Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha sa mata ni Alex. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Dala-dala ang kanyang maleta, pumara si Alex ng taxi patungo sa airport. Kinakagat na lamang niya ang kanyang labi upang tumigil siya sa paghikbi hanggang sa makasakay siya. Agad siyang kumuha ng ticket na papuntang Butuan, ang probinsya ng kanyang mga magulang. Bago pa man niya patayin ang kanyang phone, ay tumawag ang kanyang kaibigan na si Grace.“Hello, girl… Saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan para sana sa follow up check up mo. Bakit di mo sinasagot tawag ko?” Tanong ni Grace.“Sorry. Nasa byahe kasi ako.”“Byahe? Saan ka papunta?” tanong ni Grace.Welcome aboard! This is flight 5J65 going to Butuan…“Wait! Nasa eroplano ka?! Saan ka papunta?” Bakas sa tono ng boses ni Grace sa kabilang linya ang pagkataranta.“Pauwi ako sa probinsya nila mama. Mamaya ipapaliwanag ko sayo pagnakarating na ako sa bahay. Kailangan ko nang patayin ang taw
Humiga na si Alex matapos niyang makainum ng gamot, upang makapagpahinga siya. Ngunit kahit na anong pikit niya, ay hindi pa rin siya makatulog. ‘Namamahay siguro ako. O dahil matigas ang hinihigaan ko at di ako komportable. Tingin ko kailangan ko bumili ng kutson bukas.’ Umupo na lamang is Alex sa kanyang hinihigaang katre, at naalalang magbukas ng kanyang telepono. At dahil bago ang kanyang sim, ay sinubukan niyang magbukas ng kanyang social media.Sunod-sunod naman ang mensaheng natanggap ni Alex sa kanyang messenger galing sa kanyang kaibigan na si Grace. At kahit kay Cynthia ay nakatanggap rin siya ng mga mensahe.Isa isa niyang binsa ang mga mensahe bago niya naisipang tawagan ang kaibigan.“Hello, girl! Buti na lamang at tumawag ka. Mamamtay ako sa pag-aalala sayo. Ininum mo ba ang gamot na nireseta sayo?”“Huwag ka mag-alala iniinum ko po ang nireseta mong gamot, doktora.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan.“Mabuti naman… Ay siya nga pala, tumawag ba ang Ex mo sayo?”“Hindi.”
“Kay gandang pagmasdan ng tanawin, hindi ba?” Napatalon sa gulat si Alex nang biglang bumulong sa tenga niya si Nanay Meding.“Nanay, nakakagulat naman po kayo.” Sabay hawak ni Alex sa kanyang kumakabog na dibdib.Natawa na lamang ang matanda nang makita ang mapula-pulang pisngi ni Alex.“Iha, huwag ka mag alala. Huli ka man ay hindi ka makukulong.” Pang-aalaska pa ni Nanay.Kulang na lamang ay magpalamon na si Alex sa lupa sa kahihiyan nang mahuli pa siyang titig na titig sa lalaki.“Gagamit ka ba ng banyo?” Walang emosyong tanong ng binata sa kanya.“Ah-oo.” Nahihiya niyang tugon. Nagmamadaling pumasok ng banyo si Alex upang maitago ang kahihiyan na nangyari sa labas.“Nakita mo ba mukha niya?” Tanong ni Nanay at matawa tawa pa sa pangyayari. “Pulang-pula si Alexandra. Nahuli ko siya nakatitig sayo. Mukhang mahahanapan na kita sa wakas ng nobya.”“Si Nanay talaga.” Napailing na lamang na nangingiti si Brandon sa kalokohan ng Ginang.“Nagluto nga pala ako ng agahan sa bahay. Pumunt
“Oh. Bakit ikaw lamang ang pumarito?” Tanong ni Nanay Meding nang mapansing mag-isa lamang si Brandon na pumunta sa kanyang bahay.“Busog raw po si Alex,” sagot ni Brandon.“Naku… Kaya ang payat niya at maputla eh. Hindi siguro nagkakakain iyong batang iyon.” Bulalas ni Nanay Meding habang naghahanda ng pagkain sa hapag.Tumulong na din si Brandon sa paglalagay ng mga kubyertos dahil di naman na siya bago sa bahay ng matanda. Itinuring na ni Brandon na pangalawang magulang ang mag-asawang De Silva dahil tatlong taon na rin siyang nanirahan ssa lugar na iyon. Mula nang magpahinga siya sa pagiging sundalo ay doon na siya tumira.Matapos nilang kumain ay nag-alok na si Brandon na hugasan ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kabilang bahay.“Brandon, Iho, dalhin mo na lamang itong champorado kay Alexandra. Baka nahihiya lamang iyon na pumunta rito.” Bilin ni Nanay Meding sa binata, matapos nito maghugas ng plato.“S-sige po.” Nag-aalangan man, dahil baka hindi rin kainin ni Alex ang c
“Alex, kamusta ka? Saan ka ngayon?” Tanong agad ni John sa kanya.Baka sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala. Halatang alam niya na ang nangyari at marahil ay nasabi na rin sa kaniya ng kanilang magulang ang kalokohan ng kanyang kapatid.Hindi na napigilan ni Alex ang mahagulgol. Kahit papaano ay itinuring niya itong tunay na kapatid na pwede niyang takbuhan kapag siya ay may problema.“Kamusta ka? Saan ka ngayon?” Agad na tanong ni John.Pinunasan ni Alex ang mga luha at sumagot, “Hindi ako okay, kuya. Pero kinakaya ko.” Sagot niya.Biglang natahimik naman sa kabilang linya na animo'y nag-iisip ng sasabihin.“Saan ka? Pupuntahan kita.”Hangga't maaari ayaw ni Alex na sabihin kahit kanino kung saan man siya ngayon. Dahil kahit dalawang araw pa lamang siya sa lugar na iyon ay napamahal na siya rito. Ang Butuan ang lugar ay sa tingin niya, matatakbuhan niya sa oras na kailangan niyang mapag isa. Malayo sa kabihasnan at kaguluhan ng Maynila. Sa lugar na ito nakakaramdam siya ng kapayap
“Bakit di nalang natin totohanin. Single ka naman na, hindi ba?”Nahigit ni Alex ang kanyang hininga. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Di niya alam ang isasagot. At ilang minuto ding tumahimik ang paligid dahil sa nakakabiglang tanong na iyon.“P-paanong-”“Hindi ka pupunta sa lugar na ito kung hindi ka nagpapagalin sa sugat sa puso mo. At unang tingin ko palang sa iyo, halatang may pinagdadaanan ka. But don’t worry. I won’t tell anyone.”Tiningnan ni Alex sa mata si Brandon at sinusubukang basahin ang iniisip nito.“At huwag mo nang isipin ang sinabi ko. I was just messing with you. Gusto lang kitang asarin.”Tila naman nabunutan ng tinik si Alex. Kung sa bulto ng katawan at hitsura ang labanan ay di hamak na mas lamang si Brandon kumpara kay James. Ngunit hindi madaling kalimutan ang sampung taong relasyon niya kay James. Kaya tama rin si Brandon na siya nga ay pumunta rito upang pagalingin ang sarili… Pisikal, mental, at lalo na ang
Si Frixie ay dalawang taon nang biyuda. Mula nang makilala niya si Brandon, ay hindi niya itinago ang pagkahanga sa lalaki. Binabakuran niya pa ito upang walang ibang babaeng magkakagusto kay Brandon. Madalas naman siyang tawagin ni Nanay Meding na Pigsie dahil sa pag uugali nito. Maayos manamit si Frixie ngunit sa loob ng kanyang bahay, ay magulo at walang ayos. At kapag nalalasing ito ay kung saan saang lugar lamang ito humihiga at nagtatanggal ng damit.At sa tuwing nalalasing ito ay namomroblema si Nanay Meding dahil lagi itong pumupunta sa kanyang paupahang bahay para akitin si Brandon. Ngunit noon pa man ay hindi interesado si Brandon kay Frixie.“Frixie, huwag mong hintayin na tumawag pa ako ng mga pulis para ipadampot ka.”Baka sa tono ng Ginang ang inis at pagod niya sa pagpipigil kay Frixie. Ngunit sa kanyang katandaan, ay di na niya kayang maawat pa ang babae sa gusto niyang gawin.“Anong nangyayari dito?” Sabay napalingon sina Nanay Meding at Frixie nang biglang bumukas an
Araw-araw na routine ni Alex ang tumulong sa mga kababaihan tuwing umaga sa paglilinis ng kapaligiran. Isa ito sa mga nagustuhan niya sa lugar, ang pagbabayanihan. Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin siya nagsasawa na tumulong at makihalubilo sa mga tag baryo. Matapos niyang maglinis ay naisipan niyang tumungo sa pamilihan upang bumili ng mga prutas at iba pang pagkain na gusto niyang kainin.Napadaan si Alex sa mga naglalako ng pakwan at nakita ang nagkukumpulang mga tao na bumibili doon.‘Anong meron? Siguro ay matamis ang mga pakwan ni manong kaya maraming bumibili.’“Pakwan kayo riyan! Mura na matamis pa!” Alok ng isang batang kasamang nagtitinda ng pakwan.“Ate, subukan mo itong pakwan namin. Masarap to.”“Libre ba yan?” tanong ni Alex.“Opo libre tikim. Pero mas maganda rin kung bibili ka saamin,” nakangiting sagot ng bata.“Sige, patikim ako.”Mamula-mula ang pakwan at ng tinikman ni Alex ay di na siya nagdalawang isip na bumili ng dalawang buong pakwan. Naisipan ri
Habang sila ay nasa byahe, nadaanan nila Alex at daan papunta sa building ng kompanya nina James. At naalala ni Alex na may naiwan siyang papeles doon. Kinalabit ni Alex si Brandon.“Okay lang banag dumaan muna tayo saglit sa kompanya? May kukunin lang akong papeles.” sabi nito.Tumango si Brandon at ipinarada ang motor sa harap ng mataas na building.“Saglit lang ako,” saad ni Alex at nagmadaling pumasok sa loob ng kompanya.Nakarating si Alex sa sixteenth floor at wala nang tao roon. Madilim na rin ang paligid dahil gabi na din at nagsiuwian na ang empleyado. Agad na nagtungo sa kanyang desk at binuksan ang ilaw ng kanyang phone upang mahanap ang papeles na itinago niya sa kanyang drawer.Lalabas na sana siya ng makita niya ang kanyang hinahanap… Ngunit nakarinig siya ng mga yabag at pamilyar na mga boses na nag-uusap.“James, mahal mo pa si Alex, hindi ba?” tanong ni Ivy.“Oo, at siya pa rin ang fiance ko.” sagot ni James na ikinasinghap ni Alex.‘Mahal niya ako?’ hindi makapaniwal
Huminto sila Alex sa harap ng motor ni Brandon nang magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatingin sila pareho sa knanilang magkalingkis na kamay at tila ba napapasong binitawan ni Alex ang kamay ni Brandon.“Sorry,” saad ni Alex.Kinapa ni Alex ang kanyang bulsa upang hanapin ang kanyang cellphone. Ngunit naalala niyang naiwan ito sa lamesa sa loob ng milk tea shop.“Balik muna ako sa loob. Naiwan ko ang phone ko.” sabi ni Alex.Pipigilan na sana siya ni Brandon, ngunit mabilis itong bumalik sa loob. Kinuha ni Alex ang kanyang phone at pumunta sa banyo upang magbanyo. Sa kanyang paglabas ay nagulat siya nang may isang kamay ang humawak sa braso niya. Mahigpit ito kaya napapiksi siya sa sakit.“Ano ba bitawan mo nga ako!” inis na singhal ni Alex.Nagngingit ngit naman sa galit si James. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik na tila ba lalamunin niya ng buhay si Alex.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito kay Alex.Naguguluhang tinignan ni Alex si James sa mata.“Ano bang pinagsa
“You deserve someone who will love and not hurt you,” napatulala si Alex sa sinabi ni Brandon.“Kaya huwag ka ng umiyak.” dagdag nito at bahagyang ngumiti sa kanya.‘Tama siya. Kailangan ko ngayon ay kapayapaan. Ano man ang nangyayari ngayon sa dalawa ay hindi ko na dapat pag-abalahan pa.’ sabi niya sa isip.Ngumiti si Alex kay Brandon. “Salamat,” saad niya ng ibigay ni Brandon ang panyo nito. Muling tumingin si Alex sa kanila ni James at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga tingin. Ngunit agad naman nagbawi si Alex nang mapansing kinuha ni Brandon mula sa kanyang kamay ang helmet na hawak niya at isinuot iyon sa kanya.“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong nito.Tumango na lamang si Alex, bago sumakay sa motor ni Brandon. Nakarating sila sa isang sikat na milktea shop di kalayuan sa restaurant na kanilang kinainan.‘Siguro naman di na sila pupunta dito.’ sabi ni Alex sa isip.Ngunit napanganga na lamang siya nang makita ang sasakiyan ni James na nakaparada sa labas ng milk tea
