GRAY
It's been two months since I left my previous school where I was able to teach for three whole months. During the break I had with my profession, I worked a lot in our family business, and now that I am fully returning as a college professor— I can say that I am happy.I truly love teaching people, giving knowledge to others makes my life somehow… great. Teaching has been my dream since I was young, at kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na buong buhay nagtuturo sa eskwelahan dahil sa buhay na mayroon ako sa realidad ay masaya pa rin naman akong nagagawa ko ito bilang libangan sa ngayon.Nang makapasok na ako sa unang klase na kikitain ko sa araw na ito ay sumilay sa akin ang isang ngiti. Isang oras pa lang ako na narito sa Easton University ay ramdam ko na ang pagiging welcoming ng mga tao rito, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi sa bagay na ‘yon. Nasa principal’s office pa lang ako ni Tita Charlie ay marami na ang nag-aabang sa akin sa labas, at kahit hindi ko sila klase ay talagang sinundan at pinagkaguluhan nila ako hanggang sa marating ko na ang classroom ng Class 5-2.Sa totoo lang ay gustong-gusto ko ‘yung hinahabol, pinagkakaguluhan, at kinababaliwan ng mga tao— especially ng mga babae. I cannot deny that I like women. Who doesn’t like women, right?But when it comes to my students, I don’t like the idea of liking them aside from being my students— and I will never like that idea. Aminado ako na sa labas ng pagtuturo ko ay iba akong tao. Tambay sa nightclubs, iba’t ibang babae ang nakasasama gabi-gabi, at mahilig talaga sa tawag ng laman ika nga ng iba.However, my female students are exempted from that. I don’t f*ck with them. It is not my thing to involve myself again in a situation where I slept with a student… It happened once, and I don’t want it to happen again.It was just a mistake— I’m holding my words that I don’t f*ck my students. Nangyari lang iyon dahil plinano talaga ng babae ang gabing ‘yon. That student of mine used to be a very nerdy girl in school, palagi siyang magulo tignan sa totoo lang. Hindi pala-ayos ng itsura at tahimik lang sa isang tabi— sa totoo nga ay nakalimutan kong nag-eexist siya sa class list ko.So when she approached me that night in that nightclub, I didn't recognize her. She was wearing full and heavy make-up, the clothes she was wearing were too sl*tty and revealing, and her demeanor was very different that night. I just thought of her as a normal club girl who does one-night-stand with a stranger like me… but I was wrong.I just found the truth of her identity after we had s*x, and the moment she confessed her feelings to me, I’m out.Iyon ang dahilan kaya lumipat ako sa previous school ko, kaya nang maramdaman ko na masyado na namang nababaliw sa aking existence ang mga estudyante sa nilipatan kong paaralan at nagsisimula na silang pagpantasyahan na maikama ko, I left.Ako na ang nagkusang umiwas sa kanila kahit maayos naman ang pagiging propesor ko sa eskwelahan na iyon. Kahit magulo ang buhay ko sa labas ng paaralan ay hindi ko gusto na ang pagiging guro ko ay magulo rin.“The bell is about to ring, students. Now, go to your respective classrooms immediately!”Nang matapos kong makausap ang mga estudyante sa labas at ang mga student council na kumokontrol sa mga tao ay sinara ko na ang pintuan ng classroom na kinaroroonan ko ngayon. Hindi na naririnig ang ingay sa labas, ngunit nanatili ang ingay sa loob ng klase dahil karamihan sa estudyante ko rito ay mga babae.Here we go again, Grayson…Pilit ang naging ngiti ko nang makapunta na sa teacher’s table, madaming babae ang nasa harapan ko subalit hindi ito nagbibigay sa akin ng saya sa mga oras na ‘to. I hate this kind of situation, but I need to act that everything is fine. Unang araw ko pa lang naman, I can give them a chance.But if I need to be strict to them, I will do that. Tita ko ang principal at nagmamay-ari ng school na ito, at alam kong hindi niya magugustuhan kung aalis kaagad ako sa eskwelahan niya. Kaya kahit nagsisimula na naman ang mga estudyante ko na mabaliw sa presensya ko ay kailangan ko munang tiisin sa ngayon.I will just give this a try, kung hindi ko makokontrol ang mga estudyante ko rito ay maituturing ko na ang sarili kong walang kuwentang propesor. I have the authority, ako ang mas nakatatanda, at ako ang guro nila. Kaya sisiguraduhin ko mula ngayon na hindi ko hahayaang mapasobra ang kalandian nila at pagpapantasya sa akin.Hindi naman sa nag-aangat ako ng bangko, I am just stating what I see and what I feel about my situation. Nakasasawa na rin naman kasing lumipat nang lumipat, kaya susubukan kong ayusin na ang buhay ko rito sa Easton University.I truly want my profession to be free from the Grayson Henry Carter that people around me knew. I am here to work as their professor; I am not here to be their f*cker and someone who does bad things. I want to be a good influencer to my precious students, kaya sana ay makisama ang mga estudyante kong nababaliw na sa mga sandaling ito.Damn it!“Okay, class, go back to your proper seats now.” salita ko matapos ko silang batiin. “I am too excited to start my first day of class with you, Class 5-2. Please go now and take your seats.”May awtoridad sa boses ko nang sabihin ko ‘yon. Pinilit ko maging pormal sa kanila habang pilit din ang ngiti sa labi ko. Masaya naman talaga ako sa oras na ito dahil first day ko sa bago kong eskwelahan, sadyang hindi lang ako natutuwa na parang nasa zoo kami at nagkakagulo sila dahil sa akin.Nang medyo kumalma ang buong silid at nagsi-upuan na sila sa kani-kanilang pwesto ay nagbukas na ako ng libro. Nakuha ko na kanina ang continuation ng lessons nila mula sa kanilang previous teacher sa subject na Science, Technology, and Society.Dahil alam ko na kung saan magsisimula sa lessons nila ay plano kong magturo agad at hindi na patagalin pa ang lahat. Gaya ng sinabi ko ay gagawin ko ang makakaya ko para maging isang effective teacher sa mga estudyante ko, and this time I promise to myself that I will only focus myself on teaching each of everyone of my students.I will avoid any distraction that hinders me from becoming a better person inside this school. I may be a bad person in reality outside this university, but I will make sure that I will be a great and effective teacher to these students inside of this university— I know they need it.“Sir, hindi na ba kami magpapakilala sa ‘yo?” tanong ng isa sa mga babae na nakaupo lang sa first row. Nang tapunan ko siya ng tingin ay kita ko kung gaano kakapal ang make-up sa mukha niya at gaano kapula ang kaniyang labi habang siya ay nakangiti sa akin.Expected ko nang hihilingin nila sa akin ang introduce yourself segment dahil first day ko, pero kasi ay wala akong plano para roon. Sayang lamang sa oras at alam ko namang gagawin lamang nila iyon na paraan upang magpasikat. Hindi na bago sa akin ang bagay na ‘yon, kahit sa ibang school na napuntahan ko ay gustong-gusto nilang nagpapakilala sa akin para tapunan ko ng tingin.Students these days are insanely corrupted by their dirty minds. Well, I'm not denying myself with that because I know that I'm also a flirtatious person. But at least I am already a twenty-five year old guy and have a stable life.I’m no longer a child like them who is still at school and learning to become an adult person. Right? At kung lalandi man ako sa iba ay hindi rito sa paaralan.“We don’t need that, students. Makikilala ko naman kayong lahat sa recitations and attendance.” napangisi ako sa sarili nang mabanggit ko ‘yon.Totoo naman kasi na makikilala ko rin sila eventually sa klase ko, lalo pa’t magaling ako tumanda ng itsura ng ibang tao. It’s one of my traits— it’s a part of becoming a member of our family. We need to be smart, fast-learner, intimidating, and strong—powerful to be exact. Kaya magaling akong kumilala’t tumanda ng mga taong nakikilala ko.“Sige na po, Sir! First day niyo pa lang naman po, saka kauumpisa lang po ng midterms namin. Hindi po tayo mahuhuli sa lessons.” wika pa ng isa sa kanila kaya mariin akong ngumiti bago napabuga ng hangin. Ang kukulit!It’s okay, Grayson… Just give them what they want for now.“Fine. Go ahead, class.” sagot ko na lang kahit labag sa kalooban ko.Nang magsimula sila sa pagpapakilala sa harap ay umupo na lang ako sa hulihang upuan sa gitna ng klase para makita ko silang lahat.Mabilis lang lumipas ang mga minuto dahil hinayaan ko ang sarili kong pakisamahan ang gusto nilang pagpapakilala. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at pinakikinggan lamang ang lahat ng mga sinasabi ng mga estudyante ko, ngumingiti lamang ako o nagsasalita kung kinakailangan ko lang. Nang mapunta na ang turn sa last row ay muli akong naglabas ng malalim na paghinga, I’m bored to be honest.With so many of them in the class, it actually took us an entire hour just to finish introducing themselves. Except for their names, they said too much that I didn't really need to know more about their lives. Some even told stories about their social status and activities outside the class that I didn't want to hear from them, while others said some nonsense things just to get my attention. Hindi naman sa hindi ko pinapahalagahan ang mga sinasabi nila, ang sa akin lang ay lumalabas na sa eskwelahan ang mga sinasabi nila sa akin. Wala man lang nagsabi ng mga favorite subjects nila o 'di kaya naman hobbies nila na productive and appropriate for them as students.I am actually very upset and disappointed, ngunit bilang teacher nila ay hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko at pinilit ko na lamang pakisamahan ang trip nilang lahat. I am just expecting more from them.However, I need to respect them as much as possible and they should respect me as their teacher as well. So far, wala naman akong nakikitang students na binastos ako. Mababait naman silang lahat. Sadyang may ilan lang talaga na humaharot at nagpapakitang gilas sa akin, but so far— they are good.I prefer them being like this rather than being stubborn and unmannered students to me and to their other teachers. I will never tolerate stubbornness in this classroom, college students na sila kaya inaasahan ko na hindi na sila asal bata.Nang tuluyan nang matapos ang lahat sa pagpapakilala ay tumayo na ako para balikan ang table ko sa unahan. May ilang minuto pa ang natitira sa oras ko ngayong araw sa kanila kaya kaya pang makapag-lesson ng kaunti, para naman may katuturan ang araw na ito sa kanila. Kating-kati na rin akong magturo sa mga estudyante ko.“Wala ba si Aria the b*tch? Bakit hindi siya nagpakilala?”“Nandiyan siya, patamad-tamad lang talaga at tulog na naman sa likuran. B*tch talaga as always! Nakahihiya kay Prof.”Nang makaupo sa harapan ay chismisan agad ng dalawang magkaibigan sa harapan ang narinig ko, dahil sa sinabi nila ay muling bumalik sa buong klase ang atensyon ko. Pilit kong inaalam kung sino ang sinasabi nilang natutulog ngayon, wala naman kasi akong napansin kanina.“Kaasar talaga ang babae na ‘yan! Palaging tulog, kaya siya tinutuksong p*kpok, e. Tulog sa umaga, gising sa gabi ang ganap palagi.” automatikong umarko ang kilay ko dahil sa narinig kong panlalait sa bibig ng dalawang babae. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila sa babaeng hindi ko naman alam kung sino.“Goodness, bessie gurl! Gising ka na, ikaw na ang next and last!” tila ba automatikong napunta sa huling babaeng nagpakilala sa harapan kanina ang tingin ko.Nakita ko siyang may niyuyugyog sa tabi niya kaya natagpuan ko na ang babaeng natutulog na tinutukoy ng mga babae sa harapan. May isa pa palang estudyante, at totoo ngang natutulog ito base sa nakasubsob niyang mukha sa itim niyang bag. Papaanong hindi ko siya napansin gayong nandoon lamang ako nakaupo malapit sa kanila kanina? Ganoon na ba ako kaburyo para mabulag sa paligid ko?“Bessie naman, e!!” salita ngunit hindi ko na narinig gawa ng mahina lamang ang pagkakasabi ng babae na sa pagkakaalala ko ay nagngangalang Brooklyn. Patuloy siya sa paggising sa katabi habang ang buong klase ay tila ba sa kanila na nakatingin.Dahil nalaman kong may natutulog sa klase kong ‘to ay naramdaman ko ang nabuong inis sa aking sistema. Isa ang pagtulog sa klase ang itinuturing kong pangbabastos sa teacher, kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako naiinis ngayon habang hinihintay na magising ng estudyante kong si Brooklyn ang kaibigan niya.“Are we all done here, class?” tanong ko sa buong klase kahit alam kong mayroon pa kaya napunta muli sa akin ang atensyon ng lahat.Kita ko ang taranta sa estudyante kong gumising sa babaeng katabi kaya mariin akong napapikit upang kontrolin ang inis sa sistema.First day ko pa lang sa trabaho at sinusubok na agad ang pasensya ko… P*tang ina!“Mayro’n pa po, Sir! K-kaso tulog pa po siya. Sorry po…” si Brooklyn ang nagsalita kaya sa kaniya ako tumingin.“Hindi dapat ikaw ang humihingi ng paumanhin sa akin, Ms. Grace. Sa tingin mo ba ay isang maganda’t tamang pag-uugali ang pagtulog sa klase ng kaibigan mo?” the annoyance in the tone of my voice crept in, I couldn't hold back what I was feeling at this moment.Kaya ko pang magpigil kanina sa iba kong estudyante, ngunit itong babaeng natutulog sa klase ko ay hindi ko matansya.“Buti nga sa kaniya, tamad kasi! Nakahihiya talaga siya sa section natin. Ang yabang-yabang pa niyan sa labas ng classroom tapos bobita naman sa loob.” sa narinig kong nagsabi niyon ay nakumpirma ko na sa sarili kong sakit nga sa ulo ang babaeng natutulog na ito.Hindi ko na siya pag aaksayahan pa ng oras dahil babawi na lamang ako sa class performance niya, tutal naman ay ako ang may karapatang humusga’t humatol sa performance nila sa klase ko.Hindi na ako kumibo sa kanila at naupo na lamang sa upuang nakalaan sa akin at muli nang binuksan ang libro kung saan ko makikita ang lesson ko sa kanila ngayong araw.“Sana i-drop na lang siya ni Prof!”“Hoy, Lea! Tigilan mo na ‘yang pagsasalita mo kay Aria, kapag narinig ka talaga niya mag-aaway na naman kayo. Iiyak ka na naman sa principal.” My students continued talking and gossiping, and I let them. I was busy examining the pages of the book on my table, hindi ko kasi mahanap ang kailangan kong pahina.When I realized that I had the wrong book, I just stood up and started setting up my projector and laptop instead. Gagamitin ko na lamang ang presentations na mayroon na ako pansamantala, mukha namang parehas lang ang itinuro ko sa previous school na pinanggalingan ko.Fortunately, I actually taught the same subject last semester in my previous school even though I am actually a Biology teacher.“P*ta naman!” a loud whine made me immediately stop what I was doing, maging ang iba ay napalingon din sa babaeng natutulog lamang kanina.Because of that loud voice of hers, I was about to get extremely mad… But when my eyes suddenly fell on the girl who had just woken up— I couldn't believe that those inappropriate words came from a girl who has an angelic face.Why does she look so good even when her face is filled with annoyance?Damn it, Grayson! Ayokong kainin pabalik ang lahat ng bagay na nasabi ko na sa aking sarili kanina.Stop being so stunned by her fascinating beauty— she’s my student!Ramdam ko na ang pagtatalo sa sarili ko ngayon habang ang mata ay nakatuon lang talaga sa babaeng inis na inis ang mukha ngayon sa kaibigan niya.“Ano ba naman 'yan, p*tang ina!?” muli niyang bulalas na mura.Halata sa mukha ang inis marahil sa ginawang pag-distorbo ng kaibigan niya sa ginagawa niyang tulog sa klase ko. Alam ko na dapat na akong magalit ngayon dahil sa mga foul words na binanggit niya, subalit nanatili akong tahimik sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan lamang ang kabuuan niya.She’s definitely different— Sa hindi pa lang niya pagsuot ng required uniform ng school ay kakaiba na siya. Who is this girl? And why am I so obsessed to look at her right now?I already met and been with tons of beautiful girls in my life… but she is the only one that literally stopped me from breathing a bit.“Sorry, bessie! A-ayaw mo kasi gumising, e.”“E, ano? Kailangan mamukpok, huh? Bwesit naman!” nag-uusap silang dalawa na tila ba walang tao rito sa classroom maliban sa kanilang dalawa.When I saw her rubbing her head a little, I blinked and came back to my reality. On several occasions I closed my eyes tightly to control myself, I shook my head and tried to erase from my brain the thoughts I had earlier about her.F*ck… Hindi maganda ‘to. Why am I like this? She is just a normal girl in school— no, I already admitted that she is different compared to these girls in my class.She's too hot for me to become my student– Damn, Grayson!“Nakahihiya siya, girl! Ano bang asal basurang ugali ‘yan!”“Hindi niya ata alam na nasa classroom na siya at may prof na tayo.”“She’s crazy! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa babaeng ‘yan!”Nagsimula nang bumalik ang bulong-bulungan sa paligid kaya inayos ko ang aking tayo at naghanap ng tiyempong makapagsalita.I should do something and stop acting like a dumb f*cker daydreaming about a girl!“Galit na ata si Professor!”Mas mabuti pang makita nila akong galit ngayon kaysa mahalata nilang pinagnanasaan na ng utak ko ang babae nilang kaklase.Fuck you, Grayson! This is not part of the plan!“Ang papansin mo, Aria! Para kang tanga—"“E, kung kaltukan ko ‘yang pagmumukha mo, Bettina!? Gusto mo?” matigas at halatang galit na banggit niya sa babaeng kaklase. Nang marinig ko ang sinabi niyang ‘yon ay gusto ko na sanang magsalita kaso naghiyawan bigla ang mga lalake kong estudyante.“Sheesh! Kaltukan mo na nga ‘yan, Aria!”What is happening to me? I should be angry by now, but I was still staring at her while admiring the wrong things she does.“Excuse me, lady. If you don't mind, can you calm yourself down for a second? Then introduce yourself here in front…” nang magawa ko nang makapagsalita ay pinanatili ko sa aking boses ang awtoridad. Hindi niya dapat malaman ang epektong ginagawa niya sa sistema ko sa mga oras na ito.Sa ginawa kong pagbasag ng tensiyon sa buong classroom ay sa akin napunta ang lahat ng tingin nila— maging ang tingin ng babaeng nagpahanga sa akin ngayong araw.That’s right, just look at me and no one else.“Pwede po bang 'wag na?” kalmadong tanong niya na kinangisi ko.I already expected that from her. She’s really a hard one to tame, huh? I know I should be angry by the way she looks at me with her angry eyes, but for some reason— I find her to be a very challenging one.“No. It is unfair for others, Miss.” matigas na sagot ko.She's very disrespectful and mean, even to me— her teacher. Gaya ng sinabi ko kanina, I will not tolerate that kind of behavior. This is the thrill I've been looking for in life these past few months, and I'll make sure that I can tame her.I like taming girls just for fun— but with this student of mine, it is my job to tame her.“Corny naman!” mahinang bulong niya na sapat lang na marinig naming lahat.Nanatili ang diretsa niyang mukha nang tumayo na siya at nagtungo sa gilid ko rito sa harapan. Sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ko dahil siya lang naman talaga ang nakakuha ng atensiyon ko sa umagang ‘to.Nang mapunta rin sa akin ang tingin niya ay kita ko kung papaano niya ako inirapan ng patago. Sa ginawa niya ay parang mas lalo lang akong natuwang paamuhin siya. Hindi ko na itatanggi, I do like her already… She is pretty different and beautiful as f*ck.However, I do think that she needs to learn her lessons from me— only from me. I just know that she is too wild to handle by anyone, but not by me.“I am Aria Austra Lindsei, bente anyos na.” maikli niyang pagpapakilala at tinignan muli ako. Walang kagana-gana ang mata niya, ngunit gandang-ganda pa rin ako sa nakabusangot niyang mukha.“Anything else, Ms. Lindsei?”“Opo. Wala akong favorite na subject at uwian lang ang nagpapasabik sa akin araw-araw. Thank you.” dugtong niya na tipid kong kinangiti ng palihim.That’s it, Austra. I truly like you already…Dahil hindi ako agad nakapagsalita sa kaniyang sinabi ay nakita ko na siyang aalis na sana nang mabilis kong maabot ang kamay niya. Rinig ko ang lakas na pag-alma ng iba kong mga estudyante kaya saglit lang din naman ang ginawa ko at binitawan ko rin agad ang pulsuhan niya. Isang masama’t nanlilisik na tingin ang nagawa niya nang balikan ako ng kaniyang atensyon.“Ano na naman po ba!?” kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy nang maibulalas iyon ng kaniyang bibig.I don't even know why I chased her. Ano ba itong pinaggagawa ko? Is this how much I want her for myself that I can't even want her to walk away from me? Kailan pa ako naging ganito sa babae?T*ng ina talaga!“Sa susunod ay ayoko nang natutulog ka sa klase ko, Miss Lindsei. At huwag mo na ulit subukang sagutin ako ng pabalang kung ayaw mong malagay sa peligro ang mga subject mo sa akin, naiintindihan mo ba ‘yon?” seryoso kong salita na kinaseryoso rin ng tingin niya sa akin. Umayos siya ng tayo at ngumisi sa kawalan.“I suppose that is a threat, Sir. Fine, I will do that.” peke ang ngiti ang mayroon sa labi niya nang isagot sa akin ‘yon at hindi na ginawang hintayin ang sasabihin ko pa sana.Tinalikuran niya na ako kaagad para bumalik sa upuan sa may dulong bahagi ng silid. Narinig ko pa siyang nagmurang muli, ngunit hindi na ako nagsalita pa at binalik na rin ang atensiyon ko sa dapat kong gawin.“Anyway, Class 5-2. Before I start the discussions for today, I will also introduce myself to be fair with you. I don't want you to feel uncomfortable with me as your new professor in all your science-related subjects for this semester.” panimula kong wika. The atmosphere in the entire classroom returned to normal and all the eyes of my students went to me as I spoke.“I am Grayson Henry Carter, you can call me as simple as Sir Gray, Professor Carter, and anything you want to call me. I am twenty-five years old, a licensed teacher and a businessman. I am very strict with my classroom rules, and one of them is being obedient and respectful to your teachers— especially to me.” kusang napunta kay Aria ang tingin ko nang sabihin ko ‘yon.Gaya kanina ay blanko lang siya habang nakikipagtitigan din sa akin sa mga sandaling ito. Hindi ko talaga siya natitinag sa ngayon, tignan ko na lang sa mga susunod pang araw niya sa klase ko. Lalambot din ang isang ‘to sa kamay ko.“And also… I am very good when it comes to the grades of my students. If you want to receive high grades from my subjects, all you need to do is to listen, participate, and be good to my class— and to me, your Professor.” saglit akong huminto at nakalolokong ngumiti sa kanila. Nakatuon lamang sa akin ang lahat ng atensyon nila kaya masaya akong nakikinig sila sa mga gusto kong sabihin ngayon.“And please, my precious students… Avoid flirting in my class at all times. Ayokong babastusin niyo ako dahil hindi ko iyon gagawin sa inyo. You are here to learn, and if you can’t respect me— I will not respect you either. Please be good, students. That is all I want from all of you, thank you.” iyon ang huli kong sinabi bago ko simulan ang klase ko sa kanila.Mukha namang naging epektibo ang ginawa ko kaya wala nang nagkukwentuhan sa kanila at nakikinig na silang lahat sa akin ngayon— Maliban kay Aria na kitang-kita ko ang paulit-ulit na paghikap ng patago sa kinauupuan niya.Napangisi na lamang ako ng palihim dahil halata namang takot na siyang matulog ulit sa klase ko kahit halata pa rin sa mga mata niya na antok na antok talaga siya ngayon.That’s a great step, Aria. Just obey me… always.ARIAMaingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya— Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?”
