Share

My Possessive Professor
My Possessive Professor
Author: RandomQueen

Prologue

Author: RandomQueen
last update Last Updated: 2023-08-23 14:32:51

ARIA

Nagising ako sa malakas at nakaririnding tunog ng letcheng alarm clock sa side table ng kamang kinararatayan ko ngayong umaga. My goodness! Lunes na naman. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may pasok na naman ako.

Shete!

Panibagong araw na naman ang kailangan kong gampanan sa buhay, ibig sabihin ay bagong araw na naman para mainis ako sa mga taong makasasama ko sa school.

Kung pwede lang talaga umabsent ay ginawa ko na…

Kung umabsent na lang kaya muna ako? Tutal ay midterms pa lang naman, e. Kaya pang habulin sa finals kung matalino’t masipag ako— kaso hindi… So, hindi talaga pwede?

Rayt! Hindi nga pwede, Aria!

Dahil nadistorbo na ang pagtulog kong kulang na kulang pa kaysa sa isang order ng rice namin sa cafeteria ay bumalikwas na lamang ako sa kama para patayin na ang dapat patayin… Ang alarm clock ‘yung tinutukoy ko, ah! 

Nang tuluyan nang maglaho ang nakaririnding ugong na umeecho sa tainga ko gawa ng bagay na iyon ay inilapag ko na ulit ito sa pinanggalingan. Gusto ko mang basagin ang alarm clock na iyon dahil araw-araw siyang ngumangawa para gisingin ako sa umaga ay hindi pwede. Madalas kasi ay tulog mantika ako. Kapag wala ang alarm clock ko ay malamang aakalain ng mga kaklase kong na kick-out na ako sa school dahil hindi na ako nakapapasok.

Nang tumahimik ang paligid at tanging ugong na lamang ng aircon sa kuwarto ang naririnig ng tainga ay muling bumagsak ang katawan ko sa kama. Hikab ng isang elepante ang nagawa ko. Antok na antok pa kasi talaga ako, sa totoo niyan ay katutulog ko lang… two hours ago.

Kaya kahit badtrip ako palagi sa umaga at sa alarm clock ko ay hindi ko sila masisisi— kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ako antok na antok tuwing gumigising sa umaga. Literal na puyat hanggang mamatay ang ganap ko palagi.

Since napatay ko na ang alarm clock kong distorbo sa umaga ay sign na itong huwag na akong pumasok at matulog na lang ulit sa kama. Kung papasok akong puyat ay ganoon din naman, wala akong matututuhan sa discussions. Dito na lamang ako sa bahay at matutulog buong araw. 

Tama! Gano’n nga. Patay na ang alarm clock ko kaya wala nang manggigising— 

“Austra, anak? Gising ka na ba? Bumaba ka na rito!”

Sheteee!

Ayan ang alarm clock na hindi ko pwedeng patahimikin. Si Mama. 

Nang marinig ko ang sigaw niyang iyon mula sa sala ay wala na akong nagawa kundi bumangon ulit at umungot na lamang sa sarili. Nakalimutan kong may alarm clock din pala akong nanay na hindi sasang-ayon sa pag-absent ko sa school ng walang dahilan. 

Here we go again, kolehiyo! Ayaw ko na sa’yo pero kailangan pa rin kita kundi palalayasin ako ni Ina ko sa aming bahay.

Mahal kaya ng tuition sa Easton University, mapapatay talaga ako ng nanay ko kapag nalaman niyang muntik na akong bumagsak sa PE 1 namin noong first year ako. HAHA.

Sino ba naman kasi ang gaganahan sa PE kung alas siete schedule niyo ro’n, diba? Almusal mo pawis, gano’n! Ang malupet pa ay isang subject lang namin ito tuwing Wednesday. Pumapasok lang talaga kami tuwing miyerkules sa school para sa letcheng PE na ‘yan. Ayan tuloy… hindi ko na pinasukan.

Buti na lang at nakabawi ako noong finals. Sumabit pa ako sa tres. Yez! Worth it ang pagsasayaw namin sa intrams last semester.

Anyway, bago pa ako pagalitan ng mama ko ay pinatay ko na ang aircon sa kuwarto at kinuha na ang uniform kong hindi naman talaga uniform. I mean— may uniform kami sa school pero hindi ko sinusuot. White t-shirt at jogging pants or jeans palagi ang suot ko tuwing pumapasok ako sa EU, kaya ito na ang uniform na nakasanayan sa akin ng mga tao roon.

Araw-araw man pagalitan ng guards at bigyan ng violation ng admission, ayos lang. Kaysa naman suotin ko ang skirt ng uniform namin na parang unting lakad lang makikita na ang burgers ko. Hays! Kadiri.

Gandang-ganda naman ang iba roon, ngunit sila iyon. Kahit bigyan pa ako ng sampong libo ng nanay ko araw-araw ay hindi ko isusuot ‘yon. Mas kumportable kayang mang-bigwas ng epal kapag naka-jogging pants at shirt lang.

“Good morning, sweetheart.” rinig kong bati ni Mama nang makita ko siya sa kusina namin habang hinuhugasan ang pinaglutuan niya ng almusal namin. Naka-uniporme na ito sa trabaho kaya alam kong aalis na rin siya maya-maya.

Dahil antok na antok pa talaga ang diwa ko ay hindi ako nagsalita para batiin si Mama pabalik, tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Dumiretso ako sa banyo namin para makaligo na ako, baka magising na ako ng tuluyan kapag nabuhusan na ng malamig na tubig ang katawan ko.

Nang masabit ko na ang dala kong uniform sa sabitan dito sa banyo namin ay pumasok na ako sa shower at naghubad. Nang dumako sa balat ko ang tila ba yelong tubig ay napamura ako, buti na lang at hindi malakas iyon kundi sermon na naman ako kay Mama, umagang-umaga!

Ayaw kasi ni Mama na nagmumura ako… You know, hindi raw bagay sa babae. Buti na lang talaga at hindi ako babaeng-babae— t*ng ina naman kasi! Ang daming bagay sa mundo ang nagpo-provoke sa akin magmura. Kahit nga itong tubig ay sumasama na agad ang loob ko dahil malamig siya sa umaga kong ‘to. 

And to be honest, I find myself very sensitive to many things. Halata naman siguro sa akin, no? Short-tempered at bayolente na babae. Gustuhin ko man maging mabuting tao araw-araw, palagi namang sinusubok ang pasensya ko.

Hindi naman sa sinisisi ko ang parents ko sa pagpapalaki nila sa akin, subalit sa tingin ko ay malaking epekto na wala si Daddy sa tabi ko habang lumalaki ako para gabayan ako sa kahit na anong bagay na gawin ko sa aking buhay.

Nasa Dallas, Texas kasi si Dad, doon siya namamalagi’t nagtatrabaho bilang OFW. Mula pa man noong mga paslit pa kami— I mean, ako ay naroon na siya. But I do understand na kailangan ng daddy ko na magtrabaho para mabuhay kami ni Mama rito sa Pilipinas, sadyang nakalulungkot lang kung iisipin dahil walang father figure na gumagabay sa buhay ko.

Then again, hindi naman nagkulang si Dad na tawagan at kumustahin ako. Gayunpaman ay iba pa rin talaga na personally present siya sa buhay ko. Heto tuloy, basagulera na ang anak niya ng hindi niya alam. HAHA. 

“Kumain ka na lang dito kapag tapos mo, nak. Kailangan ko nang umalis dahil magiging busy day ang araw na ito sa opisina namin. Ingat ka sa school, okay? Lock the door before you leave, baby. Understand?” katok ni Mama sa pinto ng banyong kinalalagyan ko ngayon. Halata ang pagmamadali sa boses niya kaya hindi pa man ako nakasasagot ay narinig ko nang nagbukas-sara ang main door namin, sign na umalis na siya agad. 

Ayan ang sinasabi ko, sobrang busy ng mga magulang ko sa trabaho nila. Si Daddy ay nasa abroad na maraming obligasyon sa kumpanyang pinagtatrabahuan, habang si Mama naman ay nandito nga sa bansa ngunit sekretarya naman ng isang sikat at kilalang CEO sa Pilipinas— palaging filled ang schedule. Big time ang parents ko sa trabaho nila, kapalit nga lang niyon ang oras nila sa akin bilang kanilang anak.

Oo nga’t maganda naman ‘yon dahil responsable silang magulang sa akin dahil kahit hindi kami sobrang yaman, naibibigay pa rin nila sa akin ang lahat ng pangangailangan ko ng sobra-sobra pa. Sadyang wala lang talaga sila palagi sa tabi ko gawa ng katotohanang ‘yon, kaya kapag pinapagalitan ako ni Mama dahil sa pagmumura kong naging ekspresyon ko na yata ay palagi kong sinasabi na hindi ko na kasalanan ang bagay ‘yon.

Pero hindi naman ako galit sa parents ko— nagtatampo lang ng slight tuwing naiisip ko ito.

Ako nga pala si Aria Austra Lindsei. People call me by the name Aria, only my parents are allowed to call me Austra. I don't like hearing people calling me Austra, especially kung hindi ko naman sila kaano-ano. It is my special name that is very personal and important to me as a person.

Anyway, maliban sa pangalan ko ay wala nang magandang malalaman ang ibang tao sa buhay ko. Sa edad kong bente anyos ay parang wala pa akong nagagawang matino— I mean, big achievement na maipagmamalaki ko sa iba. Siguro ay pwede kong ipagmalaking nasa kolehiyo na ako. I'm currently a second year student taking a course called Bachelor of Arts in Communication. Hindi halata, no? Siyempre, hindi naman ako nag-aaral ng seryoso, e.

Bad influence nga kung tukuyin ng iba— na agree naman ako. Wala naman kasi talagang maganda sa pag-uugali ko, pumapasok nga lang ata ako sa school para sumama ang loob sa mga taong naroon. Hindi naman sa ipinagmamalaki ko pa, pero kapag narinig ng mga tao sa school ang pangalang Aria Lindsei, kadalasan ay gulo na kaagad ang susunod diyan.

