Share

Chapter 5 Pangbawi

Peachy P.o.v.

"Ate, Ang sarap naman nito." Kumento ni Pao sa spaghetti na kinakain niya. Halos mabulunan na ito sa sunod-sunod na pagsubo. Ang dungis din ng gilid ng labi nito dahil sa sauce.

Tuwang-tuwa sila sa pasalubong ko na binili ni Boss.

"Sweldo mo ba, Te?" Tanong ni Peng na pinapapak ang manok.

"Oo nga, Nak. Ang dami mo naman atang binili? baka maubos ang pera mo," concern na sambit ni Mama.

"Hindi ko po 'yan binili. Bigay po ng boss ko."

"Ang bait Naman ng amo mo. Sa uulitin kamo," biro ni Kuya.

Gusto ko ngang sabihin na estrikta at may pagkamasungit kaya 'yon. Laging pang naka kunot ang noo.

Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kita ko Ang saya sa mga mata nila. Sobrang bihira ko kasi sila malibre sa mga fastfood. Pasalamat talaga ako kay Madam, at nanlibre. Pambawi siguro sa maaga niyang paninermon sa'kin kanina. 'Di bale, bawing-bawi na siya.

.

.

"Anong oras ka nakauwi kahapon? grabe 'yong traffic dahil may nagbanggaan," tanong ni Yani sa'kin habang nag-aayos ng mga pastries. Ako naman toka sa kaha ngayon.

"Mga alas siyete na din." sagot ko.

"Wow. Aga ah? ako nga inabot ng alas nuwebe! grabehan talaga. Gusto ko ng lakarin pauwi sa amin,"

"Sobrang traffic kasi buti na lang at sinabay ako ni Madam." Lihim pa nga akong napapangiti. Sobrang hiyang-hiya nga ako kagabi habang kasama siya. Tapos nilibre pa ako ng pagkain. Akalain mong mabait din pala siya? Haha!

Nahinto naman ito sa ginagawa niya at tumitig sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Oy, okay ka lang?" kunot noong saad ko.

"S-sinabay ka nino?"

Natawa naman ako. "Si Boss? si Miss. A?" Pagka-klaro ko. Nanlaki pa 'yong mata niya. Parang na a-amaze na ewan.

"Weh? joke time ka, ah?" iiling-iling pa siya. Tsaka tinuloy ang ginagawa niya.

"Totoo nga. Nakita niya ako sa terminal kahapon habang nakapila. Sinabay na ako pauwi. Nanlibre pa nga ng pagkain,"

"Isang himala!" sigaw pa niya. Sinaway ko naman ito baka kasi marining kami ni Miss. Lisa, na busy sa kausap nito sa phone. Natawa na lang kami.

"Kinausap ka naman ba niya? or silent treatment lang? bihirang bihira kasi 'yan nakikipag-usap sa amin. Mostly si Miss. Lisa lang. Kaya nga gulat na gulat ako sa kwento mo," paliwanag pa nito.

Kahit naman ako 'di ko expected 'yong nangyari kahapon. Nakakapangliit kasi kapag kasama mo si Miss, A. Lalo na no'ng sumakay ako sa sports car niya. Sa buong buhay ko 'di pa ako nakasakay sa gano'ng ka garang sasakyan. Pinagtitinginan nga kami ng ibang motorista, eh. Namamangha din siguro sa sasakyan niya. Sinampal na naman ako ng kahirapan.

Paniguradong milyones ang presyo no'n. Ang bango pa ng loob ng sasakyan niya. Alam mo 'yong amoy leather tapos ang sarap sa ilong ng air freshener niya. Naamoy ko din ang perfume niya.

"Ahm, nag-usap naman. Nahihiya nga akong magpahatid sa tapat ng bahay namin. Ang sikip pa naman ng kalsada do'n. Baka pag nagasgasan pa 'yong kotse niya, ako pa may kasalanan. Kahit ata ilang taon ako dito sa coffee shop magtrabaho 'di ko mababayaran 'yong halaga ng sports car niya," saad ko. Tatango-tango naman si Yani.

Sabay naman kami napahinto sa pag-uusap ng mapansin namin na pumasok si Miss, A. Naka navy blue siya na top, khaki pants with black sunglasses. Nakalugay ang dark brown niyang buhok. As usual, ang bango-bango pa din niya. Alam niyo 'yong amoy ng bagong ligo. Sobrang fresh. Iba talaga kapag mayayaman. Ako nga nakuntento na lang sa baby cologne.

"G-good morning, Mam." Sabay naming bati ni Yani. Tumingin naman siya sa amin tsaka tumango lang. Ang ganda pa nga ng pagkakangiti ko sa kanya, kaso poker face lang ito. Dumiretso na siya sa kanyang office. Bumalik naman kami sa mga kanya-kanyang gawain.

Tinawag ako ni Mary, tuturuan na akong gumawa ng kape. Hindi naman ito bago sa'kin. Dati naman barista ako sa inalisan kong Coffee Shop. Pero s'yempre, iba naman 'yong way ng timpla ng mga coffee dito. Kailangan ko pa din aralin.

May instructions naman kung paano 'yong mga steps sa bawat drinks na gagawin. Pero pinagawan muna ako ng Espresso Macchiato. Madali ko naman natandaan. Nagpainit na din ako ng Roasted Chicken and Feta Sandwich.

"Paki dala naman 'yan kay Miss, A." Saad ni Mary. Nagulat pa nga ako. Akala ko kasi sa customer na order 'yong pina-prepare sa'kin. Para pala kay Madam. Pero bakit ako na naman ang maghahatid ng food niya? wala naman akong choice kundi sumunod na lang.

Nilagay ko na sa tray 'yong coffee at bread. Medyo naniniginig pa 'yong kamay ko habang papalapit sa pinto ng office nito. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok.

"Come in," rinig kong sabi niya. Pumasok na ako sa loob. Saglit akong napasulyap sa magandang babaeng seryoso sa tapat ng kanyang laptop. Maingat kong nilapag ang tray ng pagkain sa mesa niya. Tumalikod na ako para lumabas na sana pero...

"Thank you." mahinahong boses na sambit nito. Lihim akong napangiti. Siguro good mood siya.

Humarap ako at ngumiti. "Welcome po. Labas na po ako," paalam ko. Nagtama ang tingin naming dalawa. Maaliwalas ang mukha niya ngayon. Nakakapanibago.

"Kinain mo ba 'yong food kagabi?" tukoy nito sa nilibre niyang pagkain na pinasalubong ko sa bahay.

"Opo. Thank you po pala. Sobrang natuwa sila Mama pati mga kapatid ko," galak kong sabi. Tumango-tango naman siya at tipid na ngumiti. Biglang pumasok si Miss, Lisa. Binati ko naman ito at nagpaalam na sa kanila.

.

.

Addyson P.o.v.

"Mukhang good mood tayo ngayon, ah?" pansin ni Lisa. Hihigop pa sana siya ng kapeng nasa mesa ng bigla ko itong inagaw sa kamay niya. Muntik pa ngang matapon.

"Don't touch it! that's mine." Angil ko. Natawa naman ito.

"Napakadamot mo naman. Para kape lang. Titikman ko lang naman kung masarap," dahilan niya. Sinamaan ko siya ng tingin at nilayo sa kanya ang pagkain ko sa mesa.

"Magpagawa ka ng sarili mong drinks. Hindi pa nga ako nagbe-breakfast, eh." sabay higop ko ng kape. Infairness ang sarap. Sakto lang ang lasa. Pasado sa'kin.

"Parang may bago sa'yo," isang nakakalokong ngiti pa niya. Inikutan ko naman ito ng mata. Ayan na naman siya sa mga haka-haka niya.

"Whatever. Bantayan mo na lang mga staff sa labas, kesa ako 'yong binu-bwesit mo," taboy ko pa. Tinikman ko 'yong sandwich. Tatawa-tawa naman ito at kumandong pa talaga sa'kin para mas asarin ako. Marahan ko siyang itinulak.

"Magugusot ang damit ko." sabay ayos sa polo ko. Pinaka ayaw ko pa naman kapag nadudumihan or nagugusot ang porma ko.

"Ang arte! tseh." bulong pa nito. Akala niya 'di ko narinig.

"I heard that," pinandilatan ko pa siya. Kaso lalo lang siyang humagalpak ng tawa. Nakakapikon nga, eh. Hindi ko na lang pinansin.

"Hindi ka ata si Miss. Grumpy, ngayon?" kulit pa nito. Napailing na lang ako. Ini-enjoy ang pagkain ko.

Magaan ang gising ko kaninang umaga. Siguro dahil naka six hours sleep ako. Masarap sa pakiramdam kapag nakatulog ng maayos.

Pero ewan ko ba bakit ang saya ko kagabi ng makasabay ko si Peachy. Nakita ko kasi sa mga mata niya 'yong saya ng bigyan ko ito ng pagkain na pinasalubong nito sa kanila. Isang simpleng bagay pero sobrang na appreciate niya. Nakakatuwa 'yong mga gano'ng tao.

Aminado naman ako na minsan i take for granted some simple things. Maybe because i'm capable to buy or get everyhing that i want in one snapped.

Ilang oras din akong nakasubsob sa laptop ko. Sumakit na din ang likod ko dahil kanina pa ako nakauwi. Tumayo muna ako at nag-stetching. I need to breath. Parang nasu-suffocate ako, eh.

Pagkalabas ko, napansin ko agad si Peachy, na nasa counter. She's smiling to the customer. Ang ganda pala ng ngiti niya. Nice teeth. May hawig din pala siya kay Janella Salvador. Mahinhin at mahiyain. Parang walang ka muwang-muwang sa mundo. Inosente gano'n.

"Hey, sinong tinititigan mo d'yan, ah?" kalabit sa'kin ni Lisa. Nagulat pa nga ako sa biglang pagsulpot nito.

I just rolled my eyes. i ignored her. Pumunta ako sa counter to check my staff. Busy sila. Madami kasing customer kapag hapon na hanggang gabi na 'yan. Tumulong na ako sa paggawa ng drinks. Ang haba na kasi ng pila. Para hindi mataranta mga tao ko. Si Lisa, busy sa pastries.

Lumapit ako sa may counter at nagkadikit kami ni Peachy, amoy baby siya. Lihim akong napangiti. Para kasing mga cologne ng elementary students. So cute!

"Mali 'tong drinks na binigay niyo sa'kin!" angal ng isang babaeng customer na parang clown na sa sobrang kapal ng make-up. Kay Peachy, siya nagrereklamo. Baka mali daw ang pagka-punch ng order niya. I checked the receipt. Nakipag diskusyon pa 'yong customer.

"Ang order niyo po kanina is Dark Mocha Frappuccino. Magkaiba po ang Triple Mocha Frappuccino," paliwanag ni Peachy.

Halatang napahiya ito pero pinilit pa din niyang mali si Peachy. Pumagitna na ako. Pinagtitinginan na din kasi sila ng ibang customers.

"Mam, can you please calm down. We can give you another drink if you want. 'Wag mo lang awayin ang staff ko," mahinahon kong sambit pero nanggigigil na ako. Maikli ang pasensiya ko sa mga ganitong klaseng tao. Pero hindi naman maiiwasan ang ganitong scenario, so we need to deal with it.

"Ayoko na ng ibang drink. Sayang ang oras ko!" sigaw pa niya at bigla niyang sinabuyan si Peachy ng hawak nitong frap.

Nagulat kami lahat sa nangyari. Naawa ako sa itsura ni Peachy. Parang maiiyak na ewan. Hindi na talaga ako nakapagpigil.

"Hey, you don't need to do that!" I shouted. Gumitna na sa amin si Lisa. Kalmado niyang kinausap ito.

"'Wag kang mangealam! gusto ko makausap 'yong manager niyo," nagwawala nitong sabi. Pinipigilan na siya no'ng kasama niyang lalaki. Pati 'yong guard namin umawat na din.

"I'm the owner of this shop. Guard, palabasin mo na nga 'to. 'Wag mo na din siyang papasukin dito," giit kong utos.

Agad naman itong tumalima. Nagpipiglas naman 'yong babae pero wala na itong nagawa kundi lumabas.

Nilapitan ko agad si Peachy, na nagpupunas ng damit niyang nabuhusan ng kape. "Go get change," sabi ko. Tumango naman ito at tahimik na pumunta sa locker nila.

.

.

Peachy P.o.v.

Amoy kape na ako at ang lagkit ko na din. Pinaliguan ba naman ako ng frap no'ng babaeng customer kanina, eh. Napaka salbahe. Ngayon lang ako naka-encounter na gano'n ka war freak. Siguro hindi siya love ng mama niya. Dinadaan ko na lang sa tawa 'yong pagkapahiya ko kanina. Hindi ko naman kasalanan, eh. Tama ang order na na-punch ko. Lakas lang talaga man-trip no'n.

Nandito ako sa locker para magpalit ng damit. Hinugasan ko 'yong buhok kong natapunan kanina. Pati bra ko nabasa. Nakakaasar! buti na lang malapit na matapos duty ko.

Uuwi akong amoy kape, gano'n? gusto kong maligo. Kaso wala namang shower room dito. Nagulat pa nga ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Madam. Naamoy ko agad ang perfume niya.

"Are you okay?" halata 'yong concern sa boses niya. Natutuwa nga ako ng ipagtanggol niya ako kanina.

"Ayos lang naman po," sagot ko habang inaayos 'yong bag ko.

