“Ate, dumating na ba si James?” Tanong ni Alex sa kanilang kasambahay na pumasok sa kanyang kwarto upang maglinis ng kanyang kwarto.
“Ah, si Sir James po? Opo kasama po niya ang kanyang best friend na sir Timothy. Nasa terrace po sila ngayon nag-uusap.”
Nagliwanag ang kanyang mga mata sa sinabi ng kanilang kasambahay, kaya di na nag atubili pa si Alex at dali-daling pumunta sa kusina para maghanda ng makakain at maiinom sina James at Timothy. Tulak-tulak ang tray na de-gulong, huminto si Alex sa harap ng pintuan patungo sa balcony kung saan nag-uusap ang dalawang magkaibigan. Mula sa isang maliit na siwang ng pinto, dinig ni Alex ang pinag-uusapan ng dalawang magkaibigan.
“Bro, aminin mo nga sa akin. May nangyari na ba sa inyo ni Alex?” Nakakalokong tanong ni Timothy sa kanyang kaibigan na si James.
Parehas na nakatalikod na nakatayo paharap sa magandang view ng city ang dalawang lalaki kaya ay hindi makita ni Alex ang reaksyon ni James sa sinabi ng kanyang kaibigan. Samantalang si Alex naman ay nag-iinit bigla ang mga pisngi.
“Siya ang nagbigay motibo. Inakit niya ako. Syempre lalaki ako, sino ba naman ako para tumanggi.” May pagmamayabang pang sagot ni James sa kaibigan na siyang ikinabigla ni Alex.
Tila siya ay nabuhusan ng malamig na tubig sa turan ng fiance. Ngunit imbes na umalis sa kinatatayuan, ay pinili pa niyang pakinggan ang susunod na pag-uusap ng dalawang lalaki.
Pabirong sinuntok ni Timothy ang braso ng kaibigan. “Huwag ka naman ganyan, dude. Alam mo namang simula pa noon ay marami ng nagpapantasya sa kanya. Natatandaan mo bang maraming gustong manligaw sa kanya? Halos mapuno pa nga ang kotse niya sa dami ng nagbibigay ng bulaklak at tsokolate. Pero nang malaman nila ang tungkol sa inyong dalawa, lahat sila ay tumitingin na lang sa kanya sa malayo.”
Si Timothy Silva ay best friend ni James Alexander Lopez. Magkakakilala na sila mula noong bata pa, kaya nasaksihan niya rin ang relasyon na meron sila James at Alex.
Napailing na lamang si James sa nasambit ng kaibigan. “Alam mo ba yung salitang masyado na kaming pamilyar sa isa’t-isa?”
Mula noong namatay ang mga magulang ni Alex ay dinala siya ng kanilang family attorney sa bahay ng mga Lopez. Iyon ay ayon sa last will ng mag-asawang Bautista. Mula pa noong mga bata sila, ay lagi na silang sinasabihan na sila na ang magkakatuluyan. At kahit sampung taon na ang lumipas, magkasama pa rin sila sa iisang bahay.
“Oo nga naman. Magkasama na nga kayo sa bahay araw-araw, magkasama pa kayo sa kompanya. Sabay din kayo lagi kumakain. Alam niyo na nga ang baho ng isa’t-isa. Kaya di kita masisisi kung masasabi mo ang mga bagay na yan.” Biro ni Timothy sa kaibigan.
“Hindi na siguro uso sa inyo na ang salitang pag-usbong ng pagmamahalan. Sa inyong dalawa kailangan din siguro ang magpakamisteryoso para naman may thrill at mas lalong mahumaling kayo sa isa’t-isa. Kapag masyado niyo na alam ang sekreto ng isa’t-isa, nakakaumay talaga iyon.” Nagtaas baba pa ang kanyang kilay sa pang-aasar sa kaibigan.
Imbes na magreact, nanatiling tikom ang bibig ni James sa turan ng kaibigan. Kaya si Timothy ay tuloy pa rin ang salita.
“Pero seryoso, bro. Magpapakasal ka pa rin ba kay Alex, kahit na wala kang nararamdaman sa kanya?”
Sa tanong ni Timothy, ay napakapit nang mahigpit si Alex sa kanyang hawak na trolley tray. At nagpigil siya ng kanyang paghinga habang naghihintay ng sagot si James. Ngunit tila umurong ang dila ni James at di pa masagot ang tanong na ibinato sa kanya ng kaibigan.
‘Please lang, huwag naman sanang no ang isagot mo.’ Bulong niya sa isip na animo’y mapakikinggan ni James ang kanyang sinabi.
Matapos silang ipagkasundo, kinukulit na sila ng mag-asawang Lopez, mga magulang ni James na magpakasal. At gaya noon, hindi na naman kumibo ang lalaki.
“Ayaw mo?” Pag-uulit na tanong ni Timothy.
“Hindi sa ganoon…” Naputol ang sasabihin ni James nang nagsalitang muli si Timothy.
“Ibig-sabihin, okay lang sayo kahit di mo gustong magpakasal?”
‘Shit!’ Pagmumura ni Alex sa kanyang utak. Tila natumbong ni Timothy ang sagot na hinihintay ni Alex isang taon na ang nakalipas.
Tunay ngang matalik silang magkaibigan, kilala nila ang isa’t-isa na kahit hibla ng kanilang mga buhok ay alam.
“Tim, alam mo ba ang salitang… ‘Nakakahinayang pa rin magtapon ng pagkain kahit na paulit ulit mo na itong ulam.’ ” Napaawang si Timothy sa sinabi ng kaibigan.
Sa kabilang banda, agad na tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa mata ni Alex. Napasinghot ang dalaga at mapait na ngumiti sabay punas ng kanyang mga luha. ‘Tao ako hindi pagkain. Siguro kung may ibang putaheng ihahain sa lapag, iyon agad ang una niyang kakainin.’ bulong ni Alex sa sarili.
“So, ano na nga? Papakasal ka pa rin ba o hindi?” Tanong muli ni TImothy.
Napalingon si James sa katabing si Timothy at binigyan ng masamang tingin. “Bakit ka atat na malaman ang sagot? May gusto ka ba sa kanya? Kung gusto mo, sayo nalang siya.”
‘Isa akong tao at hindi isang bagay na basta na lamang ipapamigay kapag napagsawaan na.’ Bulong niya sa sarili.
Nanikip ang dibdib ni Alex na tila ba siya ay tinusok ng paulit ulit direkta sa kanyang puso. ‘Siya ang pag-asa na nagbibigay ng liwanag sa aking naging madilim na mundo. Sa loob ng sampung taon, siya ang naging sandalan ko, at ang inspirasyon kong manatili sa mundong ito, ngunit hindi pala ako ang gusto niyang makapiling sa kanyang mundo.’
Nasaktan ng sobra si Alex sa mga narinig at hindi na din niya mapipigilan pa ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Kinagat na lamang ni Alex ang kanyang mga labi upang pigilan ang paghagulgol.
Yumukod si Alex upang kunin sa bulsa ang maliit na stick na sana ay ipapakita niya sa fiance. Ngunit muli na lamang niya itong isinilid sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Magtigil ka nga.” Mahinang pinalo ni Timothy ang batok ng kaibigan dahilan upang sumama ang tingin ni James sa kanya.
“Alm mo naman ang salitang bro code. At tyaka ang kay Juan ay kay Juan. Ang kay Pedro ay kay Pedro.”
Napahithit na lamang ng sigarilyo si James bago ito ilagay sa ashtray.
“Umalis ka na nga.” Pagtutulak nito sa kaibigan. “Pag-andito ka may dala kang malas eh…”
Napangiwi na lamang si Timothy sa sinabi ng kaibigan sabay turo niya sa sarili. “Itong mukhang to pa ang may dala ng malas? Huwag ka nga!”
Iling niyang sagot. Pero di kalaunan ay naging seryoso ang mukha nito. “Pero seryoso. Kung ayaw mo sa kanya, palayain mo nalang kaysa hayaan mong ganito ang set up niyo. Parehas kayong magdurusa. At saka maawa ka kay Alex. Kahit papaano ay malaki ang parte niya sa buhay niyo. Deserve niya din ang mahalin at maging masaya sa taong mamahalin siya ng buo, kaya huwag mo ipagkakait sa kanya. Alis na ko.” Pagtapik niya sa braso ng kaibigan bago ito pumasok sa loob.
Pagbukas ni Timothy ng pinto na nagdudugtong mula sa balcony patungo sa loob ng bahay, ay bahagya siya nagulat. Ang mga mata nina Alex at Timothy ay nagkasalubong.
“Nasa loob pa si James.” Sabi ni Timothy kahit di naman siya tinatanong ni Alex.
Baka mula sa mga mata ng dalaga ang pagmumugto nila mula sa kanyang pag-iyak. Kahit pa nakangiti itong nakatingin at bumati kay Timothy, bakas sa kanya ang sakit at pighati dulot ng kanyang mga narinig.
Napabuntong hininga si Timothy. “Hindi mo kailangang magpanggap. Payong kaibigan lang… Pag-isipan mong maiigi ang iyong magiging desisyon mo. Alam kong narinig mo ang usapan namin.”
Hindi umimik si Alex ngunit tahimik na tumulo ang kanyang luha lalo na ng sabihan siya ni Timothy na, “you deserve someone better. Yung taong mamahalin ka ng walang pag aalinlangan” Bago umalis ang kaibigan ay bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat.Dahil sa mga narinig, nakaramdam ng stress ang dalaga, dahilan upang sumakit ang kanyang tyan. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kwarto at uminom ng gamot. Umupo si Alex sa dulo ng kanyang kama, nanatiling nakatulala, sinusubukang iabsorb ang mga narinig. Muli niyang kinuha ang maliit na stick na may dalawang pulang linya.‘Tama… Itatago ko muna sa kanya ito.’ Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa hawak hawak na pregnancy kit.Agad na itinago ni Alex ang kit nang makarinig ng katok mula sa kanyang pinto.“Bukas yan.” Sagot niya sa kung sino man ang kumatok.Bahagyang nabigla si Alex sa di inaasahang bisita na pumasok sa kanyang kwarto. Ngunit kalaunan ang pagkabigla ay napalitan ng kaseryosohan at may bahid ng pait at sakit sa
Tulala na nakatingin sa kawalan si Alex habang nakaupo sa kanyang office chair. Sa harapan niya ay ang mga nakatambak na files na kailangan niya pirmahan for approval, nang di niya napansing dumating si James.“Alex,”Makailang tawag ang binata ngunit di parin siya naririnig nito hanggang katukin ni James ang kanyang lamesa.“Oh. Kanina ka pa?” Tanong ni Alex at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.“Iniisip mo parin ba ang mga narinig mo kahapon?” Hindi sumagot si Alex na tila ba walang naririnig sa sinabi ng lalaki. Narinig na lamang ni Alex ang pagbuntong hininga nito.“How about we’ll have some dinner later?” Suhestiyon ni James Ngunit di parin kumikibo si Alex. Napahilamos si James sa kanyang mukha gamit ang mga palad sa inis na di siya kinikibo ng dalaga. “Bakit di ka nagsasalita?” May gigil sa galit ang tono ng pananalita ni James na ikinaangat ng tingin ni Alex sa fiance.“James… Bakit di nalang natin itu-”Naputol ang usapan nila ng biglang magring ang cellphone ni James
“Mga lalaki nga naman kung may makitang masarap at nakakatakam na dessert, iiwanan nila ang paborito nilang pagkain.”Sa sinabi ni Grace sa halip na makagaan ng kanyang nararamdaman ay mas lalong umusbong ang sakit na nararamdaman ni Alex. Tinignan niya ang slice ng chocolate cake sa kanyang harapan. ‘Dessert’Nang mapansin ni Grace ang pagtamlay ni Alex, bigla siyang naguilty sa sinabi.“I’m sorry. I didn’t mean it. Nakakainis kasi iyang fiance mo. Matapos ka niyang buntisin, ganun pa ang maririnig mo sa kanya. Kakagigil talaga.” Marahas na hiniwa ni Grace ang steak na nasa kanyang plato na para bang iniimagine niya na si James iyon.“Huwag ka ngang OA diyan. Kung makareact naman to kala mo siya ang fiance.” Pabirong nagrolyo pa ng mga mata si Alex sa kaibigan na ikinatawa nila parehas.“Oo nga pala. Sorry naman.” Nag-peace sign si Grace sabay ngiti na kita ang buong ngipin sa harap. Kahit na mas matanda si Grace ay tila mas bata pa ito mag-isip kapag magkasama silang magkaibigan.“P
