Share

KABANATA 8

“May gusto ba sayo si Ivy?”

Nagpipigil si Alex ng kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot ng tila nagulat na si James.

“Ano ba namang tanong iyan, Alex?” Naiiritang tanong ni James. Halata sa mukha nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga naririnig mula sa nobya.

“Simple lang naman ang tanong ko bakit hindi mo kayang masagot? May gusto ba si Ivy sayo?”

“Ivy, maghulos-dili ka. Impossibleng mangyari iyon. May asawa yung tao-”

“Na ngayon ay patay na.” Dugtong ni Alex sa sinabi ni James.

“Tumahimik ka na.” May pagbabanta sa tono ni JAmes, ngunit di pa rin natinag ang dalaga at patuloy pa rin siya sa pagtatanong.

“Let me rephrase my question.” Sarkastikong sabi ni Alex.

“May gusto ka sa kanya.” Hindi iyon tanong.

Hindi makapaniwalang tumingin si James kay Alex bago ito huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang kaninang nakabusangot ang mukhang si Alex. Pinakatitigan niya ang dalaga sa mata.

“Babe, wala akong gusto sa kanya. Magkaibigan lang kami. At
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status