Hindi umimik si Alex ngunit tahimik na tumulo ang kanyang luha lalo na ng sabihan siya ni Timothy na, “you deserve someone better. Yung taong mamahalin ka ng walang pag aalinlangan” Bago umalis ang kaibigan ay bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat.
Dahil sa mga narinig, nakaramdam ng stress ang dalaga, dahilan upang sumakit ang kanyang tyan. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kwarto at uminom ng gamot. Umupo si Alex sa dulo ng kanyang kama, nanatiling nakatulala, sinusubukang iabsorb ang mga narinig. Muli niyang kinuha ang maliit na stick na may dalawang pulang linya.
‘Tama… Itatago ko muna sa kanya ito.’ Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa hawak hawak na pregnancy kit.
Agad na itinago ni Alex ang kit nang makarinig ng katok mula sa kanyang pinto.
“Bukas yan.” Sagot niya sa kung sino man ang kumatok.
Bahagyang nabigla si Alex sa di inaasahang bisita na pumasok sa kanyang kwarto. Ngunit kalaunan ang pagkabigla ay napalitan ng kaseryosohan at may bahid ng pait at sakit sa kanyang mga mata ng magtama ang kanilang tingin.
“Galing ka sa balcony kanina, tama ba?” Tanong ni James ngunit di sumagot si Alex sa halip ay naikuyom na lamang ng dalaga ang kanyang mga kamay.
‘Mas mabuting ngayun kokomprontahin ko siya dahil kung hindi mababaliw ako sa kakaisip at mababahiran ng pagdududa ang relasyon namin. Sampung taon na kaming magkarelasyon. Sampung taon na mula nang ma-engaged ako sa kanya. Siguro naman magpapakatotoo siya sa sasabihin niya sakin.’
“Tell me, hanggang saan ang narinig mo?” Tanong ni James. Muling di sumagot ang dalaga. Sa halip, nagtanong din siya sa binata.
“Napilitan ka lang ba talaga sa relasyong to? Ayaw mo ba talagang maikasal sa akin? Just say it, ako na magsasabi kay Tita. And don’t worry. Di kita ilalaglag.” Matapang na litanya ni Alex dahilan upang kumunot ang noo ng binata.
Tila ba may kung anong bumara sa lalamunan ni Alex dahilan upang matigalgal siya sa sasabihin. Nanginginig ang kanyang mga boses ng mag salitang muli. “Hindi ko lang ineexpect na basta mo lang ako ipapamigay sa iba na parang isang laruan na napagsawaan na kaya ipapamigay na… Kung ayaw mo palang magpakasal sakin, in the first place dapat-”
Pinutol ni James ang sasabihin pa ni Alex sa pamamagitan ng paghalik sa labi nito, na ikinagulat ng huli.
Agad naman siyang tinulak ni Alex at sinampal ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya sa bigla dahil nasampal niya ang lalaking kanyang pinakamamahal. “Sorry,” pabulong na sambit ni Alex.
Ngunti imbes na magalit, inintindi ni James ang naging reaksyon ni Alex. Kahit sino ba naman kung marinig mo mula sa taong mahal mo ang mga salitang iyon, na hindi ka willing magpakasal sa kanya, masasaktan ka talaga. Kaya sinserong tinignan ni James ang fiance at inabot ang mga kamay nito upang halikan at magpaliwanag.
“Sa mata ng lahat ay mag-asawa na tayo.”
‘Ano naman ngayon. Dahil lamang ba doon at sa pressure ng kanyang mga magulang tungkol sa aming dalawa kaya niya ako papakasalan?! Heh! Hindi ko din gugustuhing makasal sa taong di ako mahal!’
Huminga ng malalim si James bago ito magpatuloy sa sasabihin. “Nakaready na ang mga papeles natin. Nagpaschedule na din ako sa munisipyo para sa kasal natin sa darating na Byernes. I-clear mo schedule mo sa araw na iyon.” Pagpapaalala niya.
Kung noon ay excited si Alex na malaman kung kailang ang petsa ng kanilang kasal, pero sa ngayon bakas sa kanya ang pagkadisgusto.
“James… Hindi mo kailangan mgpanggap at pilitin ang sariling makasala sa akin kahit ayaw mo. Hindi ko kailangan ng awa mo.” Mahina ngunit may diin nitong sabi na ikinagalit ni James.
“Alexandra Bautista!”
Nabigla si Alex sa pagtaas ng boses ng kanyang iniirog, kaya nagtaas siya ng tingin, ngunit nanginig ang kanyang kalamnan sa takot ng makita ang nag-aalab sa galit na tingin ng binata sa kanya.
Nang makita ang takot mula sa mga mata ni Alex. Huminga ng malalim si James upang pakalmahin ang sarili.
“Look, Alex. I’m sorry kung napagtaasan kita ng boses. Ngunit huwag mong seryosohin ang pinag-usapan namin ni Tim kanina. Nagbibiruan lang kami kanina.” Pagpapaliwanag niya.
‘Talaga ba? Sa pagkakarinig ko, seryoso ang usapan niyo.’ Gusto niyang sabihin pero mas pinili niyang manahimik.
“Minsan kasi kaming mga lalaki, ayaw namin ang natatapakan ang pagkalalaki namin kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon. But I don’t mean it.” Dugtong niya.
Hinawakan niya si Alex sa kanyang braso upang patayuin sa kinauupuan. Yumukod lamang siya ng kaunti upang magpantay ang kanilang ulo. “Sa susunod, huwag mong papaniwalaan ang mga naririnig mo lang. Okay?” Maamong ngumiti ang binata at hinalikan siya sa noo.
Binitawan siya ni James, nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone, matapos basahin ang kung kanino mang mensahe nanggaling ay tila ba aligaga siyang umalis na.
“Aalis na muna ako. Kumain ka na. Huwag mo na akong hintayin for dinner, alright?”
Ngunit bago pa man siya makaalis ay tinawag pa siya ni Alex.
“James…” Lumingon ang lalaki, nag-angat ng kilay sa antisipasyon ng sasabihin ng dalaga.
“Gusto mo ba ako? Mahal mo ba ako?” Lakas loob na tanong ni Alex sa sinisinta.
Ngumiti ang lalaki, labas pa ang kanyang dimples nasiyang ikinagalak ni Alex. Ang ngiti ni James ang unang nagustuhan ni Alex. Tila ba natutunaw ang dalaga sa kilig sa twing nakikita niya mga dimples ng binata.
Bumalik ang lalaki sa kanya at pinulupot ito sa kanyang bisig. “Of course, gusto kita. Kung hindi kita gusto di ako mag aaksaya ng panahon na bigyan ka ng mga regalo. Bilhan ng puting rosas tuwing birthday mo. Samahan ka sa trip mo, at bilhan ka ng paborito mong durian kahit na nakakasuka ang amoy… At syempre, wala na akong ibang gustong pakasalan na babae kundi ikaw lamang. Ikaw lamang walang iba.”
Dahil sa kanyang sinabi, tila napawi na ang sakit at pangamba na kanyang naramdaman. Tila ba siya ay nakalutang sa himpapawid at napapaligiran ng ulap sa tuwang dulot ng sinabi at pagsisiguro ni James sa fiance. Nadagdagan pa ang kilig na naramdamn nang hinalikan siya sa labi bago umalis si James.
Nagmistulang robot si Alex na nakokontrol ni James. Kaya niyaNg baguhin ang mood ng dalaga sa simpleng mga hawak nito at pagbibigay ng mga mabubulaklak na mga salita. Nang matauhan ay ilang beses imiling ang dalaga.
‘No, Alex. Huwag ka magmarupok!’
Ang dating Alex na kayang kontrolin ng binata ay nagbago na. Nang makaalis ang lalaki, tila ba nanumbalik ang mga salitang kanyang narinig. Hindi parin siya komportable at dahil sa pag-iisip ay hindi nakatulog ang dalaga.
‘Ayoko ng magpauto sa iyo. Kung dati isang salita mo lamang bibigay na ako… Ngayon, kailangan kong makasiguro. Ayoko na ipagsiksikan ang sarili ko sa ayaw sakin.’
Tulala na nakatingin sa kawalan si Alex habang nakaupo sa kanyang office chair. Sa harapan niya ay ang mga nakatambak na files na kailangan niya pirmahan for approval, nang di niya napansing dumating si James.“Alex,”Makailang tawag ang binata ngunit di parin siya naririnig nito hanggang katukin ni James ang kanyang lamesa.“Oh. Kanina ka pa?” Tanong ni Alex at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.“Iniisip mo parin ba ang mga narinig mo kahapon?” Hindi sumagot si Alex na tila ba walang naririnig sa sinabi ng lalaki. Narinig na lamang ni Alex ang pagbuntong hininga nito.“How about we’ll have some dinner later?” Suhestiyon ni James Ngunit di parin kumikibo si Alex. Napahilamos si James sa kanyang mukha gamit ang mga palad sa inis na di siya kinikibo ng dalaga. “Bakit di ka nagsasalita?” May gigil sa galit ang tono ng pananalita ni James na ikinaangat ng tingin ni Alex sa fiance.“James… Bakit di nalang natin itu-”Naputol ang usapan nila ng biglang magring ang cellphone ni James
“Mga lalaki nga naman kung may makitang masarap at nakakatakam na dessert, iiwanan nila ang paborito nilang pagkain.”Sa sinabi ni Grace sa halip na makagaan ng kanyang nararamdaman ay mas lalong umusbong ang sakit na nararamdaman ni Alex. Tinignan niya ang slice ng chocolate cake sa kanyang harapan. ‘Dessert’Nang mapansin ni Grace ang pagtamlay ni Alex, bigla siyang naguilty sa sinabi.“I’m sorry. I didn’t mean it. Nakakainis kasi iyang fiance mo. Matapos ka niyang buntisin, ganun pa ang maririnig mo sa kanya. Kakagigil talaga.” Marahas na hiniwa ni Grace ang steak na nasa kanyang plato na para bang iniimagine niya na si James iyon.“Huwag ka ngang OA diyan. Kung makareact naman to kala mo siya ang fiance.” Pabirong nagrolyo pa ng mga mata si Alex sa kaibigan na ikinatawa nila parehas.“Oo nga pala. Sorry naman.” Nag-peace sign si Grace sabay ngiti na kita ang buong ngipin sa harap. Kahit na mas matanda si Grace ay tila mas bata pa ito mag-isip kapag magkasama silang magkaibigan.“P
“Excuse me po. Kayo po ba ang guardian ni Oliver Perez?” Tanning ng isang pulis.“Ay opo ako po si Ivy Sanchez. Kapatid ko nga po itong batang to.”Sagot ni Ivy sabay batok sa nakababatang kapatid.“Ano na naman ang ginawa mo?” Pagsesermon niya.“Iyan ate. Siya yung nag attempt ng hipuan ako.” Sagot ni Oliver sabay turo kay Alex.Di makapaniwalang tinuro ni Alex ang sarili. “Ako?! Hoy, Bata kanina ka pa! Sinabi ngang aksidente lang lahat ng iyon.” Depensa ni Alex.“Totoo po ang sinasabi ni Ms. Bautista. We checked the CCTV footage at isang malaking misunderstanding lang po ito. Kaya lamang po ay nagcause ng abala ang kapatid niya at pwede po siyang kasuhan ni Ms. Bautista kung gugustuhin niya pong magsampa ng kaso, maiiwan ang kapatid mo dito. Sa edad po niya ay pwede na po siyang makulong. Pero tingin ko na po ay magkakilala po kayo, pag-usapan niyo nalang po at magkasundo.” Pagpapaliwanag ng pulis.“Okay na po. Di kami magrereklamo,” sabat ni James na ikinagulat ni Alex.‘Seryoso? Ni
‘Businessman si James at kayang niyang maghandle ng kahit na anong problema na pinagdadaanan ng kompanya. Pero ito lang ang unang beses na makita ko siyang takot na takot.’Nababakas sa mga mata ni James ang takot at pagkataranta, ni hindi niya na isip si Alexa na kanina ay nasaktan din mula sa pagkakabangga sa nguso ng kotse nila. Bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya kay Ivy?Hindi na namalayan ni Alex ang pagbuhat ni James kay Ivy papasok ng kotse.“Oliver pumasok ka na rin ng kotse. Doon ka sa kabilang pinto dumaan.” Utos ni James sa kapatid ni Ivy bago nilingon ang nakatulalang fiance.“Alex, ikaw na magmaneho.” Utos ni James na ikinalingon ni Alex.Nakita niyang nakasandal ang babae sa balikat ni James na ni minsan di niya magawa kahit noong nagkasakit siya. Tila ba may tumusok sa kanyang dibdib. ‘Kung saamin kaya ng anak niya nangyari ang lahat ng ito, ganito din kaya ang reaksyon niya?’ Tanong niya sa isip.“Alex!” sigaw ni James na nagpabalik sa kanya mula sa malalim na
Nakahinga ng maluwag si Alex sa narinig, na tila ba siya ay nabunutan ng tinik sa lalamunan.“Bago pa man mamatay si Bryan, ibinilin na niya sakin si Ivy.”Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang kaibigan ni James. At hanggang ngayon dala-dala pa rin sa puso ni James ang guilt na nararamdaman. Naalala ni Alex noong araw ng aksidente. Umuwi si James na magulo ang buhok, gusot gusot ang suot na long sleeves, ang necktie ay hindi na nakatali ng maayos sa kanyang leeg. Nagmukha siyang madungis na kumawala mula sa mga umabosong sindikato.‘Gaano ba kalalim ang relasyon nilang magkaibigan na pati ang asawa nito ay ihinabilin sa fiance ko? I get it. Naiintindihan ko ang unang isang buwan na dadamayan niya ang asawa ng kaibigan niya. Pero hindi ba at sobra na din ang pag-aasikaso niya to the point na aalis siya kahit madaling araw para puntahan ang babaeng ito?’ Tanong ni Alex.Ganoon pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Alex ang mga naganap. ‘Marahil nga ay ginagawa la
“May gusto ba sayo si Ivy?”Nagpipigil si Alex ng kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot ng tila nagulat na si James.“Ano ba namang tanong iyan, Alex?” Naiiritang tanong ni James. Halata sa mukha nito na hindi na niya nagugustuhan ang mga naririnig mula sa nobya.“Simple lang naman ang tanong ko bakit hindi mo kayang masagot? May gusto ba si Ivy sayo?”“Ivy, maghulos-dili ka. Impossibleng mangyari iyon. May asawa yung tao-”“Na ngayon ay patay na.” Dugtong ni Alex sa sinabi ni James.“Tumahimik ka na.” May pagbabanta sa tono ni JAmes, ngunit di pa rin natinag ang dalaga at patuloy pa rin siya sa pagtatanong.“Let me rephrase my question.” Sarkastikong sabi ni Alex.“May gusto ka sa kanya.” Hindi iyon tanong.Hindi makapaniwalang tumingin si James kay Alex bago ito huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Lumapit siya at niyakap ang kaninang nakabusangot ang mukhang si Alex. Pinakatitigan niya ang dalaga sa mata.“Babe, wala akong gusto sa kanya. Magkaibigan lang kami. At
“MA! Ano na namang kahibangan to?!” Napasuklay ng buhok si James nang makita niyang nagmistulang honeymoon room ang kanyang kwarto. Samantalang napakamot nalang ng ulo at tulalang nakatingin si Alex sa kanyang kwarto na nagmistulang bodega. Habang ang ina ni James na si MAry Ann ay nagkukunwaring inosente at walang alam sa ginawa.“Bakit nagtataas ka ng boses sa mommy mo?” reklamo ng ina.Inihilamos ni James ang kanyang mga palad sa kanyang mukha sa inis at pagkadismaya sa ginawang kalokohan ng ina.“Hindi ba maganda? Nag-effort pa naman akong ayusin ang kwarto niyo.”“Namin? Ma… Hindi pa kami kinakasal bakit ba nagmamadali kang pagsamahin kami sa iisang kwarto?”“Bakit ba? Ano bang ikinagagalit mo riyan? Ikakasal na din naman kayo.” Nakakunot ang noo ni Mary Ann sa inasta ng anak.“Pero ma, tinanong mo ba si Alex tungkol dito sa ginawa mo?”Sabay na napatingin ang mag-inang James at Mary Ann kay Alex.“Ni siya nagulat nang makitang naging bodega ang kanyang kwarto. Halatang wala din
“Sige. Papunta na.” Sabi ni James sa kausap, bago ito bumaba.Hindi kumikibo si Alex at tahimik na lamang siyang nagsusuklay muli ng kanyang buhok. Ang kaninang hawak na ultrasound result ay muli niyang tinago.“Babe…”“Umalis ka na. Baka kanina ka pa niya hinihintay.” Kalmado ngunit malamig na sabi ni Alex.Pinipilit niyang di magalit, pero hindi maalis sa kanya ang inis at pagkadismaya na sa isang tawag lamang ni Ivy ay aalis na agad ito, kahit na hating gabi na.“Pero… Hindi ba may sasabihin ka pa?“Wala na. Hindi naman importante. Unahin mo na si Ivy at baka makunan pa kapag di ka niya makita.” Iritang sabi ni Alex.“Babe!” May pagtataas na sa boses ni James. Alam niya na nagagalit na ang kasintahan pero hindi din niya kayang talikuran ang asawa ng kaibigan.Tumayo si Alex at lumapit sa kama. Humiga ito at nagtalukbong ng kumot.“Pakipatay na lamang ng ilaw paglabas mo. Salamat.” Sabi nito at di na muling hinarap si James. “Babalik ako agad. Promise.” Sabi ni James, bago lumabas
Napaawang ang bibig ni Alex at hindi makapaniwalang tiningnan si Brandon.Lalalabas na sana sila ng bahay nang huminto si Alex at binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Brandon.“Ganyan ka ba sa lahat ng babae?”Napalingon si Brandon kasabay ang pagkunot ng noo nito? “Hah?” nagtatakang tanong ni Brandon.“I mean… Hindi mo lang siguro napapansin, at naiintindihan ko naman na lalaki ka at nagiging maginoo ka sa lahat ng babae. Pero ganyan ka ba sa lahat ng nakakasalamuha mo na mga babae?”Tila nagugulumihanan pa rin si Brandon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung saan patungo ang tanong ni Alex. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Brandon.“Yung ganito… Aasikasuhin ako… Papayag ka na maging nobyo ko kahit pagpapanggap lamang ang lahat ng ito. Iyong aalagaan ako. Sinisigurado mong nakakain na ko, at ngayon… H-hinahawakan ang kamay ko. Ganyan ka ba sa iba?” Tanong ni Alex na tila naguguluhan na din sa kanyang nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nakakas
Natapos ang kanilang usapan nang mapansin ni Alex ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang bahay.“Alas siyete na pala. Kailangan ko nang mag-ayos.” Palusot ni Alex sa kanyang kausap.“Okay, miss. Ingat po sa lakad mo. Enjoy mo nalang ang party. Huwag mo na pansinin si Boss James. He-he.” Natatawang sambit ni Cynthia.Natawa na lamang din si Alex sa sinabi sa kanya ng kausap. “Sige na. Babay na.” saad nito bago pinatay ang tawag.Saktong pagpindot nito ng end button sa kaniyang selpon, ay narinig naman nito ang pagbukas ng pinto mula sa katabing pintuan.‘Kararating lang ni Brandon… Mauuna na lang siguro ako. Message ko nalang siya na magkita na lamang kami sa entrance ng hotel.’ Sabi ni Alex sa sarili.Lumabas si Alex at napansing, nakaawang ng bahagya ang pintuan ng bahay ni Brandon.‘Ano ba itong lalaking ito… Bakit di niya man lang sinarado ang bahay niya. Tapos na din kaya siya? Sinuot na kaya niya ang binili kong damit para sa kanya?’ MAraming katanungang pumapasok sa isipa
“Lalo na kapag andito si boss… Naku! Manggigil ka sa sobrang pagkalambot niya… Nasobrahan sa pagkakapakulo sa kaniya. Alam mo yun!!! Kaunting kilos… Kunwari mahihimatay… Tapos itong si Boss James naman… Todo alalay sa kanya. Para bang pinaparamdam niya sa mga tao dito na anak ni Boss James ang dinadala niya.” Dagdag ni Cynthia.“Malay natin. Baka nga.” Sagot ni Alex.“Talaga ba?!” Tila nagulat si Cynthia sa sinabi ni Alex. “Kung talagang anak nga iyon ni Boss James… Ibig sabihin.. Matagal ka na nga palang niloloko ni Boss?”Bumuntong hininga si Alex sa kabilang linya.“Pero miss… Kung talagang anak ni Boss James ang ipinagbubuntis niya… Sa ugali niya, malamang ipangangalandakan niya iyon. At hndi siya magmamalaki, dahil nilokoko ka nila. Pero hindi eh… Lagi niya sinasabi sakin na may utang na loob daw siya sayo. At malaki daw iyon.” dagdag ni Alex.Napakamot ng sintido si Alex sa narinig mula kay Cynthia.“Nasa kanya na iyon… Siguro naman alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. A
Hindi nakapagsalita si Ivy na naiwang nakanganga ang bibig, habang nakatingin kay Alex na papalayo ng boutique. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nakaganti ng salita sa babae.“Grrr!!!” Nagngitngit sa galit si Ivy na ngayo’y masama na ang titig kay Alex.“Pakibilisan ng pagbalot!” Naiiritang pasigaw na utos ni Ivy sa mga staff ng boutique.‘May araw ka din sa akin, Alex.’ sabi niya sa isip.***Salamantala… Habang si Alex ay naglalakad palabas ng mall… Napansin niyang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, ay agad niyang sinagot.“Hello,”“Hello… Nakalimutan ko palang itanong… Anong oras pala mamaya at saang lugar?”“Sa hotel ng mga Lopez. Alas otso ng gabi.” Sagot ni Alex kay Brandon sa kabilang linya.“May kailangan ba akong dalhin?” tanong ni Brandon.Napatingin si Alex sa dala niyang bagong binili na pangreregalo sa magdiriwang ng kaarawan.“Hindi na kailangan. Nakabili na rin ako.” Sagot ni Alex.“Sige… Susunduin na lamang kita ng alas siye
Bumalik si Alex sa mall, at napagdesisyunang pumunta sa isang luxury brand ng mga aksesoryang panlalaki. At naisipan niyang bilhan ng cufflinks si Anthony Lopez. Alam niyang mahilig itong magsuot ng mga tuxedo at iba pang suits at isa sa mga aksesorya niya ang cufflinks.Lumapit si Alex sa babasaging estante kung saan mayroong nakalatag na cufflinks na may iba’t ibang desenyo.“Magandang araw po. Ano pong maitutulong ko? Ano pong hinahanap niyo?” Tanong ng isang sales staff nang may magiliw na ngiting iginawad sa kanya.Ngumiti din si Alex bilang ganti. “May bagong designs kayo ng cufflinks?” Tanong ni Alex.“Pwede ko bang malaman para kanino ang cufflinks?”“Para sa tito ko.” sagot ni Alex.Tumango ang sales staff at umalis ito. Sa kanyang pagbalik, kasama na nito ang kanilang manager na may hawak na cufflinks na nakasilid sa nakabukas na kahon na tila ba ingat na ingat. May dala rin ang sales staff na kausap ni Alex. Ngunit ang kumuh ng kanyang atensyon ay ang cufflinks na hawak ng
‘Wala akong dapat na ikatakot. At pawang mga katotohanan ang sinabi ko bukod sa balitang magnobyo kami. Dahil lahat ng ito ay nangyari sa amin ni Brandon. At mas kapani-paniwala ang aming relasyon kung ito ang sasabihin ko.’ Sabi ni Alex sa sarili.Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa braso ni Alex ay unti-unting lumuwag. Ngunit mariing tinitigan parin ng lalaki si Alex at tinatya kung ito nga ba ay nagsasabi ng totoo. Ngunit nang mapagtantong totoo nga ang mga sinabi ni Alex, tuluyan na siyang binitawan ni John. Yumuko ito upang hindi mapansin ng dalaga ang malungkot nitong mga mata. Ngunit pansin naman sa kanyang katawan ang panginginig, dahilan upang mapakunot ng noo si Alex at pilit na titigan si John sa kanyang mata.Namumula ang mga ito, at tila ba ay maiiyak na. Naglalabasan na din ang mga ugat sa kanyang noo, dala ng pagpipigil ng kanina pang gustong sumabog na emosyon.Sakit, pagkadismaya, at pagsisi… Pagkadismaya dahil kung bakit palagi na lamang siyang nahuhuli… Pagsisi
“Nobyo ko, kuya. Boyfriend ko in english.” Sarkastiko nitong pag-uulit sa sinabi.Tila nanigas si John sa pasabog na balita ni Alex, dahilan upang hindi ito agad makapagsalita.Alam ni Alex na maigiging ganito ang reaksyon ni John. Lingid sa kanyang kaalaman na may gusto ito sa kanya at sinabi niya iyon noon. Bakas sa mukha ni John ang sakit ng malaman niya iyon. Ngunit para kay Alex, makabubuti na ito upang tigilan na siya ni John, James at ng kanilang ina sa pagpupumilit sa kanya at magising sila sa katotohanang ayaw na niya.“S-sino siya?” Nauutal nitong tanong na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa balitang pinasabog ni Alex.“Si Brandon,” Agad nitong sagot.Ang kaninang hindi maipintang mukha ni John ay mas lalong kumunot.“Alex…”“Tama ang pagkakarinig mo, Kuya. Si Brandon Montenegro.” Pag-uulit ni Alex.“Pero…”“Kuya John, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako nakikipagbiruan pagdating sa relasyon. Masaya ako sa piling niya ngayon. Sana masaya din kayo para sa
Nang maalala ni Alex ang kanyang magiging pakay sa pamamahay ng mga Lopez, ay agad niyang ipinaalam ito kay John.“Kamusta na pala sila Tito at Tita?”“Aray ko naman… Ako ang andito pero sila ang hinahanap mo.” Pagbibiro nito na ikinairap ng mga mata ni Alex.“Okay lang naman sila. Namimiss ka na nila. Pero mas namiss kita.” Hirit pa ni John.“Tigil-tigilan mo na nga ako sa pagbibiro mo, kuya.” Inis na sambit ni Alex.Tumawa na lamang ang lalaki. Maya-maya pa ay matagal niyang tinitigan si Alex. “Ikaw, kamusta na?” tanong nito.Sa titig pa lang ni John, alam na ni Alex na may alam ang lalaking nasa kanyang harapan ang pinaggagawa ng kapatid nito. “Sa totoo lang… Hindi okay…. Kasi…”“Kasi ano?” Naningkit ang mga matang nakatingin si John kay Alex habang naghihintay ito ng sagot.Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. “Alam mo ba na ang kapatid mo ay iniipit ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon?” Tanong nito.Bakas sa lalaki na hindi na ito nagugulat sa sinabi ni Alex. Kaya na
Dahil sa nangyari, hindi na hininitay ni Alex ang isa pang araw at nilapitan na niya si Ezekiel upang maipagbigay alam sa mga boss nito ang nangyayaring crisis sa kompanya.“Sir… Pasensya na po pero kailangan niyo na pong malaman. At alam ko pong kasalanan ko lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aalisan ang mga investors sa project na pinahawak mo sa akin.”Ngumiti si Ezekiel at tinapik ang balikat ni Alex upang aluin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Normal lang ang ganyang bagay sa industriyang ito. Kung nagsialisan sila, ibig sabihin hindi sila para atin. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa mo at pagdevelop ng mga bagong ilaw. Makakahanap din tayo ng investors para diyan. At huwag ka magpaapekto sa problema ngayon.”Gumaan ang loob ni Alex sa sinabing pampatibay ng loob ni Ezekiel. Na kahit sa kabila ng pambabatikos ng ibang mga kasamahan niyang nawalan ng tiwala sa kanya, ay may isang taong naniniwala sa kanyang galing at kahusayan sa larangang ito.“Maraming salamat sa