“Alam mo, minsan mabilis din makamove-on kung may bagong kapalit,”Napakunot ang noo ni Alex. ‘Minsan talaga si Nanay kakaiba mag-isip.’ bulong ni Alex sa sarili.Kinagat ni Alex ang kanyang ibabang labi. “Sa ngayon, Nay… Hindi pa ko ready talaga na pumasok muli sa relasyon. Masyado pang masakit ang relasyon na matagal kong pinaglaan ng pagmamahal at oras. Okay na muna na ako na lang muna. Sarili ko na muna ang pagagalingin ko at mamahalin ko.”“Hay… Naku makakalimutan mo rin siya. Pero ikaw bahala. Minsan kasi di nababase sa tagal ng pagkakakilanlan ang taong itinadhana talaga para sayo. Minsan kahit kakikilala mo lang alam mo nang mahal mo na. Marami akong kilala na nagtatagal at ikinasal kahit na isang linggo mo pa lamang nakilala ang tao. Gaya ko at ng asawa ko. Isang linggo pa lamang kami magkakilala pero hanggang ngayon ay mahal parin namin ang isa’t-isa.” Ngumiti si Nanay Meding gayun din si Alex.Inabot ni Nanay ang kamay ni Alex. “Balang araw maghihilum din iyang sugat sa pus
Habang nag-uusap si Nanay Meding at Alex tungkol sa buhay pag-ibig ni Alex ay nasa labas naman ng bahay ni Nanay Meding si Brandon at papasok na sana, ngunit pinili niyang huwag nang tumuloy na pumasok matapos marinig ang usapan nina Nanay at Alex. Bumalik na lamang si Brandon sa kanyang kwarto at nagligpit ng kanyang gamit.Nakikiramdam si Brandon kung nakapasok si Alex sa kanyang kwarto at matutulog na, upang siya naman ang lumabas at umalis ng bahay. Dala ang kanyang bagahe, napalingon si Brandon sa gawi ni Alex. Nagulat pa ito at tila di niya aakalaing gising pa ang dalaga.“Aalis ka?”“Oo,”“Saan?”“Pauwi,” simpleng sagot ni Brandon bago tuluyang umalis, at naiwan ang kanyang kwartong nakabukas. Dala ng pagka mausisa, napunta si Alex sa kwartong iyon. Binuksan niya ang ilaw. Malinis ang paligid. May mga gamit din na luma na gaya ng mga maliliit na plorerang, sa pagkakatanda niya ay mga koleksyon ng kanyang mga magulang. Naroon rin sa loob ang isang lumang kabinet na lagayan ng d
“S-sir,” nauutal na bati ni Cynthia sa boss niyang si James.“Cynthia, anong ginagawa mo rito?” tanong ni James. Agad namang dumapo ang tingin ni James sa cellphone na hawak ni Cynthia, na agad namang nagbaba ng kanyang kamay na may hawak na phone. Itinago niya ito sa bulsa ng kanyang suot na pantalon upang di makahalata ang kaniyang boss na kausap nito si Alex.“Ah… Ehhh… Ano po… Chinecheck ko lang po ang mga lights kung maayos.” Ngumiti ng may pag-aalinlangan si Cynthia.“Pwede mo naman tingnan sa baba bakit umakyat ka pa rito?”Napawi ang ngiti ni Cynthia at napalitan ng kaba ang kanyang nararamdaman. Hindi niya pwedeng sabihin na kausap niya ang kanyang superior at pinapakita niya ang problema ng kanilang proyekto.“Ano po kasi… Uhm… Nagpapahangin! Tama. Nagpapahangin po ako. Sabi po kasi nila malamig dito na part.” Kumunot naman ang noo ni James at tila ba may pagdududa sa sinasabi ng empleyado.Ngunit kalaunan ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.“Natawagan mo na ba si A
Sa basketball court naglalaro ang magkaibigang si James at Timothy. Padabog na binato ni James ang bola sa inis nang matalo siya sa laro dahil ni isang shoot ay wala siyang naipasok na bola sa ring. “Dammit!” Hiyaw niya.“Chill, Dude. Laro lang to. Wala kang kalaban dito.” komento ni Timothy sabay tapik sa balikat ng kaibigan.Pumalag naman si James at binigyan siya ng masamang tingin.“Hindi ka pa rin ba tinatawagan?” tanong ni Timothy.Ang tinutukoy nito ay si Alex.“Ni pagreply sa text ko wala nga. At parang binlock niya pa ako sa socmed. Di ko na makita eh.”“Wow. For the first time. James Alexander Lopez, ay binlock ng kanyang ex-fiance na si Alexandra Bautista sa socmed.” Pang-aasar ng kaibigan na mas lalong ikinatalim ng kanyang tingin.“Nag-iinarte lang iyon. Masyado ko kasi siya napagbibigyan sa gusto. Kung sa bata pa, nagtatrantrums.” Palusot ni James.“Tantrums? Baka ikaw ang spoiled sa kanya. Kaya ngayon mataas ang confidence mong babalik siya kahit alam mo na hindi na.”“
“May kailangan ka pa po ba, Sir?” inemphasize tlaga ni Alex ang salitang “Sir”.Hindi nakapagsalita agad si James.“Kung wala na ay aalis na po ako.” Pagpapaalam nito.“Alex,”Habol na tawag ni James na ikinalingon naman ng dalaga. Walang emosyon ito at pawang employer-employee relationship ang pakitungo nito sa kanya ngayon. Animo ay nakikipag-usap si James sa isang robot.“Ano pa po ang kailangan niyo?” tanong ng dalaga pagkalingon nito.Napansin ni Alex ang suot niton kurbat na kulay asul at sa pagkakatanda niya ay binili niya ito para sa lalaki bilang regalo sa kanyang kaarawan. Ni minsan di niya iyon nakikita noon na isinusuot at madalas na itim at pulang kurbata lamang ang lagi nitong gamit. Kaya hindi inexpect ni Alex na makita niyang suot suot ito ngayon ni James.Bukod pa roon ay hindi maiwasan ni Alex na mapagkumpara si James at Brandon.‘Parang pumangit sa paningin ko si James. Hindi na siya kagaya ng dati na nagagwapuhan pa ako. Kumpara kay Brandon, di hamak mas malinis an
Humagalpak ng tawa si Alex na tila ba nakarinig siya ng sobrang nakakatawang joke.“Chance? Tayo?” Palipat lipat ng turo si Alex sa kanyang sarili at kay James.Agad naman tumango si James, ngunit nkakunot na rin ang noo sa pagtataka dahil sa pagtawa ni Alex.Ang kaninang tuamatawang si Alex ay nawala at napalitan ng walang emosyong mukha.“Sa ginawa mo, sa tingin mo magkakabalikan tayo? Mahal kita James pero hindi din ako tanga at martir. May nararamdaman din ako.”“Hindi ko naman alam-”“Lahat naman hindi mo alam. Yung bahay na tinitirahan ni Ivy ngayon for sure alam mo.”Tila namutla ang mukha ni James at nanigas ito sa kanyang kinatatayuan.“Surprised? Paano ko alam? Pumunta ako doon sa sinasabi mong surpresa para sa akin. At totoo ngang nasurpresa ako. Kasi may binabahay ka na pala sa bahay na dapat ireregalo mo kuno sa akin.” Sarkastikong litanya ni Alex.“Alex, let me explain first-”“But you know what? Kahit pa magpaliwanag ka ng isang daang beses, di pa rin magbabago ang desis
“Mahal ka ni James.”Mapait na tumawa si Alex sa narinig. “Mahal? Kailan niya ipinaramdam sa akin na mahal niya ako? Oo, pinangangalandakan niya na mag asawa na kami kahit di pa kami kasal. Oo, binibigyan niya ako ng regalo tuwing may okasyon. Oo, maalaga siya sa akin noon. Pero nasaan ang assurance doon na mahal niya ako? Sa twing sinasabihan ko siya ng I love you, walang akong narinig na sagot sa kanya kundi ang pagtango lamang. Nasaan ang pagmamahal doon? Baka nasanay lamang siya na kami na ang magkasama for the past ten years. At pinangangatawanan lamang niya ang pinangako niya sa akin sa mismong araw ng libing ng mga magulang ko na aalagaan niya ako at siya na ang magiging pamilya ko. Ngunit ng dumating ka, parang nakalimutan na niya ako. Isinantabi niya ako at ang bata sa sinapupunan ko. Mas inuna pa niya ang anak ng kaibigan niya kaysa sa sarili niyang anak. Sa tingin mo iyon ang masasabi mong mahal niya ako?”Tumahimik si Ivy sa sinabi ni Alex.“Pero mali ka nang iniisip samin
“Ano naman ang ginagawa ng linta na iyon sa opisina?” Tanong ni Grace bago uminum ng tubig..“Siya na ang bagong head ng finance department.” Anunsyo ni Alex na ikinagulat ni Grace.Naibuga tuloy niya ang tubig na nasa loob na ng kanyang bibig.“What?! Teka, alam ba ito ng chairman?” Nagkibit balikat si Alex sa tanong ni Grace.“Hindi ko alam,”‘Oo nga… Alam kaya nila tito at tita ang nangyayari sa kumpanya? Imposibleng hindi nila alam lalo na si Tito. Dahil may nilagay siyang espiya sa loob ng kompanya at alam niya ang nangyayari doon. Pero kung alam niya, bakit di sila gumawa ng aksyon ngayon? Alam kaya nila na ang bagong head of finance ay ang babaeng tinutukoy ko sa kanila noon? Kung alam nila, bumaliktad na ba ang sitwasyon at hindi na sila galit sa babaeng dahilan ng pagkawala ng anak namin ni James?’“Alex… Alex… Hoy!” Pinitik ni Grace ang noo ni Alex dahil sa lalim ng iniisip nito.“Sorry, may sinasabi ka?” Tanong ng dalaga.“Ang lalim ng iniisip ah. Ano ba iniisip mo? Share n
Habang sila ay nasa byahe, nadaanan nila Alex at daan papunta sa building ng kompanya nina James. At naalala ni Alex na may naiwan siyang papeles doon. Kinalabit ni Alex si Brandon.“Okay lang banag dumaan muna tayo saglit sa kompanya? May kukunin lang akong papeles.” sabi nito.Tumango si Brandon at ipinarada ang motor sa harap ng mataas na building.“Saglit lang ako,” saad ni Alex at nagmadaling pumasok sa loob ng kompanya.Nakarating si Alex sa sixteenth floor at wala nang tao roon. Madilim na rin ang paligid dahil gabi na din at nagsiuwian na ang empleyado. Agad na nagtungo sa kanyang desk at binuksan ang ilaw ng kanyang phone upang mahanap ang papeles na itinago niya sa kanyang drawer.Lalabas na sana siya ng makita niya ang kanyang hinahanap… Ngunit nakarinig siya ng mga yabag at pamilyar na mga boses na nag-uusap.“James, mahal mo pa si Alex, hindi ba?” tanong ni Ivy.“Oo, at siya pa rin ang fiance ko.” sagot ni James na ikinasinghap ni Alex.‘Mahal niya ako?’ hindi makapaniwal
Huminto sila Alex sa harap ng motor ni Brandon nang magkahawak ang kanilang mga kamay. Napatingin sila pareho sa knanilang magkalingkis na kamay at tila ba napapasong binitawan ni Alex ang kamay ni Brandon.“Sorry,” saad ni Alex.Kinapa ni Alex ang kanyang bulsa upang hanapin ang kanyang cellphone. Ngunit naalala niyang naiwan ito sa lamesa sa loob ng milk tea shop.“Balik muna ako sa loob. Naiwan ko ang phone ko.” sabi ni Alex.Pipigilan na sana siya ni Brandon, ngunit mabilis itong bumalik sa loob. Kinuha ni Alex ang kanyang phone at pumunta sa banyo upang magbanyo. Sa kanyang paglabas ay nagulat siya nang may isang kamay ang humawak sa braso niya. Mahigpit ito kaya napapiksi siya sa sakit.“Ano ba bitawan mo nga ako!” inis na singhal ni Alex.Nagngingit ngit naman sa galit si James. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik na tila ba lalamunin niya ng buhay si Alex.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong nito kay Alex.Naguguluhang tinignan ni Alex si James sa mata.“Ano bang pinagsa
“You deserve someone who will love and not hurt you,” napatulala si Alex sa sinabi ni Brandon.“Kaya huwag ka ng umiyak.” dagdag nito at bahagyang ngumiti sa kanya.‘Tama siya. Kailangan ko ngayon ay kapayapaan. Ano man ang nangyayari ngayon sa dalawa ay hindi ko na dapat pag-abalahan pa.’ sabi niya sa isip.Ngumiti si Alex kay Brandon. “Salamat,” saad niya ng ibigay ni Brandon ang panyo nito. Muling tumingin si Alex sa kanila ni James at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga tingin. Ngunit agad naman nagbawi si Alex nang mapansing kinuha ni Brandon mula sa kanyang kamay ang helmet na hawak niya at isinuot iyon sa kanya.“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong nito.Tumango na lamang si Alex, bago sumakay sa motor ni Brandon. Nakarating sila sa isang sikat na milktea shop di kalayuan sa restaurant na kanilang kinainan.‘Siguro naman di na sila pupunta dito.’ sabi ni Alex sa isip.Ngunit napanganga na lamang siya nang makita ang sasakiyan ni James na nakaparada sa labas ng milk tea
