Home / Romance / My Possessive Professor / Chapter Two: Hate

Share

Chapter Two: Hate

Author: RandomQueen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ARIA

Maingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. 

Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!

Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya—  Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!

“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?” Nang marinig ko ang boses ng kaibigan ay nakabusangot ko lang siyang tinignan at pinilit ibalik sa palabok na kinakain ko ang aking atensyon.

Hindi dapat ako ganito sa harap ng paborito kong palabok!! Nakaaasar lang talaga…

Hindi matahimik ang kaluluwa ko ngayon, ayoko namang sabihin kay Brooklyn ang opinyon ko sa propesor namin na hindi ko na matandaan ang pangalan. Alam ko naman kasing masasaktan lang ang kaibigan ko kapag sinabi ko ang tingin ko sa crush niyang professor namin. Baka ma-offend pa siya kapag nilait-lait ko sa harapan niya ang lalakeng iyon— Ako na naman ang masama sa buhay niya kapag ginawa ko iyon. Walang duda naman na kakampihan niya lamang ang professor namin kaya wala rin saysay kung sasabihin ko ang mga iniisip ko ngayon.

“Ang sungit mo naman, Bessie! May dalaw ka talaga siguro ngayon, no?” nang-aasar niyang tanong na kinauwang lamang ng labi ko.

Halatang pinipigilan niya ang pagtawa habang ang mga mata ay nasa akin lang. Wala namang nakatatawa pero tumatawa pa rin sya, lalo lang akong nababanas sa ginagawa niyang ‘yon.

Mga babae talaga— Well, babae rin naman ako pero hindi naman mababaw kaligayahan ko katulad ng kaibigan kong ‘to.

“Napaka-ingay mo, Brooklyn! Lalo lang akong naiinis.” pag-amin kong salita sa kaniya. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon ay alam kong aburidong-aburido na ang pagmumukha ko sa kaniya. “Huwag mo na nga lang akong intindihin. Panget lang talaga ang araw na ito, hay naku!”

Hindi siya agad sumagot kaya muli ay tinapunan ko siya ng tingin, kita ko ang pagtaas ng perpekto niyang kilay habang ang mga mata ay naniningkit sa akin ngayon. Wala pa man akong sinasabing dahilan kung bakit ako badtrip ay mukhang may ideya na siya agad.

“Kung si Professor Grayson ang dahilan mo… Bessie naman! Malamang professor natin siya kaya gano’n na lang siya kung mainis sa ginawa mong pagtulog sa klase niya. Idagdag pa na para kang dragona kanina noong magising ka…” pagtatanggol niya sa kay Prof na Grayson pala ang pangalan. 

Sabi ko na, e. Ipagtatanggol niya talaga ang bagong salta na ‘yon kaysa sa best friend niya. Sa puntong ito ay ayaw ko na lamang makipagtalo… Pero si Aria ata ako— hindi ko mapigil ang sarili ko.

“Ayoko sa kanya, Brooklyn! Seryoso.” salita ko na siyang nagpaningkit ng mga mata niyang bilog. “Parang nasa bulkan pinapakulo ‘yung dugo ko kanina sa klase niya.”

Ayaw ko man sabihin iyon dahil alam ko naman sa sarili kong masama ang mag-talk sh*t sa ibang tao ay hindi ko talaga mapigil. Mahina lang naman ang pagkakasabi ko niyon kaya si Brooklyn lang ang makaririnig. “At saka nakita mo ba kung paano magpalandi ang Professor na iyon sa mga mahaharot nating kaklase? Brook, hindi tama ‘yon! Alam mo ‘yan.”

“Hindi naman siya nagpapalandi—”

“Huwag kang magbulag-bulagan, Brooklyn! Iba ang dating ng isang ‘yon kumpara sa iba nating propesor. Sa itsura pa lang niya ay halata nang babaero sa mga nightclub na napupuntahan natin... I can feel it.” pang-gagaslight ko sa kaibigan ko.

Natatawa ako sa mukha niyang invested na invested sa mga sinasabi ko, nagbibiro lang naman ako— pero totoo na hindi talaga ako masaya sa presensya ni Sir Gray na ‘yon.

Pakiramdam ko ay magiging distraction lang siya sa amin— sa akin— dito sa school. Ewan! Hindi ko rin naman maipaliwanag ng maayos kung bakit, pero hindi mapagkakatiwalaan ‘yung mga ganoong mukha. Mukha naman siyang mapera, hindi na niya kailangan pa magturo ritoat sumweldo ng hindi naman ganoon kataasang rate— ARGH!

Hay naku! Ayoko na nga siyang isipin. Mas lalo lang nasisira ang araw ko, e.

“You know naman na mahal kita, Bessie gurl, pero I think sobra ka nang jugdmental ngaayong araw. He’s good naman magturo, sadyang sobrang guwapo lang kaya sa tingin mo ay babaero.” muli niyang pagdepensa sa lalakeng ‘yon. Sa sinabi niyang iyon ay parang hindi ko na malunok ang kinakain kong palabok ngayon.

“He’s not that good-looking guy—”

“Mukhang alam ko na kung bakit mainit dugo mo kay Prof Grayson, Bessie! Inggit ka sa kaniya, no?” putol niya sa sinasabi ko na agad kong kinasamid.

“G*go!? Bakit naman ako maiinggit doon?” muli na namang umarko ang kilay ko dahil sa nonsense niyang sinabi.

“Best friend kita, Bessie! Kahit i-deny mo sa lahat na hindi ka lesbian, alam ko ang totoo—”

“Huwag mo akong sisimulan sa usaping gender identity ko, Brooklyn. Hindi nakatutuwa!” ako naman ang pumutol sa sinasabi niya. Nakita ko kung paano siya mapabuga ng hangin kaya napairap na lamang ako sa kawalan. 

“Kasi naman, e… Para kang insecure kay Prof. Just try to be nice to him na lang para hindi na siya mas magalit sa ‘yo sa next meeting.”

“Alam mo… Kumain nalang tayo at huwag nang pag-usapan ang isang ‘yon. Okay?” suhestiyon ko na agad naman niyang kinatango. Bumalik na kami sa pagkain ng kaniya-kaniyang kinakain, naging maayos naman ang dalawang subo ko sa palabok ko nang isang basa at malamig na bagay ang bigla na lamang nagpaligo sa akin ngayon sa kinauupuan ko.

Anak ng—

“What the f*ck!!!” mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa nangyari. Nakita ko agad ang babaeng may gawa ng bagay na iyon sa akin, sa mukha pa lang niyang nakangisi ay alam kong sinadya niya ang nangyaring pagbuho sa akin ng orange juice.

“Narinig ko ang pinag-uusapan nyo, b*tches! Ang kapal talaga ng mukha mo, no? Pati ba naman si Sir Grayson ay iniinsulto mo? Wala ka ba talagang manners?” maarteng kumpronta sa akin ng bebaeng palaka na ito sa harap ko.

So she's eavesdropping, huh? What an ugly girl!

“Excuse me? Wala akong pakialam kahit narinig mo pa ang usapan naming dalawa two weeks ago, babae. Gusto mo bang lunurin kita ng orange juice, huh?” hindi siya nakasagot nang marinig niya ang galit kong boses.

Kung kanina ay pigil na pigil pa ako sa inis ko sa araw na ito ay ngayon ay wala na akong pakialam kung panoorin pa kami ng lahat ng tao rito sa cafeteria— kahit kasama pa buong angkan ng palakang ‘to ay wala akong pakialam.

“T*ng ina! Lakas mong pagsabihan akong walang manners, bakit? Sa tingin mo ba ay tamang mambuhos ng juice sa tao, huh?” para na akong sasabog sa inis. Gustong-gusto ko nang ambahan ang pagmumukha niya sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kaniya at sa mga nangyayari sa buhay ko sa araw na ito— Pasalamat talaga ‘to dahil wala ako sa mood ma-guidance ngayong araw.

“I-isusumbong kita sa faculty—”

“Dapat kanina ka pa nagsumbong, hindi ‘yung bubuhusan mo pa ako ng juice. Bwesit!”