Palagi ba naman akong nasasangkot sa kaguluhan sa labas man ng school o sa kahit saan ako abutan ng init ng ulo. Lagi akong napapaaway dahil sa mga taong pino-provoke ako gamit ang mga katangahan nila. Gayunpaman, kilala ako sa buong Easton University bilang Campus Princess. Yes, you read it right. Kadiri, diba? True. Hindi ko rin alam kung saan nagsimula ang titulong mayroon ang pangalan ko sa school. Ang corny kaya niyan.

Noong first year nagsimula ang pagiging Campus Princess kuno ko ng Easton University. Akala ko sa mga high schools lang uso mga ganiyan, pati pala sa exclusive university katulad nitong EU ay mayroon. Kaurat kaya! Mukha na ba akong disney princess sa kanila para ilagay nila ako sa titulong 'yon?

Hindi naman sa ayaw kong prinsesa ako, pero sobrang girly ng title na iyon para sa akin. Hindi ko nga makontrol ang sarili ko na umupo ng hindi nakabukaka, e. Maging ang paglakad ko ay tila ba palaging naghahamon ng away tapos bibigyan nila ako ng ganiyang title sa school… Pinagloloko talaga ako ng mga tao roon, kaasar!

Sabagay, maging ang sexual identity ko nga ay dinidiktahan na rin ng mga schoolmates ko. Dahil kilala ang pangalan ko sa school, hati ang opinyon sa akin ng mga tao roon. May ibang humahanga sa akin at may iba rin namang kinaiinisan ang existence ko. Karamihan kasi sa mga babae kong schoolmates ay inis sa akin, dinidiktahan nila akong tibo. They based my sexual identity through my fashion taste, actions, and how different I am compared to all of them— tipikal na mean girls sa Easton University.

Seriously, I hate it. Yes, it is true that I am the boyish type of girl, but I am not a lesbian. Wala naman akong problema sa sexual identity ng ibang mga tao— In fact, I support everyone's community. Naiinis lang ako sa mga taong putak nang putak sa buhay ko at talagang dinidiktahan pa ako sa sarili kong pagkatao.

Mga huhang kong schoolmates, manduhan ba naman ako sa sarili kong buhay. Diba? Sinong hindi mapapamura sa ganiyang pag-uugali, t*ng ina!

But I'm not gonna lie, since inaakala ng karamihan na tibo nga ako ay natatakot sila sa akin— lalo na ang mga kalalakihan na trip na trip ako landiin. Sa lahat ata ng bagay na humihinga sa mundo ay mga lalake ang pinaka hindi ko gusto.

Puro lang sila kapestehan sa buhay ko— maliban sa relatives kong lalake, exempted sila sa judgment ko sa mga lalake— Kaya kahit inis akong napagkakamalang tibo ay ginagamit ko na lang iyon as an advantage to make my life free from boys… I hate them— mostly.

May mga friend pa rin naman akong lalake dahil napatunayan nilang deserving and worthy silang tao sa buhay ko. The rest of them? Enemies. Yes! Kaaway ko sila. Mas pipiliin ko na lang makipag-basag ulo sa mga lalake kaysa makipaglandian sa kanila.

But this lesbian claim about me reached my mom last semester. She didn't like that, sermon na sobrang lala ang inabot ko sa kanila ni Dad. Hindi nila gustong ideya ang pagiging tibo ko dahil ayon sa kanila ay nag-iisa na lang nila akong anak.

Natatakot sila na hindi ko sila bigyan ng apo in the future, which is plano ko naman talaga kahit ano pa ang sexual identity ko. Sa hirap ng buhay ngayon sa mundo, mag-aanak pa ba ako? Syempre ay hindi na, no!

Kaya para hindi na ako pagalitan dahil iniisip na rin ng parents ko na tibo ako ay humanap ako ng lalake na pwedeng bayaran para magpanggap na boyfriend ko noon. Tumagal lang ang pagpapanggap ko ng two weeks, effective naman, naubos lang allowance ko kababayad sa lalakeng 'yon na hindi ko na matandaan ang mukha.

Argh! That f*cking memory… I hate it! Halos isumpa ko na ang mga tao rito sa school dahil kung hindi dahil sa kanilang false accusation sa sex identity ko ay hindi maiisip nila mama na tibo ako. Mga chismoso't chismosa talaga ang mga panira sa buhay ko. Kaasar!

***

Gawa ng mabilis na takbo ng oras ay hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa school. Mabilis lang ang byahe dahil isang sakay lamang ang Easton University mula sa aming bahay. And as usual naglalakad ako sa hallway na parang tamad na tamad sa buhay— which is true.

One hundred and one percent accurate na tamad ako araw-araw. Sino ba kasi ang nakangiting pumapasok sa school at ng mabigwasan ko na? Haaays!

Ilang beses ko na bang nasabi ito? Ayaw ko talaga pumasok ngayon dahil puro impakto lang naman nakikita ko rito sa school namin. Maayos lang naman kasi ang buhay ko, pero kapag papasok na ako sa Easton University ay masisira na lamang iyon kaagad.

Naiisip ko pa lang na mahabang oras ang gugugulin ko sa paaralang ito sa araw-araw ay parang gusto ko nang magwala. Shete!

Napairap na lamang ako sa hangin nang maramdaman ko na ang diwa ng eskwelahan sa akin. Sa ingay pa lang ng mga classmates ko ay masisira na agad ang aking araw. Kung minamalas ba naman kasi ay napunta pa ako sa section ng magugulo't parang mga hayop na nakawala sa hawla. Nasa dulo pa lamang ako ng hallway ng aming floor ay rinig na rinig ko na agad ang ingay sa silid namin, para silang mga lasing na unggoy. 

Ito ang palaging bungad sa umaga ko rito sa EU, kaya reasonable ang pagiging tamad ko pumasok. Sino ba namang gaganahan mag-aral kung biniyayaan ka ng mga kaklaseng hindi ata marunong manahimik kahit isang minuto lamang sa isang araw, diba? Mga peste talaga kahit kailangan, but who cares? Of course… no one.

Wala naman talaga akong pakialam sa kanila, sadyang naiinis lang ako sa dulot nila sa buhay ko. Tuwing pumapasok ako rito ay diretso upo na agad ako sa upuang nakalaan sa akin sa parteng dulo. Iyon ang trono ko, sa dulo ang pinaka-mapayapang parte sa room.

Gaya ngayon ay dire-diretso ang ginawa kong paglalakad hanggang sa marating ko na ang upuan ko. Nang maibaba ang bag sa table ay sinubsob ko agad ang aking ulo roon para gawin ang favorite kong aktibidad— ang matulog

Kailangan kong bumawi ng tulog habang wala pa kaming prof. Sobra ang antok ko at gusto ko na lang talagang matulog. Gaya ng sinabi ko kanina ay dalawang oras lang ang naging tulog ko, kasalanan ko pero kasalanan din ng bad dreams ko.

Mula pa noong bata ako ay may nakasanayan na akong mga panaginip na masasama. Minsan ay normal naman ang gabi ko, pero minsan din ay pabalik-balik lang ang mga panaginip ko na ‘yon sa akin. Para akong minumulto niyon, kaya mas gusto ko na lang magpuyat at magpakapagod ng sobra gabi-gabi para hindi ko na ito makita pa sa pagtulog ko.

Weird man, ngunit iyon talaga ang nangyayari sa akin. Ang ending tuloy ay galit na galit ako sa alarm clock ko kapag tumutunog siya, tapos idagdag pa na kailangan kong pumasok sa school. Hanep talaga! Nightmare kung nightmare. Bakit ba kasi walang afternoon shift ang EU para sa mga college students na tulad ko?

Oh well! That is life… That's my freaking life for goodness' sake.

“Umagang-umaga at natutulog ka pa rin, ah. Gising na, bessie gurl! May chika ako sa'yo. Dali na!” inis akong umayos ng upo na labag sa kalooban ko nang marinig ang boses ng babaeng kararating lang din sa room. Presensya pa lang niya ay parang pagod na kaagad ako buong araw.

Siya si Brooklyn Grace, ang best friend ko.

Pero dahil sa ginawa niyang pagdistorbo sa idlip na ninanais ko ay hindi ko na siya best friend— charot lang. Kahit ganiyan 'yan ay siya ang partner in crime ko dati. Oo, dati lang. Ewan ko ba kasi sa kaniya, bigla na lang siyang natakot pagalitan ng teachers namin. Dati ay okay lang sa kaniya na masangkot sa minor problems dito sa school basta kasama ako, pero ngayon ay hindi na. Bumabait ang best friend ko.

“Sleepy again? My poor sleepyhead bestie…” salita niyang bahagya ko na lamang kinatango. Yinuko kong muli ang ulo sa bag kong nakapatong sa desk dahil ramdam ko nang nahuhumaling na siyang matulog. 

Inaantok talaga ako t*ng ina!

“May chika nga ako sayo, e! Bakit mo ko tutulugan, bessie gurl?” hindi ko man siya nakikita ngayon ay alam kong nakabusangot na naman ang mukha niya nang sabihin iyon. Naiinis man sa kaniyang kakulitan ay sanay na ako sapagkat palagi naman siyang ganito kakulit. Idagdag pang best friend ko nga siya, tanggap ko ang kakulitan niya— kaya may karapatan akong mainis ng slight.

May asiwa sa mukha ko nang tapunan siya ng tingin. Tama nga akong nakanguso na naman ang mapupula niyang labi ngayon. P*****a! Lagi siyang nalulungkot kapag hindi pinapansin, tampuhin in short.

On a serious note, I don't really know why she became my best friend since we are really in contrast to each other. Halata naman siguro sa pag-uugali naming ito, but I think there is no explanation behind that. We are destined to be bffs, so yah! That is how it is, tanggapin ko na lamang.

