Nagising sina Alex at Grace sa katok na nagmumula sa labas ng bahay ni Grace.“Hmmm… Grace may kumakatok.” ginising ni Alex ang kaibigan na ayaw pa ring bumangon.“Ikaw na magbukas.” utos ni Grace pabalik kay Alex.Tamad na bumangon si Alex. Humarap muna siya sa salamin upang ayusin ang magulong buhok, at tingnan kung may dumi siya sa mukha. Ngunti ang katok mula sa pinto ay di pa rin tumitigil.“Sino yan?!” Inis na tanong ni Alex.“Babe, Alex, ako to si James.”Napabuntong hininga na lamang si Alex at minasahe ang ulo. Tiningnan niya ang oras at alas otso palang ng umaga. Kumunot ang kanyang noo sa pag-iisip kung paanong nalaman ni James kung saan siya nakatira.“Babe,” tawag ni James mula sa labas ng bahay ni Grace.Pinagbuksan niya ng pinto si James at blangkong ekspresyon ang kanyang iginawad sa lalaki habang nakasandal siya sa amba ng pintuan.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.“Sinusundo ka. Umalis ka pala kagabi bakit di ka man lang nagmessage?”“Bakit kailangan ko sabihin
“Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo, may mababago ba?”Tila natigalgal si James sa tanong ni Alex. Hindi makapaniwalang tingin ang ginawad ni James sa kanya.“Meron.”Tumikhim si Alex sa sinagot ni James at nagbigay ng sarkastikong tawa na may pag-iling.“I doubt that.” Komento niya. Napakunot ang noo ni James sa inis na kung bakit tila di naniniwala ang kasintahan sa kanyang sinasabi.“You know what? Fine! Kung iyan ang iniisip mo. Hindi kita msisisi. O baka kaya di mo sinasabi sakin agad dahil alam mo sa sarili mong hindi akin iyang pinagbubuntis mo.”Uminit ang pisngi ni James ng dumapo ang palad ni Alex sa kanyang pisngi, kasabay ng pagbagsak ng luha ng dalaga. “How dare you!” Nanginginig ang bibig nito, at bakas sa mga mata niya ang sakit at galit na nararamdaman sa kaharap.Sa kanyang inis di na niya mapigilang humagulgol, ngunit ayaw niya din namang harapin ang lalaki na makikita siyang mahina ito, kaya miabuti niyang umalis na lamang at hindi na kausapin ang lalaki.‘Walang hiy
Hindi pa nakakasagot si Alex sa tinatanong ng nobyo, nang biglang pumasok si Grace kasama ng ibang mga nurse.“Kailangan namin icheck ulit vitals mo.” Pag aanunsyo ni Grace na ikinatango ni Alex.“Excuse,” simpleng siniko ni Grace si James para paalisin ito sa tabi ng kaibiganInis naman na umalis sa kinauupuan si James at binigyan ng matatlim na tingin si Grace ngunit di na lamang ito nagsalita. Patuloy sa pagcheck ng vitals ang nurse na nag-assist kay Grace.“Thank you, nurse.” sabi ni Grace sa nurse at pina-una ng lumabas ng kwarto. Nagpaiwan naman si Grace.“Kamusta ang naraaramdaman mo?” tanong ni Grace kay Alex.“Medyo okay na. Salamat. Yung baby ko kamusta?” Tanong niya.“Nagkaroon ka ng threatened miscarriage. Mabuti na lamang at may mga magagandang loob na tumulong sayong dalhin ka dito sa ospital. Pero next time, mag-ingat ka na. Iwasan mong mastress at nakakasama sa baby mo.” Paalala ni Grace, sabay lingon kay James at tinapunan ito ng masamang tingin.Hindi makapaniwalang
Pinatay ni James ang tawag at ibinulsa muna ang telepono ni Alex. Mula sa kabilang bulsa, dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter.Mula sa floor to ceiling glass door papunta sa balkonahe, nakita ni Alex ang pagsisigarilyo ng kasintahan. ‘Stress siguro to.’ sabi niya sa isip at saka tumikhim.‘Siguradong pinipilit siyang papuntahin ng babaeng iyon kaya siya nagkakaganyan. Bakit ba naman kasi tong lalaking ito, hindi makatanggi sa babaeng iyon na hindi niya matanggihan? Ano ba ang relasyong meron sila?’ takhang tanong niya.Matapos magsigarilyo ay pumasok si James sa kanilang kwarto. Kasabay noon ay ang pagbuga niya ng usok at amoy ng sigarilyo ay nalanghap ng kawawang buntis na muntik niya ng ikinaduwal.“Be mindful! May buntis dito, magpapasok ka pa ng usok ng sigarilyo.” Iritang pagsesermon ni Alex habang nagpapaypay ng kamay sa hangin.“Sorry,” tanging sambit ni James.Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at inabot kay Alex. “Pasensy
Papalit-palit ng pwesto si Alex sa kanyang pagkakahiga, ngunit hindi pa rin siya makatulog sa kakaisip sa sinabi ng kaibigan.“Naku Alex… Pag-isipan mong mabuti kung itutuloy mo pa ba talaga ang pagpapakasal sa lalaking iyan. Nakita mo naman ang nangyari. Ngayon pa nga lang na buntis ka, iniiwanan ka na kahit na alam niyang mas kailangan mo siya. Mas inuna pa niya ang babaeng iyon. Kung ako ikaw hihiwalayan ko na siya. Mas mabuti pang ganun para isang sakit lang, hindi ka na magdudusa habang buhay.” Pagsesermon ni Grace sa kanya.Hindi na nakasagot pa si Alex sa sinabi ng kaibigan. Kung hindi lamang dahil sa mga magulang ni Alex at utang na loob niya ay baka kinansela na niya ang engagement nila. Laging sinasabi ni James na mahal niya siya, ngunit nasa ang pagmamahal na iyon?Umupo si Alex sa kama at niyakap ang mga binti habang ipinaton niya ang kanyang baba sa kanyang tuhod. ‘Ano na ang gagawin mo Alex?’ tanong sa sarili.Ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba si Alex para kumuha ng
KABANATA 16Matapos ang kanilang tanghalian ay inaya ni James si Alex na magpunta ng mall upang mamili ng kanilang susuotin kinabukasan para sa kanilang kasal. Hinayaan niya ang lalaki at sumama na lamang din siya. Wala din namang gagawin sa bahay.“Pwede bang dumaan muna tayo ng office?” tanong ni James matapos niyang makatanggap ng tawag mula kay Kenneth, kanyang sekretarya.“Okay.” Sagot ni Alex. Naalala din niyang may tinatanong pala si Cynthia sa kanyang tungkol sa project nila na ginagawa.***Dumating sila sa opisina ng sabay at magkahawak kamay. Pilit na kinukuha ni Alex ang kanyang kamay kay James ngunti di nito hinahayaan na makabitiw sa kanya. “Pinagtitinginan tayo,” bulong ni Alex kay James nang mapansing lahat ng mat ay nakatingin sa kanila. Alam sa kompanya na sila ay mag-asawa ngunit ito ang unang beses na makikita silang sabay na bumaba ng kotse at affectionate sa isa’t-isa.“Ang sweet na man ni Sir! Ayiiee!” kinikilig na bulalas ng isang empleyado sa katabi.“Oo nga
“Anak?!”Napalingon si James at Alex nang biglang magsalita si Ivy.Bakas kay Ivy ang pagkagulat ng marinig ang salitang anak.“Ahh. Nakalimutan kong sabihin. Buntis kasi ako sa anak namin.” Nakangiting sabi ni Alex, kasabay ng pag-angkla niya sa kanyang kamay sa braso ni James.Hindi naman makapaniwala na tumingin si Ivy sa magkalingkis na kamay ng dalawang magkasintahan sa kanyang harapan. Ngunit napalitan din agad iyon ng pilit na ngiti at binati ang dalawa.“Well, congrats. Finally, you'll have your own family.” sabi nito.“Thank you,” sagot ni James.“Let's go. Kailangan pa natin pumunta sa munisipyo.”“Anong meron?” Naguguluhan na tanong ni Ivy.“Magpapakasal kami sa huwes bukas.” Anunsyo ni Alex.“Huh? Eh… Hindi ba in two months pa ang kasal niyo?” naguguluhang tanong ni Ivy.“Gusto kasi ni James na marehistro na ang kasal namin para maging isang ligal na Mrs. Lopez.” Halata sa tono ni Alex na may halo itong pagmamayabang at pang-aasar sa dalaga.Palihim namang nagkuyom ng mga
Kumukunot ang noo ni Alex habang nakapikit parin ang kanyang mga mata. Nagising siya ng makarinig ng kalabog ng pintuan na tila ba ito ay binuksan ng malakas.“Alex!” tawag ng isang pamilyar na boses.“Huminahon po tayo, mam. Natutulog pa po ang pasyente. Kayo po ba ang kanyang guardian?”Tuluyan ng dumilat ang mga mata ni Alex upang tingnan ang mga nangyayari sa paligid.Napangiti siya nang makita si Grace.“Ako ang kanyang kaibigan at obgyne. Sino ang attending physician niya? I want to talk to them. Ikaw? Sino ka?” tanong ni Grace.“Ako si-” Sasagot na sana ang lalaking tumulong kay Alex sa kalsada ngunit tinawag ni Alex si Grace.“Grace,” Agad namang nilapitan ni Grace ang kaibigang nakahiga sa hospital bed at hinawakan ang kamay.“Kamusta ka? Ano nararamdaman mo? Okay ka lang ba? Huwag ka mag-alala ililipat kita sa medical city.” Sunod sunod na tanongi ni Grace. Bakas sa tono ng kaibigan ang pag-alala.Hindi nanakasagot si Alex nang biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang
“S-sorry,” anas ni Alex nang mapansin ang basang balikat ni Brandon dahil sa pamunas na ginamit ni Alex sa braso ng binata.Agad naman niyang tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na pamunas sa ibabaw ng balikat ni Brandon.“Matagal ka na bang nakatira sa Butuan?” tanong ni Alex na ikinatango ni Brandon.“Oo. Simula pa nung bata pa ako.” Doon kami nakatira ng magulang ko.” sagot niya na ikinagulat ni Alex.“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Alex.Napansin naman ni Alex ang peklat ni Brandon sa bandang kamay nito nang iniabot ni Brandon sa kanya ang tuyong face towel.“Napaano iyan?” tukoy ni Alex sa peklat na pahaba ang hiwa.“Ito?” tinignan ni Brandon ang kanyang kamay. “Nasugatan ako noong may tinulungan akong bata na natinik ng halaman. Natumba ako at tumama sa matalas na bolo,” sagot ni Brandon.Napasinghap naman si Alex sa narinig. ‘HIndi kaya siya talaga iyong bata na napapanaginipan ko?’ tanong ni Alex sa sarili.‘Matagal tagal ko na di siyang kilala ngunit ngayon ko
Biglang tulak ni Alex kay Brandon. Mabuti na lamang at lumuwag na din ang pagkakakapit ni Brandon sa kanya. Nagmamadali namang tumakbo si Alex papunta sa sala, hindi alam kung ano ang gagawin.‘Bakit ako tumakbo?’ takhang tanong sa sarili.“Bahay ba ito dati ng mga magulang mo?” nagulat si Alex nang biglang nagsalitang muli si Brandon, na tila ba walang nangyari kanina.“Oo,” sagot ni Alex.Inilibot ni Brandon ang tingin sa kabuuan ng unit at napansin ang mga award, certificates, at pictures ni Alex kasama ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.Napako ang tingin ni Brandon sa isang litrato ng isang buo at masayang pamilya. Ang mga magulang ay nakayakap na tila ba prinoprotektahan nila ang batang nasa gitna, nakatirintas ang buhok, kulay pula ang suot na dress, at itim ang boots. Nagniningning ang mga mata ng batang nakangiti.“Wala pa rin pinagbago ang mukha mo mula noon hanggang ngayon.” Anas ni Brandon.“Matalino ka din pala noong bata ka,” ani ni Brandon habang tinitingnan isa
Sumasakit talaga ang ulo ni Alex sa problema sa kanyang bahay ngayon. Para sa kanya, tila mas madaling ayusin ang problema sa amusement park kesa harapin ang problema sa bahay niya.“Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ni Brandon na nagpabalik mula sa malalim na pag-iisip ni Alex.“Hindi naman sa ganoon…” dumapo ang tingin ni Alex sa maduming puting t-shirt ni Brandon at basang pantalon. Maging ang sapatos na suot nito ay basa na rin.Tila naman naawa siya sa binata.“Magagawa ko ito agad. Huwag ka mag-alala.” sagot ni Brandon.Ngumiti ang lalaki habang hinaplos ni Brandon ng bahagya ang kanyang ulo. Tila may kung anong init sa pakiramdam ng gawin iyon ni Brandon sa kanya. Malayong-malayo mula kay James.‘Bakit kay James hindi ko naranasan ang mga ito? At bakit sa kanya ko lang ito nararanasan? Sino ka ba, Brandon? Bakit ginugulo mo ang puso ko?’Nagtagpo ang mga mata nila, kaya agad na nag-iwas ng tingin si Alex. Muli ay bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya agad itong umalis at bini
Dumarami ang mga tenant na nag-uusisa at nagbibigay ng kanilang opinyon habang abala si Brandon sa pagpihit ng main valve ng tubig. Samantalang si Alex ay nakakuyom ang kamay na nakatitig lamang kay Brandon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala na baka mabasa ang lalaki o di kaya ay mapahamak ang lalaki sa ginagawa.Hindi niya aakalaing walang kaarte arte at walang pag aalinlangang humiga si Brandon sa lupa kahit na alam niyang madudumihan siya. Naglalabasan na din ang mga ugat nito sa kamay, leeg at maging ang mukha ay namumula na dahil sa tigas ng pinipihit. Ngunit di parin ito umikot. Ipinahinga ni Brandon ang kanyang kamay bago muling pinigilan ang paghinga at pinihit muli ang valve.“Iho… Di mo yan maiikot. Marami nang sumubok na gumawa niyan pero wala paring nakapagpaikot dyam. Huwag ka na mag aksaya pa ng lakas.” sabat ng isang matandang dalaga na residente din ng apartment na iyon.“Brandon. Tama na yan. Hahanap na lamang ako ng gagawa.” nag aalalang sambit ni Alex.Matapo
“Balak mo ba talagang ipangalandakan na magkakilala tayo at yung nangyari kagabi? O panakot mo sakin yan para mapapayag mo ako sa mga gusto mo?” Derechahang tanong ni Alex.“HIndi sa ganun.” sagot ni Brandon nang hindi nakatingin kay Alex.Napakuyom ng kamao si Alex sa inis. Bakas naman sa mga mata ni Brandon na hindi ito makatingin sa kanya at nagsisinungaling lamang siya.“Wala naman talaga akong kilala dito. Kaya kailangan ko ng tulong mo. Anong problema ba doon? Tinulungan naman din kita noon sa Butuan, hindi ba?”‘Nanunumbat lang? So pag hindi pa ako ang tumulong sa kanya, wala na akong utang na loob?’ napasinghal si Alex sa isip. ‘Pero ayoko magkautang sa kanya, kahit utang na loob pa… Kailangan pa ring bayaran iyon.’ kinalma ni Alex ang sarili.“OKay sige. Ano bang maipaglilingkod ko sayo, Engineer Brandon Montenegro? Saan ka magpapasama. At ano ang bibilhin mo na kailangan pa ako ang kasama mo?” tanong nito.“Plano kung maghanap ng bahay rito.” tila nabilaukan si Alex sa saril
“Saan ka pupunta? May lakad ka daw? At nagleave ng two days? Bakit?” Sunod-sunod na tanong ni Alex nang mahabol niya si Brandon bago pa man ito umalis.“Limang araw lang naman talaga ang pasok ah. Masama bang magday off ako? Sobrang tight ng schedule natin dito. Tao lang din naman ako at kailangan ng pahinga.” Sarkastikong tugon ni Brandon.Huminga ng malalim si Alex upang pigilan ang inis niya. ‘At ngayon pa talaga kung kailan maraming gagawin? Dammit.’“TAma ka naman na may karapatan tayong magday off. Pero hindi ba pwedeng mag overtime ka? Tight ang schedule natin oh. Nabanggit ko naman sayo ang deadline at sa susunod na linggo na yun. Hindi ba pwedeng huwag ka muna mag off? Babayaran ka naman ng overtime pay mo.” pakiusap ni Alex.“Hindi importante ang pera sakin. Kailangan din nating magpahinga. Di naman tayo robot. Tyaka kapag makapagpahinga tayo, mas magiging reproductive tayo.”Lumapit si Cynthia sa dalawang nag uusap.“Sir Brandon, kailangan mo po ba talaga magday off ngayon
