“Oh. Bakit ikaw lamang ang pumarito?” Tanong ni Nanay Meding nang mapansing mag-isa lamang si Brandon na pumunta sa kanyang bahay.“Busog raw po si Alex,” sagot ni Brandon.“Naku… Kaya ang payat niya at maputla eh. Hindi siguro nagkakakain iyong batang iyon.” Bulalas ni Nanay Meding habang naghahanda ng pagkain sa hapag.Tumulong na din si Brandon sa paglalagay ng mga kubyertos dahil di naman na siya bago sa bahay ng matanda. Itinuring na ni Brandon na pangalawang magulang ang mag-asawang De Silva dahil tatlong taon na rin siyang nanirahan ssa lugar na iyon. Mula nang magpahinga siya sa pagiging sundalo ay doon na siya tumira.Matapos nilang kumain ay nag-alok na si Brandon na hugasan ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kabilang bahay.“Brandon, Iho, dalhin mo na lamang itong champorado kay Alexandra. Baka nahihiya lamang iyon na pumunta rito.” Bilin ni Nanay Meding sa binata, matapos nito maghugas ng plato.“S-sige po.” Nag-aalangan man, dahil baka hindi rin kainin ni Alex ang c
“Alex, kamusta ka? Saan ka ngayon?” Tanong agad ni John sa kanya.Baka sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala. Halatang alam niya na ang nangyari at marahil ay nasabi na rin sa kaniya ng kanilang magulang ang kalokohan ng kanyang kapatid.Hindi na napigilan ni Alex ang mahagulgol. Kahit papaano ay itinuring niya itong tunay na kapatid na pwede niyang takbuhan kapag siya ay may problema.“Kamusta ka? Saan ka ngayon?” Agad na tanong ni John.Pinunasan ni Alex ang mga luha at sumagot, “Hindi ako okay, kuya. Pero kinakaya ko.” Sagot niya.Biglang natahimik naman sa kabilang linya na animo'y nag-iisip ng sasabihin.“Saan ka? Pupuntahan kita.”Hangga't maaari ayaw ni Alex na sabihin kahit kanino kung saan man siya ngayon. Dahil kahit dalawang araw pa lamang siya sa lugar na iyon ay napamahal na siya rito. Ang Butuan ang lugar ay sa tingin niya, matatakbuhan niya sa oras na kailangan niyang mapag isa. Malayo sa kabihasnan at kaguluhan ng Maynila. Sa lugar na ito nakakaramdam siya ng kapayap
“Bakit di nalang natin totohanin. Single ka naman na, hindi ba?”Nahigit ni Alex ang kanyang hininga. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Di niya alam ang isasagot. At ilang minuto ding tumahimik ang paligid dahil sa nakakabiglang tanong na iyon.“P-paanong-”“Hindi ka pupunta sa lugar na ito kung hindi ka nagpapagalin sa sugat sa puso mo. At unang tingin ko palang sa iyo, halatang may pinagdadaanan ka. But don’t worry. I won’t tell anyone.”Tiningnan ni Alex sa mata si Brandon at sinusubukang basahin ang iniisip nito.“At huwag mo nang isipin ang sinabi ko. I was just messing with you. Gusto lang kitang asarin.”Tila naman nabunutan ng tinik si Alex. Kung sa bulto ng katawan at hitsura ang labanan ay di hamak na mas lamang si Brandon kumpara kay James. Ngunit hindi madaling kalimutan ang sampung taong relasyon niya kay James. Kaya tama rin si Brandon na siya nga ay pumunta rito upang pagalingin ang sarili… Pisikal, mental, at lalo na ang
Si Frixie ay dalawang taon nang biyuda. Mula nang makilala niya si Brandon, ay hindi niya itinago ang pagkahanga sa lalaki. Binabakuran niya pa ito upang walang ibang babaeng magkakagusto kay Brandon. Madalas naman siyang tawagin ni Nanay Meding na Pigsie dahil sa pag uugali nito. Maayos manamit si Frixie ngunit sa loob ng kanyang bahay, ay magulo at walang ayos. At kapag nalalasing ito ay kung saan saang lugar lamang ito humihiga at nagtatanggal ng damit.At sa tuwing nalalasing ito ay namomroblema si Nanay Meding dahil lagi itong pumupunta sa kanyang paupahang bahay para akitin si Brandon. Ngunit noon pa man ay hindi interesado si Brandon kay Frixie.“Frixie, huwag mong hintayin na tumawag pa ako ng mga pulis para ipadampot ka.”Baka sa tono ng Ginang ang inis at pagod niya sa pagpipigil kay Frixie. Ngunit sa kanyang katandaan, ay di na niya kayang maawat pa ang babae sa gusto niyang gawin.“Anong nangyayari dito?” Sabay napalingon sina Nanay Meding at Frixie nang biglang bumukas an
Araw-araw na routine ni Alex ang tumulong sa mga kababaihan tuwing umaga sa paglilinis ng kapaligiran. Isa ito sa mga nagustuhan niya sa lugar, ang pagbabayanihan. Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin siya nagsasawa na tumulong at makihalubilo sa mga tag baryo. Matapos niyang maglinis ay naisipan niyang tumungo sa pamilihan upang bumili ng mga prutas at iba pang pagkain na gusto niyang kainin.Napadaan si Alex sa mga naglalako ng pakwan at nakita ang nagkukumpulang mga tao na bumibili doon.‘Anong meron? Siguro ay matamis ang mga pakwan ni manong kaya maraming bumibili.’“Pakwan kayo riyan! Mura na matamis pa!” Alok ng isang batang kasamang nagtitinda ng pakwan.“Ate, subukan mo itong pakwan namin. Masarap to.”“Libre ba yan?” tanong ni Alex.“Opo libre tikim. Pero mas maganda rin kung bibili ka saamin,” nakangiting sagot ng bata.“Sige, patikim ako.”Mamula-mula ang pakwan at ng tinikman ni Alex ay di na siya nagdalawang isip na bumili ng dalawang buong pakwan. Naisipan ri
“Sa susunod, huwag ka magsusuot ng maiksing palda.” anas niya sabay talikod sa dalaga.Biglang nagtaka si Alex sa sinabi ng lalaki.“Anong masama sa palda ko? Nakashorts naman ako ng maiksi. Kaya kahit umangat ito ay hindi ako masisilipan.” tanong niya.Binigyan ng masamang tingin patagilid ni Brandon si Alex habang nag-igting ang kanyang panga.“Masma ang pagsusuot mo ng maiksing palda, tapos.” sagot niya bago ito umalis at lumapit kay Nanay Meding.“Pansin niyo ba sino naglagay ng maraming mantika rito malapit sa bakuran ko?” tanong ni Nanay sa mga ususerong nakasilip kanina lamang sa kanyang bakuran.Umiling sila at agad na nagpulasan. Alam nila kung sino ang salarin, ngunit walang may gustong magsalita. Mahirap kalaban si Frixie kaya ayaw nila itong kantiin.“Kilala ko nay.” sagot ni Brandon mula sa likuran ni Nanay Meding.Hindi na siya nagbanggit ng pangalan at agad na nilapitan si Frixie.Hindi maipinta ang inis sa mukha ni Brandon, samantalang si Frixie naman ay kinikilig na na
“Pasensya ka na sa nangyari kanina. Pangako kong hindi na iyon mauulit.” Paghinging paumanhin ni Nanay Meding kay Alex.“Hindi naman po kayo ang gumawa noon kaya huwag po kayo humingi ng tawad.” sagot ni Alex.“Kahit na, iha. Kargo kita kung ano man ang mangyari sayo. At baka multuhin pa ako ng mama at papa mo, sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.” Sagot ni Nanay Meding sabay nag-sigh of the cross.Natawa naman si Alex. ‘May takot pa pala si Nanay sa multo? He-he.’ bulong niya sa sarili.“Huwag ka mag-alala at sinabihan ko si Frixie, na oras may gawin ulit siya sa iyo ay hindi ko na palalampasin at isusumbong ko na siya sa kapitan ng barangay o di kaya ay sa kapulisan.”“Hindi naman na po kailangan umabot pa sa ganoon, nay.”“Hindi, anak. Dapat ipinaglalaban mo ang tama.” Tumango na lamang si Alex sa sinabi ng Ginang.Dumating naman si Brandon na may dala-dalang pakwan.“Aba’y napakasweet naman nitong si Brandon, at nagdala pa ng pakwan. Komento ni Nanay Meding.“Ay, nay! May binili
Nagmadaling pumasok si Alex sa kanyang kwarto at agad na isinandal ang katawan sa pinto pagkasara niya rito. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na kanina pa malakas ang kabog na tila ba ito ay lalabas na ang kanyang puso sa lakas ng kaba nito.“Hoy, Alexandra Bautista. Tumigil ka. Galing ka pa sa sampung taong relasyon at ngayon ilang linggo lang ang lumipas bakit para nakalimutan mo na agad si James? Nakunan ka pa nga. Di ka pa ba nadadala?” Sermon niya sa kanyang sarili.Umiiling si Alex at pinakalma ang sarili. Lumapit siya sa kanyang higaan at umupo. Nagtingin si Alex ng kanyang phone, chineck kung may mga bago siyang mensahe. Pinindot niya numero ng kaibigan upang tawagan ito nang makita niyang may missed call ang kaibigan.MAkaraan ang ilang pagring sa kabilang linya ay sinagot naman ni Grace ang tawag niya. “Hello,”“Hello. Napatawag ka kanina. Bakit?” tanong ni Alex agad.“Wala lang. Kinakamusta ka lang. Saan ka ba? Bakit di ka sumasagot ng tawag?” tanong ni Grace.“Lumabas ako
Ilang minuto silang tahimik dalawa habang binabaybay ang daanan patungo sa kanilang patutunguhan. At dahil sa dilim ng paligid, hindi namalayan ni Brandon ang tumatawid na aso sa kalsada. Kaya naman sa gulat nito, ay ikinabig niya ang manibela sa kabilang linya, dahilan upang makasalubong nila ang isang malaking trak na papalapit sa kanila.“Ahhh!!!” Sigaw ni Alex na agad nagpikit ng mata sa takot na sila ay mababangga. Ang kabang naramdaman ni Alex ay halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan.Ngunit kalmado lamang ang nagmamanehong si Brandon, na agad iniliko ang minamanehong sasakyan pabalik sa dating linya. Agad na itinabi ni Brandon ang kotse at nilingon ang nakapikit at mahigpit na nakakapit sa kanyang seatbelt na si Alex.“Alex… Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito.Doon lamang napagtanto ni Alex na sila ay ligtas at hindi napahamak sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwag at agad na tinanggal ang suot na seat belt upang mayakap si Brandon. Naramdaman na lamang
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na