ARIANagising ako sa malakas at nakaririnding tunog ng letcheng alarm clock sa side table ng kamang kinararatayan ko ngayong umaga. My goodness! Lunes na naman. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may pasok na naman ako.Shete!Panibagong araw na naman ang kailangan kong gampanan sa buhay, ibig sabihin ay bagong araw na naman para mainis ako sa mga taong makasasama ko sa school.Kung pwede lang talaga umabsent ay ginawa ko na…Kung umabsent na lang kaya muna ako? Tutal ay midterms pa lang naman, e. Kaya pang habulin sa finals kung matalino’t masipag ako— kaso hindi… So, hindi talaga pwede?Rayt! Hindi nga pwede, Aria!Dahil nadistorbo na ang pagtulog kong kulang na kulang pa kaysa sa isang order ng rice namin sa cafeteria ay bumalikwas na lamang ako sa kama para patayin na ang dapat patayin… Ang alarm clock ‘yung tinutukoy ko, ah! Nang tuluyan nang maglaho ang nakaririnding ugong na umeecho sa tainga ko gawa ng bagay na iyon ay inilapag ko na ulit ito sa pinanggalingan. Gusto ko mang ba
GRAY It's been two months since I left my previous school where I was able to teach for three whole months. During the break I had with my profession, I worked a lot in our family business, and now that I am fully returning as a college professor— I can say that I am happy. I truly love teaching people, giving knowledge to others makes my life somehow… great. Teaching has been my dream since I was young, at kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na buong buhay nagtuturo sa eskwelahan dahil sa buhay na mayroon ako sa realidad ay masaya pa rin naman akong nagagawa ko ito bilang libangan sa ngayon. Nang makapasok na ako sa unang klase na kikitain ko sa araw na ito ay sumilay sa akin ang isang ngiti. Isang oras pa lang ako na narito sa Easton University ay ramdam ko na ang pagiging welcoming ng mga tao rito, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi sa bagay na ‘yon. Nasa principal’s office pa lang ako ni Tita Charlie ay marami na ang nag-aabang sa akin sa labas, at kahit hind
ARIAMaingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya— Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?”
GRAYI can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng m
ARIA“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. “LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang p
ARIA Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya. Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya? Kaasar! “Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. R
ARIA Sa wari ko ay tumagal din ako ng kalahating oras sa garden ng Easton University bago ko naisipan na lumabas na ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi ay napag-desisyunan kong lakarin na lamang ang daan pauwi sa bahay. Kumpara kaninang nag-walkout ako ay mas okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na naman ako lumuluha kaya nasasabi ko nang okay na talaga ako. However, it still feels weird. Nandito pa rin ang inis na nararamdaman ko kay Sir Gray dahil sa pag-trigger niya ng trauma ko, ngunit mas tolerable na ito ngayon. Medyo exhausted lang talaga ako kanina hanggang ngayon dahil sa daming gulo na nagawa ko sa isang buong araw. Actually ay hindi pa nga namin uwian ngayon, e. Alas kwatro pa sana ang labasan namin, subalit gawa ng nag-cutting classes na ako ay paninindigan ko na. Sa unwanted thoughts ko about sa traumatic experience ko noong bata ako ay tunay na naubos ang enerhiya ko sa araw na ito— gusto ko na lamang umuwi sa bahay at doon magpahinga. Ang kagandahan lan
ARIA“Can you do that a lot faster, Yohan!? Sa kilos pagong mo ay mahuhuli na tayo sa klase! Bwesit naman, oh!!!” nagsisimula nang uminit ang ulo ko dahil sa kabagalan ng kaibigan kong ito. Kitang-kita ko sa wall clock na wala nang twenty minutes ay late na kami sa first subject namin sa araw na ito. Ang g*go rin naman kasi ng isang ito, sinundo ba naman ako ng hindi pa siya naliligo. Ang ending ay hinintay niya pa ako matapos maligo at nakiligo pa siya rito sa amin, ayan tuloy ay gahol na gahol na kami sa oras ngayon. Sinong matinong tao ang gagawa ng katangahan na iyon, diba? Kaasar na Yohan! First day na first day niya sa school ay pinapainit niya ang ulo ko.“Sige at bagalan mo pa!” reklamo ko ulit nang makitang ang bagal niya talaga kumilos.Nagawa ko nang matapos suotin ang bago kong sapatos na kapapadala pa lang sa akin ni Daddy last week— sahre ko lang— ay hindi pa rin tapos si Yohan mag-ayos. Parang mas babae pa talaga siya sa akin at napakaraming skin care na kailangan gami