Share

KABANATA 15

Papalit-palit ng pwesto si Alex sa kanyang pagkakahiga, ngunit hindi pa rin siya makatulog sa kakaisip sa sinabi ng kaibigan.

“Naku Alex… Pag-isipan mong mabuti kung itutuloy mo pa ba talaga ang pagpapakasal sa lalaking iyan. Nakita mo naman ang nangyari. Ngayon pa nga lang na buntis ka, iniiwanan ka na kahit na alam niyang mas kailangan mo siya. Mas inuna pa niya ang babaeng iyon. Kung ako ikaw hihiwalayan ko na siya. Mas mabuti pang ganun para isang sakit lang, hindi ka na magdudusa habang buhay.” Pagsesermon ni Grace sa kanya.

Hindi na nakasagot pa si Alex sa sinabi ng kaibigan.

Kung hindi lamang dahil sa mga magulang ni Alex at utang na loob niya ay baka kinansela na niya ang engagement nila. Laging sinasabi ni James na mahal niya siya, ngunit nasa ang pagmamahal na iyon?

Umupo si Alex sa kama at niyakap ang mga binti habang ipinaton niya ang kanyang baba sa kanyang tuhod. ‘Ano na ang gagawin mo Alex?’ tanong sa sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba si Alex para kumuha ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status