ni kuya Andrew na may bahid ng galit. "Meron, kung hindi agad magigising si Andrei." Sagot ko. Mapapatay ko talaga sila kapag hindi agad nagising ang kapatid ko. "'Wag mong balewalain ang babala ko sa 'yo, Andrea." Wika ni kuya Andrello na may bahid ng pagbabanta ang boses. Hindi mo ako matatakot ngayon dahil puro galit lang ang nararamdaman ko. Galit para sa mga g*gong gumawa nito sa kapatid ko. Araw na upang maningil. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Andrei. Tapos na ang palugit na binigay ko sa kanila. Maaga 'kong umalis sa bahay namin dahil ayokong masaktan ang pamilya ko dahil sa pagpigil sa 'kin. Sa ospital natutulog sila mama dahil binabantayan nila si Andrei kaya sila kuya lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay. Wala akong pasok dahil suspended ako kaya may oras ako p
Andrea "Turuan mo 'ko ng martial arts ate, para maipagtanggol ko sarili ko." Sabi ni Andrei. Kaming dalawa lang ang nandito sa hospital room niya dahil pinauwi ko muna sila mama para makapagpahinga ng ayus. "Sige, 'pag galing ka na." 'Yun din naman ang balak ko. Malaki na rin naman siya at hindi na siya bata. Dapat na niyang protektahan ang sarili niya. "Nakilala mo ba kung sino ang bumugbog sa 'kin?" Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya sa kama pagkatapos ko siyang ipagbalat ng pongkan. "Oo." Maikli kong tugon. "Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung sino 'yun pagkatapos mo akong turuan? Para makaganti man lang ako." "Alam mo namang masama ang gumanti, hindi ba? 'Yun ang turo sa atin nila mama." "Pero ikaw gumaganti ka." Nakanguso nitong sabi. "Hindi pagganti ang ginawa ko sa kanila
Alistair She never had a boyfriend, huh? But now, someone show up and they are acting like a couple. Hindi ko alam na may magkakagusto pa pala sa kaniya. Hindi naman gwapo 'yung lalaki. Mas gwapo pa rin ako sa kaniya. Ano kayang nagustuhan nila sa isa't isa? "Bro, ayus ka lang?" Nakangising tanong sa akin ni Tristan. "Of course." I reply. "May boyfriend pala si Andrea eh. Kawawa ka." He tap my shoulder before he left. What is he talking about? Ano naman sa 'kin kung may boyfriend na 'yung babaeng 'yun? I don't care. It has nothing to do with me. Tss. Nagpunta ako sa isang park malapit sa bahay namin para mawala ang badtrip ko. Ewan ko ba kung bakit ako na badtrip ng dahil lang sa babaeng 'yun. I don't understand myself lately. That's the first time that I saw her that happy and I don't like it. I
Andrea Periodical exam namin ngayon hanggang kinabukasan. Hindi ko lang alam kung may isasagot ako dahil hindi ako nakapag review kagabi dahil sa pagod. Ipinamigay na ng bantay naming guro ang questionnaire matapos niyang sabihin sa amin ang dapat at hindi dapat na gawin. Hindi kahirapan ang exam namin kaya hindi sumakit ang mga ulo namin. Half day lang kami ngayon dahil nga periodical exam. Ganiyan naman lagi sa school namin basta exam, half day lang. "Chick lang pala ang exam eh." Mayabang na sabi ng animal na prenteng nakaupo sa bench. Nasa rooftop kami ngayon. "Akala ko nga mahihirapan ako, hindi naman pala." Sabi ni Tristan. "No need to review, we can answer those questions even if we don't." Ani Raia. "It's easy for us, pa'no sa iba?" Tanong ni Lexa. "'Wag kayong magpakampante. Hindi ibig sabihin na madal
