‘Businessman si James at kayang niyang maghandle ng kahit na anong problema na pinagdadaanan ng kompanya. Pero ito lang ang unang beses na makita ko siyang takot na takot.’
Nababakas sa mga mata ni James ang takot at pagkataranta, ni hindi niya na isip si Alexa na kanina ay nasaktan din mula sa pagkakabangga sa nguso ng kotse nila. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya kay Ivy?
Hindi na namalayan ni Alex ang pagbuhat ni James kay Ivy papasok ng kotse.
“Oliver pumasok ka na rin ng kotse. Doon ka sa kabilang pinto dumaan.” Utos ni James sa kapatid ni Ivy bago nilingon ang nakatulalang fiance.
“Alex, ikaw na magmaneho.” Utos ni James na ikinalingon ni Alex.
Nakita niyang nakasandal ang babae sa balikat ni James na ni minsan di niya magawa kahit noong nagkasakit siya. Tila ba may tumusok sa kanyang dibdib. ‘Kung saamin kaya ng anak niya nangyari ang lahat ng ito, ganito din kaya ang reaksyon niya?’ Tanong niya sa isip.
“Alex!” sigaw ni James na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag iisip.
Nilapitan naman ni Oliver si Alex nang makitang di parin ito gumagalaw. Bayolenteng hinatak ang braso ni Alex dahilan upang mapaaray ito.
“Kapag may mangyaring masama sa kapatid ko at sa anak ka mananagot ka sakin.” Pagbabanta nito.
Sa inis ni Alex ay nag-angat siya ang kanyang kamay at sinampal si Oliver. “Huwag mo akong hahawakan,” may gigil sa kanyang tono habang nag-iingit ang mga mata sa galit.
Nagmarka naman ang kamay ni Alex sa pisngi ni Oliver na nagpagulat sa dalawang taong nakasakay na sa kotse. Nagmadaling bumaba si James para awatin ang dalawa.
Samantalang nag-igting ng panga si Oliver ang mga mata’y umaapoy sa galit. “Bwiset kang babae ka!” Napapikit na lamang si Alex dahil nag-angat ng kabilang kamay ang binata at aaktong sasaktan siya, ngunit ilang minuto ang lumipas ay walang kamaong dumapo sa kanyang mukha. Pag dilat niya ng kanyang mga mata, ay nanatiling naka-angat ang kamay ni Oliver ngunit ito ay hawak na ni James.
“Subukan mong saktan ang asawa ko… Papakulong kita, at sisiguraduhin kong di ka makakalabas ng kulungan.” banta ni James bago niya bitawan ang kamay ng lalaking gustong manakit kay Alex.
“James,” pabulong na sabi ni Alex.
Hindi inakala ni Alex na ipagtatanggol siya ng kanyang nobyo. At sinabi pa niya na siya ay kanyang asawa. Ang kaninang lungkot, sakit at pagkalitong naramdaman ay napawi nang dahil lamang sa salitang, “asawa”
Si Oliver naman ay nang dahil sa galit, ay umalis na lamang ito. Samantalang nagkunot ng noo si Ivy habang hawak hawak ang kanyang kamay.
“James, ang tyan ko sumasakit. Kailangan mo na akong dalhin sa ospital.” Sabi niya ng may panginginig ang kanyang boses.
Napatingin naman si Alex at James kay Ivy. “Mamaya ipapaliwanag ko ang lahat. Magtiwala ka lang sa akin. Okay?”
Tumango na lamang si Alex at sumunod na sa kotse. Pinagbuksan ni James si Alex ng pinto ng kotse, kung saan nakaupo si Ivy. “Pakialalayan na lamang si Ivy.” Utos ni James na ikinabigla ni Alex at Ivy.
“Akala ko ako na ang mag-”
“Kailangan nating magmadali, kaya ako nalamang ang magmamaneho.” Pagputol ni James sa sinasabi ni Alex.
Nababakas sa mukha ni Ivy ang pamimilipit niya sa sakit, pati ang paghigpit ng hawak nito kay Alex. Kahit na masakit na ang kanyang mga kamay sa pagpisil ni Ivy, ay tiniis na lamang ni Alex hanggang sa makarating sila sa pinakamalapit na hospital.
Hindi pa natatapos ay tinawag na namang muli ni Ivy si James upang humingi ng tulong dahil hindi siya makalakad ng maayos sa sakit ng kanyang tiyan. Kaya ay muling binuhat ni James si Ivy papasok ng ospital. Agad naman silang nilapitan ng doktor.
“Dok, buntis po siya at aksidenteng natumba po siya. Sabi niya po ay sobrang masakit raw po ang kanyang tiyan.” Tarantang paliwanag ni James sa doktor.
“Ilang buwan na po siyang buntis?”
“Dalawang buwan po.”
‘Dalawang buwan?!’ Dalawang buwan na ding kakaiba ang kinikilos ni James. Madalas siya ay umaalis at ang tanging sinasabi ay may emergency sa work. Kahit madaling araw, kapag may tumawag sa kanya ay nagmamadali na itong umalis ng walang paalam.
Tumango ang doktor sa sinabi ni James at naguslat naman ng records ang nurse na katabi niya.
“Huwag ka po mag-alala, sir. Kami na pong bahala sa asawa mo.”
Tiningnan ni Alex ang reaksyon ng nobyo at ng babaeng hawak na nagyun ang kamay ni James habang nakahiga na sa hospital bed. Tila nagliwanag ang mukha nang kaninang namimilipit sa sakit na si Ivy ng marinig ang sinabi ng doktor. Habang wala namang reaksyon ng pagtutol sa nobyo ni Alex na si James.
‘Asawa. Para lang akong tanga dito na nakatayo at wala man lang ginawa ng mapagkamalamang mag-asawa ang fiance ko at ang babaeng iyon.’
Sa pakiwari ni Alex ay may kung anong tinatago ang nobyo dahil sa mga kinikilos nito. At ang kaninang mala-anghel na mukha ng babaeng asawa ng kaibigan ni James ay tila may tinatagong masamang pakay laban sa magkasintahan.
‘Sino ka ba sa buhay ni James? Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala ng fiance ko sayo? At bakit ganoon lang din ang pagdikit mo sa kanya?’
‘Kung alam din ba niyang nagdadalang-tao ako, ganito din ba kaya ang pag-aalaga niya sakin?’
Gustong itanong ni Alex ang lahat ng ito sa babaeng iyon ngunit di niya magawa, kaya ikinimkim na lamang niya ang lahat sa sarili.
Hindi na nakayanan ni Alex na tingnan ang dalawang tao sa kanyang harapan na animo’y mag-asawa kaya minabuti na lamang niyang maghintay sa labas ng ospital at baka kung ano pa ang mangyari o masabi niyang ikalalala sa sitwasyon ng buntis.
Kalahating oras ang lumipas ay nakikita na ni Alex na papalabas na din si James, at nagmamadali itong pumunta sa kanya.
“Hinanap kita. Bakit bigla kang nawala?” Tanong ni James ng makalapit ito kay Alex.
“Ayokong sirain kasi ang moment niyo.” sarkastikong sagot ni Alex na ikinangiti ni James.
“Anong nginiti-ngiti mo dyan?” Irita niyang tanong.
Kinuha ni James ang kamay ni Alex at hinatak papalapit sa kanya. Agad na pinulupot ni James ang kanyang kamay sa baywang ng nobya. “Nagseselos ka?”
Kunot-noong nakatingin si Alex. “Selos?” singhal niya. “Bakit naman ako magseselos? Sino ba ako para magselos?” Sagot ng dalaga habang pinipilit niyang kumawala sa pagkakayakap ng nobyo.
“Bitawan mo ako baka makita pa tayo ng babae mo. Mawala pa ang anak niyo.” Napaluwag naman ang kapit ni James kay Alex.
“So iniisip mo na anak namin iyon? Babe, anak ni Bryan ang pinagbubuntis ni Ivy at hindi saakin.” Pagpapaliwanag niya.
“Eh, bakit ganoon na lamang ang pag-aalala mo sa kanya?” kuyosong tanong ni Alex na siyang ikinaseryoso ng mukha ni James. Binitawan niya si Alex at huminga ng malalim.
“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”
Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. ‘Marahil nga ay ginagawa la
“May gusto ba sayo si Ivy?”Nagpipigil si Alex ng kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot ng tila nagulat na si James.“Ano ba namang tanong iyan, Alex?” Naiiritang tanong ni James. Halata sa mukha nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga naririnig mula sa nobya.“Simple lang naman ang tanong ko bakit hindi mo kayang masagot? May gusto ba si Ivy sayo?”“Ivy, maghulos-dili ka. Impossibleng mangyari iyon. May asawa yung tao-”“Na ngayon ay patay na.” Dugtong ni Alex sa sinabi ni James.“Tumahimik ka na.” May pagbabanta sa tono ni JAmes, ngunit di pa rin natinag ang dalaga at patuloy pa rin siya sa pagtatanong.“Let me rephrase my question.” Sarkastikong sabi ni Alex.“May gusto ka sa kanya.” Hindi iyon tanong.Hindi makapaniwalang tumingin si James kay Alex bago ito huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang kaninang nakabusangot ang mukhang si Alex. Pinakatitigan niya ang dalaga sa mata.“Babe, wala akong gusto sa kanya. Magkaibigan lang kami. At
“MA! Ano na namang kahibangan to?!” Napasuklay ng buhok si James nang makita niyang nagmistulang honeymoon room ang kanyang kwarto. Samantalang napakamot nalang ng ulo at tulalang nakatingin si Alex sa kanyang kwarto na nagmistulang bodega. Habang ang ina ni James na si MAry Ann ay nagkukunwaring inosente at walang alam sa ginawa.“Bakit nagtataas ka ng boses sa mommy mo?” reklamo ng ina.Inihilamos ni James ang kanyang mga palad sa kanyang mukha sa inis at pagkadismaya sa ginawang kalokohan ng ina.“Hindi ba maganda? Nag-effort pa naman akong ayusin ang kwarto niyo.”“Namin? Ma… Hindi pa kami kinakasal bakit ba nagmamadali kang pagsamahin kami sa iisang kwarto?”“Bakit ba? Ano bang ikinagagalit mo riyan? Ikakasal na din naman kayo.” Nakakunot ang noo ni Mary Ann sa inasta ng anak.“Pero ma, tinanong mo ba si Alex tungkol dito sa ginawa mo?”Sabay na napatingin ang mag-inang James at Mary Ann kay Alex.“Ni siya nagulat nang makitang naging bodega ang kanyang kwarto. Halatang wala din
“Sige. Papunta na.” Sabi ni James sa kausap, bago ito bumaba.Hindi kumikibo si Alex at tahimik na lamang siyang nagsusuklay muli ng kanyang buhok. Ang kaninang hawak na ultrasound result ay muli niyang tinago.“Babe…”“Umalis ka na. Baka kanina ka pa niya hinihintay.” Kalmado ngunit malamig na sabi ni Alex.Pinipilit niyang di magalit, pero hindi maalis sa kanya ang inis at pagkadismaya na sa isang tawag lamang ni Ivy ay aalis na agad ito, kahit na hating gabi na.“Pero… Hindi ba may sasabihin ka pa?“Wala na. Hindi naman importante. Unahin mo na si Ivy at baka makunan pa kapag di ka niya makita.” Iritang sabi ni Alex.“Babe!” May pagtataas na sa boses ni James. Alam niya na nagagalit na ang kasintahan pero hindi din niya kayang talikuran ang asawa ng kaibigan.Tumayo si Alex at lumapit sa kama. Humiga ito at nagtalukbong ng kumot.“Pakipatay na lamang ng ilaw paglabas mo. Salamat.” Sabi nito at di na muling hinarap si James. “Babalik ako agad. Promise.” Sabi ni James, bago lumabas
Nagising sina Alex at Grace sa katok na nagmumula sa labas ng bahay ni Grace.“Hmmm… Grace may kumakatok.” ginising ni Alex ang kaibigan na ayaw pa ring bumangon.“Ikaw na magbukas.” utos ni Grace pabalik kay Alex.Tamad na bumangon si Alex. Humarap muna siya sa salamin upang ayusin ang magulong buhok, at tingnan kung may dumi siya sa mukha. Ngunti ang katok mula sa pinto ay di pa rin tumitigil.“Sino yan?!” Inis na tanong ni Alex.“Babe, Alex, ako to si James.”Napabuntong hininga na lamang si Alex at minasahe ang ulo. Tiningnan niya ang oras at alas otso palang ng umaga. Kumunot ang kanyang noo sa pag-iisip kung paanong nalaman ni James kung saan siya nakatira.“Babe,” tawag ni James mula sa labas ng bahay ni Grace.Pinagbuksan niya ng pinto si James at blangkong ekspresyon ang kanyang iginawad sa lalaki habang nakasandal siya sa amba ng pintuan.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.“Sinusundo ka. Umalis ka pala kagabi bakit di ka man lang nagmessage?”“Bakit kailangan ko sabihin
“Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo, may mababago ba?”Tila natigalgal si James sa tanong ni Alex. Hindi makapaniwalang tingin ang ginawad ni James sa kanya.“Meron.”Tumikhim si Alex sa sinagot ni James at nagbigay ng sarkastikong tawa na may pag-iling.“I doubt that.” Komento niya. Napakunot ang noo ni James sa inis na kung bakit tila di naniniwala ang kasintahan sa kanyang sinasabi.“You know what? Fine! Kung iyan ang iniisip mo. Hindi kita msisisi. O baka kaya di mo sinasabi sakin agad dahil alam mo sa sarili mong hindi akin iyang pinagbubuntis mo.”Uminit ang pisngi ni James ng dumapo ang palad ni Alex sa kanyang pisngi, kasabay ng pagbagsak ng luha ng dalaga. “How dare you!” Nanginginig ang bibig nito, at bakas sa mga mata niya ang sakit at galit na nararamdaman sa kaharap.Sa kanyang inis di na niya mapigilang humagulgol, ngunit ayaw niya din namang harapin ang lalaki na makikita siyang mahina ito, kaya miabuti niyang umalis na lamang at hindi na kausapin ang lalaki.‘Walang hiy
Hindi pa nakakasagot si Alex sa tinatanong ng nobyo, nang biglang pumasok si Grace kasama ng ibang mga nurse.“Kailangan namin icheck ulit vitals mo.” Pag aanunsyo ni Grace na ikinatango ni Alex.“Excuse,” simpleng siniko ni Grace si James para paalisin ito sa tabi ng kaibiganInis naman na umalis sa kinauupuan si James at binigyan ng matatlim na tingin si Grace ngunit di na lamang ito nagsalita. Patuloy sa pagcheck ng vitals ang nurse na nag-assist kay Grace.“Thank you, nurse.” sabi ni Grace sa nurse at pina-una ng lumabas ng kwarto. Nagpaiwan naman si Grace.“Kamusta ang naraaramdaman mo?” tanong ni Grace kay Alex.“Medyo okay na. Salamat. Yung baby ko kamusta?” Tanong niya.“Nagkaroon ka ng threatened miscarriage. Mabuti na lamang at may mga magagandang loob na tumulong sayong dalhin ka dito sa ospital. Pero next time, mag-ingat ka na. Iwasan mong mastress at nakakasama sa baby mo.” Paalala ni Grace, sabay lingon kay James at tinapunan ito ng masamang tingin.Hindi makapaniwalang
Pinatay ni James ang tawag at ibinulsa muna ang telepono ni Alex. Mula sa kabilang bulsa, dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter.Mula sa floor to ceiling glass door papunta sa balkonahe, nakita ni Alex ang pagsisigarilyo ng kasintahan. ‘Stress siguro to.’ sabi niya sa isip at saka tumikhim.‘Siguradong pinipilit siyang papuntahin ng babaeng iyon kaya siya nagkakaganyan. Bakit ba naman kasi tong lalaking ito, hindi makatanggi sa babaeng iyon na hindi niya matanggihan? Ano ba ang relasyong meron sila?’ takhang tanong niya.Matapos magsigarilyo ay pumasok si James sa kanilang kwarto. Kasabay noon ay ang pagbuga niya ng usok at amoy ng sigarilyo ay nalanghap ng kawawang buntis na muntik niya ng ikinaduwal.“Be mindful! May buntis dito, magpapasok ka pa ng usok ng sigarilyo.” Iritang pagsesermon ni Alex habang nagpapaypay ng kamay sa hangin.“Sorry,” tanging sambit ni James.Dinukot niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at inabot kay Alex. “Pasensy
HInatid ni Alex si Mary Anne sa kanilang bahay, aalis na sana siya. Ngunit hinawakan ng Ginang ang kanyang kamay upang pigilan ito.“Iha… Bakit hindi ka muna pumasok at magkape sa bahay?” Pag-aalok nito.Nagbukas ang gate ng kanilang bahay, at napansin ang isang bulto ng lalaki na papalabas ng kanilang bahay. Agad na nagtama ang mga mata ni Alex at James. Sarkastikong napangisi ang lalaki ng makita ang dalaga. Samantalang, nanginginig ang mga mata ni Alex na nakatingin kay James na tila nasusuklam na ito sa lalaki.‘Ibang-iba na si James ngayon… HIndi natulad ng dati na walang ibang ginawa kundi ang ipagtanggol ako sa mga nang-aasar sakin.’Umiling si Alex ng palihim at itinuon na lamang ang tingin sa ginang. Ngumiti siya rito. “Pasensya na po, Tita. May pupuntahan pa kasi ako. Mauna na po ako.” Saad ng dalaga.Babalik na sana si Alex sa kotse, ngunit tinawag siya ni James.“Alex… Pwede ba kitang makausap?” tanong nito.“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.” sagot ni Alex.“Ako, meron.
“Kung ganun po… Pwede niyo naman po ako ampunin, legally.” Derechong suhestiyon ni Alex na ikinatigalgal ng matanda.Panandaliang natahimik si Mary Anne sa suhestiyon ni Alex. Bagama’t tinuturing niya na itong anak, mas gugustuhin pa rin niyang maging manugang ito. Ngunit sa ngayon, ayaw niya munang pilitin ang dalaga sa kanilang plano.“Iha,” hinawakan ni Mary Anne ang kamay nito pabalik. “Alam mo naman na anak na ang turing ko sayo, noon pa man. Hindi magbabago iyon.” saad ng Ginang.‘Kung totoong anak po ang turing niyo, hindi niyo na sana ipagpilitan ang isa sa mga anak niyo sa akin.’ Gustong sabihin ni Alex ito, ngunit minabuti niyang manahamik na lamang.Ngumiti si Alex. “Kung gayun po… Ipapaayos ko na po sa aking abogado ang legal na pag-ampon niyo sa akin. At magtatawag din po ako ng press conference para maipakilala po ako ng legal na anak niyo. Nang mawala na din po ang usap-usapan tungkol kay James sa kompanya.” sagot ni Alex na tila ba may halong pagiging sarkastiko.Tila
“Pero tita… Nakapagpasa na ako ng resignation. At desidido na po ako na aalis sa kompanya.” Nagulat man, ay agad na sinagot ni Alex ang Ginang.“Isa pa po… Nakapag-apply na din po ako ng trabaho sa ibang kompanya at may interview po ako ngayon.” dagdag pa nito.“Huh? Agad-agad? Parang ang bilis naman ng proseso nila.” HIndi makapaniwalang tugon ng ginang.Kahit si Alex ay nagulat sa bilis ng pagproseso ng kanyang aplikasyon, gayunpaman, masaya siya dahil doon.“Sa totoo lamang po… Kahit na noong araw ng sana’y kasal namin… na hindi natuloy, ay napagpasyahan ko na po talagang umalis sa kompanya.” Sinabi niya iyon ng walang pag-aalinlangan.“Kasi po hiwalay na kami ni James. At hindi po pwedeng magkasama kami sa iisang kompanya. HIndi po ako magiging komportable at mas magmumukha po akong katatawanan kung magkasama kami sa iisang kompanya kasama ng bababeng dahilan ng aming hiwalayan. Pero nanatili po ako dahil sa proyektong pinangarap kong gawin kasama ng aking papa. Iyon po ang plano
Kinuha ni Brandon ang kanyang naiwang telepono sa lamesa at walang pasabing umalis na lamang itong muli. Nakahinga naman ng maluwag si Cynthia na tila ba kanina pa ito nagpipigil ng hininga.Tila naman nagkaroon ng butas sa loob ng dibdib ni Alex na tila ba may kulang. Ngunit para sa kanya. Ay hindi na mahalaga kung alam ba ni Brandon o hindi na siya ang tinutukoy nito.‘Kung narinig man niya iyon, ay wala akong pakialam. Magalit man siya o mamisunderstood niya ang sinasabi ko. Maigi nang malaman niyang walang pag-asa sa aming dalawa. Totoong magkakilala kami pero hanggang doon lang iyon.’ sabi ni Alex sa sarili.Dahil sa ngayon ay wala pa siyang balak na makipagrelasyon kung kanino man. Ang tanging gusto lamang ni Alex ay maghanap ng bagong mapapasukan at makapagsimulang muli.Matapos nilang kumain ay hinatid na ni Alex si Cytnhia sa site, ay plano niyang dumerecho sa kanyang inaplayang trabaho. MAtapos niyang makapagpasa ng resume ay agad siyang tinawagan para sa interview. Nagulat
Lumabas sina Alex at CYnthia ng kanilang hotel room upang mag-almusal at pumunta sa trabaho. Nagulat si Cynthia ng makita si Brandon na nakatayong nakasandal sa pader sa katabing pintuan ng tinutuluyan nitong hotel room. Nakasuot itong batik na kulay ng pantalon at itim na pang-itaas na t-shirt. Parehas na nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay nito.Nakakunot ang noo ni Cynthia na nagtataka. “Sir Brandon… Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa po kayo pumunta sa site?” tanong ito.“Ayoko pang pumasok.” maikling sagot ni Brandon saka nilingon si Alex na nasa likod lamang ni Cynthia at tahimik na nakikinig ng usapan.Hindi pa rin makalimutan ni Alex ang kahihiyang ginawa niya kagabi kaya wala siyang mukhang maiharap sa binata.“Nag-almusal na po ba kayo?” tanong ni Cynthia.“Hindi pa.” sagot nito habang nakatingin parin kay Alex.Napansin naman ni Cynthia ang pagtitig ni Brandon sa kanyang kasama kaya ay nakangisi ito na tila may pinaplanong hindi maganda.Piangswiklop
‘Haizzt! Tama na ang pag-iisip kay Brandon at sa panaginip na iyan!’ Napakamot ng ulo si Alex.Agad namang napansin ni Cynthia ang pagkaluskos sa bandang kama ni Alex. Kaya lumapit ito kay Alex.“Miss… Maaga pa. Matulog ka pa po. Tingin ko madaling araw ka na nakatulog kagabi.” makabuluhang sabi nito sabay ang pag anagt baba ng kilay ni Cynthia.Nagtaas ng kilay si Alex. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Alex.“Hehe… HIndi ba at pumunta kay Sir Brandon? Akala ko ikaw at si Brandon ay-” pinagdikit ni Cynthia ang dalawang nakaangat na hintuturo nito at pinagdikit ang mga ito kasabay ang pangungutya.Kumunot ang noo ni Alex. “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong nito kasabay ang pag-ikot ng kanyang mata sa pagkairita.“Kinain ka na ng sistema ng pinapanuod mong drama sa laptop mo.” Naiiling na lamang si Alex, na halatang dismayado sa sinabi nito.“Bakit? Anong mali sa sinabi ko? May problema ba kung magkakamabutihan ang kagaya mong wala nang karelasyon sa isang binatang wala din namang k
Mag-aalas dos na ng madaling araw at ilang beses nang paikot ikot si Alex sa kanyang higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Maraming tumatakbo sa kanyang utak. Kaya para dalawin ng antok ay sinubukan niyang buksan ang kanyang telepono at bumungad doon ang mga mensahe ni Grace.“Totoo nga naman ang kasabihan.. Ang masamang damo matagal mamatay.”“Mukhang mahina lang ang pagkakapalo mo. Hindi man lang malala. Nagtamo lamang siya ng maliit na sugat. Pero siguro puro dugo lamang ang laman ng kanyang ulo at walang utak.”Natawa si Alex sa mga mensahe ni Grace. Nagtipa siya ng mensahe at nireplyan ang kaibigan.“Hayaan mo, sa susunod… sisiguraduhin ko nang malakas ang pagkakapalo ko. Para di na talaga magising. Ha-ha-ha.” sagot ni Alex.“HIndi ko na tinignan pa siya baka ntulog siya ulit o di kaya ay inoperahan ulit.” sagot ng kaibigan sa kanyang mensahe.Umalis si Alex sa kanilang sagutan sa text at binasa ang iba pang mensahe.Nakita niya roon ang mensahe ni Timothy kaya binuk
Kumunot ang noo ni Brandon. Hindi mahigpit ang kanyang pagkahawak, ngunit agad na nangsim ang mukha ni Alex at halatang nasasaktan ito. Bumaling ang tingin ni Brandon sa kamay ni Alex sa bandang palapulsuhan at napansin ang pasa sa paligid nito. Agad niyang binitawan ang kamay ng dalaga, at itinaas ang manggas ng suot nitong dyaket.“Anong nangyari rito?” tanong niya.Bakas sa kanyang mukha ang pagkunot ng kilay, at pag-igting ng panga. Agad na binawi ni Alex ang kanyang kamay. At napansin niyang tinitignan lamang ni Brandon ang bawat kilos nito.‘Galit ba siya?’“W-wala ito,” Nauutal nitong sagot habang binababang muli ang manggas ng kanyang dyaket upang takpan ang pasa sa kanyang kamay.Inangat ni Brandon ang kanyang kamay at nakapalad itong nakaharap kay Alex. “Akin na,” saad nito na tila ba may hinihingi.“Ang alin?” Maang nitong tanong.Tintigan ng masama ni Brandon si Alex at bumuntong hininga bago kinuhang muli ang kamay nito kung saan nakita niya ang pasa kanina.“Saan mo to na
“Anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka na.” napabalik mula sa malalim na pag-iisip si Alex at nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi sa hiyang naramdaman.“UH-Sorry.” Sumunod siya kay Brandon sa sofa at umupo sa tabi nito.“Kukuha lang ako ng maiinom. Anong gusto mo? Kape? Juice?”“Juice na lang siguro.” sagot ni Alex at nagpasalamat ito.“Gagawa lang ako ng juice at sandwhich. Andyan na sa desktop ang file.” saad ni Brandon saka pumunta ng kusina upang gawan ng meryenda ang bisita.Napaawang naman ang bibig ni Alex nang makitang maraming mga nakalagay sa kanyang laptop. Nahihilo at naduduling na si Alex, hindi malaman kung anong file ang kanyang bubuksan. Dala ang nakabukas na laptop, pumunta si Alex sa hapagkainan at doon nilapag ang laptop ni Brandon, bago umupo sa upuan.“Saan dito? Ang dami kasing folders di ko makita ang sinasabi mo.” tanong ni Alex.“Yung may AB na folder.” sagot ni Brandon.“Alin dito?” nagugulumihanang tanong ni Alex. Patuloy ang kanyang paghahanap ng files