ARIA
Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya.Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya?Kaasar!“Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Ramdam ko man ang tingin ng mga kaklase ko ay kay Brooklyn lamang nanatili ang mga mata ko. Tanaw ko siya sa likurang bahagi ng classroom na paikot-ikot lamang doon na tila ba nagri-ritwal.Hindi niya ata alam na mukha siyang tanga sa ginagawang iyon. Tsk!“Nababaliw ka na ba Brooklyn? Tigilan mo na ‘yan at nahihilo ako sa ‘yo. Nagmumukha ka lang asong ul*l na ul*l sa kahahabol ng buntot niya.” buryo kong salita na mabilis niyang kinatigil. Nanlalaki ang mga mata niya nang lingunin ako at mabilis na kinulong ng yakap niyang napaka-OA.“HAY NAKU KA, BESSIE! Thank God at nandito ka na! Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo, Bessie? Sinaktan ka ba niya? Kaasar, utak palaka talaga ang bruhildang iyon—”“I’m fine, Brook. OA mo rin, e!” putol ko sa kakulitan niya. Alam ko namang nag-aalalalang siya, pero okay naman talaga ako kaya hindi niya na kailangan pang mataranta.“Nagpatulak ka kasi sa bruha na ‘yon kanina kaya akala ko ay nagpatalo ka talaga on purpose…” napangiti ako nang sabihin niya iyon. Naupo na ako sa silya ko na agad din naman niyang kinaupo sa upuan niya. Halata na nag-aabang siya ng chismis ko sa mga nangyari.“Hindi ako nagpapatalo, Brook, alam mo ‘yan. Siya dapat ang tanungin mo dahil nasa clinic siya ngayon para isalba ang labi niya.” nakangiti man ang labi ko ay inaamin kong hindi ako natutuwa. Hindi pa rin maka-recover ang galit ko sa mga nangyari kani-kanina lang.Unang araw pa lang ng bago naming propesor ay hindi na ako tinatantanan ng pagmumukha niya sa isipan ko. Okay na sana siya, sadyang napaka-panget lang ng ugali. Sa buong araw ay dalawang beses niya na akong pinapagbantaan gamit ang mga mata niya, at dalawang beses niya na rin ako hinahawakan sa pulsuhan ko. ARGHHH!Ako naman ata ang nababaliw sa mga sandaling ito.“Eh? Anong nangyari sa inyo? Kumusta ang labanan niyo?”“Hindi ko iyon matatawag na laban, Brooklyn. Masyado siyang mahina para sa akin, at maliban sa ka-sh*tan niya sa buhay ay puro nakaririnding tili niya lang ang naganap. Sadyang na-trigger niya lang ako kaya na-demonyo ang kamao kong patahimikin siya.” muli ay wala na namang buhay ang pagpapaliwanag ko ng mga nangyari sa garden. Masama na talaga ang pakiramdam ko dahil ubos na ubos na talaga ang energy ko para sa araw na ito.“S-sinuntok mo siya?” muli ay nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko.“Yes. She tried to slap me, but I guess I’m too good to be slapped by her kaya naunahan ko siya ng suntok.” medyo napangisi ako nang sabihin ko ‘yon habang inaalala ang mukha ni Chloe kanina.Well, I feel kind of bad but she deserves it. Nauna naman siya, e.“H-hindi ka na-guidance? Owemjie ka, Bessie gurl! PTA president ang mama niya noong high school diba?”“Don’t worry about that, Brook. I can handle it. Saka hindi ko rin naman gustong dungisan ang kamay ko kanina, no. She provoked me to do that, nauna siya kaya self-defense ‘yon. Kaya badtrip ako ngayon dahil sa akin pa nagalit ang bago nating professor gayong ako ang agrabyado rito.” at muli na naman akong nainis nang maalala ang nangyari kanina lamang sa opisina ni Sir Gray.Kita ko ang lalong paglaki ng mga mata ni Brooklyn nang maproseso niya ang sinabi ko ngayon lang. Nawala ang kaninang ngiti sa mukha kaya napairap ako, baka pati rito ay ipagtanggol na naman niya ang Sir Gray na iyon.“S-seriously? I can imagine the fighting scene, but Professor Grayson being angry with you? Bessie gurl… I cannot.” hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o namamangha sa mga oras na ito. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang pilit pa rin iniimagine ang mga nangyari sa akin.“He’s unfair, Brook.” iyon na lamang ang nasabi ko at malalim napabuga ng hangin bago isandal ang likurn kong pagod na pagod na sa sandalan ng aking upuan.Three hours pa bago mag-uwian… Sana pala ay nag-cutting classes na lang ako. Kung ginawa ko sana iyon ay wala nang maraming nangyari sa buhay ko sa araw na ito. Ang epal talaga ng mga tao kapag monday. Kaasar!!!“Crazy b*tches!!” mabilis nagpintig ang tainga ko at nandilim ang paningin nang marinig ang sinabing iyon ni Sandra na kasalukuyang nakaupo sa harapan lang ng row namin ni Brook. Dahil epal siya ay nakuha niya na ang atensyon ko, isang mataray na tingin ang ginagawa niya sa amin ngayon ni Brooklyn kaya nagsimula na namang kumulo ang inis sa katawan ko.Quotang-quota na ako sa kabadtripan sa araw na ito ay gusto pa niyang dagdagan. Wow! Sa kaniya pa nanggalin ang panlalait na iyon, huh? Crazy b*tches? Sino? Ako— kami ni Brook?“What did you just call us, Sandra?” ngisi ang tanging nagawa ng labi ko para pigilan ang labis kong inis sa babaeng nasa harapan lamang ng upuan ko.Ang mahaba niyang buhok na ang sarap hilain. Ang mapula niyang mga labi na ang sarap supalpalin. At ang mga mata niyang nanlilisik sa katarayan na ang sarap dukutin. Sandra Moore, ang matalino, maganda, ngunit ubod ng kalandian naming kaklase. Kami pa talaga ang tinawag na b*tches ng g*gang ‘to!“Totoo naman na b*tch kayo, diba? Mga malalandi naman kayo na nagpapanggap na matino lang.” naikuyom ko agad ang kamao ko sa inis nang talagang pinanindigan niya pa talaga ang sinasabing ka-sh*tan sa amin ngayon ng kaibigan ko.“Don’t start with your nonsense sh*ts, Sandra.” pagbabanta ko.“B*tch!” singhal niya na kinatayo ko na sa aking upuan.“Kung b*tch na kami sa mata mo ay ano pa ang tawag sa katulad mo, Sandra? Kami ba ng kaibigan ko ang nakikipag-s*x sa lalakeng pamilyadong tao na, huh?” nakangisi kong salita na kinatahimik ng buong klase namin. Dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko ay napatayo na rin siya sa kinauupuan nito at nag-aapoy na ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.I know I shouldn’t brought that back, ngunit asar na asar na ako sa maraming dahilan sa araw na ito. Last semester pa ang issue niyang iyon, maliban sa pagiging kabet niya ay usap-usapan din recently na ilang beses na siyang nabuntis at nagpapalaglag lamang ng paulit-ulit para hindi magkaanak. Kaya itong pang-iinsulto niya sa akin at kay Brooklyn na matino naman ay labis kong kinagagalit ngayon.It’s true that she’s smart, sa sobrang talino nga niya ay pati ata ang s*x life ni Einstein ay alam niya na. But on a serious note, I feel sad for her… Ang dami niyang pwedeng pag-gamitan ng katalinuhan niya pero inaatupag lang niya sa kasamaan at kalandian ng pag-uugali niya.“I don’t want to fight with you, Sandra… But if you really want to be punched too, I will do that for you.”“WALANG HIYA KA TALAGA—”“That's enough!” Hindi niya na nagawang matapos ang pagsugod sa akin nang umecho sa buong klase ang galit at buong-buo na boses ni Sir Gray. Muli ay narinig ko na naman ang galit niyang boses na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.He’s really scary when he is angry… Ang masama pa niyan ay ako na naman ang makikita niyang mali dahil sa mga nangyayaring ito sa buhay ko sa araw na 'to. Kaasar!“G-galit si Professor Grayson, Bessie!” bulong lang ang sinabing iyon ni Brooklyn kaya tago akong napairap sa kawalan.“S-sir G-gray… Si Aria po…” nag-igting ang panga ko sa inis nang marinig ang pagpapaawa ni Sandra sa galit naming propesor.Siya ang nagsimula nito tapos ako ang palalabasin niyang masama rito? Mga duwag! Naaasar ako na nagagalit dahil ang b*bo nilang lahat sa mga mata ko. Ang tigas ng pagmumukha!“Ano na naman ba ito, Ms. Lindsei!” mariin akong napapikit upang pigilan ang inis ko nang sa akin sabihin iyon ni Sir Gray na papalapit na sa pwesto namin ngayon. Ramdam ko ang paghawak ni Brooklyn sa nakakuyom kong kamay para pakalmahin ako, pero sa mga sandaling ito ay hindi umeepekto sa akin ang ginagawa niya.Galit na galit ako dahil ako na naman ang puntirya ng bwesit naming propesor! What the f*ck is wrong with him? Bakit ako ulit ang mali? Bakit ako na naman ang nakikita niya? P*tang ina!“Hindi pa tapos ang gulong ginawa mo kanina ay balak mo pa ulit magsimula ng panibago. Wala ka ba talagang natututuhan, Ms. Lindsei? Wala ka ba talagang kasawaan sa pakikipag-away?” naririnig ko ang sinasabi niya ngunit hindi ko kayang unawain ang kung ano ang kaniyang sinasabi.Ngayon ay hindi na talaga ako natutuwa. Alam ko naman na nakita niya at narinig niya ang mga nangyari pero ako pa rin ang pinapagalitan niya— Ako pa rin ang suspect sa mga mata niya. Trip ata talaga ako ng propesor na ‘to, e? Puro na lang ako. Tapos kapag sumagot ako sa kaniya ay mas lalo lang akong magiging masama.“Sir Grayson, kung ano-ano po kasi ang s-sinasabi niya kaya nagalit ako. Sinisiraan niya po ako—”“T*ng ina mo pala! Ikaw ang nagsimula g*go!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at napamura na naman. Dahil tahimik ang buong classroom ay rinig na rinig ang boses ko, maging ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko dahil sa kakaibang nararamdaman habang sinasalo ang galit na tingin sa akin ni Sir Gray ay naririnig ko na.“Stop it, Austra!” hindi na malakas ang boses niya ngunit may awtoridad pa rin sa tono nito. Ngunit hindi ang boses niya ang dahilan kung bakit ako nahinto, kusang naging blanko ang ekspresyon ng mga mata ko nang tapunan ko na ng tingin si Sir Gray.Muli ay narinig ko na naman ang pagtawag niya sa akin sa pangalan kong hindi ko nais marinig sa iba maliban sa mga magulang ko. Hindi ako nag-iinarte, ngunit totoong hindi ko gustong tinatawag ako ng ibang tao sa pangalan na iyon. Kanina ay sinabihan ko na siya, ngunit heto pa rin ang ginawa niya at parang sinasadya pa ang lahat.“Austra, are you even listening—”Parang napaparalisa ang kalahati ng katawan ko habang paulit-ulit lang sa utak ko ang boses niyang tumatawag sa pangalan kong ‘yon…“D-don't ever call me that again…” sa unang pagkakataon ay nautal ako habang pinipigilan ang namumuo na sa sistema kong labis na emosyon.Sinusubukan ko kontrolin ang galit, inis, lungkot, at takot sa sistema ko habang pilit kinakalimutan ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Muli ay mariin akong napapikit habang ang kaninang hawak ni Brooklyn na kamay ko ay mahigpit na ngayon ang kapit sa laylayan ng uniform kong suot.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang bagay na ito sa loob ko… Sa mahabang panahon ay ngayon na lang muli may nagtangkang ibang tao na tawagin ako sa pangalan na iyon. Hindi pa nakatutulong sa mga sandaling ito ang kita kong pagbabago ng ekspresyon sa mga mata ng propesor na kaharap ko. Alam kong galit na naman siya, ngunit mas matimbang ang halo-halo kong nararamdaman sa oras na ito.Para akong nanghihina…“Why… Austra? I am your Professor and I can call you whatever I want to call you—”“SABING TIGILAN MO NA AKO!”Isang mabigat na paghinga ang nagawa ko nang maging ako ay nagulat sa naging pagsigaw ko. Nanginginig ang katawan ko kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa aking suot na damit upang pigilan ang nakaririnding luhang nagbabadya sa mga mata ko ngayon.Ayoko maging ganito, ngunit wala akong magawa para pigilan ang nangyayari sa aking sarili sa mga sandaling ito.“Wala akong pakialam kung sino ka pa, Sir Gray…” mahina lang ang boses ko subalit alam kong sapat na iyon para marinig niya. “Bilang propesor sa eskwelahan na ito ay nararapat lang na respetuhin mo ang nais ng estudyante mo.”“B-bessie gurl, A-aria…” si Brooklyn lang ang narinig kong nag salita, nang tangkang hahawakan ng kaibigan ko ang kamay kong matigas pa rin na nakakapit sa laylayan ng uniporme ko ay nagmamadali na akong lumabas ng classroom na dala ang mga gamit ko para takasan ang lahat.Narinig ko pa na galit akong tinawag ni Sir Gray ngunit hindi ko na kayang lumingon pa dahil naglandas na ang mga luha kong ngayon na lamang muli lumabas sa mga mata ko. Naiinis ako sa lahat-lahat na naganap sa araw kong ito, lalo na sa pang-iinis sa akin ng bago naming propesor.Gayunpaman ay alam kong marami rin naman akong maling ginawa ngayon, pero hindi sapat ‘yon para ako na lang palagi ang pagalitan. Sa simpleng ginawang pagtawag sa akin ng paulit-ulit ni Sir Gray sa pangalan na iyon ay wala na akong nagawa pa para takasan ang pilit bumabalik sa aking isipan na masamang alaala na ayoko nang balikan pa. Sh*t!***GRAYSONInis ang tangi kong nararamdaman sa mga oras na ito nang magawa ko nang makabalik sa opisina ko. Dahil sa nangyari kanina ay hindi ko na nagawang tapusin pa sa tamang oras ang klase ng Class 5-2 at binigyan ko na lang sila ng early dismissal sa araw na ito at pinauwi na lamang ang mga gawain nila. May klase pa ako mamayang alas kuwatro ngunit para bang hindi ko na ito gustong daluhan.Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang matinding galit na naidulot ko kay Aria kanina dahil sa pagtawag ko sa pangalan niyang Austra. Oo at galit din ako dahil sa pangbabastos niya sa akin bilang propesor at sa katigasan ng ulo niya, pero alam kong may mali rin talaga ako sa mga nangyari. Hindi ko lang kasi talaga maunawaan ang pinupunto ng kaniyang galit noong una, buti na lamang at nasabi sa akin kanina ng kaibigan niya ang dahilan bago ako umalis sa classroom nila.“On behalf of Aria, Professor Grayson, ay humihingi ako ng paumanhin sa nangyari. May trauma po kasi si Bessie sa ibang tao na tumatawag sa kaniya sa pangalan na iyon noong bata siya, Prof. Ang alam ko po kasi ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nao-overcome ng kaibigan ko ‘yung trauma niya roon kaya gano’n po siya nagalit kanina. Hindi naman po sa gusto ko pong kunsintihin ang friend ko sa actions niya, pero po sana ay pagbigyan niyo pa po siya. Mabait naman po talaga ang kaibigan ko, Professor.”I let out a deep breath as soon as I loosened the necktie I was wearing. Now it seems that I regret what I did to her earlier, I now understand why she acted that way. As much as I want to apologize, I don't think I have enough courage to lower my pride for a girl.However, I admit that I am worried about Aria at this time, I don't know what happened after she left the classroom earlier. Sa katunayan nga niyan ay binigay ko pa kay Brooklyn ang personal contact number ko upang masabi niya sa akin kung nalaman niya nang nakauwi sa kanila si Aria ng ligtas. Bilang guro– Oo, bilang guro ni Aria ay nag-aalala ako. Sa dami ng mga nangyari ay kargo ko pa rin ito kung may masamang nangyari sa kaniya sa ginawa niyang pag-alis sa klase sa kanina.Hindi ako mapalagay… Hindi ko maunawaan kung ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon sa makulit kong estudyanteng ‘yon. I shouldn't be like this. Damn it, Grayson!It's just my first day at work and my life is already in such a mess... But on the other hand, there is a part of me that is happy.ARIA Sa wari ko ay tumagal din ako ng kalahating oras sa garden ng Easton University bago ko naisipan na lumabas na ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi ay napag-desisyunan kong lakarin na lamang ang daan pauwi sa bahay. Kumpara kaninang nag-walkout ako ay mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na naman ako lumuluha kaya nasasabi ko nang okay na talaga ako. However, it still feels weird. Nandito pa rin ang inis na nararamdaman ko kay Sir Gray dahil sa pag-trigger niya ng trauma ko, ngunit mas tolerable na ito ngayon. Medyo exhausted lang talaga ako kanina hanggang ngayon dahil sa daming gulo na nagawa ko sa isang buong araw. Actually ay hindi pa nga namin uwian ngayon, e. Alas kwatro pa sana ang labasan namin, subalit gawa ng nag-cutting classes na ako ay paninindigan ko na. Sa unwanted thoughts ko about sa traumatic experience ko noong bata ako ay tunay na naubos ang enerhiya ko sa araw na ito— gusto ko na lamang umuwi sa bahay at doon magpahinga. Ang kagandahan lan
ARIA“Can you do that a lot faster, Yohan!? Sa kilos pagong mo ay mahuhuli na tayo sa klase! Bwesit naman, oh!!!” nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kabagalan ng kaibigan kong ito. Kitang-kita ko sa wall clock na wala nang twenty minutes ay late na kami sa first subject namin sa araw na ito. Ang g*go rin naman kasi ng isang ito, sinundo ba naman ako ng hindi pa siya naliligo. Ang ending ay hinintay niya pa ako matapos maligo at nakiligo pa siya rito sa amin, ayan tuloy ay gahol na gahol na kami sa oras ngayon. Sinong matinong tao ang gagawa ng katangahan na iyon, diba? Kaasar na Yohan! First day na first day niya sa school ay pinapainit niya ang ulo ko.“Sige at bagalan mo pa!” reklamo ko ulit nang makitang ang bagal niya talaga kumilos.Nagawa ko nang matapos suotin ang bago kong sapatos na kapapadala pa lang sa akin ni Daddy last week— sahre ko lang— ay hindi pa rin tapos si Yohan mag-ayos. Parang mas babae pa talaga siya sa akin at napakaraming skin care na kailangan gami
ARIA Mabilis lumipas ang araw at masaya akong biyernes na rin sa wakas. Katulad lang noong lunes ay walang sandali ang dumating sa pagkatao kong matahimik kakaisip sa nakaiinis na si Sir Gray. Mula nang dumating siya sa Easton University noong lunes ay naging madasalin ako, laman siya ng panalangin ko na sana dumating ang araw na hindi niya na ako buwesitin ng presensya niya palang araw-araw— Mangyayari lang iyon kapag nag-resign na siya at naglaho rito sa school. Alam ko naman na gulo lang ang dala ko rito sa EU. Halos lahat na rin ata ng teachers dito sa school ay na-sermunan na ako, ngunit kakaiba itong si Sir Gray. Gusto niya atang baguhin ko buo kong pagkatao para lamang hindi niya na ako pagalitan araw-araw. G*go amp*ta! Magmumura pa lang ako sa klase niya ay pinapalabas na agad ako sa classroom namin. Kaasar siya! Nagmura lang naman ako noong miyerkules dahil nasagi ni Brooklyn ang tagiliran ko dahil sa kakulitan niya kay Yohan na first time niyang makilala noon. Kaya para m
GRAY“That’s right, baby! Go on… F*ck!”I tightly closed my eyes as I heard the accented growl of my friend Kobe coming from the restroom of our exclusive room here at the nightclub he owns. Ang sabi ko ay samahan niya ako magpalipas ng oras sa pag-inom, gusto kong mawala sa isipan ko pansamantala ang babaeng wala pang isang linggo mula nang makilala ko pero sobra na kung sakupin ang buo kong pagkatao. Ngunit imbes na tulungan ako ngayon ng g*go kong kaibigan ay babae ang inuuna niya.“Marquez!” sigaw kong tawag sa apelyido niya nang hindi ko na matiis na mainis sa ginagawa nila ng babae niya sa banyo. Wala ngang maingay na mga tao sa paligid dahil nasa eksklusibo kaming kuwarto, subalit ang ingay-ingay naman nila umungol sa loob. “Can your f*cking ass wait a little longer, pare? Panira ka rin talaga!” sigaw niya pabalik na kina-ikot ng aking mata sa inis. Hindi na ako sumagot sa kaniya at ipinagpatuloy na lamang ang pag-inom ng alak sa aking baso.I’m trying everything I can just to
ARIA“Good morning sa napakaganda kong, best friend, Aria!” rinig kong bati ni Brooklyn nang makapasok na siya sa classroom namin. Gayunpaman, kahit maligaya siya sa pagbati ay hindi ako kumibo at hindi ito pinansin.“Sorry sa hindi ko pagsipot noong Sabado, si Dad kasi nagkaroon ng problem sa company namin kaya walang maiiwan kay Mommy Lola sa bahay. Si Mommy kasi ay may meeting with her friends slash business partners— Hindi niya ako pinayagan iwanan sa house si Mommy Lola.” mahabang paliwanag sa akin ni Brooklyn nang makaupo na siya sa tabi ko.Wala pa si Yohan ngayon dahil iniwan ko siya, ayoko nang sumasabay sa kaniya tuwing papasok dahil ayoko nang ma-late. Gusto ko ay thirty minutes pa lang bago ang klase ay nasa classroom na ako. Matanda na naman ang isang ‘yon, kaya niya na pumasok mag-isa. At saka, ayoko nang kasama lagi si Yohan pumasok sa school na ito, napagkakamalan na kaming mag-jowa. Yikes! I mean… Baka isipin ng iba na may kahinaan na ako rito, no! At isa pa, ayokong
BROOKLYN Tahimik ang buong klase mula nang mag-walk out si Aria few minutes ago, ito na ata ang pinaka-tahimik na sandali ng section namin. Lahat kami ay speechless, minura ba naman ni Aria si Sir Grayson tapos nag-sorry pa siya agad– first time mangyari ng bagay na iyon. Kasalanan ko talaga ang mga nangyari, malamang ay sineryoso ni Aria ang pang-aasar ko sa kaniya na crush niya na si Sir Grayson na alam ko naman na imposibleng mangyari. Kung hindi ko sana siya inasar sa mga kinukwento niya, malamang hindi iyon aalis at mababangga sa teacher naming mukhang wala na sa mood ngayon. Isa sa dahilan ng katahimikan sa klase ang pagiging seryoso ni Sir Grayson sa harapan. Halatang iniisip pa rin niya ‘yung nangyari kanina. Matapos niyang papasukin ang lahat ng classmates namin na nasa labas ay sinabihan niya lang kaming maghanda for quiz, tapos ayun na siya at mukha nang problemado. Kahit ako rin siguro ay mawiwindang na minura ako ng estudyante ko sa harapan ng klase, no. Kaso nga lang ay
GRAYSON “Carter, where are you? Kanina pa kita tinatawagan. I have news about Cloud Xavier.” Bungad na salita ni Kobe nang magawa ko nang masagot ang tawag niya. Katatapos lang ng lunch break ko at nag-aayos na ako ng gamit para sa susunod kong klase sa araw na ito. “What is it? I have class in a few minutes, make it quick.” salita ko habang patuloy pa rin sa ginagawa. When it comes to talking about that man, my mood is immediately ruined every time. My morning didn't go as planned because of what happened earlier in my class in 5-2, now I'm going to lose my mood even more because of Kobe's news about Cloud. Sa mga sandaling ito ay si Aria lamang ang nais kong isipin, pero dahil nasa bansa na nga ulit ang lalaking kinamumuhian ko ay kailangan ko na rin itong bigyan ng atensyon nang hindi na siya makaperwisyo sa grupong pinapatakbo ko. Business is business. Si Cloud ang tagapagmana ng grupong kinakalaban namin sa underground world, kaya bawat galaw nito ay dapat namin na malaman. Ka
ARIA “B-boss, gising na po ba kayo?” naputol ang ginagawa kong pagpapahinga nang makarinig ako ng mahina lang na boses na sapat na para gisingin ako. “P-pasensya na, B-boss Aria, sa distorbo. Pinapatawag po kasi kayo…” Nang marinig ko ang idinagdag niyang salita ay kusang nabuhay ang sistema ko at agad siyang tinapunan ng tingin habang kunot ang aking noo. Si Benjie pala ‘to, ang isa sa mga nerd kong classmates. Hay naku! Nakasanayan niya na talaga tawagin akong Boss. Nailigtas ko kasi siya last year mula sa mga seniors ng Easton University na binubully siya sa garden, mula noon ay tinawag niya na akong boss at palaging binibigyan ng paggalang. Na-appreciate ko naman ang loyalty niya sa akin, pero ayoko talaga kapag tinatawag akong boss– Tunog fraternity masyado, e. “Sino na naman ba nagpapatawag sa akin, Benjie?” tanong ko na mabilis kinalaki ng mata niya. Nang tignan ko siya sa mata ay mabilis siyang napaiwas ng tingin kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Anong problema ng isang
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m
GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala
GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang
ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul
ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati
ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k
ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos