“Sigurado ka bang kaya mo nang umuwi?” Tanong ni Grace kay Alex, na ngayo’y nagliligpit ng kanyang gamit.Hindi na pumayag si Alex na magpalipat ng ospital at napagpasyahan niyang umuwi na lamang kahit na kakagaling lang niyang maraspa.“Kailangan kong umuwi at may mga tatapusin pa ako sa trabaho. Kailangan ko ring makipag-usap kanila tito at tita.” walang emosyong sagot ni Alex.Hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kanyang anak sa sinapupunan.“Makikipaghiwalay ka na ba ng tuluyan kay James?” Hindi umimik si Alex, sa halip ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Nang matapos sa kanyang ginagawa, ay inaya na niya si Grace na umuwi.“Umupo ka dito. Kahit papaano ay pasyente ka parin.” Utos ni Grace sa kaibigan sabay turo ng wheelchair na dala-dala ng isang nurse na kakapasok lamang sa kanilang kwarto.“Okay lang ako, Grace.” Pagtanggi ni Alex sa wheelchair na inaalok ni Grace sa kanya.Nagtaas ng kilay si Grace at binigyan ng masamang tingin ang kaibigan. Maputla ang mga labi ni Al
Isang oras ang binyahe nila Kenneth at Alex papuntang Taguig upang dalhin si Alex sa sinasabi ni Kenneth na surpresa ni James para sa kanilang kasal.Nakatayo sila sa isang tatlong palapag na mansion na ayon kay Kenneth ay 200 square meter ang lawak ng lupa nito. At ipinadesenyo ito ni James sa isang sikat na enhenyerto upang masunod ang pangarap na bahay ni Alex. Gamit ang susing dala ni Kenneth, binuksan ni Alex ang wooden main door gamit ang passcode na numero ng petsa ngayon, ang araw ng kanilang kasal. Kahit papaano ay naantig si Alex sa ginawa ni James.Isang aesthetic modern design ang interior ng bahay. Pinaghalong cream white, at brown ang kulay ng bahay maging ang mga kagamitan sa loob, at mga muwebles dito. “Talaga bang para samin ito?” HIndi makapaniwalang tanong niya.Naalala ni Alex nang tanungin siya noon ni James tungkol sa kung anong desenyo ng bahay ang gusto niya nang makita niya ang kanyang iginuhit na bahay sa isang bondpaper, na ngayo’y nakaframe at nakasabit sa
“A resignation letter?!” Napataas ang tono ni Cynthia.“Hush!” Agad namang tinakpan ni Alex ang bibig ng matabil niyang assistant. “Ang ingay mo!” Sita niya rito sabay lingon sa mga staff na dumadaan at napatingin sa kanila.“Sorry naman. Pero seryoso, miss… Bakit ka magreresign?”Hindi sumagot si Alex. Ayaw niyang sagutin pa ang mga katanungan dahil ang rason ng kanyang pagreresign ay personal.“Miss, dahil ba yun sa kumakalat na isyu dito?”Napakunot ang noo ni Alex sa pagtataka. “Issue? Anong isyu?” Tanong niya.“Bali-balita kasi rito na may babae si sir James. At ang kwento pa, buntis yung girl.” “Paano naman nila nasabi?” Tanong ni Alex.“May isang empleyado nakakita kay Sir James sa isang ospital at nagpapacheck up sila sa ob gyne.”Hindi na muling nagtanong si Alex at di na rin siya nag-usisa. Dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nila. “Kaya huwag kang mag-alala, miss. Sayo ang loyalty ko. Kung ano man ang dahilan ng pag reresign mo, susuportahan kita. Ayoko sa lahat iyon
“Ano?! Ginawa niya lahat ng iyon?” Di makapaniwalang tanong ni Mary Anne kay Alex.Samantalang tahimik na nakaigitng ang panga, at nakakuyom ang mga kamay ng ama ni James na si Anthony. Hindi ito kumikibo habang nakikinig sa sinasabi ni Alex.Kinwento ni Alex sa kanila kung bakit di niya itinuloy ang pagpaparehistro ng kasal nila ni James. At dahil doon ay dismayado ang mag-asawa sa ginawa ng kanilang anak na si James kay Alex. Kinwento na rin ni Alex na siya ay nakunan kaya di siya agad nakauwi ng bahay.“Anthony, hindi ba at alam mo ang nangyayari sa kompanya? Bakit itong balitang kumakalat sa kompanya mo ay hindi mo man lamang nalaman?” Inis na sumbat ng ginang sa kanyang asawa.Kahit na CEO ang kanilang anak na si James, ay si Anthony pa rin ang Chairman ng kanilang kompanya. At kahit hindi siya madalas na pumapasok sa kompanya, ay mayroon siyang pinagkakatiwalaan na nagrereport sa kanya sa loob man at labas ng kanyang kompanya. Lalo na kung involve ang kanilang anak dito.Pinakat
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha sa mata ni Alex. Wala na siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong niya. Dala-dala ang kanyang maleta, pumara si Alex ng taxi patungo sa airport. Kinakagat na lamang niya ang kanyang labi upang tumigil siya sa paghikbi hanggang sa makasakay siya. Agad siyang kumuha ng ticket na papuntang Butuan, ang probinsya ng kanyang mga magulang. Bago pa man niya patayin ang kanyang phone, ay tumawag ang kanyang kaibigan na si Grace.“Hello, girl… Saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan para sana sa follow up check up mo. Bakit di mo sinasagot tawag ko?” Tanong ni Grace.“Sorry. Nasa byahe kasi ako.”“Byahe? Saan ka papunta?” tanong ni Grace.Welcome aboard! This is flight 5J65 going to Butuan…“Wait! Nasa eroplano ka?! Saan ka papunta?” Bakas sa tono ng boses ni Grace sa kabilang linya ang pagkataranta.“Pauwi ako sa probinsya nila mama. Mamaya ipapaliwanag ko sayo pagnakarating na ako sa bahay. Kailangan ko nang patayin ang taw
Humiga na si Alex matapos niyang makainum ng gamot, upang makapagpahinga siya. Ngunit kahit na anong pikit niya, ay hindi pa rin siya makatulog. ‘Namamahay siguro ako. O dahil matigas ang hinihigaan ko at di ako komportable. Tingin ko kailangan ko bumili ng kutson bukas.’ Umupo na lamang is Alex sa kanyang hinihigaang katre, at naalalang magbukas ng kanyang telepono. At dahil bago ang kanyang sim, ay sinubukan niyang magbukas ng kanyang social media.Sunod-sunod naman ang mensaheng natanggap ni Alex sa kanyang messenger galing sa kanyang kaibigan na si Grace. At kahit kay Cynthia ay nakatanggap rin siya ng mga mensahe.Isa isa niyang binsa ang mga mensahe bago niya naisipang tawagan ang kaibigan.“Hello, girl! Buti na lamang at tumawag ka. Mamamtay ako sa pag-aalala sayo. Ininum mo ba ang gamot na nireseta sayo?”“Huwag ka mag-alala iniinum ko po ang nireseta mong gamot, doktora.” Nakangiti niyang sagot sa kaibigan.“Mabuti naman… Ay siya nga pala, tumawag ba ang Ex mo sayo?”“Hindi.”
“Kay gandang pagmasdan ng tanawin, hindi ba?” Napatalon sa gulat si Alex nang biglang bumulong sa tenga niya si Nanay Meding.“Nanay, nakakagulat naman po kayo.” Sabay hawak ni Alex sa kanyang kumakabog na dibdib.Natawa na lamang ang matanda nang makita ang mapula-pulang pisngi ni Alex.“Iha, huwag ka mag alala. Huli ka man ay hindi ka makukulong.” Pang-aalaska pa ni Nanay.Kulang na lamang ay magpalamon na si Alex sa lupa sa kahihiyan nang mahuli pa siyang titig na titig sa lalaki.“Gagamit ka ba ng banyo?” Walang emosyong tanong ng binata sa kanya.“Ah-oo.” Nahihiya niyang tugon. Nagmamadaling pumasok ng banyo si Alex upang maitago ang kahihiyan na nangyari sa labas.“Nakita mo ba mukha niya?” Tanong ni Nanay at matawa tawa pa sa pangyayari. “Pulang-pula si Alexandra. Nahuli ko siya nakatitig sayo. Mukhang mahahanapan na kita sa wakas ng nobya.”“Si Nanay talaga.” Napailing na lamang na nangingiti si Brandon sa kalokohan ng Ginang.“Nagluto nga pala ako ng agahan sa bahay. Pumunt
“Oh. Bakit ikaw lamang ang pumarito?” Tanong ni Nanay Meding nang mapansing mag-isa lamang si Brandon na pumunta sa kanyang bahay.“Busog raw po si Alex,” sagot ni Brandon.“Naku… Kaya ang payat niya at maputla eh. Hindi siguro nagkakakain iyong batang iyon.” Bulalas ni Nanay Meding habang naghahanda ng pagkain sa hapag.Tumulong na din si Brandon sa paglalagay ng mga kubyertos dahil di naman na siya bago sa bahay ng matanda. Itinuring na ni Brandon na pangalawang magulang ang mag-asawang De Silva dahil tatlong taon na rin siyang nanirahan ssa lugar na iyon. Mula nang magpahinga siya sa pagiging sundalo ay doon na siya tumira.Matapos nilang kumain ay nag-alok na si Brandon na hugasan ang kanilang pinagkainan bago bumalik sa kabilang bahay.“Brandon, Iho, dalhin mo na lamang itong champorado kay Alexandra. Baka nahihiya lamang iyon na pumunta rito.” Bilin ni Nanay Meding sa binata, matapos nito maghugas ng plato.“S-sige po.” Nag-aalangan man, dahil baka hindi rin kainin ni Alex ang c
Kinuha ni Brandon ang kanyang naiwang telepono sa lamesa at walang pasabing umalis na lamang itong muli. Nakahinga naman ng maluwag si Cynthia na tila ba kanina pa ito nagpipigil ng hininga.Tila naman nagkaroon ng butas sa loob ng dibdib ni Alex na tila ba may kulang. Ngunit para sa kanya. Ay hindi na mahalaga kung alam ba ni Brandon o hindi na siya ang tinutukoy nito.‘Kung narinig man niya iyon, ay wala akong pakialam. Magalit man siya o mamisunderstood niya ang sinasabi ko. Maigi nang malaman niyang walang pag-asa sa aming dalawa. Totoong magkakilala kami pero hanggang doon lang iyon.’ sabi ni Alex sa sarili.Dahil sa ngayon ay wala pa siyang balak na makipagrelasyon kung kanino man. Ang tanging gusto lamang ni Alex ay maghanap ng bagong mapapasukan at makapagsimulang muli.Matapos nilang kumain ay hinatid na ni Alex si Cytnhia sa site, ay plano niyang dumerecho sa kanyang inaplayang trabaho. MAtapos niyang makapagpasa ng resume ay agad siyang tinawagan para sa interview. Nagulat
Lumabas sina Alex at CYnthia ng kanilang hotel room upang mag-almusal at pumunta sa trabaho. Nagulat si Cynthia ng makita si Brandon na nakatayong nakasandal sa pader sa katabing pintuan ng tinutuluyan nitong hotel room. Nakasuot itong batik na kulay ng pantalon at itim na pang-itaas na t-shirt. Parehas na nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay nito.Nakakunot ang noo ni Cynthia na nagtataka. “Sir Brandon… Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa po kayo pumunta sa site?” tanong ito.“Ayoko pang pumasok.” maikling sagot ni Brandon saka nilingon si Alex na nasa likod lamang ni Cynthia at tahimik na nakikinig ng usapan.Hindi pa rin makalimutan ni Alex ang kahihiyang ginawa niya kagabi kaya wala siyang mukhang maiharap sa binata.“Nag-almusal na po ba kayo?” tanong ni Cynthia.“Hindi pa.” sagot nito habang nakatingin parin kay Alex.Napansin naman ni Cynthia ang pagtitig ni Brandon sa kanyang kasama kaya ay nakangisi ito na tila may pinaplanong hindi maganda.Piangswiklop
‘Haizzt! Tama na ang pag-iisip kay Brandon at sa panaginip na iyan!’ Napakamot ng ulo si Alex.Agad namang napansin ni Cynthia ang pagkaluskos sa bandang kama ni Alex. Kaya lumapit ito kay Alex.“Miss… Maaga pa. Matulog ka pa po. Tingin ko madaling araw ka na nakatulog kagabi.” makabuluhang sabi nito sabay ang pag anagt baba ng kilay ni Cynthia.Nagtaas ng kilay si Alex. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Alex.“Hehe… HIndi ba at pumunta kay Sir Brandon? Akala ko ikaw at si Brandon ay-” pinagdikit ni Cynthia ang dalawang nakaangat na hintuturo nito at pinagdikit ang mga ito kasabay ang pangungutya.Kumunot ang noo ni Alex. “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong nito kasabay ang pag-ikot ng kanyang mata sa pagkairita.“Kinain ka na ng sistema ng pinapanuod mong drama sa laptop mo.” Naiiling na lamang si Alex, na halatang dismayado sa sinabi nito.“Bakit? Anong mali sa sinabi ko? May problema ba kung magkakamabutihan ang kagaya mong wala nang karelasyon sa isang binatang wala din namang
Mag-aalas dos na ng madaling araw at ilang beses nang paikot ikot si Alex sa kanyang higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maraming tumatakbo sa kanyang utak. Kaya para dalawin ng antok ay sinubukan niyang buksan ang kanyang telepono at bumungad doon ang mga mensahe ni Grace.“Totoo nga naman ang kasabihan.. Ang masamang damo matagal mamatay.”“Mukhang mahina lang ang pagkakapalo mo. Hindi man lang malala. Nagtamo lamang siya ng maliit na sugat. Pero siguro puro dugo lamang ang laman ng kanyang ulo at walang utak.”Natawa si Alex sa mga mensahe ni Grace. Nagtipa siya ng mensahe at nireplyan ang kaibigan.“Hayaan mo, sa susunod… sisiguraduhin ko nang malakas ang pagkakapalo ko. Para di na talaga magising. Ha-ha-ha.” sagot ni Alex.“HIndi ko na tinignan pa siya baka ntulog siya ulit o di kaya ay inoperahan ulit.” sagot ng kaibigan sa kanyang mensahe.Umalis si Alex sa kanilang sagutan sa text at binasa ang iba pang mensahe.Nakita niya roon ang mensahe ni Timothy kaya binu
Kumunot ang noo ni Brandon. Hindi mahigpit ang kanyang pagkahawak, ngunit agad na nangsim ang mukha ni Alex at halatang nasasaktan ito. Bumaling ang tingin ni Brandon sa kamay ni Alex sa bandang palapulsuhan at napansin ang pasa sa paligid nito. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga, at itinaas ang manggas ng suot nitong dyaket.“Anong nangyari rito?” tanong niya.Bakas sa kanyang mukha ang pagkunot ng kilay, at pag-igting ng panga. Agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. At napansin niyang tinitignan lamang ni Brandon ang bawat kilos nito.‘Galit ba siya?’“W-wala ito,” Nauutal nitong sagot habang binababang muli ang manggas ng kanyang dyaket upang takpan ang pasa sa kanyang kamay.Inangat ni Brandon ang kanyang kamay at nakapalad itong nakaharap kay Alex. “Akin na,” saad nito na tila ba may hinihingi.“Ang alin?” Maang nitong tanong.Tintigan ng masama ni Brandon si Alex at bumuntong hininga bago kinuhang muli ang kamay nito kung saan nakita niya ang pasa kanina.“Saan mo to n
“Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na.” napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex at nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi sa hiyang naramdaman.“UH-Sorry.” Sumunod siya kay Brandon sa sofa at umupo sa tabi nito.“Kukuha lang ako ng maiinom. Anong gusto mo? Kape? Juice?”“Juice na lang siguro.” sagot ni Alex at nagpasalamat ito.“Gagawa lang ako ng juice at sandwhich. Andyan na sa desktop ang file.” saad ni Brandon saka pumunta ng kusina upang gawan ng meryenda ang bisita.Napaawang naman ang bibig ni Alex nang makitang maraming mga nakalagay sa kanyang laptop. Nahihilo at naduduling na si Alex, hindi malaman kung anong file ang kanyang bubuksan. Dala ang nakabukas na laptop, pumunta si Alex sa hapagkainan at doon nilapag ang laptop ni Brandon, bago umupo sa upuan.“Saan dito? Ang dami kasing folders di ko makita ang sinasabi mo.” tanong ni Alex.“Yung may AB na folder.” sagot ni Brandon.“Alin dito?” nagugulumihanang tanong ni Alex. Patuloy ang kanyang paghahanap ng files
Tila nainsulto si Ivy sa sinabi ni Alex. Napakuyom ito ng kanyang mga kamay at tila may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan.“Paano mo nasasabi ang mga ganitong bagay, Alex? Minahal mo din naman yung tao. Hindi ba dapat di ka magsasalita ng masasamang bagay laban sa kanya? Kahit na ba hindi okay ang breakup niyo kahit papaano minahal mo siya sa loob ng isang taon. At pamilya ang turing sayo ng pamilya niya. Wala ka na bang natititrang kaunting amor man lang dyan sa puso mo?” dismayadong tanong ni Ivy.Natawa si Alex sa sinabi ni Ivy. “Amor? Nagpapatawa ka ba?” Napailing si Alex habang natatawa na tila nakarinig ng biro sa kanyang kaharap na babae.“Sa pagkakaalam ko, ang taong nararapat na bigyan ng halaga at pagmamamahal, ay ang taong karapat-dapat. Sa tingin mo ba deserving si James sa pagmamahal ko? Gaya ng sabi mo, masama akong tao. Hindi ako marunong magpatawad, lalo na sa mga taong sinaktan ako.” Sarkastikong tugon ni Alex na ikinakunot ni Ivy.“Ganyan ka na ba ngayon? Ano-”
“Bakit ba sa tuwing binabalak kong umalis, ay lagi akong walang choice kundi ang bumalik? Naku! Kung hindi lamang sa pinaghirapan at pangarap namin ng papa ko, hindi na ako talaga magpapakita sa kanila. Nagpasa na nga ako ng resignation pilit pa rin akong pinapabalik. HIndi ba pwedeng ako naman muna? Sarili ko na muna? Kailangan kong maghilom para naman sa kalusugan ko.” INis na reklamo ni Alex habang kausap ang sarili sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.Gayunpaman, ayaw naman ni Alex na hindi matapos ang amusement park na iyon. Maraming panahon na rin ang ginugugol niya. Pati dugo at pawis ay inilaan niya duon. Kumuha siya muli ng maliit na bag at naglagay ng ilang damit na susuotin niya pagbalik niya sa site.Hapon na nang umalis si Alex sa kanyang bahay. Nang sa kanyang paglabas ay nabaling ang kanyang tingin sa pinto katabi ng kanyang unit. Nakakaramdam si Alex ng kakaibang kaba sa tuwing napapatingin siya rito. Marahil ay nalaman niyang may bagong lipat at lalaki pa ang lilipa
Nakita ni Alex ang ginang na kausap niya. Siya ang may ari ng apartamento. “May bago po bang lipat?” tanong ni Alex.Sa pagkakatanda niya ang unit na iyon ay wala pang nakatira.“Hindi ba ikaw…”“Pero dito po ako nakatira.” tinuro ni Alex ang katabing pintuan, na may mga gamit na nakaharang. Gamit iyon na mula sa loob ng bakanteng paupahan.“Ay sorry. Puno na kasi ang bahay ko may nakaupa na. Tapos nakiusap ang lilipat na linisin at ayusin ang mga gamit rito sa loob. Teka… Tatanggalin ko iyan para makapasok ka na.”Tumulong si Alex sa pagbubuhat ng mga gamit na nakaharang sa kanyang pinto. At nagpasalamat sa Ginang. Muli siyang sumilip sa bahay at napansing tila mas luma pa iyon tingnan kaysa sa kanyang bahay.‘Siguro mura lang upa rito. Kung ako tatanungin lilipat ako rito kung mura lang din ang upa lalo pa at nagtitipid ako ngayon.’ saad ni Alex sa sarili.‘Sino kaya ang lilipat rito? Babae o lalaki? Sana naman hindi magulo at hindi maingay.’“Uhm… Pwede po ba malaman kung sino ang