Mula sa di kalayuan, nakatayo ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang saglit pa lamang ay lumapit ito sa lamesa nila Alex.“Alex,” bati nito.“Andito ka din pala. What a coincidence!” sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapako sa lalaking kaharap ni Alex at walang pakialam na kumakain ng kanyang pagkain.‘Mga kabit nga naman sa panahong ito, wala nang hiya-hiya sa katawan. Saan kaya niya nakuha ang balat niya at may gana pang makipagbatian sakin?’ singhal ni Alex sa kanyang isip.Hindi talaga matatawaran ang kagwapuhang taglay ni Brandon. Lahat ng kababaihan ay hahanga talaga sa kanyang kagwapuhan. Kaya hindi masisisi ni Alex kung hindi mawala wala ang paninigin ni Ivy kay Brandon.“Ay oo naman. Restaurant to eh. At andito kami para kumain. Ganun ka din naman hindi ba?” sarkastikong tanong ni Alex na ikinahilaw ng mukha ni Ivy.Hindi pa rin nawala ang tingin ni Ivy kay Brandon, na hindi naman tumitingin sa kanya.‘Wala dito si
“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko l
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Dumarami ang mga tenant na nag-uusisa at nagbibigay ng kanilang opinyon habang abala si Brandon sa pagpihit ng main valve ng tubig. Samantalang si Alex ay nakakuyom ang kamay na nakatitig lamang kay Brandon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala na baka mabasa ang lalaki o di kaya ay mapahamak ang lalaki sa ginagawa.Hindi niya aakalaing walang kaarte arte at walang pag aalinlangang humiga si Brandon sa lupa kahit na alam niyang madudumihan siya. Naglalabasan na din ang mga ugat nito sa kamay, leeg at maging ang mukha ay namumula na dahil sa tigas ng pinipihit. Ngunit di parin ito umikot. Ipinahinga ni Brandon ang kanyang kamay bago muling pinigilan ang paghinga at pinihit muli ang valve.“Iho… Di mo yan maiikot. Marami nang sumubok na gumawa niyan pero wala paring nakapagpaikot dyam. Huwag ka na mag aksaya pa ng lakas.” sabat ng isang matandang dalaga na residente din ng apartment na iyon.“Brandon. Tama na yan. Hahanap na lamang ako ng gagawa.” nag aalalang sambit ni Alex.Matapo
“Balak mo ba talagang ipangalandakan na magkakilala tayo at yung nangyari kagabi? O panakot mo sakin yan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo?” Derechahang tanong ni Alex.“HIndi sa ganun.” sagot ni Brandon nang hindi nakatingin kay Alex.Napakuyom ng kamao si Alex sa inis. Bakas naman sa mga mata ni Brandon na hindi ito makatingin sa kanya at nagsisinungaling lamang siya.“Wala naman talaga akong kilala dito. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Anong problema ba doon? Tinulungan naman din kita noon sa Butuan, hindi ba?”‘Nanunumbat lang? So pag hindi pa ako ang tumulong sa kanya, wala na akong utang na loob?’ napasinghal si Alex sa isip. ‘Pero ayoko magkautang sa kanya, kahit utang na loob pa… Kailangan pa ring bayaran iyon.’ kinalma ni Alex ang sarili.“OKay sige. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Engineer Brandon Montenegro? Saan ka magpapasama. At ano ang bibilhin mo na kailangan pa ako ang kasama mo?” tanong nito.“Plano kung maghanap ng bahay rito.” tila nabilaukan si Alex sa saril