“Ah… It’s nothing. Tungkol lamang sa trabaho.”Pagpapalusot ni Alex. Upang hindi na siya paghinalaan ni Cynthia.Inayos ni Alex ang kaniyang pinagkainan at maayos na iniwan sa lamesa. Kinuha na din niya ang kanyang gamit at handa nang umalis.“Miss,” habol na tawag nito ng iniwan siyang nakaupo sa kanilang kinauupuan kanina.Tumayo agad si Cynthia at hinabol ang kanyang senior.“Hindi nga miss? About work lang ba talaga ang pinag-usapan niyo?” tanong nitong muli ng makahabol kay Alex.“OO nga. Tinatanong niya kung willing ba tayong mag work overtime para sa mga nalalabing araw ng pag-aayos ng mga porblema dito sa park.”Napahinto si Alex at mabigat na ibinagsak ang kanyang paa sa lupa. Ang kaninang nakangiti at maaliwas na awra ay napalitan ng mukhang hindi maipinta. “Grabe naman si Engineer! Ano akala niya sa atin robot na katulad niya?! Wala na siyang awa.” reklamo nito.Itinikom ni Alex ang bibig sa pagpipigil nitong makatawa. Nang makarating sila sa park ay patuloy pa rin ang pagr
Napapikit na lamang si Alex sa sinabi ni Brandon.“Cynthia!”Nakahinga nang maluwag si Alex nang biglang may tumwag kay Cynthia.“Rose? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cynthia sa kanyang kakilala.“May business meeting ako dito sa malapit. Ikaw?”“Ah may trabaho din.”“Okay lang ba na makisalo sa lamesa niyo?” tanong nang babaeng nagngangalang Rose.Nag-aalangan namang tumingin si CYnthia kay Brandon at Alex na tila ba nanghihingi ng permiso sa mga kasama.Naging seryosong snabero naman si Brandon na tila ba ayaw niyang pumayag na may ibang babaeng makikihalo sa kanilang lamesa. Kaya walang ibang magawa si Cynthia kundi ang tumayo at magpaalam sa dalawa na lilipat sila ng lamesa. At dahil halos puno ang buong restaurant, sa dulo, malapit sa bintana sila Cynthia naupo, malayo kay Brandon at Alex.Matapos umalis ni Cynthia ay agad na hinampas ni Alex si Brandon.“Bakit ang sungit mo? Natakot ang mga bata sayo.”“Ayoko lang na may ibang tao tayong kasama. Tyaka para masolo rin kita.”
“Nagpahangin lang ako kagabi.” Nagtaas ang isang kilay ni Cynthia at tiningnan si Alex nang may pagdududa.“Pahangin ng dis-oras ng gabi?” nagdududang tanong ni Cynthia “Nawala kasi ang antok ko kaya naglakad lakad ako kagabi.” Palusot ni Alex.“Naglalakad… O baka naman sekreto kang nakikipagtagpo sa lalaki. Blind date ba yan? Dapat sinama mo ako miss.”Napasapo si Alex sa kanyang noo dahil sa iniisip ni Cynthia. “Taba ng utak mo,” sarkastikong banat ni Alex na ikinangisi ni CYnthia.“Pero seryoso, Miss… Saan ka kagabi?” tanong niyang muli.“Lumabas nga nagpahangin. Hindi talaga ako makatulog kaya naglakad-lakad ako.”“Ahhh…” tumango tango si Cynthia na tila ba naiintindihan niya ang sinabi ni Alex, dahilan upang makahinga ng maluwag ang dalaga.Bumalik na silang muli sa trabaho at iwas pa rin si Alex kay Brandon. Habang abala si Brandon sa pag-aayos sa mga ilaw, nakatulalang napatitig si Alex sa kanya, iniisip ang sinabi ng kaibigan sa text.‘Kung wala, isa lang ang ibig sabihin n