Kumukunot ang noo ni Alex habang nakapikit parin ang kanyang mga mata. Nagising siya ng makarinig ng kalabog ng pintuan na tila ba ito ay binuksan ng malakas.“Alex!” tawag ng isang pamilyar na boses.“Huminahon po tayo, mam. Natutulog pa po ang pasyente. Kayo po ba ang kanyang guardian?”Tuluyan ng dumilat ang mga mata ni Alex upang tingnan ang mga nangyayari sa paligid.Napangiti siya nang makita si Grace.“Ako ang kanyang kaibigan at obgyne. Sino ang attending physician niya? I want to talk to them. Ikaw? Sino ka?” tanong ni Grace.“Ako si-” Sasagot na sana ang lalaking tumulong kay Alex sa kalsada ngunit tinawag ni Alex si Grace.“Grace,” Agad namang nilapitan ni Grace ang kaibigang nakahiga sa hospital bed at hinawakan ang kamay.“Kamusta ka? Ano nararamdaman mo? Okay ka lang ba? Huwag ka mag-alala ililipat kita sa medical city.” Sunod sunod na tanongi ni Grace. Bakas sa tono ng kaibigan ang pag-alala.Hindi nanakasagot si Alex nang biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang
“Sigurado ka bang kaya mo nang umuwi?” Tanong ni Grace kay Alex, na ngayo’y nagliligpit ng kanyang gamit.Hindi na pumayag si Alex na magpalipat ng ospital at napagpasyahan niyang umuwi na lamang kahit na kakagaling lang niyang maraspa.“Kailangan kong umuwi at may mga tatapusin pa ako sa trabaho. Kailangan ko ring makipag-usap kanila tito at tita.” walang emosyong sagot ni Alex.Hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.“Makikipaghiwalay ka na ba ng tuluyan kay James?” Hindi umimik si Alex, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Nang matapos sa kanyang ginagawa, ay inaya na niya si Grace na umuwi.“Umupo ka dito. Kahit papaano ay pasyente ka parin.” Utos ni Grace sa kaibigan sabay turo ng wheelchair na dala-dala ng isang nurse na kakapasok lamang sa kanilang kwarto.“Okay lang ako, Grace.” Pagtanggi ni Alex sa wheelchair na inaalok ni Grace sa kanya.Nagtaas ng kilay si Grace at binigyan ng masamang tingin ang kaibigan. Maputla ang mga labi ni Al
Isang oras ang binyahe nila Kenneth at Alex papuntang Taguig upang dalhin si Alex sa sinasabi ni Kenneth na surpresa ni James para sa kanilang kasal.Nakatayo sila sa isang tatlong palapag na mansion na ayon kay Kenneth ay 200 square meter ang lawak ng lupa nito. At ipinadesenyo ito ni James sa isang sikat na enhenyerto upang masunod ang pangarap na bahay ni Alex. Gamit ang susing dala ni Kenneth, binuksan ni Alex ang wooden main door gamit ang passcode na numero ng petsa ngayon, ang araw ng kanilang kasal. Kahit papaano ay naantig si Alex sa ginawa ni James.Isang aesthetic modern design ang interior ng bahay. Pinaghalong cream white, at brown ang kulay ng bahay maging ang mga kagamitan sa loob, at mga muwebles dito. “Talaga bang para samin ito?” HIndi makapaniwalang tanong niya.Naalala ni Alex nang tanungin siya noon ni James tungkol sa kung anong desenyo ng bahay ang gusto niya nang makita niya ang kanyang iginuhit na bahay sa isang bondpaper, na ngayo’y nakaframe at nakasabit sa
“A resignation letter?!” Napataas ang tono ni Cynthia.“Hush!” Agad namang tinakpan ni Alex ang bibig ng matabil niyang assistant. “Ang ingay mo!” Sita niya rito sabay lingon sa mga staff na dumadaan at napatingin sa kanila.“Sorry naman. Pero seryoso, miss… Bakit ka magreresign?”Hindi sumagot si Alex. Ayaw niyang sagutin pa ang mga katanungan dahil ang rason ng kanyang pagreresign ay personal.“Miss, dahil ba yun sa kumakalat na isyu dito?”Napakunot ang noo ni Alex sa pagtataka. “Issue? Anong isyu?” Tanong niya.“Bali-balita kasi rito na may babae si sir James. At ang kwento pa, buntis yung girl.” “Paano naman nila nasabi?” Tanong ni Alex.“May isang empleyado nakakita kay Sir James sa isang ospital at nagpapacheck up sila sa ob gyne.”Hindi na muling nagtanong si Alex at di na rin siya nag-usisa. Dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nila. “Kaya huwag kang mag-alala, miss. Sayo ang loyalty ko. Kung ano man ang dahilan ng pag reresign mo, susuportahan kita. Ayoko sa lahat iyon
“Ano?! Ginawa niya lahat ng iyon?” Di makapaniwalang tanong ni Mary Anne kay Alex.Samantalang tahimik na nakaigitng ang panga, at nakakuyom ang mga kamay ng ama ni James na si Anthony. Hindi ito kumikibo habang nakikinig sa sinasabi ni Alex.Kinwento ni Alex sa kanila kung bakit di niya itinuloy ang pagpaparehistro ng kasal nila ni James. At dahil doon ay dismayado ang mag-asawa sa ginawa ng kanilang anak na si James kay Alex. Kinwento na rin ni Alex na siya ay nakunan kaya di siya agad nakauwi ng bahay.“Anthony, hindi ba at alam mo ang nangyayari sa kompanya? Bakit itong balitang kumakalat sa kompanya mo ay hindi mo man lamang nalaman?” Inis na sumbat ng ginang sa kanyang asawa.Kahit na CEO ang kanilang anak na si James, ay si Anthony pa rin ang Chairman ng kanilang kompanya. At kahit hindi siya madalas na pumapasok sa kompanya, ay mayroon siyang pinagkakatiwalaan na nagrereport sa kanya sa loob man at labas ng kanyang kompanya. Lalo na kung involve ang kanilang anak dito.Pinakat
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha sa mata ni Alex. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Dala-dala ang kanyang maleta, pumara si Alex ng taxi patungo sa airport. Kinakagat na lamang niya ang kanyang labi upang tumigil siya sa paghikbi hanggang sa makasakay siya. Agad siyang kumuha ng ticket na papuntang Butuan, ang probinsya ng kanyang mga magulang. Bago pa man niya patayin ang kanyang phone, ay tumawag ang kanyang kaibigan na si Grace.“Hello, girl… Saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan para sana sa follow up check up mo. Bakit di mo sinasagot tawag ko?” Tanong ni Grace.“Sorry. Nasa byahe kasi ako.”“Byahe? Saan ka papunta?” tanong ni Grace.Welcome aboard! This is flight 5J65 going to Butuan…“Wait! Nasa eroplano ka?! Saan ka papunta?” Bakas sa tono ng boses ni Grace sa kabilang linya ang pagkataranta.“Pauwi ako sa probinsya nila mama. Mamaya ipapaliwanag ko sayo pagnakarating na ako sa bahay. Kailangan ko nang patayin ang taw
Humiga na si Alex matapos niyang makainum ng gamot, upang makapagpahinga siya. Ngunit kahit na anong pikit niya, ay hindi pa rin siya makatulog. ‘Namamahay siguro ako. O dahil matigas ang hinihigaan ko at di ako komportable. Tingin ko kailangan ko bumili ng kutson bukas.’ Umupo na lamang is Alex sa kanyang hinihigaang katre, at naalalang magbukas ng kanyang telepono. At dahil bago ang kanyang sim, ay sinubukan niyang magbukas ng kanyang social media.Sunod-sunod naman ang mensaheng natanggap ni Alex sa kanyang messenger galing sa kanyang kaibigan na si Grace. At kahit kay Cynthia ay nakatanggap rin siya ng mga mensahe.Isa isa niyang binsa ang mga mensahe bago niya naisipang tawagan ang kaibigan.“Hello, girl! Buti na lamang at tumawag ka. Mamamtay ako sa pag-aalala sayo. Ininum mo ba ang gamot na nireseta sayo?”“Huwag ka mag-alala iniinum ko po ang nireseta mong gamot, doktora.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan.“Mabuti naman… Ay siya nga pala, tumawag ba ang Ex mo sayo?”“Hindi.”
“Kay gandang pagmasdan ng tanawin, hindi ba?” Napatalon sa gulat si Alex nang biglang bumulong sa tenga niya si Nanay Meding.“Nanay, nakakagulat naman po kayo.” Sabay hawak ni Alex sa kanyang kumakabog na dibdib.Natawa na lamang ang matanda nang makita ang mapula-pulang pisngi ni Alex.“Iha, huwag ka mag alala. Huli ka man ay hindi ka makukulong.” Pang-aalaska pa ni Nanay.Kulang na lamang ay magpalamon na si Alex sa lupa sa kahihiyan nang mahuli pa siyang titig na titig sa lalaki.“Gagamit ka ba ng banyo?” Walang emosyong tanong ng binata sa kanya.“Ah-oo.” Nahihiya niyang tugon. Nagmamadaling pumasok ng banyo si Alex upang maitago ang kahihiyan na nangyari sa labas.“Nakita mo ba mukha niya?” Tanong ni Nanay at matawa tawa pa sa pangyayari. “Pulang-pula si Alexandra. Nahuli ko siya nakatitig sayo. Mukhang mahahanapan na kita sa wakas ng nobya.”“Si Nanay talaga.” Napailing na lamang na nangingiti si Brandon sa kalokohan ng Ginang.“Nagluto nga pala ako ng agahan sa bahay. Pumunt
“You deserve someone who will love and not hurt you,” napatulala si Alex sa sinabi ni Brandon.“Kaya huwag ka ng umiyak.” dagdag nito at bahagyang ngumiti sa kanya.‘Tama siya. Kailangan ko ngayon ay kapayapaan. Ano man ang nangyayari ngayon sa dalawa ay hindi ko na dapat pag-abalahan pa.’ sabi niya sa isip.Ngumiti si Alex kay Brandon. “Salamat,” saad niya ng ibigay ni Brandon ang panyo nito. Muling tumingin si Alex sa kanila ni James at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga tingin. Ngunit agad naman nagbawi si Alex nang mapansing kinuha ni Brandon mula sa kanyang kamay ang helmet na hawak niya at isinuot iyon sa kanya.“Gusto mo ba ng milk tea?” tanong nito.Tumango na lamang si Alex, bago sumakay sa motor ni Brandon. Nakarating sila sa isang sikat na milktea shop di kalayuan sa restaurant na kanilang kinainan.‘Siguro naman di na sila pupunta dito.’ sabi ni Alex sa isip.Ngunit napanganga na lamang siya nang makita ang sasakiyan ni James na nakaparada sa labas ng milk tea
Mula sa di kalayuan, nakatayo ang isang babaeng may hawak na tray ng pagkain. Malaki na ang umbok ng kanyang tiyan. Ilang saglit pa lamang ay lumapit ito sa lamesa nila Alex.“Alex,” bati nito.“Andito ka din pala. What a coincidence!” sabi niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapako sa lalaking kaharap ni Alex at walang pakialam na kumakain ng kanyang pagkain.‘Mga kabit nga naman sa panahong ito, wala nang hiya-hiya sa katawan. Saan kaya niya nakuha ang balat niya at may gana pang makipagbatian sakin?’ singhal ni Alex sa kanyang isip.Hindi talaga matatawaran ang kagwapuhang taglay ni Brandon. Lahat ng kababaihan ay hahanga talaga sa kanyang kagwapuhan. Kaya hindi masisisi ni Alex kung hindi mawala wala ang paninigin ni Ivy kay Brandon.“Ay oo naman. Restaurant to eh. At andito kami para kumain. Ganun ka din naman hindi ba?” sarkastikong tanong ni Alex na ikinahilaw ng mukha ni Ivy.Hindi pa rin nawala ang tingin ni Ivy kay Brandon, na hindi naman tumitingin sa kanya.‘Wala dito si
“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko l
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Dumarami ang mga tenant na nag-uusisa at nagbibigay ng kanilang opinyon habang abala si Brandon sa pagpihit ng main valve ng tubig. Samantalang si Alex ay nakakuyom ang kamay na nakatitig lamang kay Brandon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala na baka mabasa ang lalaki o di kaya ay mapahamak ang lalaki sa ginagawa.Hindi niya aakalaing walang kaarte arte at walang pag aalinlangang humiga si Brandon sa lupa kahit na alam niyang madudumihan siya. Naglalabasan na din ang mga ugat nito sa kamay, leeg at maging ang mukha ay namumula na dahil sa tigas ng pinipihit. Ngunit di parin ito umikot. Ipinahinga ni Brandon ang kanyang kamay bago muling pinigilan ang paghinga at pinihit muli ang valve.“Iho… Di mo yan maiikot. Marami nang sumubok na gumawa niyan pero wala paring nakapagpaikot dyam. Huwag ka na mag aksaya pa ng lakas.” sabat ng isang matandang dalaga na residente din ng apartment na iyon.“Brandon. Tama na yan. Hahanap na lamang ako ng gagawa.” nag aalalang sambit ni Alex.Matapo
“Balak mo ba talagang ipangalandakan na magkakilala tayo at yung nangyari kagabi? O panakot mo sakin yan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo?” Derechahang tanong ni Alex.“HIndi sa ganun.” sagot ni Brandon nang hindi nakatingin kay Alex.Napakuyom ng kamao si Alex sa inis. Bakas naman sa mga mata ni Brandon na hindi ito makatingin sa kanya at nagsisinungaling lamang siya.“Wala naman talaga akong kilala dito. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Anong problema ba doon? Tinulungan naman din kita noon sa Butuan, hindi ba?”‘Nanunumbat lang? So pag hindi pa ako ang tumulong sa kanya, wala na akong utang na loob?’ napasinghal si Alex sa isip. ‘Pero ayoko magkautang sa kanya, kahit utang na loob pa… Kailangan pa ring bayaran iyon.’ kinalma ni Alex ang sarili.“OKay sige. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Engineer Brandon Montenegro? Saan ka magpapasama. At ano ang bibilhin mo na kailangan pa ako ang kasama mo?” tanong nito.“Plano kung maghanap ng bahay rito.” tila nabilaukan si Alex sa saril
“Saan ka pupunta? May lakad ka daw? At nagleave ng two days? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Alex nang mahabol niya si Brandon bago pa man ito umalis.“Limang araw lang naman talaga ang pasok ah. Masama bang magday off ako? Sobrang tight ng schedule natin dito. Tao lang din naman ako at kailangan ng pahinga.” Sarkastikong tugon ni Brandon.Huminga ng malalim si Alex upang pigilan ang inis niya. ‘At ngayon pa talaga kung kailan maraming gagawin? Dammit.’“TAma ka naman na may karapatan tayong magday off. Pero hindi ba pwedeng mag overtime ka? Tight ang schedule natin oh. Nabanggit ko naman sayo ang deadline at sa susunod na linggo na yun. Hindi ba pwedeng huwag ka muna mag off? Babayaran ka naman ng overtime pay mo.” pakiusap ni Alex.“Hindi importante ang pera sakin. Kailangan din nating magpahinga. Di naman tayo robot. Tyaka kapag makapagpahinga tayo, mas magiging reproductive tayo.”Lumapit si Cynthia sa dalawang nag uusap.“Sir Brandon, kailangan mo po ba talaga magday off ngayon
“Ah… It’s nothing. Tungkol lamang sa trabaho.”Pagpapalusot ni Alex. Upang hindi na siya paghinalaan ni Cynthia.Inayos ni Alex ang kaniyang pinagkainan at maayos na iniwan sa lamesa. Kinuha na din niya ang kanyang gamit at handa nang umalis.“Miss,” habol na tawag nito ng iniwan siyang nakaupo sa kanilang kinauupuan kanina.Tumayo agad si Cynthia at hinabol ang kanyang senior.“Hindi nga miss? About work lang ba talaga ang pinag-usapan niyo?” tanong nitong muli ng makahabol kay Alex.“OO nga. Tinatanong niya kung willing ba tayong mag work overtime para sa mga nalalabing araw ng pag-aayos ng mga porblema dito sa park.”Napahinto si Alex at mabigat na ibinagsak ang kanyang paa sa lupa. Ang kaninang nakangiti at maaliwas na awra ay napalitan ng mukhang hindi maipinta. “Grabe naman si Engineer! Ano akala niya sa atin robot na katulad niya?! Wala na siyang awa.” reklamo nito.Itinikom ni Alex ang bibig sa pagpipigil nitong makatawa. Nang makarating sila sa park ay patuloy pa rin ang pagr