“D-deserve mo ‘yan!” sagot niya na talaga nga namang inilaban pa sa akin. Halata namang takot siya sa akin, kaya para magtanda siya ay marahas kong hinablot ang kamay niya at mariin itong hinawakan. Nagsisimula na ang pagdami ng tao sa paligid namin pero tila ba hindi ako natitinag gawa ng labis na inis at galit na nararamdaman ko sa babaeng ito.

“Next time na paliliguan mo ako ng juice ay siguraduhin mong hindi na ako makatatayo, huh? Kasi sa susunod na subukan mo ako ay babaragin ko na ‘yang pagmumukha mo. Nauunawaan mo ba, huh?” mahina lang ang pagkakasabi ko niyon dahil sa tainga niya ko lang talaga pinarinig. Hindi mawala sa labi ko ang ngisi nang maramdaman ko ang pangangatog ng katawan niya habang mahigpit pa rin ang hawak ko sa braso niya.

“O-00, sorry na, A-aria... B-bitawan mo na ko!” pagmamakaawa niya na kinangisi ko pang lalo.

“Bessie, tama na yan!” agad kong binitawan ang babae na hawak-hawak ko nang magsalita na si Brook para pigilan ako.

“Pasalamat ka at nandito ang best friend ko para pigilan ako, dahil kung hindi… Magpaparetoke ka talaga ng wala sa oras…” nakangisi ngunit punong-puno pa rin ng gigil kong wika sa kaniya. Nang makita ko ang pagtango niya sa sinabi ko ay binitawan ko na siya, para siyang kunehong nagmamadaling makalayo sa akin kaya natawa ako. 

Pero bago pa siya makalabas ng cafeteria ay hinabol ko siya ng isang sigaw. May nakalilimutan pa siyang gawin bago umalis dito…

“HOY! Sabi ko magpasalamat ka, diba!?” sigaw ko na automatikong nagpahinto sa kaniya at naluluhang tumingin sa akin. “Say thank you to my bessie right here…”

“T-thank you…” utal nitong banggit na mabilis kong kinatawa. Matapos niyon ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagtakbo palabas, nang mawala na ng tuluyan sa paningin ko ay ang mga tao namang nakatingin sa akin ngayon ang tinapunan ko ng atensyon.

“ANONG TINITINGIN-TINGIN NYO RIYAN!?” galit kong bulyaw sa mga ito nang hindi pa matigil ang pagtingin nila sa akin. Mga hindi maka-move on ang mga p*ta!

“Bessie… ‘yung t-shirt mo…” nang muling magsalita si Brooklyn ay nahinto ako. Mabilis napunta sa suot kong t-shirt ang atensyon ko.

Ay t*ng ina nga naman!

Alam kong basa ako, ngunit hindi ko alam na kita na halos ang panloob kong sports bra. Kaya naman pala nakatingin ang mga bastos na mga unggoy na ‘to sa akin. Mga manyak, amp*ta!

“Papalit lang ako…” Blanko kong banggit sa best friend ko kahit ang totoo ay galit na galit ako sa mga taong binibigyan ako ng tingin.

Mga bastos, pati ba naman babae manyak na. Kinuha ko na lang ang jacket ko sa bag at umalis na rin agad sa lugar na ‘yon. Labag man sa loob kong iwanan ang palabok kong paborito ay wala na akong magawa, mukha na rin naman siyang sotanghon dahil sa lintek na juice na ‘yan!

Dire-diretso lamang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko na ang locker room namin sa wash room ng main building. Doon ko iniiwan ang mga school uniform at PE ko dahil hindi ko naman sila sinusuot. 

“Lah! Nasaan na ‘yon!?” Hindi ko na naman maiwasang hindi mainis nang makita kong wala rito ang PE uniform kong inaasahan ko sa araw na ito. 

Hinubad ko ang suot kong jacket at tinignan sa salamin ang itsura ng damit kong suot. Lintek! Para nang naging orange ang puti kong t-shirt. Idagdag pa na ang lagkit-lagkit ko. Perwesyo talaga sa buhay ang ginawa ng babaeng ‘yon. Kainis!

Mukhang no choice pa ako ngayon kundi suotin ang uniform ko— for the first time. Nice! Taenang ‘yan.

Ilang minuto pa akong nag-isip na tumulala sa salamin bago makapag-desisyon na suotin na lamang ang uniform kong narito. Labag man sa loob ko ay dinampot ko na iyon at nagtungo na sa shower cubicle upang maligo ng slight. Oo, slight lang. Tatanggalin ko lang ang lagkit sa buo kong katawan. May trenta minutos pa ako na natitira bago magsimula ang next subject namin sa araw na ito. Hindi ko pa man suot ang uniform ko ay nandidiri na kaagad ako. Maliban sa iksi ng skirt ng uniform namin ay hindi talaga ako komportable na magsuot ng palda. 

Halata naman sigurong matigas akong babae. Iniisip ko pa lang na naka-palda ako ay parang nais ko na lamang magwala rito ngayon sa wash room at hindi na pumasok. Ano ba naman kasing araw na ‘to? Sinusubok na naman ang kabutihan kong tao… Hays!

Related chapters

  • My Possessive Professor   Chapter Three: Trouble

    GRAYI can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng m

  • My Possessive Professor   Chapter Four: Her

    ARIA“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. “LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang p

  • My Possessive Professor   Chapter Five: Austra

    ARIA Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya. Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya? Kaasar! “Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. R

  • My Possessive Professor   Chapter Six: Yohan

    ARIA Sa wari ko ay tumagal din ako ng kalahating oras sa garden ng Easton University bago ko naisipan na lumabas na ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi ay napag-desisyunan kong lakarin na lamang ang daan pauwi sa bahay. Kumpara kaninang nag-walkout ako ay mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na naman ako lumuluha kaya nasasabi ko nang okay na talaga ako. However, it still feels weird. Nandito pa rin ang inis na nararamdaman ko kay Sir Gray dahil sa pag-trigger niya ng trauma ko, ngunit mas tolerable na ito ngayon. Medyo exhausted lang talaga ako kanina hanggang ngayon dahil sa daming gulo na nagawa ko sa isang buong araw. Actually ay hindi pa nga namin uwian ngayon, e. Alas kwatro pa sana ang labasan namin, subalit gawa ng nag-cutting classes na ako ay paninindigan ko na. Sa unwanted thoughts ko about sa traumatic experience ko noong bata ako ay tunay na naubos ang enerhiya ko sa araw na ito— gusto ko na lamang umuwi sa bahay at doon magpahinga. Ang kagandahan lan

  • My Possessive Professor   Chapter Seven: Rivalry

    ARIA“Can you do that a lot faster, Yohan!? Sa kilos pagong mo ay mahuhuli na tayo sa klase! Bwesit naman, oh!!!” nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kabagalan ng kaibigan kong ito. Kitang-kita ko sa wall clock na wala nang twenty minutes ay late na kami sa first subject namin sa araw na ito. Ang g*go rin naman kasi ng isang ito, sinundo ba naman ako ng hindi pa siya naliligo. Ang ending ay hinintay niya pa ako matapos maligo at nakiligo pa siya rito sa amin, ayan tuloy ay gahol na gahol na kami sa oras ngayon. Sinong matinong tao ang gagawa ng katangahan na iyon, diba? Kaasar na Yohan! First day na first day niya sa school ay pinapainit niya ang ulo ko.“Sige at bagalan mo pa!” reklamo ko ulit nang makitang ang bagal niya talaga kumilos.Nagawa ko nang matapos suotin ang bago kong sapatos na kapapadala pa lang sa akin ni Daddy last week— sahre ko lang— ay hindi pa rin tapos si Yohan mag-ayos. Parang mas babae pa talaga siya sa akin at napakaraming skin care na kailangan gami

