‘Pinalayas? Ibig sabihin tinotoo ni Tito ang sinabi niya noon, bago pa man ako umalis sa bahay na ito? Saan kaya siya nakatira? Ibig sabihin magkasama sila sa bahay ng bruhang iyon?’Bumalik si Alex mula sa malalim na pag-iisip, nang marinig niya ang paghagulgol ng ina ni James. Agad niya naman itong inabutan ng tissue.“He deserves it? Anthony dalawa lang ang anak natin, at si John… Lulubog lilitaw lang iyon. Siya na nga lang ang anak natin na andito sa Pinas. Hindi ka na nakonsensya. Hindi ko tuloy alam kung nakakakain ba iyon ng maayos o hindi. At kung maayos ba siyang nakakatulog sa kung saan siya nakatira ngayon.”‘Wait… Hindi ba siya umuuwi na rito?’ tanong ni Alex sa sarili.“Buti nga hindi ko pa siya napapaalis sa kompanya.” sagot ni Anthony.“And besides… He’s old enough. Nasa legal age na siya to separate from us. Sa US nga kapag nag eighteen na ang mga bata, required na umalis sila sa poder ng mga magulang nila and maging responsable.” dagdag niya.Nakanguso paring masama a
Hindi makapaniwalang umiiling habang sinasamaan ng tingin ni MAry Anne ang asawa sa mga binitawang salita nito.“Nahihibang ka na, Antonio!” Tumayo ang Ginang at mabibigat ang mga paang umakyat papanik ng hagdan upang pumunta sa kanilang silid.Agad naman sumunod ang asawang si Anthony upang suyuin ang asawa. Habang naiwang hindi makapaniwala sa narinig si Alex at John sa salas. Ang hangin sa paligid ay nag-iba at tila walang may gustong magsalita rito.“Ah- Punta lang ako sa kwarto, Kuya. May kukunin pa kasi akong ibang gamit na naiwan ko.” Pagputol ni Alex sa katahimikan.Nagmamadali siyang umakyat papunta sa kanyang kwarto noon. Hindi na niya namalayan na nakasunod pala si John sa kanyang likuran. Napatalon siya sa gulat ng biglang nagsalita si John.“Akala ko hindi na kita makikita ulit. Buti at nakauwi ka rito.”“Naging bahay ko rin naman ng sampung taon ito. At sabi din naman sa akin nila tito at tita na welcome pa rin ako sa bahay na ito.” bulalas ni Alex.Napatingin si Alex sa
“May darating pa po ba kayong ineexpect na bisita?” tanong ni Cynthia.“Hindi. Wala. Malyo kasi tayo. Quezon city parehas ang tinitirahan natin at sa Makati ang meeting. Ang hirap kung babyahe pa tyo. MAs mabuti na lamang kung magstay tayo doon mamaya. Para di na tayo lalayo at pupunta pa tayo ng Laguna after.” Paliwanag ni Alex.“Ah… Hehe. Ang bait mo naman Miss.”“At isa pa pala… Kailangan nating makahanap ng pansamantalang matitirahan sa Sta. Rosa. Para di na hassle sa part natin. Kaya kung may boyfriend ka ngayon, mas maganda kung magpaalam ka na isang buwan kang malalayo sa kanya.” Paalala ni Alex.“Okay lang po. Mas maigi nang masubukan ko ang pagmamahal niya sakin.” Nakangiting sabi ni Cynthia na tila kumikinang pa ang mga mata sa saya.“Mabuti kung ganun. Oh, siya. Mag-asikaso na tayong lahat at baka matraffic pa tayo sa meeting natin mamaya.”Matapos ang kanilang meeting ay pagod na nahiga si Cynthia sa kama. Samantalang nagchecheck naman si Alex ng mga emails. Mga ilang minu
‘Montenegro?’Kumunot ang noo ni Alex. ‘Marami naman sigurong Montenegro sa mundong ito. Malabong siya iyon.’“Gaano ka husay ang itong tinutukoy mo na sa Mr. Montenegro?” tanong niya.Si Mr. Jurado ay nasa edad kwarenta. May katabaan ngunit palakaibigan naman ito. “Well, sa industriyang ito, kung sinabi niyang siya ang pangalawa, wala nang ibang magsasabing mas higit pa sila kay Mr. Montenegro. Dahil sa trabaho, halimaw ito gumawa. At polido.” Pagmamalaki ni Mr. Jurado.“Let’s see. Mabubunutan tayo ng tinik kung talaga ngang mahusay siya gaya ng iyong sabi.”“Bukod pa roon, ay single si Boss namin. Kaya kung may mairerecommend ka Miss Alex, ay ipakilala natin sa kanya.” Ngumiti si Alex.“Okay. Pero Mr. Jurado, baka naman po ay may girlfriend na iyon o kaya ay secret lover sa kompanya niyo,” pagbibiro ni Alex.“Naku, malabo, Miss.” sagot ni Mr. Jurado.“Ang kompanya din namin ay nag-aalok ng posisyon sa kompanya para sa mga asawa ng empleyado.” pagbibiro ni Mr. Jurado.Naging magaan a
Tanghali na, at pinili nila Alex at Cynthia na magtake-out ng kanilang pagkain at sa site na lamang sila kakain dahil sa dami ng tao na nasa restaurant na iyon. Nagulat na lamang si Alex na may isang bulto ng katawan ang lumapit sa kanila habang sila ay kumakain.“Alex,” nag-angat si Alex ng tingin at nakitang si Timothy iyon.“Timothy, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.“Imbitahan sana kita magdinner mamaya.”“Naku, pasensya na. May meeting kami mamaya. Makikipagkita ako sa technician na mag-aayos ng aming problema sa ilaw.” pagtanggi ni Alex.Tumingin si Timothy sa paligid. “Napaka-dedicated mo talaga sa theme park na ito.” komento niya.Huminga ng malalim si Alex. Binilin niya na mauna na lamang kumain si Cynthia bago siya tumayo upang makapag-usap sila ni Timothy ng masinsinan. Pumunta sila sa playpool.“Bakit umalis ka sa GC?” tanong agad ni Timothy pagkarating nila sa playpool. Bakas sa tono ng boses nito ang kaseryosohan.“Simple lang. GC niyo iyong magkakaibigan, at pamily
“Hindi. Pumunta lang ako dito para makipag-usap. Huwag ka mag-alala di ako kakampi ni James.” Napangiti si Alex sa sinabi ni Timothy. Totoo ngang hindi naman pumunta si Timothy para piitin siyang makipagbalikan kay James. “Nag-usap lamang kami ng mga bagay-bagay. Huwag mo masyadong isipin iyon. Isa pa. Kahit pa magpadala si James ng sandamakmak ng mga tagapagtanggol niya kahit Presidente pa ng Pilipinas ang pumunta, ay hindi pa rin mababago ang desisyon ko. Ang tapos ay tapos na. Hindi na maaaring lunukin ang dati mo nang isinuka.” Napabuntong hininga si Cynthia at umiiling na di makapaniwala sa kanyang narinig mula sa kanyang senior.“Hindi ko aakalain na ganyan ka pala katigas, Miss. Sa gwapo ni boss, hindi ka ba talaga bibigay at magpapakamarupok sa kanya, kahit na suyuin ka niya ng suyuin?” tanong ni Cynthia.Ngumita si Alex at nagtaas ng kanyang dalawang mga kilay. ‘Kung siguro ay sinyo niya ako, yung suyo na iparamdam niya na mahal niya talaga ako… Baka nga… Baka nga bumigay a
“So, ikaw pala si Mr. Montenegro na tinutukoy ni Mr. Jurado na magaling sa pag-aayos ng mga ilaw. Nice to meet you.” Ngumiti siya at nagpanggap na di niya kilala ang lalaki.Tila may kuryenteng dumaloy sa kanilang kamay kaya agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. Lihim na napangiti si Brandon sa ikinilos ni Alex, na tila hindi nito alam ang gagawin. Napatingin din siya sa pagkain na halos di nagalaw ni Alex.“Mukhang naistorbo pa yata namin ang inyong tanghalian. Kumain na muna kayo, Miss Bautista. Aalis na muna kami upang tingnan ang paligid.”“Hindi. OKay lang. Sasamahan ko kayo.”Agad na niligpit ni Alex ang kanyang pagkain. Naunang maglakad si Alex upang igiya sana sina Brandon at Melchor, ngunit napansin niyang hindi nakasunod si Brandon sa kanila.“Mr. Jurado, kumain ka na ba? Hindi pa din kasi ako kumakain. May pagkain pa ba kayo?” tanong niya kay Mr. Jurado ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin kay Alex.“Kumain na po ako, Sir.” Ngiting sagot ni Mr. Lu bago ito nil
“Huh? Paano mo nalaman?” Kilala mo ba si Sir Brandon?”“Ah- ano kasi…”‘Kapag sinabi ko sa kanya na kilala ko si Brandon, maraming follow up questions itong babaeng ito.’ ‘Bukod pa roon, mukha namang nagpapanggap din si Brandon na hindi kami magkakilala. Mabuti na iyong ganun. Para di nakakahiya.’“Hindi ko siya kilala,” sagot niya.“Eh, paano mo nasabing…”“Hula ko lang,” sagot muli ni Alex.“Hula?” tanong ni Cynthia na may halong pagdududa.Napatingin si Alex sa bag ni Brandon na may nakasabit na keychain na may pigura ng isang babaeng may hawak na puso.“Dahil diyan,” turo ni Alex sa key chain.“Sa key chain? Dahil sa key chain kaya mo nasabing may girlfriend ang tao?” di makapaniwalang tanong ni Cynthia.“Kasi, tingnan mo… Pangbabae iyan, hindi ba?” Pagpapalusot ni Alex, ngunit di parin naniniwala si Cynthia.“Malay mo binigay sa kanya ng kapatid niya. O di kaya ay nakyutan lang siya sa keychain kaya niya nabili iyan. Ikaw naman, miss… Masyado kang judgemental.”“...” hindi agad n
HInatid ni Alex si Mary Anne sa kanilang bahay, aalis na sana siya. Ngunit hinawakan ng Ginang ang kanyang kamay upang pigilan ito.“Iha… Bakit hindi ka muna pumasok at magkape sa bahay?” Pag-aalok nito.Nagbukas ang gate ng kanilang bahay, at napansin ang isang bulto ng lalaki na papalabas ng kanilang bahay. Agad na nagtama ang mga mata ni Alex at James. Sarkastikong napangisi ang lalaki ng makita ang dalaga. Samantalang, nanginginig ang mga mata ni Alex na nakatingin kay James na tila nasusuklam na ito sa lalaki.‘Ibang-iba na si James ngayon… HIndi natulad ng dati na walang ibang ginawa kundi ang ipagtanggol ako sa mga nang-aasar sakin.’Umiling si Alex ng palihim at itinuon na lamang ang tingin sa ginang. Ngumiti siya rito. “Pasensya na po, Tita. May pupuntahan pa kasi ako. Mauna na po ako.” Saad ng dalaga.Babalik na sana si Alex sa kotse, ngunit tinawag siya ni James.“Alex… Pwede ba kitang makausap?” tanong nito.“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.” sagot ni Alex.“Ako, meron.
“Kung ganun po… Pwede niyo naman po ako ampunin, legally.” Derechong suhestiyon ni Alex na ikinatigalgal ng matanda.Panandaliang natahimik si Mary Anne sa suhestiyon ni Alex. Bagama’t tinuturing niya na itong anak, mas gugustuhin pa rin niyang maging manugang ito. Ngunit sa ngayon, ayaw niya munang pilitin ang dalaga sa kanilang plano.“Iha,” hinawakan ni Mary Anne ang kamay nito pabalik. “Alam mo naman na anak na ang turing ko sayo, noon pa man. Hindi magbabago iyon.” saad ng Ginang.‘Kung totoong anak po ang turing niyo, hindi niyo na sana ipagpilitan ang isa sa mga anak niyo sa akin.’ Gustong sabihin ni Alex ito, ngunit minabuti niyang manahamik na lamang.Ngumiti si Alex. “Kung gayun po… Ipapaayos ko na po sa aking abogado ang legal na pag-ampon niyo sa akin. At magtatawag din po ako ng press conference para maipakilala po ako ng legal na anak niyo. Nang mawala na din po ang usap-usapan tungkol kay James sa kompanya.” sagot ni Alex na tila ba may halong pagiging sarkastiko.Tila n
“Pero tita… Nakapagpasa na ako ng resignation. At desidido na po ako na aalis sa kompanya.” Nagulat man, ay agad na sinagot ni Alex ang Ginang.“Isa pa po… Nakapag-apply na din po ako ng trabaho sa ibang kompanya at may interview po ako ngayon.” dagdag pa nito.“Huh? Agad-agad? Parang ang bilis naman ng proseso nila.” HIndi makapaniwalang tugon ng ginang.Kahit si Alex ay nagulat sa bilis ng pagproseso ng kanyang aplikasyon, gayunpaman, masaya siya dahil doon.“Sa totoo lamang po… Kahit na noong araw ng sana’y kasal namin… na hindi natuloy, ay napagpasyahan ko na po talagang umalis sa kompanya.” Sinabi niya iyon ng walang pag-aalinlangan.“Kasi po hiwalay na kami ni James. At hindi po pwedeng magkasama kami sa iisang kompanya. HIndi po ako magiging komportable at mas magmumukha po akong katatawanan kung magkasama kami sa iisang kompanya kasama ng bababeng dahilan ng aming hiwalayan. Pero nanatili po ako dahil sa proyektong pinangarap kong gawin kasama ng aking papa. Iyon po ang plano k
Kinuha ni Brandon ang kanyang naiwang telepono sa lamesa at walang pasabing umalis na lamang itong muli. Nakahinga naman ng maluwag si Cynthia na tila ba kanina pa ito nagpipigil ng hininga.Tila naman nagkaroon ng butas sa loob ng dibdib ni Alex na tila ba may kulang. Ngunit para sa kanya. Ay hindi na mahalaga kung alam ba ni Brandon o hindi na siya ang tinutukoy nito.‘Kung narinig man niya iyon, ay wala akong pakialam. Magalit man siya o mamisunderstood niya ang sinasabi ko. Maigi nang malaman niyang walang pag-asa sa aming dalawa. Totoong magkakilala kami pero hanggang doon lang iyon.’ sabi ni Alex sa sarili.Dahil sa ngayon ay wala pa siyang balak na makipagrelasyon kung kanino man. Ang tanging gusto lamang ni Alex ay maghanap ng bagong mapapasukan at makapagsimulang muli.Matapos nilang kumain ay hinatid na ni Alex si Cytnhia sa site, ay plano niyang dumerecho sa kanyang inaplayang trabaho. MAtapos niyang makapagpasa ng resume ay agad siyang tinawagan para sa interview. Nagulat
Lumabas sina Alex at CYnthia ng kanilang hotel room upang mag-almusal at pumunta sa trabaho. Nagulat si Cynthia ng makita si Brandon na nakatayong nakasandal sa pader sa katabing pintuan ng tinutuluyan nitong hotel room. Nakasuot itong batik na kulay ng pantalon at itim na pang-itaas na t-shirt. Parehas na nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay nito.Nakakunot ang noo ni Cynthia na nagtataka. “Sir Brandon… Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa po kayo pumunta sa site?” tanong ito.“Ayoko pang pumasok.” maikling sagot ni Brandon saka nilingon si Alex na nasa likod lamang ni Cynthia at tahimik na nakikinig ng usapan.Hindi pa rin makalimutan ni Alex ang kahihiyang ginawa niya kagabi kaya wala siyang mukhang maiharap sa binata.“Nag-almusal na po ba kayo?” tanong ni Cynthia.“Hindi pa.” sagot nito habang nakatingin parin kay Alex.Napansin naman ni Cynthia ang pagtitig ni Brandon sa kanyang kasama kaya ay nakangisi ito na tila may pinaplanong hindi maganda.Piangswiklop
‘Haizzt! Tama na ang pag-iisip kay Brandon at sa panaginip na iyan!’ Napakamot ng ulo si Alex.Agad namang napansin ni Cynthia ang pagkaluskos sa bandang kama ni Alex. Kaya lumapit ito kay Alex.“Miss… Maaga pa. Matulog ka pa po. Tingin ko madaling araw ka na nakatulog kagabi.” makabuluhang sabi nito sabay ang pag anagt baba ng kilay ni Cynthia.Nagtaas ng kilay si Alex. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Alex.“Hehe… HIndi ba at pumunta kay Sir Brandon? Akala ko ikaw at si Brandon ay-” pinagdikit ni Cynthia ang dalawang nakaangat na hintuturo nito at pinagdikit ang mga ito kasabay ang pangungutya.Kumunot ang noo ni Alex. “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong nito kasabay ang pag-ikot ng kanyang mata sa pagkairita.“Kinain ka na ng sistema ng pinapanuod mong drama sa laptop mo.” Naiiling na lamang si Alex, na halatang dismayado sa sinabi nito.“Bakit? Anong mali sa sinabi ko? May problema ba kung magkakamabutihan ang kagaya mong wala nang karelasyon sa isang binatang wala din namang k
Mag-aalas dos na ng madaling araw at ilang beses nang paikot ikot si Alex sa kanyang higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maraming tumatakbo sa kanyang utak. Kaya para dalawin ng antok ay sinubukan niyang buksan ang kanyang telepono at bumungad doon ang mga mensahe ni Grace.“Totoo nga naman ang kasabihan.. Ang masamang damo matagal mamatay.”“Mukhang mahina lang ang pagkakapalo mo. Hindi man lang malala. Nagtamo lamang siya ng maliit na sugat. Pero siguro puro dugo lamang ang laman ng kanyang ulo at walang utak.”Natawa si Alex sa mga mensahe ni Grace. Nagtipa siya ng mensahe at nireplyan ang kaibigan.“Hayaan mo, sa susunod… sisiguraduhin ko nang malakas ang pagkakapalo ko. Para di na talaga magising. Ha-ha-ha.” sagot ni Alex.“HIndi ko na tinignan pa siya baka ntulog siya ulit o di kaya ay inoperahan ulit.” sagot ng kaibigan sa kanyang mensahe.Umalis si Alex sa kanilang sagutan sa text at binasa ang iba pang mensahe.Nakita niya roon ang mensahe ni Timothy kaya binuk
Kumunot ang noo ni Brandon. Hindi mahigpit ang kanyang pagkahawak, ngunit agad na nangsim ang mukha ni Alex at halatang nasasaktan ito. Bumaling ang tingin ni Brandon sa kamay ni Alex sa bandang palapulsuhan at napansin ang pasa sa paligid nito. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga, at itinaas ang manggas ng suot nitong dyaket.“Anong nangyari rito?” tanong niya.Bakas sa kanyang mukha ang pagkunot ng kilay, at pag-igting ng panga. Agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. At napansin niyang tinitignan lamang ni Brandon ang bawat kilos nito.‘Galit ba siya?’“W-wala ito,” Nauutal nitong sagot habang binababang muli ang manggas ng kanyang dyaket upang takpan ang pasa sa kanyang kamay.Inangat ni Brandon ang kanyang kamay at nakapalad itong nakaharap kay Alex. “Akin na,” saad nito na tila ba may hinihingi.“Ang alin?” Maang nitong tanong.Tintigan ng masama ni Brandon si Alex at bumuntong hininga bago kinuhang muli ang kamay nito kung saan nakita niya ang pasa kanina.“Saan mo to na
“Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na.” napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex at nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi sa hiyang naramdaman.“UH-Sorry.” Sumunod siya kay Brandon sa sofa at umupo sa tabi nito.“Kukuha lang ako ng maiinom. Anong gusto mo? Kape? Juice?”“Juice na lang siguro.” sagot ni Alex at nagpasalamat ito.“Gagawa lang ako ng juice at sandwhich. Andyan na sa desktop ang file.” saad ni Brandon saka pumunta ng kusina upang gawan ng meryenda ang bisita.Napaawang naman ang bibig ni Alex nang makitang maraming mga nakalagay sa kanyang laptop. Nahihilo at naduduling na si Alex, hindi malaman kung anong file ang kanyang bubuksan. Dala ang nakabukas na laptop, pumunta si Alex sa hapagkainan at doon nilapag ang laptop ni Brandon, bago umupo sa upuan.“Saan dito? Ang dami kasing folders di ko makita ang sinasabi mo.” tanong ni Alex.“Yung may AB na folder.” sagot ni Brandon.“Alin dito?” nagugulumihanang tanong ni Alex. Patuloy ang kanyang paghahanap ng files