"'Wag ka na bumalik sa counter. Magpahinga ka na lang muna. Just wait for your time out. Anong oras na din naman, eh."

Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Naiilang kasi ako kapag nakatitig siya sa'kin.

"May pampalit ka ba?"

"Ahm, meron naman po, Kaso basa lang 'yong panloob ko." saad ko pa. Bumaba naman ang tingin niya sa tinutukoy ko. Lalo tuloy akong nahiya.

"Alright. May gagawin ka ba after ng shift mo?"

"Huh? w-wala naman po. Diretso uwi na,"

"Okay. Sa parking lot mamaya. 4:15," sabay alis nito.

Ako naman napatulala. Napaisip sa sinabi niya. Ano daw? nalilitong inayos ko na lang ang bag ko.

Pagkatapos kong makapagpalit ng damit at nag-ayos ng mukha, tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas kwatro na. Uwian na. Lumabas na ako at nagpaalam sa mga kasamahan ko. Nilapitan ako ni Miss. Lisa, para huminga ng sorry sa nangyari daw kanina. Ang bait niya talaga. Binigyan pa nga ako ng drinks at food. Para 'di daw ako gutumin sa byahe. Natuwa naman ako. Nagpaalam na din ako sa kanya at nagpasalamat.

Naglalakad na ako papunta ng terminal ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon para tingnan ito. Nanlaki pa nga 'yong mata ko dahil nakasunod sa'kin ang BMW na color red. Hanep sa ganda.

"Where do you think your going?" seryoso tanong ni Miss. A. Ano na naman ang ginagawa niya dito?

"P-po?" naguguluhang sagot ko. Inirapan pa niya ako at sumenyas na sumakay na daw ako. Agad naman akong tumalima.

Sobrang yaman ba niya at ibang kotse na naman ang gamit nito. Kahapon iba 'yong nasakyan ko, eh. Ilang minuto din ang katahimikan. Hindi ko alam kung paano ako mag-start ng conversation para hindi awkward.

Napansin ko na papasok kami sa parking lot ng mall malapit sa Coffee Shop. Anong gagawin namin dito? magsho-shopping ba siya? bakit sinama pa ako. After niyang mai-park ang kotse, lumabas na kami para pumasok sa mall. Nakasunod lang ako sa kanya. Gusto ko pa sanang magtanong kaso nahihiya naman ako.

Dumiretso kami sa isang department store sa damit ng pambabae. Umikot din siya sa bilihan ng undies at bra. Mukhang mamahalin pa nga 'yong brand, eh. Tumingin-tingin na lang din ako.

"What's your bra's size?"

"Ay palaka!" gulat ko. Ang hilig niya talagang sumulpot kung saan. Hmp!

Napailing naman ito tsaka napangiti. Grabe ang ganda niya kapag nakangiti kesa laging seryoso. Kita ko ang pantay-pantay niyang ngipin at mukhang alaga sa linis ng dentista. Ang puti, eh.

"Are you okay?"

Bumalik naman ako sa ulirat. Nakatulala pala ako. "A-ano po 'yon?" maang kong tanong.

"Ang sabi ko, anong size ng bra mo." Kaswal nitong saad. Napangiwi ako. Bakit niya tinatanong? napalinga-linga pa ako sa paligid.

"S-seryoso?" 'di makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"32-B," halos pabulong kong saad. Nakakahiya naman kasi talaga. Tapos boss ko pa itong kasama ko.

Lalo pa akong nailang ng tingnan niya 'yong sa may dibdib ko. Umalis siya at may kausap na sales lady. Nakita ko pa 'yong hawak nitong nitong mga bra tsaka panty?

Hinayaan ko na lang ito sa trip niya. Umupo muna ako dahil sumasakit 'yong talampakan kong tinamaan ng bato kaninang umaga sa may gate namin.

Hindi na ako tumingin-tingin kasi ang mamahal ng damit. Wala din akong pambili. Pamasahe nga kinakapos pa ako. Sa ukay-ukay lang ako bumibili. Puro branded din don. Mga second hand nga lang.

Busy ako sa pagte-text ng biglang may kumalabit sa'kin. Si Madam pala. Ang dami niyang pinamili. Tinulungan ko na siyang magbitbit.

Saglit din kaming dumaan sa grocery store. Panay din ang tanong niya sa'kin kung ano daw ang magandang bilhin. S'yempre, do'n ako sa mga mura. May buy one take one pa nga. Hindi ko sure kung okay ba sa kanya 'yon. Panigurado kasing mga mamahalin ang binibili niya. Wala naman siyag reklamo basta panay lagay lang sa cart.

Nang mapuno ito, pumila na siya para magbayad. Hula ko five thousand pataas 'yong aabutin ng bill. Iba talaga kapag rich kid, hindi tumitingin sa presyo. Ako nga may calculator para siguradong 'di hihigit sa budget ko.

Pinahintay na lang niya ako sa may mahabang bench. Nakabantay ako sa mga pinamili nito. May bibilhin pa daw siya.

Siguro inabot din ng 30 minutes bago siya nakabalik. May bitbit itong mga pagkain. Naglakad na kami papuntang parking lot. Hindi ako magkanda-ugaga sa pagbitbit ng mga binili niya. Nang makasakay kami sa magara niyang kotse, pinaharurot niya ito.

Napansin kong papunta sa amin ang daan. Ihahatid na naman ba niya ako?

"Ahm, pwede na po ako dito banda,"

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko bagkos binaba niya ako sa may kanto ulit namin. Bago pa ako makababa, inabot niya sa'kin lahat ng pinamili niya kanina.

"Take all of this," sabi pa niya. Literal na napatanga ako. Bakit naman niya ako bibigyan no'n?

"Hindi ko po matatanggap 'yan," tanggi ko. Kulang pa sahod ko sa presyo ng mga pinamili niya, eh.

"It's all for you. Pambawi sa nangyari kanina," pilit pa nito. Napabuntong hininga ako. Sobrang na-touch ako. Nag-abala pa talaga siyang bilhan ako ng mga 'yon.

"Okay lang naman po 'yon, eh. Hindi niyo na po kailangang bumawi pa,"

Nakatitig lang siya sa'kin. Bumaba siya ng kotse para tulungan akong ilabas 'yong ibang nasa paper bag.

"Saan ba dito 'yong inyo?" tanong pa niya habang palinga-linga sa mga kabahayan.

"Doon pa po papasok." Turo ko naman dito. Parang gusto pa niya atang sumama sa amin. Kaso nahihiya akong magpahatid pa hanggang bahay. Ang pangit pa naman ng kalsada do'n.

Tinawagan ko na lang si Kuya, para magpasundo para may magbitbit ng mga dalahin ko. Mga ilang minuto lang dumating na din siya kasama 'yong bunso kong kapatid.

"Ate!" patakbong lumapit ito sa'kin tsaka yumakap. Malambing talaga 'to, eh. Napansin naman nila si Miss, A.

"Hi po," bati ni Kuya. Tumango lang ito. Nagtago naman sa likod ko si Bunso. Mahiyain kapag may ibang tao.

"I'll go ahead. See you tommorrow," paalam nito at pumasok na ulit sa sasakyan niya. Nagpasalamat pa kami bago siya makaalis.

"Tol, grabe, ang ganda ng kotse! parang sa fast and furious," manghang kumento ni Kuya Paul. Natawa naman ako.

"Ate, sino 'yon?" tukoy niya kay Madam.

"Boss ko." sagot ko habang naglalakad na kami pauwi.

"Ang ganda ng boss mo. Artistahin. Tsaka ang dami mo namang pinamili. Isang buwang supply ba natin 'to?" 'di makapaniwalang sabi niya.

Ngayon lang kasi kami nakaranas ng gano'n karaming groceries. Sinalubong kami nila Mama. Kinuha 'yong ibang bitbitin ko.

Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala ako 'yong pinapipili niya kanina sa grocery ng mga bibilhin dahil para sa'kin 'yon. Hindi ko kasi expected. Hanggang ngayon na-overwhelmed ako sa nangyari. Iba pala kapag nabubuhusan ng kape sa shop nila, noh? Haha!

Pinagsaluhan din namin 'yong binili ni Madam, na pagkain. Mukhang sa mamahaling restaurant niya binili. Ang sarap tuloy ng hapunan namin ngayon.

Inakyat ko na sa kwarto 'yong mga binili niya sa department store kanina. May mga damit at nanlaki ang mata ko sa mga presyo nito. Mag tig 4k para sa isang damit lang? ang dami ko ng mabibili sa ukay ng halagang yon. Pati bra at panty na binili niya ka-presyo na ng budget ko para sa isang buwan.

Ipapakaltas ko na lang ito sa sweldo ko buwan-buwan. Nakakahiya kasi talaga. Iba bumawi si Boss.

***

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Nita Simangan
pls.uodates next chapter
goodnovel comment avatar
Tessie Fernandez Dacanay
next episode po pllllzzzzzzzz
goodnovel comment avatar
Myra Dalida
pls updates next chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status