Share

My Possessive Cold-hearted Mafia
My Possessive Cold-hearted Mafia
Author: Archidenife

Chapter 1

Author: Archidenife
last update Last Updated: 2022-09-18 14:12:19

AODIE

"Aodilaida! Ihanda mo na ang mga gamit mo, ihahatid na kita kay Don Marcelino," madiing utos ni Mama sa akin habang nakaluhod ako sa harap n'ya at umiiyak.

"Ma! Plese.. wag po, tutulong ako sa pagbabayad sa utang natin, wag mo lang ako ibigay kay Don Marcelino," nagmamakaawa kong tugon sa kan'ya.

Nakita kong naiiyak na din si Mama pero pinipigil n'ya marahil ay ayaw naman talaga niya akong ibenta o ipambayad sa utang na iniwan sa amin ng namayapa naming ama.

Marahas na pinunasan ni Mama ang mga luha n'ya bago ako muling hinarap. "Laida! Makinig ka sa akin, hindi na rin kita kayang buhayin kasama ng mga kapatid mo, kung titira ka kay Don Marcelino, doon maraming pagkain at magagandang damit. Makaka kain ka nang maayos at masasarap na pagkain," pangungumbinsi n'ya sa akin pero umiling lang ako.

"Okay lang kahit walang maayos na pagkain o masarap. Ayoko doon!" nagwawalang usal ko.

Hinawakan ni Mama 'yong mukha ko at marahas na pinunasan ang mga luha ko. "Gusto mong makatulong sa akin 'di ba? Eto na 'yon! Malaking tulong ito, Laida. Kaya pakiusap, ihanda mo na ang mga gamit mo" muling utos niya sa akin 'ska ako binitawan.

Hirap na hirap akong ayusing ang mga gamit kong isisilid sa luma kong bag.

Isa isang isinakay ni Mama sa inupahan n'yang tricycle 'yong mga gamit kong nakasilid na sa bag.

Lumuluha pa din akong magpaalam sa mga kapatid ko na hindi ko alam kung makikita ko pa o hindi pero nangangako ako pagkatapos ng ilang taon babalik ako dito at magiging masagana kami.

------

"Don Marcelino, eto na ho ang anak kong si Aodilaida, kinse anyos lang ho 'yan kaya ayan ho ang dinala ko dito," paliwanag ni Mama kay Don Marcelino.

Ang matandang binata na isa sa pinakamayaman sa lugar namin. Sa edad nitong 59 years old, wala pa itong asawa o anak man lang. Lahat iniilagan s'ya dahil nga sa nga koneksyon na meron s'ya hindi lamang dito sa Pilipinas kun'di maging sa ibang bansa.

Isa din ito sa pinakasikat na negosyante, kasama ang isa sa mga tanyag na si Senyor Klyde Vicente. Pagdating naman dito sa lugar namin lapitan s'ya ng mga mahihirap ngunit kapag hindi ka nakapagbayad sa tamang panahon na ikaw mismo ang nagtala, matutulad ka sa pamilya namin na isa sa mga kamag anak mo ang ibabayad mo at 'yon ang nangyayari sa akin.

Tumingin lamang ang matanda kay Mama 'ska sumalin ang tingin sa akin.

"Bweno! Maari ka ng umalis," maikling turan nito sa aking ina.

Tumingin lamang si Mama sa akin at hinawakan ang aking mukha. "Magpapakabait ka dito, susundin mo ano man ang iuutos nila, Laida. Naiintindihan mo ba ako, anak?" naluluhang turan ni Mama sa akin.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang lumandas ang mga luha ko sa aking mukha. Binitawan n'ya ang mukha ko bago marahang yumuko sa harap ng matandang bumili sa akin.

"Mauuna na ho ako, Don Marcelino,"

Tumalikod na si Mama, matapos mag paalam at hindi man lang ako nilingon muli. Tinignan ko lang s'ya hanggang sa sumara ang pinto ng silid kung saan kami dinala ng mga tauhan ng Don.

"Ihatid n'yo s'ya sa ikalawang palapag malapit sa silid ni Bry," utos ni Don Marcelino sa mga tauhan n'ya. Humarap ito sa akin kaya naman nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita na mahina ako. "Magpahinga ka muna sa ngayon, ija. Madami tayong pag uusapan at madami kang kailangang matutunan," kausap nito sa akin.

"O-opo, Don Marcelino" tugon ko at mas yumuko pa sa harap n'ya.

'Di na ito sumagot kaya naman inaya na ako ng isa sa mga tauhan n'ya na pumunta sa sinasabi nitong silid.

Pagpasok ko sa silid na nakalaan sa akin. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malawak ang silid na ito. Mas malawak pa sa bahay na tinitirhan namin. Mataas din ang ceiling at may mahabang ilaw pababa na kung tawagin ng mayayaman ay chandelier, sa bawat gilid din ay may mga bumbilyang magsisilbing liwanag kung hindi mo gugustuhin buksan ang marangyang ilaw.

Mayroon ding balkonahe na kung nalalakihan ka sa kwarto ay pwede mo itong tambayan at doon mag isip isip. Sa kaliwang parte ng silid sa likod ng pader kung saan nakasandal ang malaki at alam kong malambot na kama, meron isang silid na panigurado ay doon ang banyo.

Bahagya akong napaigtad nang ibaba ng mga tauhan ng Don ang gamit ko.

"Maraming salamat ho," saad ko.

Hindi naman ito nagsalita at yumuko lang bago muling lumabas.

Huminga ako nang malalim bago ko inumpisahang maglakad papunta sa silid kung saan ay nasabi kong banyo.

Hindi lang pala ito basta banyo. Nandito na din ang mga lagayan ng mga damit na napakalawak, dadaanan mo ito bago ka makapunta sa mismong banyo.

Naghilamos lamang ako ng mukha. Tinignan ko ang aking sariling mukha sa salamin. Maga ang mga mata kong kulay kayumangi, namumula din ang hindi ko katangusang ilong pati na rin ang aking pisngi, may kaunti din kaguluhan ang medyo mahaba kong buhok na hanggang balikat lamang.

"Kailangan mong maging matatag, Laida! Hindi pwedeng hindi ka maging matatag! Para sa pamilya mo!" matapang na saad ko sa sarili ko.

Mariin akong pumikit at naghilamos ulit. Kinuha ko ang tuwalya na nasa kanang bahagi nakasabit sabay punas iyon sa mukha ko.

Lumabas ako ng banyo at humiga sa malambot na kama na nakatala sa akin. Mahigpit kong niyakap ang mga unan na ito at doon muling umiyak.

Kahit pala anong pagpapalakas ng loob ko sa aking sarili, hindi ko pa din maitatago ang takot sa aking puso at sa mga posibleng mangyari habang nandito ako sa puder ng Don.

"Ano ulit ang pangalan mo, ija?" malumangay na tanong ni Don Marcelino habang tahimik nitong hinihiwa ang karne na nasa pinggan n'ya.

Matapos ko kasing humiga sa kama ko, hindi ko na malayan na nakatulog ako pala ako dahil sa pag iyak. Nagising nalamang ako sa tapik ng isang ginang at sinasabing nag aantay na ang Don sa hapag kainan. Kaya eto ako ngayon at nakaupo sa kanang bahagi ng matanda at tahimik ding kumakain ng pagkain na nasa aking harapan.

"Aodilaida po, pwede n'yo po akong tawaging Laida," magalang kong sagot habang ibinababa ang mga kutsara at tinidor.

Hindi muna s'ya sumagot at makita kong ibinaba n'ya rin ang kan'yang mga hawak.

"I don't like Laida for you parang masyadong mahina, from now on you will be called Aodie. Do you understand?" malumanay ngunit puno ng maawtoridad na saad nito.

Inangat ko ang aking mga tingin sa kan'ya at nakita ko ang mga mata n'yang nakatingin sa akin at seryoso iyon.

"O-opo, Don Marcelino" sagot ko sabay yuko muli.

"Nasaang taon ka na sa high school?" tanong nito kaya umangat ako.

"Nasa ikahuling taon na ho ako dapat sa pasukan, ngunit hindi po ako kayang pag aralin ni Nanay kaya ho, huminto muna ako para makatulong sa kan'ya," magalang na tugon ko.

Ganoon naman talaga ang nangyari at wala na din akong pag asa dahil bukas na ang huling araw para makapag enroll sa eskwelahan.

"Okay! Now, finish your food," utos n'yang muli kaya naman hinawakan ko ung kutsara at tinidor ko at marahang kumain.

Tahimik lang ang aming naging hapunan at hanggang sa matapos. Agad akong kumilos para magligpit nang makita kong tumayo na ang Don sa kanyang upuan.

Kukunin ko na sana iyon nang pigilan ako ng Don, hindi ko napansin na nilingon pala niya ako.

"Hindi mo na kailangan gawin iyan, Aodie. Magpahinga ka na at papasamahan kita bukas sa eskwelahan. You need to enroll because tomorrow is the last day of enrollment if I'm not mistaken," saad nito na hindi ko naman napigilang ngumiti.

Isa talaga sa gusto kong mangyari sa buhay ko ang makapagtapos ng pag aaral dahil naalala ko na sinabi ni Tatay na dapat sikapin naming magkapatid na makatapos ng pag aaral dahil iyon lang ang maipag yayabang namin sa ibang tao. Lalo na ang mga magulang ko ay hindi nakapag tapos ng pag aaral tanging elementarya lamang.

"Maraming salamat po, Don Marcelino.. pagbubutihan ko po ang mga trabaho ko dito sa mansyon para po makabawi sa inyo," saad ko habang nakayuko.

Napaigtad ako nang may lumapat na malaking kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Ipangako mo lang ang katapatan mo sa akin pati na ang mag aral ng mabuti," saad nito.

"Opo! Makakaasa po kayo.. maraming salamat po!" buong loob kong saad atas yumuko pa sa harap niya.

Akala ko nakakatakot ang isang Don Marcelino pero meron pala s'yang puso para sa mga katulad kong kabataan na gustong mag aral.

—--------------

"Pili lang ang binibigyan ng pagkakataon ni Don Marcelino na mag aral pag masa puder n'ya kaya mapalad ka, Laida ay Aodie pala.. pagbutihan mo para hindi mawala ang tiwala nito sa iyo.." saad ng isang katulong na kasama ko dito sa kusina.

Kahit kasi sinabi ng Don na wag na akong tumulong, tumulong pa din ako dahil hindi naman ako senyorita dito. S'ya din pala amg gumising sa akin kanina.

"Oo nga po! Kaya gagawin ko talaga ang lahat para makapag aral nang mabuti," nakangiting saad ko.

Matapos kong tumulong doon sa kusina, pumanhik na ako sa kwartong nakalaan sa akin at doon muling humiga.

Gagawin ko ang lahat para makapag aral ng mabuti at makapagbayad sa Don para makasama ulit si Nanay..

—------------------

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mary Grace Sancho
Hello Ms.A.........now lng po magstart magbasa ng story ni Kuya B..........
goodnovel comment avatar
Michelle Dollente
unlocked all chapters.........
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
akala ko talaga kawaws c laida kay don marcelino buti na lang mabait din yung matanda sa kanya,maganda tong story nato ms. A...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 2

    7 Years LaterAODIENakatingin ako sa mga tauhan ni Leo dela Vega gamit isang x4 scope na nakakabit sa aking GOL- Sniper Magnum, kitang kita ko ngayon kung gaano sila naka bantay sa kotseng sasakyan ng kanilang amo."Mga bobo, walang kamalay malay na hindi lang iisang grupo ang nag aabang sa kanilang amo," nakangisi kong saad.Agad kong inilipat ang tingin ko sa itaas ng building kung saan nandoon ang target ko.Nakikita kong nagpapakasasa pa ito sa itaas ng babaeng binayaran n'ya para paligayahin s'ya sa kakarampot na oras.Agad kong isinentro ang tutok ng sniper kong hawak habang nakikita kong malapit na itong makapunta sa ikapitong langit na gusto n'yang puntahan, hindi n'ya alam ngayon din ang araw ng pagpunta n'ya sa impyerno!Kinalabit ko ang gatilyo ng aking hawak na baril nang makita kong paangat na ang kan'yang ulo na muling nahulog dahil sa pagtama ng bala ng aking hawak."Mission Done!" nakangising saad ko at mabilis na inayos ang ginamit ko.Mabilis kong kinalas ang mga pa

    Last Updated : 2022-09-18
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 3

    AODIEIsang itim na sasakyan ang pumutol sa pagbabalik tanaw ko dito sa balcony ng kwarto ko.'sino naman kaya ang dumating na iyon?' tanong ko sa aking isipan.'Di ko naman maiwasan na hindi titigan ang kotse na iyon dahil alam kong mamahalin at pang marangya ang model. Pumarada na ito kaya naman inaantay ko na lang din na mabuksan iyon at makita kung sino ang nasa loob.'di naman nagtagal lumabas ang isang lalaking nakaitim na naka navy blue t-shirt na nababalutan ng itim na leather jacket, itim na pants, itim na leather shoes. Clean cut din ang gupit ng buhok nito. Nakadagdag din ng lakas ng dating n'ya ung shades n'ya.Napansin ko na biglang nag silapitan ang mga tauhan ni Don Marcelino at binabati s'ya, tanging tango lang naman ang sinasagot n'ya.Tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion kasunod ang iba't ibang mga tauhan nito."Aodie! Let's eat!" rinig kong sigaw ng isang kasamahan namin kaya muling naputol ang pag iisip ko."Coming!" balik kong sigaw dito 'ska tumayo at nag

    Last Updated : 2022-09-18
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 4

    AODIENakahiga na ako nang isang katok ang pumutol sa aking pagbabalak na matulog."Sino kaya ang hayop na gustong masaktan gamit ang mga kamao ko," saad ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa pintuan.Marahan kong inabot ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.Bumungad sa akin si Giovani na nakangiti at bahagya pang kumaway."Did I wake you up?" tanong nito na parang nahihiya.Si Giovani Lopez, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Marcelino pagdating dito sa Manila. Dati din siyang katulad ko na ipinambayad sa utang, pinag aral ng Don, tinuruan at inilagay sa posisyon sa grupong binuo nila.Gwapo ang binatang ito, makisig dahil sa mga training na ginagawa, makinis ang balat pero may mga peklat na paniguradong dulot ng pakikipag laban.Kung tutuusin, boyfriend material na s'ya dahil masayanin din ito, hindi ko naman maitatangi na may paghanga ako ng unti sa kan'ya. Pero syempre dahil hindi ko naman talaga alam pa ang gustong mangyari sa akin ni Don Marcelino.Kailangan kong pigi

    Last Updated : 2022-09-25
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 5

    AODIE"You are 5 minutes late," mahinahon at malamig na turan nito habang nililinis ang baril na hawak n'ya.Mahinahon naman ang pag kakasabi n'ya pero pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko.Nalate kasi ako ng gising dahil anong oras na ako nakatulog kakaisip ng mga pwedeng training ko! Papahirapan n'ya ba ako o magiging brutal ba s'ya sa akin!"What are you looking at me? Start running, woman! Since you are 5 minutes late, 50 laps!" saad nito at binalingan ako ng tingin na halos ikanginig ng katawan ko.Matapang naman ako pero babae pa din ako at nakakatakot ung titig n'ya.Inayos ko iyong buhok ko at damit ko habang naglalakad papunta sa umpisa ng tatakbuhan ko.50 laps?! Sinong tao ang kakayanin ang 50 laps?! Nagawa na ba n'ya iyon para sabihan ako ng gano'n! Tsk! Ikaw naman kasi Aodilaida! Bakit late ka na nagising?!"Tatakbo ka ba o tatanga ka na lang d'yan?""Tatakbo na," tugon ko at mabilis na tumakbo para makalayo sa yelong boses ng lalaking pinaglihi ata sa North Pole ng n

    Last Updated : 2022-10-13
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 6

    AOIDE"Kumusta? Balita ko tuloy na pagbalik n'yo sa probinsya sa susunod na araw ah," rinig kong usal ni Benjie."Oo, sabi ni Don Marcelino kailangan naming umuwi doon dahil marami s'yang ipapasanay sa akin. Hindi ko naman alam kung ano iyon," tugon ko habang hawak ang kutsilyong binigay n'ya sa akin.Napagpasyahan na kasi ng Don na umuwi na kami ng probinsya dahil tapos na din naman ang mission na ginagawa namin dito.Naraid na namin lahat ng mga warehouse ng mga kalaban sa negosyo ng Don kaya naman pwede na kaming umuwi. Namimiss ko na din sila mama at ung mga kapatid ko."E! Kumusta naman ang training mo kay Cold?" tanong nito kaya naman natigilan ako at napatingin sa tanawing tanaw dito sa veranda ng kwarto ko.Hindi pa din mawala sa isip ko ung paghihinala ko kay Cold, minsan na din akong nagtanong kung kilala ba talaga ng iba si Cold pero ang tanging nakuha ko lang nasagot ay s'ya ang pinagkakatiwalan ng Don pag dating sa negosyong illegal sa ibang bansa.Walang nakakaalam ng ib

    Last Updated : 2022-10-15
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 7

    AODIE"Ano itong naririnig ko na nagbalak kang tumakas kagabi? Aodie! I will not tolerate this matter! You know that I don't want anyone to disobey me!" may diing saad ni Don MarcelinoAlas kwarto pa lang ng madaling araw nandito na ito kasama namin sa training room. Mukhang sinumbong ako nitong bwisit na yelo na ito! Tsk! Papansin!Kanina pa s'ya nandito pero inantay n'ya lang na matapos kami ni Cold sa iba pa naming ginawa katulad ba lang ng firing at guns assemble na mas pinahirap nitong bwisit na Cold na ito! Kung noon, nasa harap ko lang ang mga part ngayon, kailangan kong hanapin ang mga iyon sa loob ng training room. Pareho kami at pag nahanap namin iyon, we have a freedom to shoot each other. Sayang lang kasi sabay kaming nakabuo at nag tutukan sa isa't isa."Pasensya na ho kayo, Don Marcelino. Gusto ko lang naman pong makita sila mama.. hindi ko po kasi sila makontak," malungkot at nakayukong saad ko.Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga kaya napaangat ang ulo ko

    Last Updated : 2022-10-17
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 8

    AODIEIlang linggo na ang nakalipas nang makauwi kami dito sa probinsya. Nagkaroon na ako ng kontak kila mama pero katulad noon, hindi pa din ako pwedeng lumabas ng mansyon.Tanging tawag o text lang ang napapadala ko.Mabuti naman daw ang kalagayan nila doon kaya wag daw akong mag alala sabi ni mama nung minsan kaming nakapag usap.Napanatag din ang loob ko nung narinig ko iyon kaya naman kahit paano ay hindi ko na naisipang tumakas bukod doon ung secret passage ko ay pinasara na talaga ng tuluyan ng yelo na iyon!Patuloy pa din ako sa training ko kahit sobrang naiinis at naiilang ako sa kan'ya dahil naaalala ko pa din ung itsura ni Christine habang nagpupunas ng labi n'ya at bahagya pang pawisan!Actually nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Gusto kong mainis dahil nandidiri ako pero gusto ko ding isipin na wala talaga silang ginawa baka acting lang iyon ni Christine pero ang mas nakakainis?! Anong pake ko?!Ano naman kung may ginawa sila?! Bwisit lang talaga! Naalal

    Last Updated : 2022-10-19
  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 9

    COLD"I'm on my way to somewhere, you guys have fun." I told my cousin who keeps on bugging me.[But Kuya! You know how important this event is! You should be there] he said and all could do was to massage my temple and sigh."I know but I have something very important to do, I know she will understand that. I'll be there at her wedding, promise!" I replied to him.As soon as I heard him sigh, I knew that he couldn't do anything at all. All he knew was to surrender.[Okay! I'll tell her that you can't come] he said then bid his goodbye.Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho papunta sa masyon ng Don.The moment the guard sees my car, they immediately open the door widely. They even bow their heads as a sign of respect.I parked my car, put my shades on tapos lumabas ng kotse.I keep my face stern when people come to me.I just gave them nod nang isa isa nila akong binati. All of the are know me, dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan ng may ari ng mansyon na ito."Where's Don Marcelino?" tanong

    Last Updated : 2022-10-22

Latest chapter

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Last Chapter

    BRYAN“SO you two are now engaged huh! Congratulations!” usal ni Kuya Lester habang nandito kami kila Kean.The party of Nhia is already done and some of our relatives have already left while we– we decided to stay.Kumustahan lang naman ang naisip naming gawin lalo na sa amin ni Aodie. She really wants to be with the girls dahilatagal niyang hindi nakita ang mga ito pati na sila Jaila at Kalvin.Ngayon nga ay nasa loob silang lima para magkumustahan habang kami namang mga lalaki ay nandito at umiinom ng alak.“Yes, we are and the wedding will be in 2 weeks,” usal ko na ikinataas ng kilay nila.“Kuya naman! Ako muna dapat! Nagmamadali ka ba?” usal ni Kean na ikinataas lang din ng kila ko habang sila Nathan naman ay natawa lang sa pag-iinarte niya.He already proposed to Dhia naman but they will wait Dhia to give birth to their 2 monster kaya naman uunahan ko na. Besides, sobrang simple lang naman ng wedding namin ni Aodie.We both decided not to make it fancy. We plan it to be very sim

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 70

    AODIE“ARE you sure you are okay?” tanong ni Bryan habang inaayos nito ang gamit ko sa duffle bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko.Napanguso naman dahil sa tanong niya. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong tinanong niyan ngayong araw!“Oo nga… it's been two weeks since I woke up, sa bahay na ako magpapahinga at magpapagaling,” tugon ko habang marahan na umuupo sa kama ko.Sa totoo lang ay okay naman na ako. May mga nararamdaman pa pero normal naman na siguro iyon para sa isang tao na matagal na natulog, nakalatay sa kama. May pamamanhid pa akong nararamdaman sa katawan ko dahil doon pero… mas okay na akong sa bahay magpahinga kesa dito dahil para lang akong nagkakasakit lalo.Nakita ko namang marahan na ibinaba ni Bryan ang hawak niyang damit ko na nililigpit at naglakad papalapit sa akin. Agad nitong iniyakap ang braso niya sa sa balikat ko habang ako naman ay iniyakap din ang mga braso sa kan’ya.Sa totoo lang ay sobrang namiss ko siya. Simula nang magising ako, wala ata

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 69

    BRYANMARAHAN kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Aodie nang makarating ako sa hospital kung saan siya namamalagi. Dahan-dahan akong lumakad papasok para ilagay ang mga dala ko sa lamesa ng kwarto ni Aodie.Agad kong nakita doon ang mama niya at ang kapatid niyang babae. Nakita kong pinupunasan ng mama niya ang kamay ni Aodie habang ang kapatid naman niya ay hinihilot ang paa nito. I can see with their eyes the same sadness I’m having right now.It’s been a month since Aodie in coma, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak sa kan’ya tuwing kakausapin ko siya. I feel so weak whenever I'm alone with her. Aaminin kong nawawalan na ako ng pag-asa but everytime I’m seeing her family na kumakapit at naniniwalang gigising siya ay minumura ko ang sarili ko.Kung titignan, ang payat na niya sa normal niyang katawan… kung tutuusin ay mapalad na kami na tinanggal na ang iba niyang tubo pati na ang paglipat sa kan’ya sa isang private na kwarto pero kahit ganon ay nakamonitor pa rin

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 68

    BRYAN“KEEP your eye on her, wag na wag kayong aalis dito! Kapag may nangyari kay Aodie na kakaiba o gumising siya o inilipat siya ng kwarto, call me! Naiintindihan ninyo?!” mariin kong bilin sa dalawang tauhan ko na agad nilang ikinatango.Hindi na ako nagbigay pa ng kahit anong bilin dahil alam kong hindi nila ako susuwayin. Bukod doon, sinigurado ko na naubos namin lahat ng mga tauhan ni Gio at siya na lang ang itinira kung buhay pa siya at hindi pa nauubusan ng dugo.Hindi pa dapat siya mamatay dahil hindi pa ako tapos sa kan’ya.Mabilis na akong tumalikod sa kanila at muling sumulyap kay Aodie bago naglakad papaalis.Mabilis na akong pumunta ng parking lot para tignan ang isa sa mga tauhan ko na nandoon nagbabantay para sa sasakyan namin.Nang makita ako nito ay agad itong bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad akong pumasok doon at pumikit.Narinig ko na lang na sumara ang pinto at umandar ang kotse.“Boss, kumusta na po si Ms. Aodie?” tanong ng tauhan kong nagmamaneho.Napa

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 67

    BRYAN“AODIE! Stay with me, baby…” matigas kong usal saad habang hawak hawak ang katawan niyiang parang lantang gulay na.Nasa kotse na kami ngayon at papuntang hospital dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba siyang iligtas na ako lang ang gagawa. She needs expert to survive this at hindi ako iyon!“Boss! Ano pong gagawin doon sa Gio–”“I want him in hell! Itali ninyo ng patiwarik ang g*go na ‘yon at wag na wag aalisin ang bantay sa kan’ya! Hindi pa ako tapos sa kan’ya!” madidiing utos ko sa isa sa mga tauhan ko na siyang kausap ng mga kumuha kay Gio.Hindi pa ako tapos sa kan’ya! Hindi ako papayag na hindi ko mapatay ang g*go na iyon! Wala akong ititirang kahit na ano sa kan’ya! Kahit mata niya ay lalagyan ko ng latay! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Aodie!Muli kong hinawakan ang pulso ni Aodie para tignan kung pumipintig pa ito– agad akong napapikit at napatagis ang panga nang maramdaman kong unti-unting nawawala ang pintig nito.“Drive faster!” malakas

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 66

    AODIE NAPANGISI AKO nang marinig ko ang boses na iyon ni Cold. I knew it! I knew him very well like how he knew me! Hindi siya basta basta nagpapauto ang lalaking ‘to kahit kanino kaya hindi siya basta-basta mauutakan. Napatingin ako kay Gio nang bigla niyang ibato ang hawak niyang cellphone at biglang kumuha ng baril sa likod niya at pinagbabaril ang cellphone niya na nasa lapag na para bang kaharap niya si Cold. “P*tang-*na! P*tang-*na! G*go! B*llsh*t!” malalakas na sigaw nito. Sabay-sabay na umiwas ang mga kasama niya nang makita nila na itinapat sa kanila ang baril na hawak ni Gio. “Boss! Kumalma ka, hindi pa naman alam ng lalaki na iyan ang pinagtataguan–” Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa pagsasalita ng lalaking tingin ko ay sumampal sa akin kanina. Nakarinig din kami ng mga barilan at putok ng baril na sa tingin ko ay nanggagaling sa labas ng kinalalagyan ko. “Tignan ng iba ang nangyayari doon!” malakas na sigaw ni Gio na mabilis na sinunod ng apat saga kasama ni

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 65

    AODIEHABOL ko ang hinga ko habang pilit na kumakawala ang mga kamay ko sa pagkakagapos. Hindi ko alam kung nasaan ako basta pagmulat ng mata ko puro dilim ang nakikita ko tanda ng piring ko sa aking mata.Hindi ko rin magawang makasigaw dahil sa nakabara sa bibig ko. Nakabuka ito ngunit ramdam ko ang isang telang pilit pinakagat sa akin para hindi ako makasigaw.“Uhgh!” pilit kong sigaw para marinig ako ng mga taong pakiramdam ko ay nasa paligid ko lamang.“Hoy! Tumahimik ka diyan, babae! Baka kapag nabwisit ako sa iyo wala pa man si bossing, mabanatan na kita!” rinig usal ng tao na sa tingin ko ay lalaki.Kahit na binantaan na ako nito, hindi pa rin ako tumigil kakapumiglas sa upuan kung saan ako nakatali nang mahigpit.“Ay! P*tang-*na! Hindi ka talaga titigil?!” malakas na sigaw ng kaninang lalaki at mabilis akong nakaramdam ng pagtama ng palad nito sa aking mukha.Ramdam ko ang hapdi ng pagtama ng palad nito sa akin pati na ang lakas nito dahilan para mapatabingi ang ulo ko. Gusto

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 64

    BRYAN“NOW, tell me?! Where is Aodie?!” malalakas at madidiing tanong sa kan’ya habang patuloy na dumidin ang kamay ko sa leeg niya.Alam kong sa ilang minuto lang at mababali ko ang leeg niya dahil hindi siya nagsasalita! At alam kong kapag ginawa ko ang pagbali ng leeg niya, hindi ko malalaman kung nasaan si Aodie!Kanina ko pa alam na hindi siya si Aodie, the moment I came in here to our room… ramdam ko na nawala si Aodie dito but to my suprise I saw this woman who look like Aodie.Why I knew Aodie is not here? First, because of her smell… Aodie have a distinct smell like Ani, why? Ani gave her a perfume set like her, lahat ng mga babae namin nila Kuya Lester binigyan ni Ani ng set ng pabango. Second, Aodie never sleep at my spot in bed. I don't know but I already ask her about that but she just told me that she's not comfortable anymore. Third, I know Aodie’s body clock and whenever she woke up, she didn't have this horny thing in her mind.Of course, I know my woman so well! Akal

  • My Possessive Cold-hearted Mafia   Chapter 63

    BRYAN“BOSS! That was the seventh shipment we stop, and as for the report– there only 2 more to go,”I turned my gaze to my man after he said that. Two more to go? There will be none after tomorrow’s raid.“Let’s go,” saad ko at muling ibinalik ang tingin sa warehouse na sinusunog na ng mga kapulisan dahil tapos na nilang iraid ang mga ito.Sobrang nakakasatified na makitang bumabagsak si Gio. umpisa pa lang ito dahil sa mga susunod, siya naman ang babagsak at ililibing ko ng buhay!Agad na akong tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko para makauwi ng bahay. I miss Aodie so much, hindi kasi ako nakauwi kagabi dahil may mga inayos kami ni David kagabi about sa mga property ni Lolo Lino, unti-unti ko na kasi iyong ipinapalipat sa pangalan ni Aodie habang hindi kami nag-uusap.I know someone will say na masyado akong cold kay Aodie but no! Whenever she's asleep I always talk to her like how I used to talk to her when she's awake.Gusto ko lang talaga na lumayo pansamantala dahil hindi

DMCA.com Protection Status