  • My Possessive Professor   Chapter Eight: Safe Spot

    ARIA Mabilis lumipas ang araw at masaya akong biyernes na rin sa wakas. Katulad lang noong lunes ay walang sandali ang dumating sa pagkatao kong matahimik kakaisip sa nakaiinis na si Sir Gray. Mula nang dumating siya sa Easton University noong lunes ay naging madasalin ako, laman siya ng panalangin ko na sana dumating ang araw na hindi niya na ako buwesitin ng presensya niya palang araw-araw— Mangyayari lang iyon kapag nag-resign na siya at naglaho rito sa school. Alam ko naman na gulo lang ang dala ko rito sa EU. Halos lahat na rin ata ng teachers dito sa school ay na-sermunan na ako, ngunit kakaiba itong si Sir Gray. Gusto niya atang baguhin ko buo kong pagkatao para lamang hindi niya na ako pagalitan araw-araw. G*go amp*ta! Magmumura pa lang ako sa klase niya ay pinapalabas na agad ako sa classroom namin. Kaasar siya! Nagmura lang naman ako noong miyerkules dahil nasagi ni Brooklyn ang tagiliran ko dahil sa kakulitan niya kay Yohan na first time niyang makilala noon. Kaya para m

  • My Possessive Professor   Chapter Nine: Dark Side

    GRAY“That’s right, baby! Go on… F*ck!”I tightly closed my eyes as I heard the accented growl of my friend Kobe coming from the restroom of our exclusive room here at the nightclub he owns. Ang sabi ko ay samahan niya ako magpalipas ng oras sa pag-inom, gusto kong mawala sa isipan ko pansamantala ang babaeng wala pang isang linggo mula nang makilala ko pero sobra na kung sakupin ang buo kong pagkatao. Ngunit imbes na tulungan ako ngayon ng g*go kong kaibigan ay babae ang inuuna niya.“Marquez!” sigaw kong tawag sa apelyido niya nang hindi ko na matiis na mainis sa ginagawa nila ng babae niya sa banyo. Wala ngang maingay na mga tao sa paligid dahil nasa eksklusibo kaming kuwarto, subalit ang ingay-ingay naman nila umungol sa loob. “Can your f*cking ass wait a little longer, pare? Panira ka rin talaga!” sigaw niya pabalik na kina-ikot ng aking mata sa inis. Hindi na ako sumagot sa kaniya at ipinagpatuloy na lamang ang pag-inom ng alak sa aking baso.I’m trying everything I can just to

  • My Possessive Professor   Chapter Ten: In Denial

    ARIA“Good morning sa napakaganda kong, best friend, Aria!” rinig kong bati ni Brooklyn nang makapasok na siya sa classroom namin. Gayunpaman, kahit maligaya siya sa pagbati ay hindi ako kumibo at hindi ito pinansin.“Sorry sa hindi ko pagsipot noong Sabado, si Dad kasi nagkaroon ng problem sa company namin kaya walang maiiwan kay Mommy Lola sa bahay. Si Mommy kasi ay may meeting with her friends slash business partners— Hindi niya ako pinayagan iwanan sa house si Mommy Lola.” mahabang paliwanag sa akin ni Brooklyn nang makaupo na siya sa tabi ko.Wala pa si Yohan ngayon dahil iniwan ko siya, ayoko nang sumasabay sa kaniya tuwing papasok dahil ayoko nang ma-late. Gusto ko ay thirty minutes pa lang bago ang klase ay nasa classroom na ako. Matanda na naman ang isang ‘yon, kaya niya na pumasok mag-isa. At saka, ayoko nang kasama lagi si Yohan pumasok sa school na ito, napagkakamalan na kaming mag-jowa. Yikes! I mean… Baka isipin ng iba na may kahinaan na ako rito, no! At isa pa, ayokong

Latest chapter

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Six: You

    GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Five: Missed

    ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Four: Kissed

    ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Three: Lost In The Woods

    GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Two: Conflicts

    GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-One: Confession

    ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty: Disappointment

    ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati

  • My Possessive Professor   Chapter Twenty-Nine: Let Me

    ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k

  • My Possessive Professor   Chapter Twenty-Eight: Fear of Falling

    ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos

DMCA.com Protection Status