Andrea Miss ko na si lolo. Sobra. Bata palang ako noong namatay si lolo. Sobrang lungkot nung araw na iyon. Napakamapaglaro naman kasi ng tadhana. Noong umaga lang ay masaya pa kaming naglalaro, nag-uusap, nagbibiruan at nagkakainan. Tapos pagsapit ng hating gabi, ginigising kaming lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Walang paglagyan ang lungkot na nararamdaman namin noong gabing iyon. Ang lahat ay tahimik na humihikbi at tahimik na dinaramdan ang sakit ng pagkawala niya. Wala kang maririnig na kahit anong salita mula sa aming lahat noon. Iyak at hagulgol lang. Sobrang sakit. Biruin mo 'yun, natulog ka lang tapos 'pag gising mo, ang balitang maririnig mo sa pamilya mo ay wala na ang pinakamamahal mong lolo. Sabay sabay kaming kumain sa bahay ng hardin nila lola. Naghanda sila ng isang mahabang lamesa dito na mayroon pang kulay puting tela sa iba
Andrea Nagpatuloy kami sa kasiyahan at naglaro pa ng maraming laro. May mga premyo din akong nakuha mula sa mga palaro kaya may pocket money na ako. Hindi nawawala ang tawanan at asaran habang naglalaro kami. Ang malakas mag-asaran ay ang magkapatid na Rain at Catherine. Parang mga aso't pusa ang mga 'yun. Parang hindi magkapatid eh. Last day na namin dito sa Sagada. Pinayagan nila kami na mag-kaniya kaniya ng lakad. Kahit saan daw kami pumunta ay ayus lang basta ay bumalik kami bago magdilim. May isa akong lugar na gustong gusto kong puntahan dito sa Sagada. Ang hanging coffins. Ang mga kabaong ay mga nakasabit sa cliffs. Ito ang unang lugar na pinuntahan ko dito. Buti nga at hindi nahuhulog ang mga ito. Marami na rin ang kabaong na nakasabit dito. Marami rin ang turista na narito at pinagmamasdan ang mga kabaong. Ang iba ay kumukuha ng litrato.
Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,
AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma
AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.
ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman
Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya
Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d
AndreaNakapagbayad na sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Pero hindi pa rin nawawala ang galit sa puso ko.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagigising ang papa ko. Comatose pa rin siya at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya.Walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat.Maaga akong umalis ng bahay namin. Hindi na ako kumain at dumeretso ako sa ospital para bantayan si papa.Nakalabas na din sila mama ng ospital kahapon at pinagpahinga muna namin siya sa bahay.Pagdating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa ICU kung nasa'n si papa."'Pa, gising na. Haba na ng tulog mo, eh. Baka naman gusto mo ng gumising. Uso 'yon pa." Saad ko. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko na tumulo.Naaawa ako kay papa dahil hindi na siya humihinga sa sarili niya. Hindi na niya kayang huming
AndrelloDan Antonio. 'Yan ang pangalan ng g*gong sumira ng break ng sasakyan nila mama kaya naaksidente sila at namatay si lola.Sa t'wing naiisip ko si lola ay lalong umiinit ang dugo ko sa lalaking 'yon at nadagdagan ang galit ko.Sa isang warehouse daw naglalagi ang g*gong 'yon ngayon dahil napalayas siya sa bahay nila.Wala daw kasing ibang inatupag kung 'di ang maglakwatcha. Isang lumang warehouse na 'tong pinaglalagian niya. Kaunting panahon nalang siguro ay sira na 'to.As expected ay nandito siya ngayon at naninigarilyo. May alak din sa mesa niya pero walang baso. Tinutungga lang niya ang alak mula sa bote nito."Kamusta, kaibigan?" Saad niya ng mapansin ang presensya ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"Tumungga muna siya ng alak at humithit ng sigarilyo bago tumayo at nakangising tumingin sa akin."Bibigyan
Andrea"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?""'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya."Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?""'Yung bunso mong kapatid.""Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko."Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo