Share

KABANATA 14

Pinatay ni James ang tawag at ibinulsa muna ang telepono ni Alex. Mula sa kabilang bulsa, dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter.

Mula sa floor to ceiling glass door papunta sa balkonahe, nakita ni Alex ang pagsisigarilyo ng kasintahan. ‘Stress siguro to.’ sabi niya sa isip at saka tumikhim.

‘Siguradong pinipilit siyang papuntahin ng babaeng iyon kaya siya nagkakaganyan. Bakit ba naman kasi tong lalaking ito, hindi makatanggi sa babaeng iyon na hindi niya matanggihan? Ano ba ang relasyong meron sila?’ takhang tanong niya.

Matapos magsigarilyo ay pumasok si James sa kanilang kwarto. Kasabay noon ay ang pagbuga niya ng usok at amoy ng sigarilyo ay nalanghap ng kawawang buntis na muntik niya ng ikinaduwal.

“Be mindful! May buntis dito, magpapasok ka pa ng usok ng sigarilyo.” Iritang pagsesermon ni Alex habang nagpapaypay ng kamay sa hangin.

“Sorry,” tanging sambit ni James.

Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at inabot kay Alex. “Pasensy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status