ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIANagising ako sa malakas at nakaririnding tunog ng letcheng alarm clock sa side table ng kamang kinararatayan ko ngayong umaga. My goodness! Lunes na naman. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may pasok na naman ako.Shete!Panibagong araw na naman ang kailangan kong gampanan sa buhay, ibig sabihin ay bagong araw na naman para mainis ako sa mga taong makasasama ko sa school.Kung pwede lang talaga umabsent ay ginawa ko na…Kung umabsent na lang kaya muna ako? Tutal ay midterms pa lang naman, e. Kaya pang habulin sa finals kung matalino’t masipag ako— kaso hindi… So, hindi talaga pwede?Rayt! Hindi nga pwede, Aria!Dahil nadistorbo na ang pagtulog kong kulang na kulang pa kaysa sa isang order ng rice namin sa cafeteria ay bumalikwas na lamang ako sa kama para patayin na ang dapat patayin… Ang alarm clock ‘yung tinutukoy ko, ah! Nang tuluyan nang maglaho ang nakaririnding ugong na umeecho sa tainga ko gawa ng bagay na iyon ay inilapag ko na ulit ito sa pinanggalingan. Gusto ko mang ba
GRAY It's been two months since I left my previous school where I was able to teach for three whole months. During the break I had with my profession, I worked a lot in our family business, and now that I am fully returning as a college professor— I can say that I am happy. I truly love teaching people, giving knowledge to others makes my life somehow… great. Teaching has been my dream since I was young, at kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na buong buhay nagtuturo sa eskwelahan dahil sa buhay na mayroon ako sa realidad ay masaya pa rin naman akong nagagawa ko ito bilang libangan sa ngayon. Nang makapasok na ako sa unang klase na kikitain ko sa araw na ito ay sumilay sa akin ang isang ngiti. Isang oras pa lang ako na narito sa Easton University ay ramdam ko na ang pagiging welcoming ng mga tao rito, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi sa bagay na ‘yon. Nasa principal’s office pa lang ako ni Tita Charlie ay marami na ang nag-aabang sa akin sa labas, at kahit hind
ARIAMaingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya— Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?”
GRAYI can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon. Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon. Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng m
ARIA“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. “LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang p
ARIA Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya. Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya? Kaasar! “Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. R
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m
GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala
GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang
ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul
ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati
ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k
ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos