AODIE
Isang itim na sasakyan ang pumutol sa pagbabalik tanaw ko dito sa balcony ng kwarto ko.'sino naman kaya ang dumating na iyon?' tanong ko sa aking isipan.'Di ko naman maiwasan na hindi titigan ang kotse na iyon dahil alam kong mamahalin at pang marangya ang model. Pumarada na ito kaya naman inaantay ko na lang din na mabuksan iyon at makita kung sino ang nasa loob.'di naman nagtagal lumabas ang isang lalaking nakaitim na naka navy blue t-shirt na nababalutan ng itim na leather jacket, itim na pants, itim na leather shoes. Clean cut din ang gupit ng buhok nito. Nakadagdag din ng lakas ng dating n'ya ung shades n'ya.Napansin ko na biglang nag silapitan ang mga tauhan ni Don Marcelino at binabati s'ya, tanging tango lang naman ang sinasagot n'ya.Tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion kasunod ang iba't ibang mga tauhan nito."Aodie! Let's eat!" rinig kong sigaw ng isang kasamahan namin kaya muling naputol ang pag iisip ko."Coming!" balik kong sigaw dito 'ska tumayo at nag ayos ng sarili.Bumaba ako ng dining area kung saan panigurado nandoon na si Don Marcelino at ang iba pang hmm.. sabihin na nating nakakataas ang rango sa grupo na meron kami.Wala akong rango pero si Don Marcelino mismo ang nagsabing lagi akong sasabay sa kan'ya.Hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan nakarinig na ko ng mga formal na usapan. Napabuga lang ako ng malalim na hinga dahil doon. Another boring dinner!Hinawakan ko na ang door knob at inikot iyon, agad namang nabaling sa akin ang atensyon ng halos lahat maliban sa lalaking nasa tabi ni Don Marcelino. S'ya yata ung lalaki kanina."Come here, Aodie. Serve yourself, ija" utos ng Don sa akin kaya naman tumabi ako sa kabilang gilid na upuan nito.Tahimik akong kumuha ng pagkain ko bago bulong si Benji sa akin na syang katabi ko pala."Wag kang kain kargador ah, may bisita"Agad naman akong napalingon sa kan'ya. Tarantado 'to! Hindi naman ako kain kargador ah!Kita ko naman sumilay ang malademonyo n'yang ngiti nung nakita n'ya ung reaksyon ko. Magpasalamat s'ya at nasa hapag kainan kami dahil kung hindi baka tinutukan ko s'ya ng baril!To make it clear hindi lang ako ang babae sa grupo namin pero dahil si Don Marcelino ang may hawak sa akin, ako lang ang babaeng nakakasabay sa kanila sa pagkain.Muli kaming binalot ng katahimikan at tangin tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig, kaya minsan mas gusto kong sumabay kumain kila Jazen dahil doon may kwentuhan at lahat mag uusap. Dito wala talaga!Naagaw ng isang tikhim ang atensyon naming lahat. Agad kaming tumingin sa Don nang mapagtanto namin na sa kan'ya galing ang tikhim na 'yon."Many of you didn't know this gentle yet dangerous man beside me kaya naman I like to introduce you my right hand," pakilala n'ya pero hindi naman sinabi ung pangalan. S'ya pala ang kanang kamay na sinasabi nito kanina.Hindi ko maiwasang silipin ung lalaki na sinasabi ni Don Marcelino. Hindi s'ya tumitingin sa kahit na sino at pinagpapatuloy n'ya lang yung pagkain n'ya.Napayuko naman ako nang mag angat s'ya ng tingin at nakita n'yang nakatitig ako sa kan'ya. Nakakatakot! Ang lamig ng tingin n'ya! Parang kada titingin s'ya nag bubuga s'ya ng icycles na tatagos sa buto mo. Gentle yet dangerous? Eh parang dangerous lang 'to! Sayang ganda pa naman ng kulay ng mata n'ya."Go introduce yourself," utos ng Don sa kan'ya kaya dahan dahan n'yang binaba ung kubyertos n'ya, uminom ng tubig sabay punas ng bibig."Just call me Cold," pakilala nito at bumalik ulit sa kan'yang pag kain.Walang nagreact sa amin, ang iba naman ay nagtinginan lang, ung iba naman alam na ata talaga nilang gan'to itong lalaking ito kaya parang wala lang sa kanila.Napabaling naman ang tingin ko kay Don Marcelino dahil sa mahina n'yang tawa."Si Cold lahat ang nag aasikaso ng mga transakyon ko sa ibang bansa, s'ya ang namamahala ng mga grupo doon at iba pang negosyo. Minsan lamang s'ya umuwi dito sa Pilipinas para bumisita at mag bigay ng report," saad ng Don sa amin."Si Cold din ang gumagawa ng training sa mga baguhan doon, s'ya ang may hawak ng mga baril, patalim at madami pang ibang malalakas na armas," biglang saad ni Benji.Kilala n'ya din pala 'to! Akala ko naman hindi. Wala man lang head's up na ibinigay sa akin itong lalaking ito!Madami pang sinabi sa amin ang ibang tao about sa kan'ya pero ang mismong si Cold ay walang sinabi.'di nagtagal natapos kaming kumain, handa na akong bumalik sa aking silid para makapag pahinga nang tawagin ako ni Don Marcelino para samahan silang mag tsaa nitong si Cold na kasing lamig ng yelo sa Mount Everest!Dahil si Don Marcelino ang nag utos kahit ayoko, sumama pa din ako sa kanila.Kung titignan mukha may lahi si Cold, he has a gray eyes, maputi din kasing puti ng mga amerikano, tapos ung buhok n'ya parang mga koreanong mayayamang mafia, ganoon ung style kaya ang lakas makagwapo ng appearance n'ya, ung labi n'ya akala mo may inilalagay na lipstick pero totoong natural ung pagkapink ng labi n'ya pati ung tangos ng ilong n'ya. Nakakadagdag din ng appeal n'ya ung maliit n'yang hikaw sa kaliwa n'yang tenga. Maliit lang 'yon pero ang ganda talaga. Mas lalo s'yang gumagwa-"Stop staring at me, woman" naputol ang pag d-describe ko sa kan'ya dahil narinig ko ang malayelo n'yang boses.Malalim na sa sobrang lalim nakakanginig ng katawan at nakaka tindig balahibo."S-Sorry,"Ayon lang ang nasabi ko sabay tuon ng atensyon sa iniinom kong tsaa na hindi ko naman type! Yuck!"Her name is Aodie, I want you to train her in all you know, lalo na sa mga baril, combat battle and hacking system pero 'ska na dahil kailangan naming umuwi at alam kong may gagawin ka din, am I right?" saad ni Don Marcelino."Yes, I have something to do here but first, I need to talk to you, Sir" he said then look at me then raise his perfect brows. "Alone" madiing n'yang habol kaya para naman akong tinakasan ng kulay sa mukha at nahiya bigla.Tinignan din ako ni Don Marcelino at tinanguan, kaya naman tumayo ako at yumuko sa kanilang dalawa.Nakabusangot akong naglalakad paakyat, ngayon ko lang kasi napansin na napakasungit n'ya at doon sa kung paano n'ya ako tignan nung sinabi n'ya ung 'alone'.Anong akala n'ya gusto ko doon?! Bwisit!"Mayabang!" malakas na saad ko sabay maktol na umakyat pero nahinto din 'yon at ibinalik ko ung mukha ko sa seryoso dahil nakita ko si Christine na nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay.Si Christine, nauna s'ya sa akin ng ilang b'wan at bukod doon, matanda s'ya sa akin ng apat na taon. Sa pag kakaalala ko, nakwento ng mga manang sa mansyon sa probinsya na s'ya ay binenta ng kan'yang ina para magbigay aliw sa Don, naalala ko nakikita ko s'yang lumalabas ng kwarto ng doon na maraming pula sa leeg n'ya. After ng isang taon, nawala s'ya sa mansyon at napag alaman ko ngang katulad ko ay ipinadala s'ya sa training para maging kasapi sa gruo namin.Malaki amg inggit nito sa akin dahil pakiramdam n'ya na itchapwera s'ya nung dumating ako sa buhay ng Don.Nagpatuloy akong naglakad ng seryoso at lalagpasan ko na sana s'ya pero nahinto 'yon dahil nagsalita s'ya."Napakaswerte mo talaga, Aodie. Biruin mo, wala kang rango pero nakakasabay ka kumain sa mga nakatataas, nakakalabas pasok ka sa private living room ni Don Marcelino at lagi kang suportado ng Don. Ano bang gayuma ang ginamit mo? Ilang beses ka bang nagpapa angkin sa Don at laging na sa'yo ang pabor?" usal nito at mariringgan kong nangungutya ang tono n'ya.Lagi na lang talaga 'tong babaeng 'to! Atska anong? Inaangkin? Hindi ako prostitute katulad n'ya para gawin 'yon! Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko pero mas nangingibabaw ang inis ko kaya naman."Hindi lang talaga nasarapan sa'yo ang amo natin kaya hindi ka na inulit pero sa akin natikman n'ya ang ikapitong langit kaya naman sa akin tumagal," nakangising saad ko. "Iba kasi talaga pag fresh at hindi pinagsawaan," dagdag ko pa 'ska naglakad ulit.Hindi ko na inantay ung sagot n'ya nabubwisit ako!Hindi naman ako ginagawan ng kahalayan ng Don, sa totoo lang matagal na n'yang gustong ipatawag sa akin ang salitang 'Tito' pero hindi ko ginagawa dahil bukod sa hindi naman kami magkamag anak, Isa pa din akong katulong sa mansyon bayad utang lamang ako kaya ikinatanggi ko 'yon.Ako lang din talaga ang nakakapasok sa kwarto at private living room ng Don, maliban sa may mga rango.Noong una din akala ko inaabangan lamang talaga ang tamang edad ko para ipakasal sa matanda ngunit hindi daw iyon ang intensyon sa akin ng Don kun'di mahalagang bagay kung ano'man iyon ay hindi ko alam at tanging si Don Marcelino lamang ang nakakaalam.Nakapasok ako sa aking kwarto at pabagsak na inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. Kinuha ko ang phone ko at naisipan kong tawagan ang pamilya ko.Nakipag usap lang ako kila Mama at kinumusta sila.Masaya ako na kahit papaano ay nakakausap ko sila. Noon akala ko pag nandito na ako sa puder ng Don, magiging mahurap ang buhay ko dahil sa dami nang gagawin ko pero hindi. Kun'di tama si Nanay, magiging maganda at maayos ang buhay ko, naging matapang at nakapag aral ako.Mali man ang ginagawa ko na hindi ko akalain na magagawa ko pero nag papasalamat ako dahil may natapos ako at kung sakali man na matapos etong gawain namin, may profession akong pagtutuunan ko ng pansin. Hindi ko man alam kung kailan kami magsasama sama ulit nila Nanay at least alam kong mangyayari iyon.—-------------------AODIENakahiga na ako nang isang katok ang pumutol sa aking pagbabalak na matulog."Sino kaya ang hayop na gustong masaktan gamit ang mga kamao ko," saad ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa pintuan.Marahan kong inabot ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.Bumungad sa akin si Giovani na nakangiti at bahagya pang kumaway."Did I wake you up?" tanong nito na parang nahihiya.Si Giovani Lopez, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Marcelino pagdating dito sa Manila. Dati din siyang katulad ko na ipinambayad sa utang, pinag aral ng Don, tinuruan at inilagay sa posisyon sa grupong binuo nila.Gwapo ang binatang ito, makisig dahil sa mga training na ginagawa, makinis ang balat pero may mga peklat na paniguradong dulot ng pakikipag laban.Kung tutuusin, boyfriend material na s'ya dahil masayanin din ito, hindi ko naman maitatangi na may paghanga ako ng unti sa kan'ya. Pero syempre dahil hindi ko naman talaga alam pa ang gustong mangyari sa akin ni Don Marcelino.Kailangan kong pigi
AODIE"You are 5 minutes late," mahinahon at malamig na turan nito habang nililinis ang baril na hawak n'ya.Mahinahon naman ang pag kakasabi n'ya pero pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko.Nalate kasi ako ng gising dahil anong oras na ako nakatulog kakaisip ng mga pwedeng training ko! Papahirapan n'ya ba ako o magiging brutal ba s'ya sa akin!"What are you looking at me? Start running, woman! Since you are 5 minutes late, 50 laps!" saad nito at binalingan ako ng tingin na halos ikanginig ng katawan ko.Matapang naman ako pero babae pa din ako at nakakatakot ung titig n'ya.Inayos ko iyong buhok ko at damit ko habang naglalakad papunta sa umpisa ng tatakbuhan ko.50 laps?! Sinong tao ang kakayanin ang 50 laps?! Nagawa na ba n'ya iyon para sabihan ako ng gano'n! Tsk! Ikaw naman kasi Aodilaida! Bakit late ka na nagising?!"Tatakbo ka ba o tatanga ka na lang d'yan?""Tatakbo na," tugon ko at mabilis na tumakbo para makalayo sa yelong boses ng lalaking pinaglihi ata sa North Pole ng n
AOIDE"Kumusta? Balita ko tuloy na pagbalik n'yo sa probinsya sa susunod na araw ah," rinig kong usal ni Benjie."Oo, sabi ni Don Marcelino kailangan naming umuwi doon dahil marami s'yang ipapasanay sa akin. Hindi ko naman alam kung ano iyon," tugon ko habang hawak ang kutsilyong binigay n'ya sa akin.Napagpasyahan na kasi ng Don na umuwi na kami ng probinsya dahil tapos na din naman ang mission na ginagawa namin dito.Naraid na namin lahat ng mga warehouse ng mga kalaban sa negosyo ng Don kaya naman pwede na kaming umuwi. Namimiss ko na din sila mama at ung mga kapatid ko."E! Kumusta naman ang training mo kay Cold?" tanong nito kaya naman natigilan ako at napatingin sa tanawing tanaw dito sa veranda ng kwarto ko.Hindi pa din mawala sa isip ko ung paghihinala ko kay Cold, minsan na din akong nagtanong kung kilala ba talaga ng iba si Cold pero ang tanging nakuha ko lang nasagot ay s'ya ang pinagkakatiwalan ng Don pag dating sa negosyong illegal sa ibang bansa.Walang nakakaalam ng ib
AODIE"Ano itong naririnig ko na nagbalak kang tumakas kagabi? Aodie! I will not tolerate this matter! You know that I don't want anyone to disobey me!" may diing saad ni Don MarcelinoAlas kwarto pa lang ng madaling araw nandito na ito kasama namin sa training room. Mukhang sinumbong ako nitong bwisit na yelo na ito! Tsk! Papansin!Kanina pa s'ya nandito pero inantay n'ya lang na matapos kami ni Cold sa iba pa naming ginawa katulad ba lang ng firing at guns assemble na mas pinahirap nitong bwisit na Cold na ito! Kung noon, nasa harap ko lang ang mga part ngayon, kailangan kong hanapin ang mga iyon sa loob ng training room. Pareho kami at pag nahanap namin iyon, we have a freedom to shoot each other. Sayang lang kasi sabay kaming nakabuo at nag tutukan sa isa't isa."Pasensya na ho kayo, Don Marcelino. Gusto ko lang naman pong makita sila mama.. hindi ko po kasi sila makontak," malungkot at nakayukong saad ko.Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga kaya napaangat ang ulo ko
AODIEIlang linggo na ang nakalipas nang makauwi kami dito sa probinsya. Nagkaroon na ako ng kontak kila mama pero katulad noon, hindi pa din ako pwedeng lumabas ng mansyon.Tanging tawag o text lang ang napapadala ko.Mabuti naman daw ang kalagayan nila doon kaya wag daw akong mag alala sabi ni mama nung minsan kaming nakapag usap.Napanatag din ang loob ko nung narinig ko iyon kaya naman kahit paano ay hindi ko na naisipang tumakas bukod doon ung secret passage ko ay pinasara na talaga ng tuluyan ng yelo na iyon!Patuloy pa din ako sa training ko kahit sobrang naiinis at naiilang ako sa kan'ya dahil naaalala ko pa din ung itsura ni Christine habang nagpupunas ng labi n'ya at bahagya pang pawisan!Actually nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Gusto kong mainis dahil nandidiri ako pero gusto ko ding isipin na wala talaga silang ginawa baka acting lang iyon ni Christine pero ang mas nakakainis?! Anong pake ko?!Ano naman kung may ginawa sila?! Bwisit lang talaga! Naalal
COLD"I'm on my way to somewhere, you guys have fun." I told my cousin who keeps on bugging me.[But Kuya! You know how important this event is! You should be there] he said and all could do was to massage my temple and sigh."I know but I have something very important to do, I know she will understand that. I'll be there at her wedding, promise!" I replied to him.As soon as I heard him sigh, I knew that he couldn't do anything at all. All he knew was to surrender.[Okay! I'll tell her that you can't come] he said then bid his goodbye.Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho papunta sa masyon ng Don.The moment the guard sees my car, they immediately open the door widely. They even bow their heads as a sign of respect.I parked my car, put my shades on tapos lumabas ng kotse.I keep my face stern when people come to me.I just gave them nod nang isa isa nila akong binati. All of the are know me, dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan ng may ari ng mansyon na ito."Where's Don Marcelino?" tanong
COLD"Kuya! What happened to you?!" tanong ni Ani. The one and only girl in our clan. The Vicente Clan. "Balita ko may sugat ka daw? Okay ka lang ba, Kuya?" she worriedly asked.I just give her a small smile and nod."I'm good, princess.. no need to worry," I said.I saw her take a deep sigh and look relaxed."That's good to hear. I miss you, Kuya Bry." malambing na saad nito sabay yakap sa akin.Ilang araw na din akong nakauwi dito sa Maynila but ngayon lang ako nagpakita sa kanya dahil nga sa sugat ko. Sa condo ko ako dumeretso nung umuwi ako dito dahil hindi ako pwedeng magpakita sa kanila pero hindi ko naman alam na nandoon pala si Kuya Les at inaantay ako kaya siguro nalaman din n'ya dahil nabanggit ni Kuya."I miss you too, Ani. You'll be getting married soon, yayain natin sila Kuya at mag mall. Sounds good?" pag iiba ko ng topic na s'yang ikinasaya n'ya.I'm happy for my cousin dahil sa dami ng pinag daanan n'ya finally she found the man who will love her so much, gagawin s'yan
AODIE"Aods!"Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Benj na naglalakad papalapit sa akin."Bakit?" tanong ko dito nang makalapit na s'ya."Pinapatawag ka ni Don Marcelino," saad nito sabay lahad ng kamay n'ya para maalalayan akong tumayo.Agad ko namang tinanggap iyon at kumuha ng pwersa para makatayo.Sabay kaming pumunta sa private living room ng Don at doon namin nakita na tahimik at mataimtim na nakaupo si Don Marcelino sa pang isahang upuan habang umiinom ng kan'yang tsaa."Pinapatawag n'yo raw ho ako," magalang na bungad ko.Marahan s'yang tumingin sa akin at tumitig sabay baling kay Benjie."Pwede mo na kaming iwan," marahang usal nito. Tinapik lang ni Benj ung balikat ko bago yumuko at nagpaalam. "Maupo ka, Aodie" utos nito kaya naman agad kong sinunod."Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko ulit."Puntahan mo si Cold sa resort na ito," utos nito sabay abot ng isang papel naglalaman ng address at pangalan ng resort na sinasabi nito.Bigla din naman k
BRYAN“SO you two are now engaged huh! Congratulations!” usal ni Kuya Lester habang nandito kami kila Kean.The party of Nhia is already done and some of our relatives have already left while we– we decided to stay.Kumustahan lang naman ang naisip naming gawin lalo na sa amin ni Aodie. She really wants to be with the girls dahilatagal niyang hindi nakita ang mga ito pati na sila Jaila at Kalvin.Ngayon nga ay nasa loob silang lima para magkumustahan habang kami namang mga lalaki ay nandito at umiinom ng alak.“Yes, we are and the wedding will be in 2 weeks,” usal ko na ikinataas ng kilay nila.“Kuya naman! Ako muna dapat! Nagmamadali ka ba?” usal ni Kean na ikinataas lang din ng kila ko habang sila Nathan naman ay natawa lang sa pag-iinarte niya.He already proposed to Dhia naman but they will wait Dhia to give birth to their 2 monster kaya naman uunahan ko na. Besides, sobrang simple lang naman ng wedding namin ni Aodie.We both decided not to make it fancy. We plan it to be very sim