Mula sa di kalayuan, nakatayo ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang saglit pa lamang ay lumapit ito sa lamesa nila Alex.“Alex,” bati nito.“Andito ka din pala. What a coincidence!” sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapako sa lalaking kaharap ni Alex at walang pakialam na kumakain ng kanyang pagkain.‘Mga kabit nga naman sa panahong ito, wala nang hiya-hiya sa katawan. Saan kaya niya nakuha ang balat niya at may gana pang makipagbatian sakin?’ singhal ni Alex sa kanyang isip.Hindi talaga matatawaran ang kagwapuhang taglay ni Brandon. Lahat ng kababaihan ay hahanga talaga sa kanyang kagwapuhan. Kaya hindi masisisi ni Alex kung hindi mawala wala ang paninigin ni Ivy kay Brandon.“Ay oo naman. Restaurant to eh. At andito kami para kumain. Ganun ka din naman hindi ba?” sarkastikong tanong ni Alex na ikinahilaw ng mukha ni Ivy.Hindi pa rin nawala ang tingin ni Ivy kay Brandon, na hindi naman tumitingin sa kanya.‘Wala dito si
“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko l
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Dumarami ang mga tenant na nag-uusisa at nagbibigay ng kanilang opinyon habang abala si Brandon sa pagpihit ng main valve ng tubig. Samantalang si Alex ay nakakuyom ang kamay na nakatitig lamang kay Brandon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala na baka mabasa ang lalaki o di kaya ay mapahamak ang lalaki sa ginagawa.Hindi niya aakalaing walang kaarte arte at walang pag aalinlangang humiga si Brandon sa lupa kahit na alam niyang madudumihan siya. Naglalabasan na din ang mga ugat nito sa kamay, leeg at maging ang mukha ay namumula na dahil sa tigas ng pinipihit. Ngunit di parin ito umikot. Ipinahinga ni Brandon ang kanyang kamay bago muling pinigilan ang paghinga at pinihit muli ang valve.“Iho… Di mo yan maiikot. Marami nang sumubok na gumawa niyan pero wala paring nakapagpaikot dyam. Huwag ka na mag aksaya pa ng lakas.” sabat ng isang matandang dalaga na residente din ng apartment na iyon.“Brandon. Tama na yan. Hahanap na lamang ako ng gagawa.” nag aalalang sambit ni Alex.Matapo
“Balak mo ba talagang ipangalandakan na magkakilala tayo at yung nangyari kagabi? O panakot mo sakin yan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo?” Derechahang tanong ni Alex.“HIndi sa ganun.” sagot ni Brandon nang hindi nakatingin kay Alex.Napakuyom ng kamao si Alex sa inis. Bakas naman sa mga mata ni Brandon na hindi ito makatingin sa kanya at nagsisinungaling lamang siya.“Wala naman talaga akong kilala dito. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Anong problema ba doon? Tinulungan naman din kita noon sa Butuan, hindi ba?”‘Nanunumbat lang? So pag hindi pa ako ang tumulong sa kanya, wala na akong utang na loob?’ napasinghal si Alex sa isip. ‘Pero ayoko magkautang sa kanya, kahit utang na loob pa… Kailangan pa ring bayaran iyon.’ kinalma ni Alex ang sarili.“OKay sige. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Engineer Brandon Montenegro? Saan ka magpapasama. At ano ang bibilhin mo na kailangan pa ako ang kasama mo?” tanong nito.“Plano kung maghanap ng bahay rito.” tila nabilaukan si Alex sa saril