“Excuse me po. Kayo po ba ang guardian ni Oliver Perez?” Tanning ng isang pulis.“Ay opo ako po si Ivy Sanchez. Kapatid ko nga po itong batang to.”Sagot ni Ivy sabay batok sa nakababatang kapatid.“Ano na naman ang ginawa mo?” Pagsesermon niya.“Iyan ate. Siya yung nag attempt ng hipuan ako.” Sagot ni Oliver sabay turo kay Alex.Di makapaniwalang tinuro ni Alex ang sarili. “Ako?! Hoy, Bata kanina ka pa! Sinabi ngang aksidente lang lahat ng iyon.” Depensa ni Alex.“Totoo po ang sinasabi ni Ms. Bautista. We checked the CCTV footage at isang malaking misunderstanding lang po ito. Kaya lamang po ay nagcause ng abala ang kapatid niya at pwede po siyang kasuhan ni Ms. Bautista kung gugustuhin niya pong magsampa ng kaso, maiiwan ang kapatid mo dito. Sa edad po niya ay pwede na po siyang makulong. Pero tingin ko na po ay magkakilala po kayo, pag-usapan niyo nalang po at magkasundo.” Pagpapaliwanag ng pulis.“Okay na po. Di kami magrereklamo,” sabat ni James na ikinagulat ni Alex.‘Seryoso? Ni
‘Businessman si James at kayang niyang maghandle ng kahit na anong problema na pinagdadaanan ng kompanya. Pero ito lang ang unang beses na makita ko siyang takot na takot.’Nababakas sa mga mata ni James ang takot at pagkataranta, ni hindi niya na isip si Alexa na kanina ay nasaktan din mula sa pagkakabangga sa nguso ng kotse nila. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya kay Ivy?Hindi na namalayan ni Alex ang pagbuhat ni James kay Ivy papasok ng kotse.“Oliver pumasok ka na rin ng kotse. Doon ka sa kabilang pinto dumaan.” Utos ni James sa kapatid ni Ivy bago nilingon ang nakatulalang fiance.“Alex, ikaw na magmaneho.” Utos ni James na ikinalingon ni Alex.Nakita niyang nakasandal ang babae sa balikat ni James na ni minsan di niya magawa kahit noong nagkasakit siya. Tila ba may tumusok sa kanyang dibdib. ‘Kung saamin kaya ng anak niya nangyari ang lahat ng ito, ganito din kaya ang reaksyon niya?’ Tanong niya sa isip.“Alex!” sigaw ni James na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na
Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. ‘Marahil nga ay ginagawa la
“May gusto ba sayo si Ivy?”Nagpipigil si Alex ng kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot ng tila nagulat na si James.“Ano ba namang tanong iyan, Alex?” Naiiritang tanong ni James. Halata sa mukha nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga naririnig mula sa nobya.“Simple lang naman ang tanong ko bakit hindi mo kayang masagot? May gusto ba si Ivy sayo?”“Ivy, maghulos-dili ka. Impossibleng mangyari iyon. May asawa yung tao-”“Na ngayon ay patay na.” Dugtong ni Alex sa sinabi ni James.“Tumahimik ka na.” May pagbabanta sa tono ni JAmes, ngunit di pa rin natinag ang dalaga at patuloy pa rin siya sa pagtatanong.“Let me rephrase my question.” Sarkastikong sabi ni Alex.“May gusto ka sa kanya.” Hindi iyon tanong.Hindi makapaniwalang tumingin si James kay Alex bago ito huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang kaninang nakabusangot ang mukhang si Alex. Pinakatitigan niya ang dalaga sa mata.“Babe, wala akong gusto sa kanya. Magkaibigan lang kami. At
“MA! Ano na namang kahibangan to?!” Napasuklay ng buhok si James nang makita niyang nagmistulang honeymoon room ang kanyang kwarto. Samantalang napakamot nalang ng ulo at tulalang nakatingin si Alex sa kanyang kwarto na nagmistulang bodega. Habang ang ina ni James na si MAry Ann ay nagkukunwaring inosente at walang alam sa ginawa.“Bakit nagtataas ka ng boses sa mommy mo?” reklamo ng ina.Inihilamos ni James ang kanyang mga palad sa kanyang mukha sa inis at pagkadismaya sa ginawang kalokohan ng ina.“Hindi ba maganda? Nag-effort pa naman akong ayusin ang kwarto niyo.”“Namin? Ma… Hindi pa kami kinakasal bakit ba nagmamadali kang pagsamahin kami sa iisang kwarto?”“Bakit ba? Ano bang ikinagagalit mo riyan? Ikakasal na din naman kayo.” Nakakunot ang noo ni Mary Ann sa inasta ng anak.“Pero ma, tinanong mo ba si Alex tungkol dito sa ginawa mo?”Sabay na napatingin ang mag-inang James at Mary Ann kay Alex.“Ni siya nagulat nang makitang naging bodega ang kanyang kwarto. Halatang wala din
“Bakit ba sa tuwing binabalak kong umalis, ay lagi akong walang choice kundi ang bumalik? Naku! Kung hindi lamang sa pinaghirapan at pangarap namin ng papa ko, hindi na ako talaga magpapakita sa kanila. Nagpasa na nga ako ng resignation pilit pa rin akong pinapabalik. HIndi ba pwedeng ako naman muna? Sarili ko na muna? Kailangan kong maghilom para naman sa kalusugan ko.” INis na reklamo ni Alex habang kausap ang sarili sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.Gayunpaman, ayaw naman ni Alex na hindi matapos ang amusement park na iyon. Maraming panahon na rin ang ginugugol niya. Pati dugo at pawis ay inilaan niya duon. Kumuha siya muli ng maliit na bag at naglagay ng ilang damit na susuotin niya pagbalik niya sa site.Hapon na nang umalis si Alex sa kanyang bahay. Nang sa kanyang paglabas ay nabaling ang kanyang tingin sa pinto katabi ng kanyang unit. Nakakaramdam si Alex ng kakaibang kaba sa tuwing napapatingin siya rito. Marahil ay nalaman niyang may bagong lipat at lalaki pa ang lilipa
Nakita ni Alex ang ginang na kausap niya. Siya ang may ari ng apartamento. “May bago po bang lipat?” tanong ni Alex.Sa pagkakatanda niya ang unit na iyon ay wala pang nakatira.“Hindi ba ikaw…”“Pero dito po ako nakatira.” tinuro ni Alex ang katabing pintuan, na may mga gamit na nakaharang. Gamit iyon na mula sa loob ng bakanteng paupahan.“Ay sorry. Puno na kasi ang bahay ko may nakaupa na. Tapos nakiusap ang lilipat na linisin at ayusin ang mga gamit rito sa loob. Teka… Tatanggalin ko iyan para makapasok ka na.”Tumulong si Alex sa pagbubuhat ng mga gamit na nakaharang sa kanyang pinto. At nagpasalamat sa Ginang. Muli siyang sumilip sa bahay at napansing tila mas luma pa iyon tingnan kaysa sa kanyang bahay.‘Siguro mura lang upa rito. Kung ako tatanungin lilipat ako rito kung mura lang din ang upa lalo pa at nagtitipid ako ngayon.’ saad ni Alex sa sarili.‘Sino kaya ang lilipat rito? Babae o lalaki? Sana naman hindi magulo at hindi maingay.’“Uhm… Pwede po ba malaman kung sino ang
“Saan ka ngayon?” tanong ni Grace matapos na marinig ang sinabi ni Alex.“Sa lumang bahay namin nila mama at papa.” sagot ni Alex.“Pupunta ako diyan.” saad ni Grace.Hindi na nakasagot si Alex dahil agad na pinatay ni Grace ang tawag upang pumunta sa kaibigan.Yakap-yakap ni Alex ang kanyang mga tuhod habang nakaupo sa kanyang kama. Patuloy parin ang kanyang pagtangis at hindi pa rin niya makaliutan ang ginawang kahayupan sa kanya ng kanyang ex. Gayunpaman andoon ang kanyang konsensya ng maalalang maraming dugo ang tumulo sa ulo ni James. ‘Hindi naman siguro siya mamamatay. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa kanila tita? Ipinagtanggol ko naman ang sarili ko, hindi ba? Pinagtangkaan niya akong gahasain. At kailangan kong protektahan ang sarili ko laban sa kanya.’ saad ni Alex sa sarili.Isang oras ang lumipas ay bahagyang napatalon si Alex sa gulat ng may kumatok sa kanyang pintuan. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot na baka ang lalaking iyon ang sumugod at pinuntahan siya sa
“Tanggapin mo na itong resignation ko. At pangakong hindi na ako magpapakita pa sayo.” saad ni Alex.Pagod na siyang makipagtalo pa at paulit ulit lamang din naman ang kanilang pinagtatalunan. Ayaw na din niyang bigyan pa nag pagkakataon si James dahil para sa kanya nagawa na niya minsan… Alam niyang magagawa niya pa ulit iyon ng paulit-ulit.Tumalikod si Alex at nagsimula nang maglakad palabas ng opisina ni James, ngunit sa isang iglap, ay natagpuan niya ang sariling nakahiga sa sofa ng opisina ni James, at hawak hwak ni James ang kanyang dalawang kamay na nasa itaas ng kanyang ulo. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat at takot nang pumaibabaw si James sa kanya.“Anong ginagawa mo, bitawan mo ako!” Nagsimula na siyang kabahan sa mga mangyayari.“Sa tingin mo hahayaan kitang makawala sakin? Akin ka lang, Alex… Akin ka lang.” Gamit ang isang kamay, pinipigilang ni James na hindi makawala si Alex sa kanya, habang sinusubukan niyang halikan si Alex at hubaran ng damit.Nanginginig man
Masamang tingin ang pinukol ni James kay Alex.“Napakawalang hiya mo! Ni hindi kita narinig na humingi ng tawad sa anak natin… Kahit para sa anak na lang natin wala akong nakikitang pagsisisi sayo.” Sumbat ni Alex.“Kung hindi lamang sa mga magulang mo, hindi ko susubukan pang maging civil sayo. Pero sinasagad mo ang pasensya ko.” Nanginginig ang mga kamay ni Alex, bagama’t mahapdi ang kanang palad niya sa lakas ng kanyang pagsampal kay James, ay hindi niya iyon alintana.“Sigurado ka bang anak ko talaga ang dinadala mo?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Alex ang lalaki.“Ano?” tanong niya na may pagkunot ng noo.“Sa pagkakaalam ko isang beses lang natin nagawa ang bagay na iyon. Gaano ka kasiguradong akin nga iyon?” sagot ni James.Malalaking patak ng luha ang nag uunahang bumagsak mula sa mga mata ni Alex. HIndi makapaniwala sa narinig. Muling lumapat ang kanyang kamay sa mukha ng lalaki na ikinagalit na ni James.“Alex!”“Ano?!” singhal na sagot ni Alex.“Ang kapal ng mukha mo! Isa
Sa salas habang nanunuod ang mag-anak. Napanuod ni Alex ang magandang amusement park na itinayo sa ibang bansa. MAy mga nagpaparadang mga karakter sa disney at nandoon din ang kanyang paboritong disney princess na si Cinderella. Ayon sa kanyang pinapanuod, malawak at makulay ang amusement park.“Papa, gusto ko pong pumunta tayo nina mama sa amusement park!” Napangiti ang ama.“Tamang-tama. MAy alam ako na amusement na pwede nating puntahan.” anunsyo ng kanyang ama na ikinakunot ng noo ng ina ni Alex.“Meron ba?” bulong na tanong ng ina ni Alex. Ngunit kumindat lamang ang ama nito.Matapos nilang magsimba at kumain ay dumerecho sila sa isang peryahan. Malungkot na ngumuso si Alex na tila ba dismayado sa kanyang nakita.Kinakalawang na ang mga rides roon, at walang ni isang taong sumasakay. Isa itong pangkaraniwang na peryahan na kadalasang nilalaro ng mga tao roon ay ang color game at iba pang board games. “Ito na ang amusement park,” saad ng ama ni Alex.Tumingin si Alex sa ama na ma
Muling bumalik si Alex at Brandon sa kanilang trabaho.“Halika, sumama ka sakin,” saad ni Brandon na ikinakunot ng noo ni Alex nang magtungo muli si Brandon sa helipad kung saan naghihintay ang helicopter na kanilang sinakyan kanina.“Sasakay ulit?” tanong niya na bahagyang may pag-angal. “Naku, Brandon. HUwag mo akong ma power trip, dyan. Baka mamaya lolokohin mo na naman ako.” dagdag niya.“Kailan kita niloko? Lahat ng sinasabi ko sayo seryoso.” saad ni Brandon na ikinatikhim na lamang ni Alex.“Marami pa tayong aayusing mga ilaw na tanging sa taas lamang natin makikita. Mas maganda kasi aerial view para mas madali natin madistinguish ang problema.” Paliwanag ni Brandon.Sumunod na lamang si Alex patungo sa chopper. Pagkarating roon, ay inlalayan siya ni Brandon paakyat. Ngunit sa kanyang pag-apak sa hagdanan ng helicopter ay nadulas ang kanyang isang paa, dahilan upang matapilok ito at muntikan ng matumba sa sahig, mabuti na lamang ay may matipunong mga brasong sumalo sa kanyang pa
Nakasunod si Cynthia kay Alex upang magbigay ng report sa kanilang napuntahan bago pa man magkaroon ng komosyon sa site. “Miss, grabe… Superb yung ginawa mo!” inipit ni Cynthia ang tablet na kanyang hawak, sa kanyang kilikili, sabay itinaas ang dalawang kamay upang bigyan ng dalawang thumbs up si Alex.“Hindi ko aakalaing magiging domineering boss ka. Kahit ako kikilabutan sa ginawa mo. Kung hindi lang kita kilala, talagang maiisip kong strikta ka pagdating sa trabaho… well, strict ka naman pero di gaya ng ginawa mo kanina. Nararapat na bigyan ka ng slow clap.” saad nito sabay ngisi sa kanyang senior.“Kung hindi ka mananahimik diyan, ikaw ang iaassign ko na magbantay kay Ivy.” umasim naman ang mukha ni Cynthia na tila ba nangdiri sa sinabi ni Alex.“Naku miss… Mananhimik na. Ayoko mag alaga ng ahas, ano?!” Sagot ni Cynthia. “Babalik na po ako sa trabaho. Bye,” saad ni Cynthia sabay karipas ng takbo pabalik sa kanyang assigned area.Napailing na lamang si Alex habang tinitingnan ang pa
“At talagang pinayagan mo? Paano kung may mangyari rito? Sino mananagot?” tanong ni Alex. Bakas sa kanyang tono ang pagkainis dahil sa tono ng sagot ng kanyang ex.“Siyempre ikaw.”Hindi makapaniwalang natawa si Alex sa sinagot ni James. Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa phone habang nakapikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili dahil baka kung ano na ang kanyang masabi sa lalaking kausap niya sa ibang linya. Umuusok na ang kanyang ilong at mga tenga sa galit at handa nang bumuga ng apoy sa kung sino man ang haharang sa daraanan niya.“At talagang-” Bago pa man maipagpatuloy ni Alex ang sasabihin ay nagsalitang muli si James.“Miss Bautista, ikaw ang person in charge diyan sa site. Bukod sa siguraduhin mong masasaayos ang amusement park bago pa man ang mismong deadline ay ikaw din ang responsable sa kaligtasan ng bawat empleyadong nariyan. Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko, hindi ba?” Napaawang ng bibig si Alex at di makapagsalita sa sinabi ng kanilang boss. Nagta