GRAYI can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng m
ARIA“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. “LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang p
ARIA Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya. Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya? Kaasar! “Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. R
ARIA Sa wari ko ay tumagal din ako ng kalahating oras sa garden ng Easton University bago ko naisipan na lumabas na ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi ay napag-desisyunan kong lakarin na lamang ang daan pauwi sa bahay. Kumpara kaninang nag-walkout ako ay mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na naman ako lumuluha kaya nasasabi ko nang okay na talaga ako. However, it still feels weird. Nandito pa rin ang inis na nararamdaman ko kay Sir Gray dahil sa pag-trigger niya ng trauma ko, ngunit mas tolerable na ito ngayon. Medyo exhausted lang talaga ako kanina hanggang ngayon dahil sa daming gulo na nagawa ko sa isang buong araw. Actually ay hindi pa nga namin uwian ngayon, e. Alas kwatro pa sana ang labasan namin, subalit gawa ng nag-cutting classes na ako ay paninindigan ko na. Sa unwanted thoughts ko about sa traumatic experience ko noong bata ako ay tunay na naubos ang enerhiya ko sa araw na ito— gusto ko na lamang umuwi sa bahay at doon magpahinga. Ang kagandahan lan
ARIA“Can you do that a lot faster, Yohan!? Sa kilos pagong mo ay mahuhuli na tayo sa klase! Bwesit naman, oh!!!” nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kabagalan ng kaibigan kong ito. Kitang-kita ko sa wall clock na wala nang twenty minutes ay late na kami sa first subject namin sa araw na ito. Ang g*go rin naman kasi ng isang ito, sinundo ba naman ako ng hindi pa siya naliligo. Ang ending ay hinintay niya pa ako matapos maligo at nakiligo pa siya rito sa amin, ayan tuloy ay gahol na gahol na kami sa oras ngayon. Sinong matinong tao ang gagawa ng katangahan na iyon, diba? Kaasar na Yohan! First day na first day niya sa school ay pinapainit niya ang ulo ko.“Sige at bagalan mo pa!” reklamo ko ulit nang makitang ang bagal niya talaga kumilos.Nagawa ko nang matapos suotin ang bago kong sapatos na kapapadala pa lang sa akin ni Daddy last week— sahre ko lang— ay hindi pa rin tapos si Yohan mag-ayos. Parang mas babae pa talaga siya sa akin at napakaraming skin care na kailangan gami
ARIA Mabilis lumipas ang araw at masaya akong biyernes na rin sa wakas. Katulad lang noong lunes ay walang sandali ang dumating sa pagkatao kong matahimik kakaisip sa nakaiinis na si Sir Gray. Mula nang dumating siya sa Easton University noong lunes ay naging madasalin ako, laman siya ng panalangin ko na sana dumating ang araw na hindi niya na ako buwesitin ng presensya niya palang araw-araw— Mangyayari lang iyon kapag nag-resign na siya at naglaho rito sa school. Alam ko naman na gulo lang ang dala ko rito sa EU. Halos lahat na rin ata ng teachers dito sa school ay na-sermunan na ako, ngunit kakaiba itong si Sir Gray. Gusto niya atang baguhin ko buo kong pagkatao para lamang hindi niya na ako pagalitan araw-araw. G*go amp*ta! Magmumura pa lang ako sa klase niya ay pinapalabas na agad ako sa classroom namin. Kaasar siya! Nagmura lang naman ako noong miyerkules dahil nasagi ni Brooklyn ang tagiliran ko dahil sa kakulitan niya kay Yohan na first time niyang makilala noon. Kaya para m
GRAY“That’s right, baby! Go on… F*ck!”I tightly closed my eyes as I heard the accented growl of my friend Kobe coming from the restroom of our exclusive room here at the nightclub he owns. Ang sabi ko ay samahan niya ako magpalipas ng oras sa pag-inom, gusto kong mawala sa isipan ko pansamantala ang babaeng wala pang isang linggo mula nang makilala ko pero sobra na kung sakupin ang buo kong pagkatao. Ngunit imbes na tulungan ako ngayon ng g*go kong kaibigan ay babae ang inuuna niya.“Marquez!” sigaw kong tawag sa apelyido niya nang hindi ko na matiis na mainis sa ginagawa nila ng babae niya sa banyo. Wala ngang maingay na mga tao sa paligid dahil nasa eksklusibo kaming kuwarto, subalit ang ingay-ingay naman nila umungol sa loob. “Can your f*cking ass wait a little longer, pare? Panira ka rin talaga!” sigaw niya pabalik na kina-ikot ng aking mata sa inis. Hindi na ako sumagot sa kaniya at ipinagpatuloy na lamang ang pag-inom ng alak sa aking baso.I’m trying everything I can just to
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m
GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala
GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang
ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul
ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati
ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k
ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos