“Anak?!”Napalingon si James at Alex nang biglang magsalita si Ivy.Bakas kay Ivy ang pagkagulat ng marinig ang salitang anak.“Ahh. Nakalimutan kong sabihin. Buntis kasi ako sa anak namin.” Nakangiting sabi ni Alex, kasabay ng pag-angkla niya sa kanyang kamay sa braso ni James.Hindi naman makapaniwala na tumingin si Ivy sa magkalingkis na kamay ng dalawang magkasintahan sa kanyang harapan. Ngunit napalitan din agad iyon ng pilit na ngiti at binati ang dalawa.“Well, congrats. Finally, you'll have your own family.” sabi nito.“Thank you,” sagot ni James.“Let's go. Kailangan pa natin pumunta sa munisipyo.”“Anong meron?” Naguguluhan na tanong ni Ivy.“Magpapakasal kami sa huwes bukas.” Anunsyo ni Alex.“Huh? Eh… Hindi ba in two months pa ang kasal niyo?” naguguluhang tanong ni Ivy.“Gusto kasi ni James na marehistro na ang kasal namin para maging isang ligal na Mrs. Lopez.” Halata sa tono ni Alex na may halo itong pagmamayabang at pang-aasar sa dalaga.Palihim namang nagkuyom ng mga
Kumukunot ang noo ni Alex habang nakapikit parin ang kanyang mga mata. Nagising siya ng makarinig ng kalabog ng pintuan na tila ba ito ay binuksan ng malakas.“Alex!” tawag ng isang pamilyar na boses.“Huminahon po tayo, mam. Natutulog pa po ang pasyente. Kayo po ba ang kanyang guardian?”Tuluyan ng dumilat ang mga mata ni Alex upang tingnan ang mga nangyayari sa paligid.Napangiti siya nang makita si Grace.“Ako ang kanyang kaibigan at obgyne. Sino ang attending physician niya? I want to talk to them. Ikaw? Sino ka?” tanong ni Grace.“Ako si-” Sasagot na sana ang lalaking tumulong kay Alex sa kalsada ngunit tinawag ni Alex si Grace.“Grace,” Agad namang nilapitan ni Grace ang kaibigang nakahiga sa hospital bed at hinawakan ang kamay.“Kamusta ka? Ano nararamdaman mo? Okay ka lang ba? Huwag ka mag-alala ililipat kita sa medical city.” Sunod sunod na tanongi ni Grace. Bakas sa tono ng kaibigan ang pag-alala.Hindi nanakasagot si Alex nang biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang
“Sigurado ka bang kaya mo nang umuwi?” Tanong ni Grace kay Alex, na ngayo’y nagliligpit ng kanyang gamit.Hindi na pumayag si Alex na magpalipat ng ospital at napagpasyahan niyang umuwi na lamang kahit na kakagaling lang niyang maraspa.“Kailangan kong umuwi at may mga tatapusin pa ako sa trabaho. Kailangan ko ring makipag-usap kanila tito at tita.” walang emosyong sagot ni Alex.Hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.“Makikipaghiwalay ka na ba ng tuluyan kay James?” Hindi umimik si Alex, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Nang matapos sa kanyang ginagawa, ay inaya na niya si Grace na umuwi.“Umupo ka dito. Kahit papaano ay pasyente ka parin.” Utos ni Grace sa kaibigan sabay turo ng wheelchair na dala-dala ng isang nurse na kakapasok lamang sa kanilang kwarto.“Okay lang ako, Grace.” Pagtanggi ni Alex sa wheelchair na inaalok ni Grace sa kanya.Nagtaas ng kilay si Grace at binigyan ng masamang tingin ang kaibigan. Maputla ang mga labi ni Al
Isang oras ang binyahe nila Kenneth at Alex papuntang Taguig upang dalhin si Alex sa sinasabi ni Kenneth na surpresa ni James para sa kanilang kasal.Nakatayo sila sa isang tatlong palapag na mansion na ayon kay Kenneth ay 200 square meter ang lawak ng lupa nito. At ipinadesenyo ito ni James sa isang sikat na enhenyerto upang masunod ang pangarap na bahay ni Alex. Gamit ang susing dala ni Kenneth, binuksan ni Alex ang wooden main door gamit ang passcode na numero ng petsa ngayon, ang araw ng kanilang kasal. Kahit papaano ay naantig si Alex sa ginawa ni James.Isang aesthetic modern design ang interior ng bahay. Pinaghalong cream white, at brown ang kulay ng bahay maging ang mga kagamitan sa loob, at mga muwebles dito. “Talaga bang para samin ito?” HIndi makapaniwalang tanong niya.Naalala ni Alex nang tanungin siya noon ni James tungkol sa kung anong desenyo ng bahay ang gusto niya nang makita niya ang kanyang iginuhit na bahay sa isang bondpaper, na ngayo’y nakaframe at nakasabit sa
“A resignation letter?!” Napataas ang tono ni Cynthia.“Hush!” Agad namang tinakpan ni Alex ang bibig ng matabil niyang assistant. “Ang ingay mo!” Sita niya rito sabay lingon sa mga staff na dumadaan at napatingin sa kanila.“Sorry naman. Pero seryoso, miss… Bakit ka magreresign?”Hindi sumagot si Alex. Ayaw niyang sagutin pa ang mga katanungan dahil ang rason ng kanyang pagreresign ay personal.“Miss, dahil ba yun sa kumakalat na isyu dito?”Napakunot ang noo ni Alex sa pagtataka. “Issue? Anong isyu?” Tanong niya.“Bali-balita kasi rito na may babae si sir James. At ang kwento pa, buntis yung girl.” “Paano naman nila nasabi?” Tanong ni Alex.“May isang empleyado nakakita kay Sir James sa isang ospital at nagpapacheck up sila sa ob gyne.”Hindi na muling nagtanong si Alex at di na rin siya nag-usisa. Dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nila. “Kaya huwag kang mag-alala, miss. Sayo ang loyalty ko. Kung ano man ang dahilan ng pag reresign mo, susuportahan kita. Ayoko sa lahat iyon
“Ano?! Ginawa niya lahat ng iyon?” Di makapaniwalang tanong ni Mary Anne kay Alex.Samantalang tahimik na nakaigitng ang panga, at nakakuyom ang mga kamay ng ama ni James na si Anthony. Hindi ito kumikibo habang nakikinig sa sinasabi ni Alex.Kinwento ni Alex sa kanila kung bakit di niya itinuloy ang pagpaparehistro ng kasal nila ni James. At dahil doon ay dismayado ang mag-asawa sa ginawa ng kanilang anak na si James kay Alex. Kinwento na rin ni Alex na siya ay nakunan kaya di siya agad nakauwi ng bahay.“Anthony, hindi ba at alam mo ang nangyayari sa kompanya? Bakit itong balitang kumakalat sa kompanya mo ay hindi mo man lamang nalaman?” Inis na sumbat ng ginang sa kanyang asawa.Kahit na CEO ang kanilang anak na si James, ay si Anthony pa rin ang Chairman ng kanilang kompanya. At kahit hindi siya madalas na pumapasok sa kompanya, ay mayroon siyang pinagkakatiwalaan na nagrereport sa kanya sa loob man at labas ng kanyang kompanya. Lalo na kung involve ang kanilang anak dito.Pinakat
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha sa mata ni Alex. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Dala-dala ang kanyang maleta, pumara si Alex ng taxi patungo sa airport. Kinakagat na lamang niya ang kanyang labi upang tumigil siya sa paghikbi hanggang sa makasakay siya. Agad siyang kumuha ng ticket na papuntang Butuan, ang probinsya ng kanyang mga magulang. Bago pa man niya patayin ang kanyang phone, ay tumawag ang kanyang kaibigan na si Grace.“Hello, girl… Saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan para sana sa follow up check up mo. Bakit di mo sinasagot tawag ko?” Tanong ni Grace.“Sorry. Nasa byahe kasi ako.”“Byahe? Saan ka papunta?” tanong ni Grace.Welcome aboard! This is flight 5J65 going to Butuan…“Wait! Nasa eroplano ka?! Saan ka papunta?” Bakas sa tono ng boses ni Grace sa kabilang linya ang pagkataranta.“Pauwi ako sa probinsya nila mama. Mamaya ipapaliwanag ko sayo pagnakarating na ako sa bahay. Kailangan ko nang patayin ang taw
Humiga na si Alex matapos niyang makainum ng gamot, upang makapagpahinga siya. Ngunit kahit na anong pikit niya, ay hindi pa rin siya makatulog. ‘Namamahay siguro ako. O dahil matigas ang hinihigaan ko at di ako komportable. Tingin ko kailangan ko bumili ng kutson bukas.’ Umupo na lamang is Alex sa kanyang hinihigaang katre, at naalalang magbukas ng kanyang telepono. At dahil bago ang kanyang sim, ay sinubukan niyang magbukas ng kanyang social media.Sunod-sunod naman ang mensaheng natanggap ni Alex sa kanyang messenger galing sa kanyang kaibigan na si Grace. At kahit kay Cynthia ay nakatanggap rin siya ng mga mensahe.Isa isa niyang binsa ang mga mensahe bago niya naisipang tawagan ang kaibigan.“Hello, girl! Buti na lamang at tumawag ka. Mamamtay ako sa pag-aalala sayo. Ininum mo ba ang gamot na nireseta sayo?”“Huwag ka mag-alala iniinum ko po ang nireseta mong gamot, doktora.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan.“Mabuti naman… Ay siya nga pala, tumawag ba ang Ex mo sayo?”“Hindi.”
“Alam mo, minsan mabilis din makamove-on kung may bagong kapalit,”Napakunot ang noo ni Alex. ‘Minsan talaga si Nanay kakaiba mag-isip.’ bulong ni Alex sa sarili.Kinagat ni Alex ang kanyang ibabang labi. “Sa ngayon, Nay… Hindi pa ko ready talaga na pumasok muli sa relasyon. Masyado pang masakit ang relasyon na matagal kong pinaglaan ng pagmamahal at oras. Okay na muna na ako na lang muna. Sarili ko na muna ang pagagalingin ko at mamahalin ko.”“Hay… Naku makakalimutan mo rin siya. Pero ikaw bahala. Minsan kasi di nababase sa tagal ng pagkakakilanlan ang taong itinadhana talaga para sayo. Minsan kahit kakikilala mo lang alam mo nang mahal mo na. Marami akong kilala na nagtatagal at ikinasal kahit na isang linggo mo pa lamang nakilala ang tao. Gaya ko at ng asawa ko. Isang linggo pa lamang kami magkakilala pero hanggang ngayon ay mahal parin namin ang isa’t-isa.” Ngumiti si Nanay Meding gayun din si Alex.Inabot ni Nanay ang kamay ni Alex. “Balang araw maghihilum din iyang sugat sa pus
Nagmadaling pumasok si Alex sa kanyang kwarto at agad na isinandal ang katawan sa pinto pagkasara niya rito. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na kanina pa malakas ang kabog na tila ba ito ay lalabas na ang kanyang puso sa lakas ng kaba nito.“Hoy, Alexandra Bautista. Tumigil ka. Galing ka pa sa sampung taong relasyon at ngayon ilang linggo lang ang lumipas bakit para nakalimutan mo na agad si James? Nakunan ka pa nga. Di ka pa ba nadadala?” Sermon niya sa kanyang sarili.Umiiling si Alex at pinakalma ang sarili. Lumapit siya sa kanyang higaan at umupo. Nagtingin si Alex ng kanyang phone, chineck kung may mga bago siyang mensahe. Pinindot niya numero ng kaibigan upang tawagan ito nang makita niyang may missed call ang kaibigan.MAkaraan ang ilang pagring sa kabilang linya ay sinagot naman ni Grace ang tawag niya. “Hello,”“Hello. Napatawag ka kanina. Bakit?” tanong ni Alex agad.“Wala lang. Kinakamusta ka lang. Saan ka ba? Bakit di ka sumasagot ng tawag?” tanong ni Grace.“Lumabas ako