“Ano na naman ba 'yang chismis mo? Nagkakasala pa ako sa’yo, e.” iritang tanong ko na may pagbibiro rin namang halo habang buryong-buryo siyang tinitignan.

“Ay, wow! Si Bessie Aria ay takot gumawa ng kasalanan… mas bayolente ka pa nga kay Cardo, e.” salita niyang halata naman ang sarkastiko kaya napangisi ako at inirapan siya.

“Anyway, ito na nga kasi… huwag ka nang mairita sa chismis ko today. Para kang palaging dinadatnan ng dalaw, e. Ang hard mo masyado ngayon, parang gusto mo nang palitan si The Rock—”

“Spill it, Brook. Wala pang klase ang daldal mo na agad. Ano ba kasi iyon?” putol kong salita sa sinasabi niya. Kita ko ang pagningning ng mga mata niya nang marinig na sa akin ang magic word na favorite niya bilang isang chikadorang tao.

“Ito na nga kasi, bessie gurl! Hear me out, may dumating daw kasing new hottie-patottie na professor sa school ngayong araw. And girl— oh, huwag ka munang rerebat— science professor natin siya this semester! OMG!” halos hindi ko na matukoy ang pagmumukha niya gawa ng kilig niyang bakas sa mukha nang sabihin ang chika niyang ‘yon. Dahil hindi ko naman trip ang chika niyang akala ko naman kung ano ay tumaas na lamang ang kilay ko habang blangkong nakatingin sa kaibigan.

Hanep na anunsyong ‘yan… nu gagawen ko?

“Oh?” ayaw ko mang basagin ang nakikita kong kilig, saya, at excitement sa mukha niya ay wala akong magawa. Iyon lang talaga ang lumabas sa bibig kong sagot. Nakita ko ang unti-unting paglaho ng ngiti niya at ngumuso na namang muli.

“Grabe namang reaksiyon ‘yan, girlie!” dismayado niyang puna. Anong magagawa ko? Hindi naman kasi talaga ako interesado. Anong gagawin ko sa bagong hired na professor sa school? Hindi ba common lang iyon sa unibersidad na kulang-kulang sa instructors?

“What do you want me to do, Brook? Tumalon? I don’t give a sh*t to that. Gagawin ko ro’n?” bored kong sagot na nag-iwan sa kanya ng pagkagulat na parang amuse na amuse siya sa narinig niyang sinagot ko.

Sa aming dalawa ay ako dapat ang magulat, ang tagal na naming magkaibigan tapos hindi niya pa alam na sa lahat ng bagay sa mundo, lalake ang pinakahuli sa aking interest list. Propesor pang lalake, mas lalong bad trip ‘yan.

“Seriously? Wala ka talagang pakialam? Isipin mo, paano na lang kung siya na pala ang lalakeng para sa iyo— para sa atin? Girl, pogi raw ng super sobra! Minsan lang tayo makahanap ng ganoon dito sa school, no!” ayan na naman siya sa delusions niya. Sa tingin ko kakailanganin niya ng gamot today. Daydreamer yarn?

“Kabahan ka sa sinasabi mo, Brook.” sumeryoso ang tono ko nang sabihin iyon.

Hindi ako makapaniwala na narinig iyon sa kaniya. Well, kilala ko naman si Brooklyn. Mahilig talaga siya sa gwapong lalake at karamihan sa papuri niya sa mga ito ay half meant.

Usually kasi ay ginagawa niyang biro-biro lang ang mga ito, ngunit base sa itsurang nakikita ko sa kaniya ngayon ay totoo na. Unbelievable! Talaga nga namang crush niya na ang professor na tinutukoy nya sa akin ngayon. The f*ck? Ni hindi pa nga ata niya nakikita ang bago naming professor na tinutukoy niya at ganito na agad siya kung ma-inlove. Ibang klase.

“Kapag talaga nakita na natin si Prof, bahala ka sa buhay mo. Bawal kang kiligin kahit slight.”

“Hindi naman talaga ako kinikilig sa lalake, Brook. Nugagawen ko? Alam mo, Brooklyn my friend… No offense, honest opinyon lang— Ang harot-harot mo today. Kapag hindi ka pa huminto ay tuluyan na akong manggigigil  sa’yo, binibini.” I tried to sound sincere since I found her crush— weird.

Nang makita kong malukot ang mukha niya sa sinabi ko ay inabot ko na lamang ang pisngi niya at bahagya itong pinisil. D*****g siya sa ginawa ko, subalit hindi sumagot sa akin.

“Isa pa, propesor lang siya, okay? Bago lang siya kaya ganiyan ka kung kiligin. In the end of the day, panggulo lang siya sa buhay natin. Saka hindi ibig sabihin na hottie, pogi na. Baka puro katawan lang siya, pero mukhang pagod. Kaya please, Brooklyn my friend… tigilan mo ako sa pagtatampo mo.” paliwanag ko at nang-aasar siyang nginitian. Lalo lang sumimangot ang mukha niya at tumulis ang nguso, umiling na lamang ako at nag-iwas ng tingin.

My best friend is cute when she’s like that… but complimenting someone is not really my thing. I think when I compliment someone they would become too spoiled for me to handle… And I don't want my bestie to become like that.

“Malay mo naman, pogi talagaaa!” habol pa niyang pangungumbinsi sa akin, ngunit umiling lang ako sa kaniya.

“Kahit ano pang mayroon sa pagkatao niya, Brook. Wala akong pakialam sa kaniya. Basta para sa akin, isa pa rin siyang teacher na magiging pabigat sa school year ko. Baka ibagsak pa ako ng isang ‘yan, e. Pusta, isa lang ‘yang teacher na mahilig mag tambak ng gawain sa atin para hindi natin ma-enjoy ang rest days. Isusumpa ko talaga siya kapag gano’n.” muli ay ngisi kong salita para tapusin ang topic naming ito. Tumango na lamang siya sa akin at hindi na nagsalita pa.

Nang tumahimik kami ay naisipan ko na muling matulog, subalit nakita ko ang pagkuha siya sa isang food container mula sa kaniyang bag na pamilyar na pamilyar na sa akin. Inilabas niya na ang baked cookies na palagi niyang baon para kainin namin tuwing umaga. Finally!

My favorite...

Kung hindi ko pa nababanggit, siya rin pala ang supplier ko ng pagkain dito sa school. RK kasi siya, as in Rich Kid. Dahil doon ay lagi akong nagpapalibre sa kaniya— hindi ko naman iyon inaabuso siyempre. Siya kasi ang kabaliktaran ko na dakilang kuripot sa buhay. Siyempre hindi naman ako mayaman at saka may pinag-iipunan kasi akong bagong release na sapatos, kaya heto ako—buraot mode muna sa ngayon.

“Ang sarap talaga mag-bake ni Tita!” puri ko sa kaniya na ikinalukot na namang muli ng mukha niya.

“Bessie naman, e! Kailangan ko ba talaga paulit-ulitin sa 'yo na ako ang nagbi-bake ng mga 'yan?” pagtatampo nya. Alam ko naman talaga ang bagay na iyon, pero inaasar ko lang talaga siya dahil nga pikon ito at tampuhin. Mas masarap kasi asarin ang taong pikunin, no.

“Oo na lang, Brook. So, ano nang ginagawa natin dito? Tara na sa cafeteria nang makapag-kape ako.” ngisi kong pag-aya sa kaniya na siyang kinailing niya kaagad.

That’s fast, very unusual for her. Tila ba napakasama ng naisip kong ‘yon kaya kung maka-react siya sa akin ay parang ako na ang pinaka masama niyang classmate na mayro’n siya.

“AYOKO! M-malapit na mag start ang first subject natin kaya huwag na tayong umalis. Isa pa… balita ko kasi na ang bagong professor na tinutukoy ko ang maghahandle ng section natin as a whole, ‘yung parang homeroom teacher noong high school. Kaya siya ang first nating prof today, bessie!” muli na namang nabuhay ang boses niya nang mabanggit muli ang propesor. Kilig na kilig, ah!? Parang pati buto niya kinikilig na, e.

Dahil masyado siyang mabait para mag-cutting ay heto ako at hindi na siya pinansin. Inayos ko na lamang ang upo ko sa upuan at pinilit na tanggalin ang antok sa sistema ko. Unting oras na lang kasi at magsisimula na ang klase namin.

Nang lumipas pa ang ilang minutong pagkatulala sa whiteboard ay napahikab ako, pero hindi ko na natapos ‘yon dahil bigla akong napakurap nang biglang magising ang diwa sa malalakas na tilian ng mga abnormal kong classmates.

Letchugas! Ang lakas ng sigawan nila na halos gumiba na ang classroom natin. Maging ang mga tao sa hallway ay nakita kong dumadami rin. Anong mayroon? Earthquake drill?

“KYAAAHH! AYAN NA SI PROF!!”

“OWEMJIE! NANDITO NA SI PROFESSOR!”

Ah, shete! Alam ko na ang nangyayari.

Parang nabingi ang tainga ko dahil sa hindi matigil na ingay sa paligid ko, maging si Brook ay nakisabay at iniwan talaga ako rito sa loob ng classroom para makisali sa pagsalubong sa new professor namin. Dahil sa nangyayari ay tuluyan nang napairap ang mata ko habang pinagmamasdan ang mga taong nagwawala sa classroom at maging sa labas.

Nakaaawang mga nilalang. Kung makasigaw ang lahat ay parang huling araw na nila sa mundo. Seriously? I don’t get them. Akala mo hindi nakakikita ng mga lalake sa mundo, e.

“F*ck yeah! Ang handsome niya, right? Parang nahulog na ata ang undies ko.” iyon ang pinaka walang kwentang narinig ko sa umaga kong ‘to.

Labis na asiwa ang gumuhit na ekspresyon sa aking mukha nang marinig ang kalandiang binabanggit ng mga kaklase kong babae. Wow Talaga! Kung ako magulang nila ay ikahihiya ko sila ng sampung taon.

T*ng ina naman kasi, nasa school po kami. Kahit naman ayaw ko pumasok ay alam ko ang kahalagahan ng school sa mga buhay namin, e. Gawin ba namang putcho-putchong bar ang school. Ang haharot! Kung titignan ko ay para silang mga uod na binudburan ng asin sa lapag.

Maya-maya pa ay may lalakeng matangkad na ang nakita ng mga mata kong inaantok. Pumasok siya sa room namin habang ang mga tao— mga classmates ko— ay nakabuntot sa kaniya at parang nasasaniban pa ang iba.

Well, he must be the new professor…

In all fairness naman sa kaniya, hindi na masama ang mukha niya. He has the look— not the average one. Guwapo nga ito, halatang may lahi at… babaero? Eme lang. Hindi ako pwede manghusga agad, but that is the vibe he kind of gives me as a first impression. Gayunpaman, naiinis ako. Hindi ko sure kung sa kaniya, but I think it is. I don’t really like boys in general, kaso nga lang professor siya… I need to give him a chance, I guess.

Pero ang hirap talaga pigilan ang judgments ko today. I feel no good sa bago naming professor. Habang tinitignan ko siya ngayon makipag-usap sa mga classmates kong ginugulo siya ay inoobserbahan ko rin ito.

I know that look— the one that he does while talking to the girls— it’s flirtatious. I don’t like that. Kumbaga sa mga sandaling ito ay para akong bampira tapos siya ay werewolf na pinanonood ko habang kumakain ng kangaroos. I really feel that I won’t like this professor.

“Good morning, Class 5-2!” sumilay sa perpektong hulma ng labi niya ang isang ngiti. Masaya siya sa paningin ko, ngunit nagdududa pa rin ako sa mga iyon. Tumahimik na ng slight ang room dahil sarado na ang pinto at pinapaalis na rin ng mga student council sa labas ang mga estudyanteng hayok masilayan ang propesor na ito.

Binati siya ng mga classmates ko habang ako ay mariin lamang sa kaniya ang tingin. Mukha namang hindi niya pansin ang mapanghusga kong mata kaya safe ko siyang husgahan dito sa upuan ko. Inilapag niya ang laptop at librong dala sa table niya rito sa room namin bago ibalik sa buong klase ang tingin. Unti-unti na namang umingay ang mga bubuyog kong classmates dahil tila ba nais nilang daldalin ito.

Nang magsawa na ako sa pag-oobserba ay kusang bumaba ang tingin at napahikab talaga ng antok na hindi pa rin mawala-wala sa akin. Tutal at maingay naman ang classmates ko tapos new professor siya, sana hindi na muna siya mag-lecture. Tinatamad talaga ako.

“Students, please take your seats—”

“Sir… how are you, Sir?” napailing na lamang ako at hindi na binalik ang mata sa harapan. Naririnig ko palang ang kalandian ng mga classmates kong babae ay kinikilabutan na ako.

Poor new professor… Hindi na makapagsalita dahil sa mga classmates kong mahaharot.

Ganiyan talaga kapag may itsura ka, laging maraming taong nakapaligid sa'yo. Ang nakaiinis lang, halata namang gustong-gusto niya rin magpa-landi. Shet! Ito na naman ang pagiging judgy ko. Pero ano magagawa ko? Iyon naman kasi ang nakikita ko, e?

Buti na lang talaga at inaantok ako ngayong umaga kaya wala akong energy magalit sa kanino man, if I am in the mood to fight someone— malamang nasa guidance office na naman ako nagwawala. Ayaw ko man maging killjoy sa kasiyahan ng iba, kaso nga lang na po-provoke ako. Ayaw ko sa bago naming professor dahil mukha siyang malandi sa mata ko, at ayaw ko rin sa mga classmates kong nagkakandarapa sa kaniya ngayon. Sa kanilang lahat ay si Brooklyn lang ang kaya kong tignan.

Tama na nga! Sira na naman mood ko niyan.

Dahil mukhang wala namang mangyayaring lecture ngayong umaga ay hinayaan ko na lamang ang sarili ko na sumubsob ulit sa aking desk para umidlip. Sa mga sandali kasing ito ay parang mas worth it pang humimbing kaysa panoorin lumandi ang mga classmates ko sa propesor naming nagpapalandi rin naman.

Sige lang, guys… Good night sa inyo. Just be practical in life, Aria. Tulog is essential— tulog is life.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
AMRITA M J
can you translate story in English?
goodnovel comment avatar
Letecia Rebusit
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Possessive Professor   Chapter One: Professor Gray

    GRAY It's been two months since I left my previous school where I was able to teach for three whole months. During the break I had with my profession, I worked a lot in our family business, and now that I am fully returning as a college professor— I can say that I am happy. I truly love teaching people, giving knowledge to others makes my life somehow… great. Teaching has been my dream since I was young, at kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na buong buhay nagtuturo sa eskwelahan dahil sa buhay na mayroon ako sa realidad ay masaya pa rin naman akong nagagawa ko ito bilang libangan sa ngayon. Nang makapasok na ako sa unang klase na kikitain ko sa araw na ito ay sumilay sa akin ang isang ngiti. Isang oras pa lang ako na narito sa Easton University ay ramdam ko na ang pagiging welcoming ng mga tao rito, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi sa bagay na ‘yon. Nasa principal’s office pa lang ako ni Tita Charlie ay marami na ang nag-aabang sa akin sa labas, at kahit hind

    Last Updated : 2023-08-28
  • My Possessive Professor   Chapter Two: Hate

    ARIAMaingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya— Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?”

    Last Updated : 2023-09-27
  • My Possessive Professor   Chapter Three: Trouble

    GRAYI can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng m

    Last Updated : 2023-10-02
  • My Possessive Professor   Chapter Four: Her

    ARIA“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. “LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang p

    Last Updated : 2023-10-04
  • My Possessive Professor   Chapter Five: Austra

    ARIA Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya. Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya? Kaasar! “Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. R

    Last Updated : 2023-10-04
  • My Possessive Professor   Chapter Six: Yohan

    ARIA Sa wari ko ay tumagal din ako ng kalahating oras sa garden ng Easton University bago ko naisipan na lumabas na ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi ay napag-desisyunan kong lakarin na lamang ang daan pauwi sa bahay. Kumpara kaninang nag-walkout ako ay mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na naman ako lumuluha kaya nasasabi ko nang okay na talaga ako. However, it still feels weird. Nandito pa rin ang inis na nararamdaman ko kay Sir Gray dahil sa pag-trigger niya ng trauma ko, ngunit mas tolerable na ito ngayon. Medyo exhausted lang talaga ako kanina hanggang ngayon dahil sa daming gulo na nagawa ko sa isang buong araw. Actually ay hindi pa nga namin uwian ngayon, e. Alas kwatro pa sana ang labasan namin, subalit gawa ng nag-cutting classes na ako ay paninindigan ko na. Sa unwanted thoughts ko about sa traumatic experience ko noong bata ako ay tunay na naubos ang enerhiya ko sa araw na ito— gusto ko na lamang umuwi sa bahay at doon magpahinga. Ang kagandahan lan

    Last Updated : 2023-10-19
  • My Possessive Professor   Chapter Seven: Rivalry

    ARIA“Can you do that a lot faster, Yohan!? Sa kilos pagong mo ay mahuhuli na tayo sa klase! Bwesit naman, oh!!!” nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kabagalan ng kaibigan kong ito. Kitang-kita ko sa wall clock na wala nang twenty minutes ay late na kami sa first subject namin sa araw na ito. Ang g*go rin naman kasi ng isang ito, sinundo ba naman ako ng hindi pa siya naliligo. Ang ending ay hinintay niya pa ako matapos maligo at nakiligo pa siya rito sa amin, ayan tuloy ay gahol na gahol na kami sa oras ngayon. Sinong matinong tao ang gagawa ng katangahan na iyon, diba? Kaasar na Yohan! First day na first day niya sa school ay pinapainit niya ang ulo ko.“Sige at bagalan mo pa!” reklamo ko ulit nang makitang ang bagal niya talaga kumilos.Nagawa ko nang matapos suotin ang bago kong sapatos na kapapadala pa lang sa akin ni Daddy last week— sahre ko lang— ay hindi pa rin tapos si Yohan mag-ayos. Parang mas babae pa talaga siya sa akin at napakaraming skin care na kailangan gami

    Last Updated : 2023-10-26
  • My Possessive Professor   Chapter Eight: Safe Spot

    ARIA Mabilis lumipas ang araw at masaya akong biyernes na rin sa wakas. Katulad lang noong lunes ay walang sandali ang dumating sa pagkatao kong matahimik kakaisip sa nakaiinis na si Sir Gray. Mula nang dumating siya sa Easton University noong lunes ay naging madasalin ako, laman siya ng panalangin ko na sana dumating ang araw na hindi niya na ako buwesitin ng presensya niya palang araw-araw— Mangyayari lang iyon kapag nag-resign na siya at naglaho rito sa school. Alam ko naman na gulo lang ang dala ko rito sa EU. Halos lahat na rin ata ng teachers dito sa school ay na-sermunan na ako, ngunit kakaiba itong si Sir Gray. Gusto niya atang baguhin ko buo kong pagkatao para lamang hindi niya na ako pagalitan araw-araw. G*go amp*ta! Magmumura pa lang ako sa klase niya ay pinapalabas na agad ako sa classroom namin. Kaasar siya! Nagmura lang naman ako noong miyerkules dahil nasagi ni Brooklyn ang tagiliran ko dahil sa kakulitan niya kay Yohan na first time niyang makilala noon. Kaya para m

    Last Updated : 2023-10-28

Latest chapter

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Six: You

    GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Five: Missed

    ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Four: Kissed

    ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Three: Lost In The Woods

    GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Two: Conflicts

    GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-One: Confession

    ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty: Disappointment

    ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati

  • My Possessive Professor   Chapter Twenty-Nine: Let Me

    ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k

  • My Possessive Professor   Chapter Twenty-Eight: Fear of Falling

    ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos

DMCA.com Protection Status