Share

Chapter 4 Ride

Author: Mk_zing
last update Last Updated: 2023-12-30 19:27:35

Addyson P.o.v.

"Tara labas naman tayo. Mag-early out ako ngayon, Boss, ah?" himas sa braso ko ni Lisa. Ganyan 'yan kapag gustong mambwesit. Tinapik ko naman ito dahil pumipirma ako ng cheke.

"Edi umuwi ka na. Walang pumipigil," asik ko dito. Hinampas naman ako ng wallet na hawak nito.

"Aba, sumama ka sa'kin. Let's party!" taas pa niya ng kamay na sumasayaw-sayaw pa.

"Mag-party ka mag-isa mo." walang emosyong kong saad. Hiniklas naman nito ang buhok ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong ballpen.

"Alam mo tatanda kang dalaga kapag ganyan ka ng ganyan. Masyado momg sinusubsob ang sarili mo a trabaho. May bukas pa!" sermon nito. Sanay naman ako d'yan. Immune na nga ako sa talumpati niyan araw-araw.

"Madami pa akong kailangang tapusin."

"Tomorrow na 'yan. Masyado kang nagpapayaman. Kapag ikaw nagkasakit, ewan ko na lang." sabay upo niya sa table. Humarang pa talaga sa harap ko. Anak ng!

"Umalis ka nga d'yan. Ang laki mong kalat," Hawi ko sa binti niya na nakapatong pa sa dibdib ko. Walanghiya talaga.

"Hindi ako aalis dito hanggat 'di ka tumatayo d'yan at nagliligpit ng gamit," kulit pa nito.

"Kung sakalin kaya kita? wala ako sa mood lumabas. Uuwi na lang ako sa condo para makapag-pahinga,"

"I doubt. Ikaw magpapahinga? paniguradong itutuloy mo ang trabaho mo pag-uwi," irap pa niya. Sarap dukutin 'yong mata.

"Okay, sige panalo ka na," ayoko na kasing makipagtalo sa babaeng to. Hindi titigil 'yan hangga't 'di makuha ang gusto.

"Kailan ka ba huling lumabas?" tanong pa niya habang nililigpit ang kalat ko sa mesa. Inayos ko na ang mga gamit ko.

Kahit ako 'di ko na matandaan 'yong huling labas ko para mag-chill. About three months ago? i don't know.

"Hindi mo masagot kasi ang tagal na 'di ba?" pingot pa nito sa tenga ko. Nakakarami na siya, ah?

Sabay na kaming lumabas ng office at pumunta sa counter para magbilin sa mga staff. Sila na lang kasi ang maiiwan dito. Pero may in-charge naman nag supervisor na pang-afternoon shift.

"Guys, una na kami. Roel, ikaw na bahala sa kanila, ah? and sa trainee natin." sabi ni Lisa.

"Yes, Mam. Don't worry." Nakangiting saad nito.

Napasulyap naman ako sa babaeng nakayuko at nakatitig sa sahig. Ganyan ba talaga siya kamahiyain?

Siya ang nagdala ng agahan ko kanina. I mean late breafast kasi 10:30 na 'yon. Napansin ko ang suot nitong black shoes. Parang may buka na kasi sa gilid. Halatang gamit na gamit.

Umalis na kami ni Lisa at sumakay na sa kotse niya. Ihahatid na lang daw niya ako sa condo mamaya. Iniwan ko na muna 'yong sasakyan ko sa parking lot sa tapat ng coffee shop.

"Nache-check mo ba ang mga uniform ng staff natin?" tanong ko kay Lisa.

Lumingon naman ito sa'kin. "What do you mean? maang nitong tanong habang tinuon na sa kalsada ang atensyon.

"Like they're shoes, uniforms." Kunot-noo kong tugon. Naiinis na naman ako.

"Tayo naman ang nagpo-provide ng polo shirts nila na may logo ng shop, Apron, Net sa buhok. May free drinks at food din sila for lunch and snacks." paliwanag niya.

"How about they're shoes?"

Napataas naman ito ng kilay at halatang nagtataka sa tanong ko. "We're not the one who provide those. Sila na ang may sagot no'n."

"Edi ilagay mo sa budget. Once a year sila magpapalit ng sapatos. Importante yo'n. Maganda din kung pare-pareho sila ng style ng black shoes. Mas magandang tingnan," suggest ko pa.

Nag-isip pa ito bago ulit nagsalita. "Is it okay to you if sasama natin 'yon sa cost?"

"I don't mind.  Just tell the staff about it." Giit ko.

"Okay, Boss. Bakit mo pala naisip 'yan?"

"Ahm, wala lang. Gusto ko lang, bakit ba?" pasuplada kong sagot.

Napa-smirk naman ito at umiling-iling. "What?" iritang tanong ko. Alam ko na kasi 'yong mga gano'ng reaksyon niya.

"You tell me," tudyo pa niya.

"Ewan ko sa'yo. Mag-focus ka na nga lang sa pag-da-drive baka mabangga pa tayo," asik ko. Lalo naman itong humagikgik at nang-asar pa. Parang batang bully ang role niya sa buhay ko. Walang araw 'yan na 'di mang-iinis. Bilib nga ako sa kanya, eh.

Pumunta kami sa Japanese Restaurant dito sa Quezon City. Sakto dinner time na din naman. Hindi ko na kailangang magluto sa condo. Minsan kumakain na lang ako sa labas para paguwi magpapahinga na lang ako. Wala akong kasama do'n kaya napipilitan akong magluto. Nagpapa-deliver na lang ako ng pagkain kapag umiral ang katamaran ko sa katawan. Every weekend umuuwi ako sa bahay para mag-stay don. May mga nag-aasikaso naman sa'kin kaya bawas isipin.

"Mag-team building kaya tayo?" saad ni Lisa habang sumusubo ng sushi.

"Saan naman?"

"Ahm, sa Laguna. Or camping? mas masaya 'yon 'di ba?" halata ang excitement nito.

"Bahala ka."

"Napaka mo talaga. Ayaw mo ba? para may bonding naman tayo sa mga staff natin. Tsaka mas maging close pa sila lalo. Mas gaganahan silang mag-trabaho,"

May point naman siya. Kailan pa ba 'yong huling bonding with the team? i can't remember. Hindi naman din kasi ako mahilig sa mga ganyang activity. Home buddy kasi ako. Naiisip ko pa lang napapagod na ako agad.

"Okay lang naman sa'kin pero baka hindi na ako sasama,"

"Ano kaya 'yon? ikaw nga ang importante do'n. Paano mo makikilala ang staff mo niyan? wala ka ngang bonding with them. Kaya takot at ilag sa'yo mga 'yon, eh." talak pa niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"What did you say?"

"Ang sabi ko, KJ ka po." Sabay ikot ng mata niya. Kung dukutin ko kaya 'yon ng chopstick.

"Hindi ako KJ. It's just.. It's not my thing, okay?" paglilinaw ko pa.

"Sarado mo na lang 'yong coffee shop kung wala kang oras para sa mga tao mo," dabog pa niya sa kutsara.

I know that she's pissed off. Dito lang ata kami 'di nagkakasundo ni Lisa. We're so opposite pagdating sa ganyang bagay. Aminado naman akong mas close niya ang mga staff kesa sa'kin. I don't care either. Sa dami kong iniintindi wala na akong oras para makipag-usap sa mga tao do'n sa shop. 

Hanggang sa paguwi ko iniisip ko pa din 'yong napag-usapn namin ni  Lisa. Paano ko kaya masisingit sa schedule ko 'yong gusto niyang team building. Halos puno ng meetings at kung ano-ano pang paper works ang araw ko.

Ilang oras nga lang tulog ko, eh. I'm a morning person. Sanay na ang mata ko gumising ng maaga. I jogged kapag may oras. Ayoko din naman pabayaan ang health ko. Pagkadating ko sa condo, pasalampak akong umupo sa sofa. Grabe ang pagod ko this day. Sumasakit na nga ang batok ko. Tinanggal ko ang salamin na suot ko at minasahe ang ulo ko. I need a good massage. This weekend pupunta ako ng spa, treat ko na din sa sarili ko.

Tiningnan ko ang paligid, napaka tahimik. Minsan naghahanap din ako ng makaka-usap. Nand'yan naman si Lisa para makinig sa mga drama ko sa buhay pero iba pa din 'yong may special someone ka. Nakaka-miss din na may katabi sa kama. Kayakap at kahalik----

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Amoy ulam ang buhok ko. Ang lagkit ko na din.

.

.

Pagkadating ko sa shop, bumungad agad sa'kin ang mga staff ko na nagku-kwentuhan pero no'ng napansin nila akong nakatingin sa kanila, mabilis naman silang nagsipuntahan sa mga pwesto nila. Nagtama din ang mata namin ng babaeng nakangiti at bumati ng magandang umaga.

"Morning," tipid kong tugon. Napansin ko naman ang sahig na parang ang dumi.

"Sino in-charge sa pag-mop ng floor?"

Nagkatinginan pa sila at walang gustong sumagot. Halatang mga takot. Lumapit naman sa'kin si Peach na may hawak ng mop.

"A-ako po. Sorry, Mam." Paumanhin niya.

"Do your job first bago kayo mag-tsismisan. Ang aga-aga para kayong mga bubuyog," sermon ko sa kanila. Hate ko talaga kapag na dadatnan kong madumi ang shop. Lalo na kung kumpleto naman sila at mga nakatanga lang. Wala pa naman masyadong tao. Madami silang time para mag-ayos at maglinis.

"S-sorry po ulit," rinig ko pang sambit nito bago ako makapasok sa loob ng office ko.

.

.

Peachy P.o.v.

"Pasensiya na, Peach, ah? ako naman talaga ang toka sa paglilinis ng tables at sahig, eh. Ikaw pa tuloy napagalitan ni Boss." hingi ng paumanhin ni Mary. Ngumiti naman ako.

"Okay lang. Ako ang trainee dito kaya dapat ginagawa ko din 'to." balewalang tugon ko. Kita ko ang pag-aalala nila dahil sa nangyari.

"Naku, badtrip agad si Madam, maghapon na 'yan. Sana pala afternoon shift na lang ako," sabat ni Mary.

Nag-mop na ako ng sahig habang wala pang gaanong tao. Dagsaan na pag pumatak ng alas diyes at lunch time.

"After mo pala d'yan, tuturuan kita ulit dito sa kaha. Pero 'di ba may experience ka naman na? Tapos mamaya pagdating ni Roel, sa paggawa naman ng kape."

"Yup. Ako lagi sa kaha before tsaka gumagawa din ako ng drinks,"

"Ayon naman pala, eh. 'Di na kami mahihirapan turuan ka. Minsan kasi naka-supervise si Madam sa amin. Tinitingnan kami paano magtrabaho dito. Tapos may trip pa 'yan na magpapagawa bigla ng drink. Kapag nagkamali ka sa measurement naku, paniguradong may sermon ka do'n." Iling-iling pang saad ni Dimple. Matindi din pala si Miss. A. Makatagal kaya ako dito?

"Basta be mindful lang tsaka focus sa ginagawa mo, wala naman magiging problema." dagdag naman ni Mary.

Tinatandaan ko lahat ng mga sinasabi nila. Kailangan ko maging aware sa paligid ko. Lalo na kung gano'n ka higpit pagdating sa trabaho si Madam. Kanina ko lang siya nakitang nagsungit. Parang wala ngang ka emo-emosyon ang mukha nito. Blanko lang. Gano'n ba siya magalit? or mainis? pero bakit ang ganda pa din niya kahit beast mode na? ang unfair 'di ba?

Hanggang alas kuwatro lang ang duty ko ngayon. Morning shift kasi ako. Next week afternoon shift naman. Sanay na ako sa pabago-bago ng oras. Mas malapit naman ang inuuwian ko dito compare sa dati kong work. Pero kapag rush hour ang hirap sumakay. Kulang na lang sumabit ako sa jeep makauwi lang. Walang gentleman pagdating sa paunahan sumakay. Nangbabalya pa nga ang mga lalaki at nakikipag unahan pa sa mga babae. Nakakabanas!

Kumuha ako ng cinnamon buns para sa bunso kong kapatid. Free snacks ko naman ito, eh. Hindi ko na kinain para may pasalubong ako. Kumuha din ako ng strawberry frappe para makainom ang mga kapatid ko. Matapang kasi kapag may halong kape. Ito milk lang naman kaya pwede sa kanila.

"Pauwi ka na?" tanong ni Mary. Nandito kami sa may locker room. Nagpalit na ako ng damit tsaka nag-ayos na din.

"Oo. Mahirap kasing umuwi kapag ganitong rush hour. Maaga pa duty bukas,"

"Oh siya, mag-ingat ka,"

"Salamat, kayo din. Kita kits bukas," paalam ko dito. Nagpaalam na din ako sa mga kasama ko na nag-aayos pa sa counter.

Naglalakad na ako papuntang pinto ng makasabay ko si Miss. A. Mukhang pauwi na din ata siya dahil may dala na siyang bag. Himala ang aga niya? minsan daw kasi inaabot ito ng gabi sa shop.

Huminto ako ng paglalakad at pinauna itong makalabas. Nang makita kong nakalayo na siya, tsaka ako lumabas at naglakad na sa sakayan ng jeep. Tanaw ko na agad ang mahabang pila sa sakayan. Minsan inaabot ako ng isang oras sa pila. Walangyang buhay 'to, oh. Tiis-tiis lang. Ganito na talaga ang routine ko sa araw-araw. Wala ng bago.

Pumila na ako sa dulo. Hindi naman ako makapaglabas ng cellphone kasi delikado may mga kabataan na biglang nanghahablot dito. Mga rugby boys ang bansag sa mga loko.

Biglang may humintong yellow na sports car sa harapan ko. Hindi ko naman pinansin. Nainis pa nga ako kasi nakaharang siya sa daan at mag-cu-cause pa ng traffic. Biglang bumaba ang salamin ng kotse, napakurap pa ako ng makilala ko kung sino ang nasa loob nito.

Si Miss, A. Anong ginagawa niya dito? tsaka 'di ba nakaalis na siya kanina? lahat ng tao sa pila ay nakatingin na din sa nakaparadang sports car. Halatang mamahalin at bago. Sa tancha ko ay milyon ang halaga nito.

"Hop in," rinig kong sabi niya. Lumingon pa ako sa likod ko. Baka kasi hindi ako 'yong kausap niya. Pero wala namang ibang tao do'n.

"A-ako po?" paninigurado ko pa. Nakita ko naman ang inis sa mukha nito at inikutan pa ko ng mata.

"Sasakay ka ba or bababa pa 'ko para pasakayin ka?" iritang turan nito. Dali-dali naman akong sumakay sa kotse niya. Nakatingin pa din sa amin ang mga tao. Nahiya na nga ako dahil sa agaw atensyon.

"Sit belt," utos nito. Agad ko namang sinuot ang sit belt. Hindi ko alam 'yong pakiramdam na parang natatae na naiihi. 'Di ako kumportable na kasama si Miss. A. Nakakailang kasi at 'di naman kami close. Duh! nakatikim pa nga ako ng sermon kaninang umaga 'di ba?

"Saan ka nakatira?" pormal nitong tanong at binuksan ang radio. Buti naman at may background music. Ang tahimik kasi, eh.

"Sa may tandang sora lang po."

Hindi na siya sumagot kaya tumahimik na din ako. Gusto ko ng bumaba ng kotse. Naghahanap lang ako ng tiyempo para magsalita.

"Pwede niyo na po akong ibaba dito sa tabi," magalang kong sabi. Nilingon naman niya ako at tiningnan ang lugar kong saan ako nagpapababa.

"Alanganin tayo dito. Saan ba mismo 'yong inyo?"

"Ay naku po, papasok pa po kasi sa eskinita ang amin. Mahirap po makapasok ang sasakyan." Paliwanag ko.

"Sa kanto niyo na lang kita ibaba."

"S-sige po. Pasensiya na po sa abala. Ma-traffic po kasi talaga dito banda sa amin,"

"Nagugutom na ako," aniya. May nakita kaming drive-thru kaya dumaan muna do'n.

"Ano sa'yo?" tanong nito habang may kinukuha sa bag niya.

"Burger lang po, okay na."

Sinulyapan naman niya ako, "Is that enough?" sarkastikong tugon nito. Napaka-suplada talaga ng babaeng 'to.

"Ayos na po sa'kin, 'yon. Kakain din naman ako ng hapunan pag-uwi,"

Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko. Um-order na siya at nagtaka ako dahil parang ang dami naman ata? baka mag-uuwi ng food sa kanila. Hinayaan ko na lang siya baka masungitan pa 'ko.

Pagkakuha ng pagkain nag-drive na siya ulit. Nagpababa na ako sa kanto namin. Pero bago ako makalabas ng pinto,

"Here, Take all of this," tukoy niya sa mga nakaplastic na pagkain.

Nanlaki naman ang mata ko. Napakadami naman kasi no'n. Parang pang anim na tao. Tumanggi naman ako pero nakita ko na naman ang tingin niyang nakakatakot. Wala na akong nagawa kundi kunin na lang. Baka tumagal pa kami at delikado ang lugar namin dito. Baka makursunadahan pa siya. Magasgasan pa ang magara niyang kotse.

"Ingat po. Thank you sa paghatid," pasasalamat ko at ngumiti ng napakatamis. Tumango lang ito at tinuon na ang tingin sa kalsada. Marahan kong isinara ang pinto ng kotse baka masira ko pa.

***

Related chapters

  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 5 Pangbawi

    Peachy P.o.v."Ate, Ang sarap naman nito." Kumento ni Pao sa spaghetti na kinakain niya. Halos mabulunan na ito sa sunod-sunod na pagsubo. Ang dungis din ng gilid ng labi nito dahil sa sauce.Tuwang-tuwa sila sa pasalubong ko na binili ni Boss."Sweldo mo ba, Te?" Tanong ni Peng na pinapapak ang manok. "Oo nga, Nak. Ang dami mo naman atang binili? baka maubos ang pera mo," concern na sambit ni Mama. "Hindi ko po 'yan binili. Bigay po ng boss ko.""Ang bait Naman ng amo mo. Sa uulitin kamo," biro ni Kuya. Gusto ko ngang sabihin na estrikta at may pagkamasungit kaya 'yon. Laging pang naka kunot ang noo.Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kita ko Ang saya sa mga mata nila. Sobrang bihira ko kasi sila malibre sa mga fastfood. Pasalamat talaga ako kay Madam, at nanlibre. Pambawi siguro sa maaga niyang paninermon sa'kin kanina. 'Di bale, bawing-bawi na siya. .."Anong oras ka nakauwi kahapon? grabe 'yong traffic dahil may nagbanggaan," tanong ni Yani sa'kin habang nag-aayos ng mga p

    Last Updated : 2024-01-18
  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 6 Overwhelmed

    Addyson P.o.v.It's so tiring pero 'masaya naman itong araw na 'to kahit ang daming nangyari maghapon. 'Yong tinapunan ng coffee ng customer si Peachy. I was really pissed off. Banned na yon sa shop ko. Napaka-attitude, akala mo naman kaputian at kagandahan. Tss!Then i decided na bilhan ng bra ang undies tsaka naisip ko din na dumaan ng groceries. It really help. Makaka-save siya ng pera dahil she doesn't need to buy for her family. Kakarating ko lang ng condo, then i checked my phone. Ang daming missed calls from Lisa. May mga chat din siya. Nagtatanong kung nasaan ako. Agad ko naman itong tinawagan baka emergency."Hello? what's up?" tanong ko sa kabilang linya."Hey! kanina pa kita tinatawagan. Where have you been?" sunod-sunod nitong tanong. It's really iritating. I just rolled my eyes."Bakit nga? what do want from me?" iritang saad ko. Ang daming paligoy-ligoy, eh. Naglalakad na ako paakyat sa unit ko. "Umalis ka bigla sa shop kanina. Akala ko nasa office ka pa. Alam mo naman

    Last Updated : 2024-03-23
  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 7 Mad

    Peachy P.o.v.Dalawang araw lang sa hospital ang pamangkin ko at pinauwi na din ng Doctor. Bibili na lang kami ng gamot niya tsaka vitamins dahil hindi na pala ito nakakainom. Para na din lumakas ang immune system niya. Binayaran na din ni Boss Ang bills namin. Nag-aalala pa naman si Mama baka daw 'di makalabas Ng hospital ang apo niya, 'yon pala bayad na. Ang laki na talaga Ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko alam paano Ako mkakabawi sa kabutihan niya sa amin. Dalawang buwan pa lang ata ako sa cafe, pero grabe na 'yong tulong nito. Gano'n din siguro siya sa ibang staff. Kahit sinasabing strict, may pagka-snob at parang nakaka-ilang siyang kausap dahil ang yaman niya kaya nakakapang-liit kapag magkasama kami. May soft side din pala siya. "Te, bakit ka nangingiti d'yan mag-isa? Kinikilig ka pa ata?"asar na kapatid ko. Kinurot ko naman siya sa pisngi. "Mag-ingat kayo pag-uwi, ah? Di-diretso na Ako sa coffee shop at baka ma-late ako." Lumapit Naman sa'kin si Mama. "Nak, paki sab

    Last Updated : 2024-03-30
  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 1 Peachy

    Peachy P.o.v."Hoy! tatakasan mo na naman ako, ha?!" sigaw ni Aling Cora. Napahinto ako sa pagtakbo at humarap sa kanya. Malapit na ko sa gate eh, nahuli pa tsk!"Ahm, Aling Cora, bukas pa po kasi 'yong sweldo ko. Promise po bibigay ko ang bayad sa renta bukas.""Mag-da-dalawang buwan mo ng sinasabi 'yan eh! Lagi mo akong tinatakasang bata ka. Kung wala kang pambayad, magbalot-balot ka na ng gamit niyo at lumayas na kayo dito!"Halos lumuwa naman 'yong mata niya sa galit at lumalaki pa ung butas ng ilong ng matabang si Aling cora, sabay ismid at talikod.Nakita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay namin at nakatitig sila sa'kin. Sa lakas ba naman ng boses nito kahit ata ipis magigising, eh. Nakakahiya. Napayuko na lang ako at mabilis na lumabas ng gate.Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid sa aking mga mata. No, ayokong umiyak. Sanay na 'ko sa sermon ni Aling Cora pag-nade-delayed ako ng bayad sa apartment na inuupahan namin. Pero bakit gano'n masakit pa din kapag pinag-sasalitaan niya

    Last Updated : 2023-11-30
  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 2 Addyson

    Addyson P.o.v."Dy, kulang pa tayo ng tao. Wala ka pa din bang napipili sa mga applicants?" tanong ni Lisa habang binabasa ko ang isang contrata na gusto niyang ipapirma sa'kin. Napapakunot noo na lang ako sa daming papel na nasa harapan ko. Sumasakit ang ulo ko sa pag-re-review ng contracts at kung ano-ano pang kailangan intindihan."Ilan pa ba ang nakapila?" saad ko habang nakatuon pa din sa kontrata."Sampu na 'yong na-interview mo. Wala ka pa bang napupusuan?" nanunudyong sambit pa nito. Umangat ako ng tingin habang hawak ang pilot ballpen."Wala pa akong napipili sa kanila. 'Yong iba kasi kulang sa experience. Baka hindi kayanin ang trabaho dito sa shop," sagot ko.Napabuntong hininga naman ito. "Kung sabagay." sangayon nito. Tumayo na ito at nagpaalam na lalabas muna para mag-assist sa mga staff. Napasandal na lang ako sa upuan habang minamasahe ang ulo kong kagabi pa sumasakit.Ang dami ko kasing iniisip. Ako din kasi ang nag-aasikaso ng mini grocery namin. Pero sila Kuya at Mo

    Last Updated : 2023-11-30
  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 3 Trainee

    Peachy P.o.v."Nak, gumising ka na d'yan at may pasok ka pa sa trabaho." Rinig kong katok sa pinto ni Mama. Napabalikwas pa 'ko ng bangon ng makita kong tirik na ang araw. Tiningnan ko agad ang orasan na nakasabit sa ding-ding. Alas siyete y'medya na!Mabilis akong bumangon sa higaan at padarag na kinuha ang towel na nakasabit sa aparador ko. Second day ko sa Coffee Shop at 8:30 naman ang pasok ng kapatid ko ngayon. Ayokong ma-late kaming pareho. Hinahatid ko din kasi siya sa umaga.Nagtatalon pa ako habang nagbubuhos ng tubig gamit ang tabo dahil napakalamig ng tubig. Ilang buhos lang tapos na akong maligo tsaka nagsipilyo.Buti na lang nakapag-plantsa na ako kagabi ng susuotin ko ngayon. Plain white t-shirt lang naman , black slocks at close shoes ang attire kapag trainee pa lang. Excited akong pumasok. Masaya na din ako dahil sa wakas nakaalis na 'ko sa dating coffee shop na pinagta-trabahoan ko. Ang toxic nga kasi ng manager ko do'n. Panigurado namang mas masaya 'yon no'ng nag-res

    Last Updated : 2023-11-30

Latest chapter

  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 4 Ride

    Addyson P.o.v."Tara labas naman tayo. Mag-early out ako ngayon, Boss, ah?" himas sa braso ko ni Lisa. Ganyan 'yan kapag gustong mambwesit. Tinapik ko naman ito dahil pumipirma ako ng cheke. "Edi umuwi ka na. Walang pumipigil," asik ko dito. Hinampas naman ako ng wallet na hawak nito. "Aba, sumama ka sa'kin. Let's party!" taas pa niya ng kamay na sumasayaw-sayaw pa. "Mag-party ka mag-isa mo." walang emosyong kong saad. Hiniklas naman nito ang buhok ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong ballpen."Alam mo tatanda kang dalaga kapag ganyan ka ng ganyan. Masyado momg sinusubsob ang sarili mo a trabaho. May bukas pa!" sermon nito. Sanay naman ako d'yan. Immune na nga ako sa talumpati niyan araw-araw."Madami pa akong kailangang tapusin.""Tomorrow na 'yan. Masyado kang nagpapayaman. Kapag ikaw nagkasakit, ewan ko na lang." sabay upo niya sa table. Humarang pa talaga sa harap ko. Anak ng!"Umalis ka nga d'yan. Ang laki mong kalat," Hawi ko sa binti

  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 3 Trainee

    Peachy P.o.v."Nak, gumising ka na d'yan at may pasok ka pa sa trabaho." Rinig kong katok sa pinto ni Mama. Napabalikwas pa 'ko ng bangon ng makita kong tirik na ang araw. Tiningnan ko agad ang orasan na nakasabit sa ding-ding. Alas siyete y'medya na!Mabilis akong bumangon sa higaan at padarag na kinuha ang towel na nakasabit sa aparador ko. Second day ko sa Coffee Shop at 8:30 naman ang pasok ng kapatid ko ngayon. Ayokong ma-late kaming pareho. Hinahatid ko din kasi siya sa umaga.Nagtatalon pa ako habang nagbubuhos ng tubig gamit ang tabo dahil napakalamig ng tubig. Ilang buhos lang tapos na akong maligo tsaka nagsipilyo.Buti na lang nakapag-plantsa na ako kagabi ng susuotin ko ngayon. Plain white t-shirt lang naman , black slocks at close shoes ang attire kapag trainee pa lang. Excited akong pumasok. Masaya na din ako dahil sa wakas nakaalis na 'ko sa dating coffee shop na pinagta-trabahoan ko. Ang toxic nga kasi ng manager ko do'n. Panigurado namang mas masaya 'yon no'ng nag-res

  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 2 Addyson

    Addyson P.o.v."Dy, kulang pa tayo ng tao. Wala ka pa din bang napipili sa mga applicants?" tanong ni Lisa habang binabasa ko ang isang contrata na gusto niyang ipapirma sa'kin. Napapakunot noo na lang ako sa daming papel na nasa harapan ko. Sumasakit ang ulo ko sa pag-re-review ng contracts at kung ano-ano pang kailangan intindihan."Ilan pa ba ang nakapila?" saad ko habang nakatuon pa din sa kontrata."Sampu na 'yong na-interview mo. Wala ka pa bang napupusuan?" nanunudyong sambit pa nito. Umangat ako ng tingin habang hawak ang pilot ballpen."Wala pa akong napipili sa kanila. 'Yong iba kasi kulang sa experience. Baka hindi kayanin ang trabaho dito sa shop," sagot ko.Napabuntong hininga naman ito. "Kung sabagay." sangayon nito. Tumayo na ito at nagpaalam na lalabas muna para mag-assist sa mga staff. Napasandal na lang ako sa upuan habang minamasahe ang ulo kong kagabi pa sumasakit.Ang dami ko kasing iniisip. Ako din kasi ang nag-aasikaso ng mini grocery namin. Pero sila Kuya at Mo

  • My Coffee Lover's Billionaire    Chapter 1 Peachy

    Peachy P.o.v."Hoy! tatakasan mo na naman ako, ha?!" sigaw ni Aling Cora. Napahinto ako sa pagtakbo at humarap sa kanya. Malapit na ko sa gate eh, nahuli pa tsk!"Ahm, Aling Cora, bukas pa po kasi 'yong sweldo ko. Promise po bibigay ko ang bayad sa renta bukas.""Mag-da-dalawang buwan mo ng sinasabi 'yan eh! Lagi mo akong tinatakasang bata ka. Kung wala kang pambayad, magbalot-balot ka na ng gamit niyo at lumayas na kayo dito!"Halos lumuwa naman 'yong mata niya sa galit at lumalaki pa ung butas ng ilong ng matabang si Aling cora, sabay ismid at talikod.Nakita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay namin at nakatitig sila sa'kin. Sa lakas ba naman ng boses nito kahit ata ipis magigising, eh. Nakakahiya. Napayuko na lang ako at mabilis na lumabas ng gate.Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid sa aking mga mata. No, ayokong umiyak. Sanay na 'ko sa sermon ni Aling Cora pag-nade-delayed ako ng bayad sa apartment na inuupahan namin. Pero bakit gano'n masakit pa din kapag pinag-sasalitaan niya

DMCA.com Protection Status