“Pasensya ka na sa nangyari kanina. Pangako kong hindi na iyon mauulit.” Paghinging paumanhin ni Nanay Meding kay Alex.“Hindi naman po kayo ang gumawa noon kaya huwag po kayo humingi ng tawad.” sagot ni Alex.“Kahit na, iha. Kargo kita kung ano man ang mangyari sayo. At baka multuhin pa ako ng mama at papa mo, sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.” Sagot ni Nanay Meding sabay nag-sigh of the cross.Natawa naman si Alex. ‘May takot pa pala si Nanay sa multo? He-he.’ bulong niya sa sarili.“Huwag ka mag-alala at sinabihan ko si Frixie, na oras may gawin ulit siya sa iyo ay hindi ko na palalampasin at isusumbong ko na siya sa kapitan ng barangay o di kaya ay sa kapulisan.”“Hindi naman na po kailangan umabot pa sa ganoon, nay.”“Hindi, anak. Dapat ipinaglalaban mo ang tama.” Tumango na lamang si Alex sa sinabi ng Ginang.Dumating naman si Brandon na may dala-dalang pakwan.“Aba’y napakasweet naman nitong si Brandon, at nagdala pa ng pakwan. Komento ni Nanay Meding.“Ay, nay! May binili
“Sa susunod, huwag ka magsusuot ng maiksing palda.” anas niya sabay talikod sa dalaga.Biglang nagtaka si Alex sa sinabi ng lalaki.“Anong masama sa palda ko? Nakashorts naman ako ng maiksi. Kaya kahit umangat ito ay hindi ako masisilipan.” tanong niya.Binigyan ng masamang tingin patagilid ni Brandon si Alex habang nag-igting ang kanyang panga.“Masma ang pagsusuot mo ng maiksing palda, tapos.” sagot niya bago ito umalis at lumapit kay Nanay Meding.“Pansin niyo ba sino naglagay ng maraming mantika rito malapit sa bakuran ko?” tanong ni Nanay sa mga ususerong nakasilip kanina lamang sa kanyang bakuran.Umiling sila at agad na nagpulasan. Alam nila kung sino ang salarin, ngunit walang may gustong magsalita. Mahirap kalaban si Frixie kaya ayaw nila itong kantiin.“Kilala ko nay.” sagot ni Brandon mula sa likuran ni Nanay Meding.Hindi na siya nagbanggit ng pangalan at agad na nilapitan si Frixie.Hindi maipinta ang inis sa mukha ni Brandon, samantalang si Frixie naman ay kinikilig na na
Araw-araw na routine ni Alex ang tumulong sa mga kababaihan tuwing umaga sa paglilinis ng kapaligiran. Isa ito sa mga nagustuhan niya sa lugar, ang pagbabayanihan. Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin siya nagsasawa na tumulong at makihalubilo sa mga tag baryo. Matapos niyang maglinis ay naisipan niyang tumungo sa pamilihan upang bumili ng mga prutas at iba pang pagkain na gusto niyang kainin.Napadaan si Alex sa mga naglalako ng pakwan at nakita ang nagkukumpulang mga tao na bumibili doon.‘Anong meron? Siguro ay matamis ang mga pakwan ni manong kaya maraming bumibili.’“Pakwan kayo riyan! Mura na matamis pa!” Alok ng isang batang kasamang nagtitinda ng pakwan.“Ate, subukan mo itong pakwan namin. Masarap to.”“Libre ba yan?” tanong ni Alex.“Opo libre tikim. Pero mas maganda rin kung bibili ka saamin,” nakangiting sagot ng bata.“Sige, patikim ako.”Mamula-mula ang pakwan at ng tinikman ni Alex ay di na siya nagdalawang isip na bumili ng dalawang buong pakwan. Naisipan ri
Si Frixie ay dalawang taon nang biyuda. Mula nang makilala niya si Brandon, ay hindi niya itinago ang pagkahanga sa lalaki. Binabakuran niya pa ito upang walang ibang babaeng magkakagusto kay Brandon. Madalas naman siyang tawagin ni Nanay Meding na Pigsie dahil sa pag uugali nito. Maayos manamit si Frixie ngunit sa loob ng kanyang bahay, ay magulo at walang ayos. At kapag nalalasing ito ay kung saan saang lugar lamang ito humihiga at nagtatanggal ng damit.At sa tuwing nalalasing ito ay namomroblema si Nanay Meding dahil lagi itong pumupunta sa kanyang paupahang bahay para akitin si Brandon. Ngunit noon pa man ay hindi interesado si Brandon kay Frixie.“Frixie, huwag mong hintayin na tumawag pa ako ng mga pulis para ipadampot ka.”Baka sa tono ng Ginang ang inis at pagod niya sa pagpipigil kay Frixie. Ngunit sa kanyang katandaan, ay di na niya kayang maawat pa ang babae sa gusto niyang gawin.“Anong nangyayari dito?” Sabay napalingon sina Nanay Meding at Frixie nang biglang bumukas an
“Bakit di nalang natin totohanin. Single ka naman na, hindi ba?”Nahigit ni Alex ang kanyang hininga. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Di niya alam ang isasagot. At ilang minuto ding tumahimik ang paligid dahil sa nakakabiglang tanong na iyon.“P-paanong-”“Hindi ka pupunta sa lugar na ito kung hindi ka nagpapagalin sa sugat sa puso mo. At unang tingin ko palang sa iyo, halatang may pinagdadaanan ka. But don’t worry. I won’t tell anyone.”Tiningnan ni Alex sa mata si Brandon at sinusubukang basahin ang iniisip nito.“At huwag mo nang isipin ang sinabi ko. I was just messing with you. Gusto lang kitang asarin.”Tila naman nabunutan ng tinik si Alex. Kung sa bulto ng katawan at hitsura ang labanan ay di hamak na mas lamang si Brandon kumpara kay James. Ngunit hindi madaling kalimutan ang sampung taong relasyon niya kay James. Kaya tama rin si Brandon na siya nga ay pumunta rito upang pagalingin ang sarili… Pisikal, mental, at lalo na ang
“Alex, kamusta ka? Saan ka ngayon?” Tanong agad ni John sa kanya.Baka sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala. Halatang alam niya na ang nangyari at marahil ay nasabi na rin sa kaniya ng kanilang magulang ang kalokohan ng kanyang kapatid.Hindi na napigilan ni Alex ang mahagulgol. Kahit papaano ay itinuring niya itong tunay na kapatid na pwede niyang takbuhan kapag siya ay may problema.“Kamusta ka? Saan ka ngayon?” Agad na tanong ni John.Pinunasan ni Alex ang mga luha at sumagot, “Hindi ako okay, kuya. Pero kinakaya ko.” Sagot niya.Biglang natahimik naman sa kabilang linya na animo'y nag-iisip ng sasabihin.“Saan ka? Pupuntahan kita.”Hangga't maaari ayaw ni Alex na sabihin kahit kanino kung saan man siya ngayon. Dahil kahit dalawang araw pa lamang siya sa lugar na iyon ay napamahal na siya rito. Ang Butuan ang lugar ay sa tingin niya, matatakbuhan niya sa oras na kailangan niyang mapag isa. Malayo sa kabihasnan at kaguluhan ng Maynila. Sa lugar na ito nakakaramdam siya ng kapayap
“Oh. Bakit ikaw lamang ang pumarito?” Tanong ni Nanay Meding nang mapansing mag-isa lamang si Brandon na pumunta sa kanyang bahay.“Busog raw po si Alex,” sagot ni Brandon.“Naku… Kaya ang payat niya at maputla eh. Hindi siguro nagkakakain iyong batang iyon.” Bulalas ni Nanay Meding habang naghahanda ng pagkain sa hapag.Tumulong na din si Brandon sa paglalagay ng mga kubyertos dahil di naman na siya bago sa bahay ng matanda. Itinuring na ni Brandon na pangalawang magulang ang mag-asawang De Silva dahil tatlong taon na rin siyang nanirahan ssa lugar na iyon. Mula nang magpahinga siya sa pagiging sundalo ay doon na siya tumira.Matapos nilang kumain ay nag-alok na si Brandon na hugasan ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kabilang bahay.“Brandon, Iho, dalhin mo na lamang itong champorado kay Alexandra. Baka nahihiya lamang iyon na pumunta rito.” Bilin ni Nanay Meding sa binata, matapos nito maghugas ng plato.“S-sige po.” Nag-aalangan man, dahil baka hindi rin kainin ni Alex ang c