“Ano naman ang ginagawa ng linta na iyon sa opisina?” Tanong ni Grace bago uminum ng tubig..“Siya na ang bagong head ng finance department.” Anunsyo ni Alex na ikinagulat ni Grace.Naibuga tuloy niya ang tubig na nasa loob na ng kanyang bibig.“What?! Teka, alam ba ito ng chairman?” Nagkibit balikat si Alex sa tanong ni Grace.“Hindi ko alam,”‘Oo nga… Alam kaya nila tito at tita ang nangyayari sa kumpanya? Imposibleng hindi nila alam lalo na si Tito. Dahil may nilagay siyang espiya sa loob ng kompanya at alam niya ang nangyayari doon. Pero kung alam niya, bakit di sila gumawa ng aksyon ngayon? Alam kaya nila na ang bagong head of finance ay ang babaeng tinutukoy ko sa kanila noon? Kung alam nila, bumaliktad na ba ang sitwasyon at hindi na sila galit sa babaeng dahilan ng pagkawala ng anak namin ni James?’“Alex… Alex… Hoy!” Pinitik ni Grace ang noo ni Alex dahil sa lalim ng iniisip nito.“Sorry, may sinasabi ka?” Tanong ng dalaga.“Ang lalim ng iniisip ah. Ano ba iniisip mo? Share n
‘Pinalayas? Ibig sabihin tinotoo ni Tito ang sinabi niya noon, bago pa man ako umalis sa bahay na ito? Saan kaya siya nakatira? Ibig sabihin magkasama sila sa bahay ng bruhang iyon?’Bumalik si Alex mula sa malalim na pag-iisip, nang marinig niya ang paghagulgol ng ina ni James. Agad niya naman itong inabutan ng tissue.“He deserves it? Anthony dalawa lang ang anak natin, at si John… Lulubog lilitaw lang iyon. Siya na nga lang ang anak natin na andito sa Pinas. Hindi ka na nakonsensya. Hindi ko tuloy alam kung nakakakain ba iyon ng maayos o hindi. At kung maayos ba siyang nakakatulog sa kung saan siya nakatira ngayon.”‘Wait… Hindi ba siya umuuwi na rito?’ tanong ni Alex sa sarili.“Buti nga hindi ko pa siya napapaalis sa kompanya.” sagot ni Anthony.“And besides… He’s old enough. Nasa legal age na siya to separate from us. Sa US nga kapag nag eighteen na ang mga bata, required na umalis sila sa poder ng mga magulang nila and maging responsable.” dagdag niya.Nakanguso paring masama a
Hindi makapaniwalang umiiling habang sinasamaan ng tingin ni MAry Anne ang asawa sa mga binitawang salita nito.“Nahihibang ka na, Antonio!” Tumayo ang Ginang at mabibigat ang mga paang umakyat papanik ng hagdan upang pumunta sa kanilang silid.Agad naman sumunod ang asawang si Anthony upang suyuin ang asawa. Habang naiwang hindi makapaniwala sa narinig si Alex at John sa salas. Ang hangin sa paligid ay nag-iba at tila walang may gustong magsalita rito.“Ah- Punta lang ako sa kwarto, Kuya. May kukunin pa kasi akong ibang gamit na naiwan ko.” Pagputol ni Alex sa katahimikan.Nagmamadali siyang umakyat papunta sa kanyang kwarto noon. Hindi na niya namalayan na nakasunod pala si John sa kanyang likuran. Napatalon siya sa gulat ng biglang nagsalita si John.“Akala ko hindi na kita makikita ulit. Buti at nakauwi ka rito.”“Naging bahay ko rin naman ng sampung taon ito. At sabi din naman sa akin nila tito at tita na welcome pa rin ako sa bahay na ito.” bulalas ni Alex.Napatingin si Alex sa
“May darating pa po ba kayong ineexpect na bisita?” tanong ni Cynthia.“Hindi. Wala. Malyo kasi tayo. Quezon city parehas ang tinitirahan natin at sa Makati ang meeting. Ang hirap kung babyahe pa tyo. MAs mabuti na lamang kung magstay tayo doon mamaya. Para di na tayo lalayo at pupunta pa tayo ng Laguna after.” Paliwanag ni Alex.“Ah… Hehe. Ang bait mo naman Miss.”“At isa pa pala… Kailangan nating makahanap ng pansamantalang matitirahan sa Sta. Rosa. Para di na hassle sa part natin. Kaya kung may boyfriend ka ngayon, mas maganda kung magpaalam ka na isang buwan kang malalayo sa kanya.” Paalala ni Alex.“Okay lang po. Mas maigi nang masubukan ko ang pagmamahal niya sakin.” Nakangiting sabi ni Cynthia na tila kumikinang pa ang mga mata sa saya.“Mabuti kung ganun. Oh, siya. Mag-asikaso na tayong lahat at baka matraffic pa tayo sa meeting natin mamaya.”Matapos ang kanilang meeting ay pagod na nahiga si Cynthia sa kama. Samantalang nagchecheck naman si Alex ng mga emails. Mga ilang minu
‘Montenegro?’Kumunot ang noo ni Alex. ‘Marami naman sigurong Montenegro sa mundong ito. Malabong siya iyon.’“Gaano ka husay ang itong tinutukoy mo na sa Mr. Montenegro?” tanong niya.Si Mr. Jurado ay nasa edad kwarenta. May katabaan ngunit palakaibigan naman ito. “Well, sa industriyang ito, kung sinabi niyang siya ang pangalawa, wala nang ibang magsasabing mas higit pa sila kay Mr. Montenegro. Dahil sa trabaho, halimaw ito gumawa. At polido.” Pagmamalaki ni Mr. Jurado.“Let’s see. Mabubunutan tayo ng tinik kung talaga ngang mahusay siya gaya ng iyong sabi.”“Bukod pa roon, ay single si Boss namin. Kaya kung may mairerecommend ka Miss Alex, ay ipakilala natin sa kanya.” Ngumiti si Alex.“Okay. Pero Mr. Jurado, baka naman po ay may girlfriend na iyon o kaya ay secret lover sa kompanya niyo,” pagbibiro ni Alex.“Naku, malabo, Miss.” sagot ni Mr. Jurado.“Ang kompanya din namin ay nag-aalok ng posisyon sa kompanya para sa mga asawa ng empleyado.” pagbibiro ni Mr. Jurado.Naging magaan a
Tanghali na, at pinili nila Alex at Cynthia na magtake-out ng kanilang pagkain at sa site na lamang sila kakain dahil sa dami ng tao na nasa restaurant na iyon. Nagulat na lamang si Alex na may isang bulto ng katawan ang lumapit sa kanila habang sila ay kumakain.“Alex,” nag-angat si Alex ng tingin at nakitang si Timothy iyon.“Timothy, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.“Imbitahan sana kita magdinner mamaya.”“Naku, pasensya na. May meeting kami mamaya. Makikipagkita ako sa technician na mag-aayos ng aming problema sa ilaw.” pagtanggi ni Alex.Tumingin si Timothy sa paligid. “Napaka-dedicated mo talaga sa theme park na ito.” komento niya.Huminga ng malalim si Alex. Binilin niya na mauna na lamang kumain si Cynthia bago siya tumayo upang makapag-usap sila ni Timothy ng masinsinan. Pumunta sila sa playpool.“Bakit umalis ka sa GC?” tanong agad ni Timothy pagkarating nila sa playpool. Bakas sa tono ng boses nito ang kaseryosohan.“Simple lang. GC niyo iyong magkakaibigan, at pamily
“Hindi. Pumunta lang ako dito para makipag-usap. Huwag ka mag-alala di ako kakampi ni James.” Napangiti si Alex sa sinabi ni Timothy. Totoo ngang hindi naman pumunta si Timothy para piitin siyang makipagbalikan kay James. “Nag-usap lamang kami ng mga bagay-bagay. Huwag mo masyadong isipin iyon. Isa pa. Kahit pa magpadala si James ng sandamakmak ng mga tagapagtanggol niya kahit Presidente pa ng Pilipinas ang pumunta, ay hindi pa rin mababago ang desisyon ko. Ang tapos ay tapos na. Hindi na maaaring lunukin ang dati mo nang isinuka.” Napabuntong hininga si Cynthia at umiiling na di makapaniwala sa kanyang narinig mula sa kanyang senior.“Hindi ko aakalain na ganyan ka pala katigas, Miss. Sa gwapo ni boss, hindi ka ba talaga bibigay at magpapakamarupok sa kanya, kahit na suyuin ka niya ng suyuin?” tanong ni Cynthia.Ngumita si Alex at nagtaas ng kanyang dalawang mga kilay. ‘Kung siguro ay sinyo niya ako, yung suyo na iparamdam niya na mahal niya talaga ako… Baka nga… Baka nga bumigay a
“So, ikaw pala si Mr. Montenegro na tinutukoy ni Mr. Jurado na magaling sa pag-aayos ng mga ilaw. Nice to meet you.” Ngumiti siya at nagpanggap na di niya kilala ang lalaki.Tila may kuryenteng dumaloy sa kanilang kamay kaya agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. Lihim na napangiti si Brandon sa ikinilos ni Alex, na tila hindi nito alam ang gagawin. Napatingin din siya sa pagkain na halos di nagalaw ni Alex.“Mukhang naistorbo pa yata namin ang inyong tanghalian. Kumain na muna kayo, Miss Bautista. Aalis na muna kami upang tingnan ang paligid.”“Hindi. OKay lang. Sasamahan ko kayo.”Agad na niligpit ni Alex ang kanyang pagkain. Naunang maglakad si Alex upang igiya sana sina Brandon at Melchor, ngunit napansin niyang hindi nakasunod si Brandon sa kanila.“Mr. Jurado, kumain ka na ba? Hindi pa din kasi ako kumakain. May pagkain pa ba kayo?” tanong niya kay Mr. Jurado ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin kay Alex.“Kumain na po ako, Sir.” Ngiting sagot ni Mr. Lu bago ito nil
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa
“Para saan kaya ang mga niluto niyang pagkain? Nasobrahan na naman ba siya ng luto kagaya ng sinasabi niya kagabi?” Nagtatakang tanong ni Alex habang naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa pagkain na nakahain sa lamesa.“Aha!” Tila nagkaroon ng bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ni Alex nang may naisip na tila ideya.‘Baka naman kaya niya ako nilulutuan niya ako ay balak niyang mag apply na tagluto ko? Ganun na ba siya ka nangangailangan?’ Napanguso si Alex sa kanyang naisip.Tila nakaramdam ng awa si Alex. ‘Di ko siya masisisi. Malayo ang Laguna dito sa Cavite. At araw araw kailangan niyang bumyahe papunta roon, dahil dito ang pinili niyang bahay. Bukod doon, may mga bayarin siya, katulad ng upa sa bahay, tubig at kuryente. Hindi naman gaanong malaki ang sinasahod nila sa kompanya. Kaya kailangan n iya nga ng dagdag na pagkakakitaan. Pero pwede naman niya sabihin iyon sakin. Kung balak niyang maghanap ng extra income, baka pwede ko siyang matulungan.’Umupo si Alex at dinukot
“Bakit? Sino pa ba gusto mong makasama? Hahanap ka ba ng bagong blind date ulit? O di kaya ay babalikan mo si James na ilang beses ka nang sinaktan?”“Brandon!”“Bakit ba ayaw mo sakin? May nagawa ba akong hindi maganda at hindi mo ikinatuwa?” tanong ng lalaki sa kanya.“Ilang beses na akong nagtatapat sayo at seryoso ako doon. At ilang beses mo na din akong tinatanggihan. Sabihin mo sakin kung wala ka talagang nararamdaman, at titigilan na kita.”Kumunot ang noo ni Alex sa pagtataka at pagkalito. Parang kanina lang sinasabi niya ang kanyang nararamdaman sa dalaga. Tapos ngayon ay bigla niyang babawiin.“Oo, nakatira na ako dito at katabi ng bahay mo. Pero ang tanging relasyon lamang natin ay ang magkapit-bahay at walang iba. Masaya ka na?”“...” Hindi nakapagsalita si Alex sa sinabi ni Brandon.‘So wala talaga siyang ibang intensyon na sakin, ngayon?’Nang hindi nakapagsalitang muli si Alex ay nagsalitang muli si Brandon.“Bakit ka nga pala tumawag at bakit mo ako gustong makausap?” t
“Brandon?!”‘Namamalikmata na ba ako ngayon? Bakit tila nakikita ko si Brandon sa kanya? Impossible namang siya yan. Dahil ba ilang araw na rin siyang walang paramdam kaya ako nagkakaganito?’ Pinikit ni Alex ang mga mata at umiling sa opag aakalang namamalik-mata lamang siya.Ngunit ng kanyang idilat ang mga mata ay nakita mismo ng malinaw niyang mga mata ang mukha ng lalaking bago niyang kapitbahay ng magtungo na ito sa balkonahe habang nakaharap sa kanyang, nakadikit pa rin ang cellphone sa kanyang tenga, at nagtama ang kanilang mga mata.Kumulo ang dugo ni Alex sa inis dhil sa hindi maipaliwanag na galit. ‘Ginagawa niya ba akong tanga?’ Humigpit ang paghawak niya sa telepono.“Lumabas ka at mag-uusap tayo.” May diin na sabi ni Alex.“Bakit?” Inosenteng tanong ni Brandon.“LU.MA.BAS. KA.” Bawat letra ay may diin. Agad napinatay ni Alex ang tawag at nagmadaling lumabas ng kanyang bahay, upang puntahan si Brandon sa kanyang bahay.‘Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako? Mas malala
Habang kausap ni Alex si Grace, narinig ni Alex ang pagbukas at pagsara ng pintuan mula sa kanyang katabing bahay.‘Iyon na kaya ang bago kong kapitbahay?’ Takhang tanong sa sarili.“Hello!? Alex? Andyan ka pa ba?” Bumalik ang atensyon ni Alex sa kausap sa telepono nang magsalita ito.“Text kita. Saglit lang.” Hindi na hinitay ni Alex ang sagot ng kanyang kaibigan at pinatayan niya ito ng tawag.‘Hindi naman siguro iyong lalaki kagabi ang nangupahan sa kabilang bahay. Mabait kaya ang bago kong kapitbahay? Sana maayos itong kausap. Ayoko na magkaroon ng pangatlong insidenteng hindi ko magugustuhan.’ Agad na kumuha si Alex ng isang kawali at itinabi ito sa kanyang kama. Naglagay din siya ng fire extinguisher sa gilid ng pintuan sa entrada ng kanyang bahay. Bukod roon dinoble niya rin ang pag-lock ng pinto.‘Mabuti nang ganito. Baka mamaya may pumasok na masamang tao dito sa bahay.’ sabi niya sa sarili ng may paghahanda.Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga kaluskos mula sa katabing baha
“Mop po? Sige po kukunin ko lang sa loob.” Sagot ni Alex at agad na pumasok sa kanyang bahay upang kunin ang hinihiram ng Ginang.‘Hindi naman masamang pumasok sa loob ng bahay niya ano? Gusto ko lang makita ang loob. Tyaka wala naman iyong bago kong kapitbahay.’ Sabi ni Alex sa isipHabang abala ang Ginang sa pkikipag-usap sa kanyang telepono, sinenyasan niya si Alex an pumasok sa bahay ng bagong lipat. Pumasok naman si Alex, gaya ng utos ng ginang, dala ang kanyang mop. Napansin niyang bukod sa nag-iisang mahabang sofa at isang bagong kama, ay wala nang ibang bagong gamit ang bagong lipat.“Salamat sa mop iha. Mamaya isasauli ko rin ito.” Nakangiting sabi ng Ginang.“Walang anuman po. Bago naman po iyan at hindi ko pa nagagamit. Ibigay ko na lamang po sa inyo.” Sagot ni Alex.Muling inilibot ni Alex ang kanyang paningin, at napansin iyon ng landlady.“Alam mo bang gustong ipatanggal ng bagong lipat ang lahat ng gamit? Hindi niya raw magagamit. At itong kama at sofa lamang ang pinabil
“Miss, si Sir James… Alam na po niya kung saan ka nagtatrabaho.”Tila hindi naman nagulat si Alex sa anunsyo ni Kenneth sa kanya at bakas sa kanya na inaasahan niya itong mangyari. Maraming pera si James, at ang pamilya niya ay isa sa tinitingalang negosyante sa kanilang bansa. Alam niyang may kakayahan si James o di kaya ang pamilya nito na hanapin kung saan man siya naroroon. Ayaw lang naman ni Alex na makasama pa ang ex at hindi din siya nagtatago rito. Kaya ang malaman ni James kung saan siya nagtatrabaho, ay hindi na kataka-taka.“Ano ngayon?” Sarkastikong tugon ni Alex. “Nagbabalak ba siya na takutin ang kompanyang nilipatan ko upang mapatalsik ako roon, at bumalik sa kompanya niya?” dagdag nito.“Miss… Hindi ba at ito ang pangarap mo? Ng iyong ama, na gumawa ng amusement park kasama ang pamilya ni Sir James?” Napakunot ang noo ni Alex sa sinambit ng sekretarya.‘Mukhang may binabalak nga ang lalaking iyon sa nilipatan ko. Ano na naman kaya ang masamang balak na kanyang gagawin?
Tila naikot na ni Alex ang buong kama ng kanyang mga magulang dahil hindi ito makatulog. Nakakaramdam si Alex ng kaba at panatag na kalooban ngayong may ibang tao sa kanyang bahay at si Brandon pa iyon. Kahit na alam niyang ligtas siya kay Brandon at wala itong gagawing masama sa kanya ay naninibago pa rin siya. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ibang tao sa kanyang bahay at ang pakiramdam na iyon ay pamilyar sa kanya.Dahan-dahang lumapit si Alex sa dingding upang pakinggan kung natutulog na si Brandon. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag sa paa. Kaya minabuti niyang humiga na lamang ulit siya sa kama. Kahit paano ay nakaramdam si Alex ng saya sa kanyang puso, dahil naalala niya noong panahong bata pa lamang siya at naririnig niya ang mga yabag mula sa labas nagaling sa kanyang mga magulang habang siya ay nasa loob ng kwarto.Pinapakinggan lamang ni Alex ang mga yabag o ang bawat kilos ni Brandon hanggang sa di niya namalayang nakatulog na rin siya. Nagising si Alex ng hating gabi nang ma
“Alex,” tawag ni Brandon sa kanya kasabay ang mahigpit na pagyakap sa nanginginig na katawan ng dalaga.“Ligtas ka na,” Saad nito nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha ni Laex sa kanyang balikat na ikinabasa ng kanyang suot na damit.“Kaya mo bang tumayo?” Sa panglalambot ng katawan, umiling si Alex bilang sagot.“Akin na ang susi.” inilahad ni Brandon ang kanyang kamay upang hingiin ang susi sa bahay ng dalaga, na agad naman binigay ni Alex.Matapos mabuksan ang pinto ay binalikan siya ni Brandon at walang pag alinlangang binuhat ito na tila ba bagong kasal sila. Hindi naman nagprotesta pa si Alex dahil wala na din siyang lakas na makipagpalitan ng salita rito. Nang makapasok sa bahay ay pinaupo siya agad ni Brandon sa upuan sa kanyang sala at binuksan ang ilaw ng bahay. Kinuhaan din siya ng malamig na tubig na inilagay ni Brandon sa baso at pinainom kay Alex.“Salamat.” saad ni Alex matapos nitong makainom ng tubi at kumalma sa nangyari.Ito ang pangalawang beses na may taong gust