AODIE“ARE you sure you are okay?” tanong ni Bryan habang inaayos nito ang gamit ko sa duffle bag na pinaglalagyan ng mga gamit ko.Napanguso naman dahil sa tanong niya. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong tinanong niyan ngayong araw!“Oo nga… it's been two weeks since I woke up, sa bahay na ako magpapahinga at magpapagaling,” tugon ko habang marahan na umuupo sa kama ko.Sa totoo lang ay okay naman na ako. May mga nararamdaman pa pero normal naman na siguro iyon para sa isang tao na matagal na natulog, nakalatay sa kama. May pamamanhid pa akong nararamdaman sa katawan ko dahil doon pero… mas okay na akong sa bahay magpahinga kesa dito dahil para lang akong nagkakasakit lalo.Nakita ko namang marahan na ibinaba ni Bryan ang hawak niyang damit ko na nililigpit at naglakad papalapit sa akin. Agad nitong iniyakap ang braso niya sa sa balikat ko habang ako naman ay iniyakap din ang mga braso sa kan’ya.Sa totoo lang ay sobrang namiss ko siya. Simula nang magising ako, wala ata
BRYANMARAHAN kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Aodie nang makarating ako sa hospital kung saan siya namamalagi. Dahan-dahan akong lumakad papasok para ilagay ang mga dala ko sa lamesa ng kwarto ni Aodie.Agad kong nakita doon ang mama niya at ang kapatid niyang babae. Nakita kong pinupunasan ng mama niya ang kamay ni Aodie habang ang kapatid naman niya ay hinihilot ang paa nito. I can see with their eyes the same sadness I’m having right now.It’s been a month since Aodie in coma, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak sa kan’ya tuwing kakausapin ko siya. I feel so weak whenever I'm alone with her. Aaminin kong nawawalan na ako ng pag-asa but everytime I’m seeing her family na kumakapit at naniniwalang gigising siya ay minumura ko ang sarili ko.Kung titignan, ang payat na niya sa normal niyang katawan… kung tutuusin ay mapalad na kami na tinanggal na ang iba niyang tubo pati na ang paglipat sa kan’ya sa isang private na kwarto pero kahit ganon ay nakamonitor pa rin
BRYAN“KEEP your eye on her, wag na wag kayong aalis dito! Kapag may nangyari kay Aodie na kakaiba o gumising siya o inilipat siya ng kwarto, call me! Naiintindihan ninyo?!” mariin kong bilin sa dalawang tauhan ko na agad nilang ikinatango.Hindi na ako nagbigay pa ng kahit anong bilin dahil alam kong hindi nila ako susuwayin. Bukod doon, sinigurado ko na naubos namin lahat ng mga tauhan ni Gio at siya na lang ang itinira kung buhay pa siya at hindi pa nauubusan ng dugo.Hindi pa dapat siya mamatay dahil hindi pa ako tapos sa kan’ya.Mabilis na akong tumalikod sa kanila at muling sumulyap kay Aodie bago naglakad papaalis.Mabilis na akong pumunta ng parking lot para tignan ang isa sa mga tauhan ko na nandoon nagbabantay para sa sasakyan namin.Nang makita ako nito ay agad itong bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad akong pumasok doon at pumikit.Narinig ko na lang na sumara ang pinto at umandar ang kotse.“Boss, kumusta na po si Ms. Aodie?” tanong ng tauhan kong nagmamaneho.Napa
BRYAN“AODIE! Stay with me, baby…” matigas kong usal saad habang hawak hawak ang katawan niyiang parang lantang gulay na.Nasa kotse na kami ngayon at papuntang hospital dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba siyang iligtas na ako lang ang gagawa. She needs expert to survive this at hindi ako iyon!“Boss! Ano pong gagawin doon sa Gio–”“I want him in hell! Itali ninyo ng patiwarik ang g*go na ‘yon at wag na wag aalisin ang bantay sa kan’ya! Hindi pa ako tapos sa kan’ya!” madidiing utos ko sa isa sa mga tauhan ko na siyang kausap ng mga kumuha kay Gio.Hindi pa ako tapos sa kan’ya! Hindi ako papayag na hindi ko mapatay ang g*go na iyon! Wala akong ititirang kahit na ano sa kan’ya! Kahit mata niya ay lalagyan ko ng latay! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Aodie!Muli kong hinawakan ang pulso ni Aodie para tignan kung pumipintig pa ito– agad akong napapikit at napatagis ang panga nang maramdaman kong unti-unting nawawala ang pintig nito.“Drive faster!” malakas
AODIE NAPANGISI AKO nang marinig ko ang boses na iyon ni Cold. I knew it! I knew him very well like how he knew me! Hindi siya basta basta nagpapauto ang lalaking ‘to kahit kanino kaya hindi siya basta-basta mauutakan. Napatingin ako kay Gio nang bigla niyang ibato ang hawak niyang cellphone at biglang kumuha ng baril sa likod niya at pinagbabaril ang cellphone niya na nasa lapag na para bang kaharap niya si Cold. “P*tang-*na! P*tang-*na! G*go! B*llsh*t!” malalakas na sigaw nito. Sabay-sabay na umiwas ang mga kasama niya nang makita nila na itinapat sa kanila ang baril na hawak ni Gio. “Boss! Kumalma ka, hindi pa naman alam ng lalaki na iyan ang pinagtataguan–” Isang malakas na pagsabog ang pumutol sa pagsasalita ng lalaking tingin ko ay sumampal sa akin kanina. Nakarinig din kami ng mga barilan at putok ng baril na sa tingin ko ay nanggagaling sa labas ng kinalalagyan ko. “Tignan ng iba ang nangyayari doon!” malakas na sigaw ni Gio na mabilis na sinunod ng apat saga kasama ni
AODIEHABOL ko ang hinga ko habang pilit na kumakawala ang mga kamay ko sa pagkakagapos. Hindi ko alam kung nasaan ako basta pagmulat ng mata ko puro dilim ang nakikita ko tanda ng piring ko sa aking mata.Hindi ko rin magawang makasigaw dahil sa nakabara sa bibig ko. Nakabuka ito ngunit ramdam ko ang isang telang pilit pinakagat sa akin para hindi ako makasigaw.“Uhgh!” pilit kong sigaw para marinig ako ng mga taong pakiramdam ko ay nasa paligid ko lamang.“Hoy! Tumahimik ka diyan, babae! Baka kapag nabwisit ako sa iyo wala pa man si bossing, mabanatan na kita!” rinig usal ng tao na sa tingin ko ay lalaki.Kahit na binantaan na ako nito, hindi pa rin ako tumigil kakapumiglas sa upuan kung saan ako nakatali nang mahigpit.“Ay! P*tang-*na! Hindi ka talaga titigil?!” malakas na sigaw ng kaninang lalaki at mabilis akong nakaramdam ng pagtama ng palad nito sa aking mukha.Ramdam ko ang hapdi ng pagtama ng palad nito sa akin pati na ang lakas nito dahilan para mapatabingi ang ulo ko. Gusto
BRYAN“NOW, tell me?! Where is Aodie?!” malalakas at madidiing tanong sa kan’ya habang patuloy na dumidin ang kamay ko sa leeg niya.Alam kong sa ilang minuto lang at mababali ko ang leeg niya dahil hindi siya nagsasalita! At alam kong kapag ginawa ko ang pagbali ng leeg niya, hindi ko malalaman kung nasaan si Aodie!Kanina ko pa alam na hindi siya si Aodie, the moment I came in here to our room… ramdam ko na nawala si Aodie dito but to my suprise I saw this woman who look like Aodie.Why I knew Aodie is not here? First, because of her smell… Aodie have a distinct smell like Ani, why? Ani gave her a perfume set like her, lahat ng mga babae namin nila Kuya Lester binigyan ni Ani ng set ng pabango. Second, Aodie never sleep at my spot in bed. I don't know but I already ask her about that but she just told me that she's not comfortable anymore. Third, I know Aodie’s body clock and whenever she woke up, she didn't have this horny thing in her mind.Of course, I know my woman so well! Akal
BRYAN“BOSS! That was the seventh shipment we stop, and as for the report– there only 2 more to go,”I turned my gaze to my man after he said that. Two more to go? There will be none after tomorrow’s raid.“Let’s go,” saad ko at muling ibinalik ang tingin sa warehouse na sinusunog na ng mga kapulisan dahil tapos na nilang iraid ang mga ito.Sobrang nakakasatified na makitang bumabagsak si Gio. umpisa pa lang ito dahil sa mga susunod, siya naman ang babagsak at ililibing ko ng buhay!Agad na akong tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko para makauwi ng bahay. I miss Aodie so much, hindi kasi ako nakauwi kagabi dahil may mga inayos kami ni David kagabi about sa mga property ni Lolo Lino, unti-unti ko na kasi iyong ipinapalipat sa pangalan ni Aodie habang hindi kami nag-uusap.I know someone will say na masyado akong cold kay Aodie but no! Whenever she's asleep I always talk to her like how I used to talk to her when she's awake.Gusto ko lang talaga na lumayo pansamantala dahil hindi