BROOKLYN Tahimik ang buong klase mula nang mag-walk out si Aria few minutes ago, ito na ata ang pinaka-tahimik na sandali ng section namin. Lahat kami ay speechless, minura ba naman ni Aria si Sir Grayson tapos nag-sorry pa siya agad– first time mangyari ng bagay na iyon. Kasalanan ko talaga ang mga nangyari, malamang ay sineryoso ni Aria ang pang-aasar ko sa kaniya na crush niya na si Sir Grayson na alam ko naman na imposibleng mangyari. Kung hindi ko sana siya inasar sa mga kinukwento niya, malamang hindi iyon aalis at mababangga sa teacher naming mukhang wala na sa mood ngayon. Isa sa dahilan ng katahimikan sa klase ang pagiging seryoso ni Sir Grayson sa harapan. Halatang iniisip pa rin niya ‘yung nangyari kanina. Matapos niyang papasukin ang lahat ng classmates namin na nasa labas ay sinabihan niya lang kaming maghanda for quiz, tapos ayun na siya at mukha nang problemado. Kahit ako rin siguro ay mawiwindang na minura ako ng estudyante ko sa harapan ng klase, no. Kaso nga lang ay
GRAYSON “Carter, where are you? Kanina pa kita tinatawagan. I have news about Cloud Xavier.” Bungad na salita ni Kobe nang magawa ko nang masagot ang tawag niya. Katatapos lang ng lunch break ko at nag-aayos na ako ng gamit para sa susunod kong klase sa araw na ito. “What is it? I have class in a few minutes, make it quick.” salita ko habang patuloy pa rin sa ginagawa. When it comes to talking about that man, my mood is immediately ruined every time. My morning didn't go as planned because of what happened earlier in my class in 5-2, now I'm going to lose my mood even more because of Kobe's news about Cloud. Sa mga sandaling ito ay si Aria lamang ang nais kong isipin, pero dahil nasa bansa na nga ulit ang lalaking kinamumuhian ko ay kailangan ko na rin itong bigyan ng atensyon nang hindi na siya makaperwisyo sa grupong pinapatakbo ko. Business is business. Si Cloud ang tagapagmana ng grupong kinakalaban namin sa underground world, kaya bawat galaw nito ay dapat namin na malaman. Ka
ARIA “B-boss, gising na po ba kayo?” naputol ang ginagawa kong pagpapahinga nang makarinig ako ng mahina lang na boses na sapat na para gisingin ako. “P-pasensya na, B-boss Aria, sa distorbo. Pinapatawag po kasi kayo…” Nang marinig ko ang idinagdag niyang salita ay kusang nabuhay ang sistema ko at agad siyang tinapunan ng tingin habang kunot ang aking noo. Si Benjie pala ‘to, ang isa sa mga nerd kong classmates. Hay naku! Nakasanayan niya na talaga tawagin akong Boss. Nailigtas ko kasi siya last year mula sa mga seniors ng Easton University na binubully siya sa garden, mula noon ay tinawag niya na akong boss at palaging binibigyan ng paggalang. Na-appreciate ko naman ang loyalty niya sa akin, pero ayoko talaga kapag tinatawag akong boss– Tunog fraternity masyado, e. “Sino na naman ba nagpapatawag sa akin, Benjie?” tanong ko na mabilis kinalaki ng mata niya. Nang tignan ko siya sa mata ay mabilis siyang napaiwas ng tingin kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Anong problema ng isang
ARIA Masama ang gising at antok na antok pa ang diwa ko nang bumangon ako sa aking pagkakahiga. Sino ba naman kasi ang gaganda ang umaga, kung ang ingay-ingay ng cellphone ko, diba? Partida, nasa ilalim pa ‘yan ng unan ko. Gusto ko sanang magmura kaso baka pumangit lalo ang araw ko kung bad vibes agad ang atupagin ko, umagang-umaga. Kainis! Sino ba kasi itong tumatawag na ‘to at nandidistorbo ng tulog? “ANO BA ‘YON!?” galit kong bulyaw sa kabilang linya nang magawa kong masagot ang tawag ni Yohan. Kahit antok pa ay nagawa ko pang mabasa ang pangalan ng kaibigan ko sa screen ng teleponong hawak. “Anong ano ka riyan, Dude? Wala ka bang balak pumasok ngayon?” P*tang ina! May pasok pa nga pala. Anong oras na ba? Parang masyadong OA ang isang ‘to– “Twenty minutes na lang bago ang first subject, wala ka pa rin dito. Nasa byahe ka na ba? Bilisan mo. May exam daw ngayon kay Mr. Carter.” alam kong nag-aalala si Yohan ngayon sa akin, pero ang taranta sa boses niya ay hindi nakatutulong sa
ARIA“Sh*t talaga!” mahina kong mura sa questionnaire na hawak ko ngayon. Alas tres na ang oras at wala pa ako sa kalahati ng pa-exam ni Sir Gray. Nakaiiyak! Pwede bang exempted na lamang ako? Ang hirap! Ngayon ko na-realize na hindi nga talaga ako nag-aaral ng matino sa subject niya— sa lahat.“Take it easy, Aria. Mahaba pa ang oras mo.” rinig kong salita ni Sir Gray at saglit tumigil sa ginagawa niya sa kaniyang laptop.Nandito pa rin ako sa office niya. Napasarap ang tulog ko at mag-aalas dose na ako nagising kanina, medyo okay na rin ang pakiramdam ko nang magising ako. Pero ngayon na may exam na akong sinasagutan ay parang magkakasakit na naman ako. Peste talaga!“Hindi naman ako napi-pressure sa oras, Sir Gray… Kahit gabihin pa ako rito ay keri lang. Ang pinoproblema ko lang naman ay hindi ko alam ang mga sagot dito.” honest kong sagot kay Sir Gray na nagpatawa sa kaniya ng mahina. Gusto ko sanang maasar dahil para bang sang-ayon siyang b*bo nga talaga ako, buti na lang at mabai
ARIA“Beshieee ko! FINALLY!!!” malalim akong napabuga ng hangin nang marinig ko ang maingay at buhay na buhay na boses ng kaibigan kong si Brooklyn.Nang makita ko ang kiti-kiti niyang pagtakbo papunta sa upuan namin dito sa room ay mariin na lamang akong napapikit para takpan ang kahihiyan niyang dulot. Ito na naman siya sa kapansanan niya. Dahil buong araw akong wala rito sa classroom kahapon ay tila ba hindi na ako sanay sa kaingayan ng bibig niya. Sobrang tahimik pa naman sa office ni Sir Gray kahapon, ganoong kapayapaan ang nais ko ngayon. Pero sa lagay ng kaibigan kong ‘to ay imposible ko iyong ma-achieve today.“Ay wow, pa-soft girl ang atake natin, ah!” puna niya nang makita siguro ang buhok kong braided ngayong araw. Maaga kasi akong nagising kanina, tapos natuyo pa agad ang buhok ko kaya naisipan kong gawin ‘to. Wala naman akong pinopormahan ngayon, no— Teka, bakit ba ako nagpapaliwanag, aber!?“Oo na, alam kong dapat ay wala akong pakialam sa trip mo. Anyway, chismis muna b
ARIA“P-please, don’t hurt me, Mister…” rinig kong sigaw ng isang batang babae. Malayo ito sa kinaroroonan ko ngunit tanaw ko mula rito ang pagpupumiglas ng bata sa isang naka-maskarang lalake na pilit siyang inilalayo sa lugra.Gusto ko siyang iligtas. Alam kong gusto ko siyang puntahan para tulungang makatakas, pero tila ba nakatali ako sa aking kinatatayuan ngayon habang ang katawan ay nilalamon ng takot. Nanghihina ako, ni ilang porsyento ng lakas ay para bang wala ang sistema ko.“Hanapin mo pa ang isang bata sa loob. Bilis!” malalim ang boses ng lalake nang may awtoridad niyang iutos iyon sa kasamahan niyang nakamaskara rin sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo lamang dito sa malayo habang hinahayaan lamang ang batang babae sa kamay ng mga nakamaskara’t armadong lalaking natatanaw ko.“Don’t h-hurt my sister—” pagsusumamo ng batang babae, ngunit imbes na pakinggan ay isang malakas na sampal lamang ang natanggap niya sa lalakeng may hawak sa kaniya. Sa isang
ARIA“Wake up, Austra…” mahina lamang ang boses ng batang babae pero sapat na para imulat ko ang mga mata ko. Pamilyar sa akin ang bses niya dahil alam kong si Ariella ito, ngunit ni isang imahe ng mukha niya ay wala akong matanaw ngayon sa lugar na kinaroroonan ko. Gustuhin ko man itong hanapin ay wala akong magawa dahil may nararamdaman akog humahaplos sa aking buhok na siyang pumipigil sa aking gumalaw sa pwesto ko.“Wake up, sweetheart… You’re dreaming.”liwanag na nagmumula sa bumbilya ng ilaw namin sa sala ang bumungad sa aking mga mata nang magising ako sa ginagawa na paghaplos ni Mama sa buhok ko. Nang matanaw ko ang nanay ko na may pag-aalala ngayon sa mukha ay bumangon kaagad ako. Doon ko nakitang nasa sofa pala ako nakatulog at si Mama ang kasama ko. Parang ang haba ng naging tulog ko, maging ang ulo ko ay tila ba tumitibok ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Dahil ba ito sa panaginip ko? Teka… Papaano ako nakauwi sa bahay? “M-ma? Paanong nandito na ako?” bakas sa boses ko
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m
GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala
GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang
ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul
ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati
ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k
ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos