Peachy P.o.v.
"Nak, gumising ka na d'yan at may pasok ka pa sa trabaho." Rinig kong katok sa pinto ni Mama. Napabalikwas pa 'ko ng bangon ng makita kong tirik na ang araw. Tiningnan ko agad ang orasan na nakasabit sa ding-ding. Alas siyete y'medya na!
Mabilis akong bumangon sa higaan at padarag na kinuha ang towel na nakasabit sa aparador ko. Second day ko sa Coffee Shop at 8:30 naman ang pasok ng kapatid ko ngayon. Ayokong ma-late kaming pareho. Hinahatid ko din kasi siya sa umaga.
Nagtatalon pa ako habang nagbubuhos ng tubig gamit ang tabo dahil napakalamig ng tubig. Ilang buhos lang tapos na akong maligo tsaka nagsipilyo.
Buti na lang nakapag-plantsa na ako kagabi ng susuotin ko ngayon. Plain white t-shirt lang naman , black slocks at close shoes ang attire kapag trainee pa lang. Excited akong pumasok. Masaya na din ako dahil sa wakas nakaalis na 'ko sa dating coffee shop na pinagta-trabahoan ko. Ang toxic nga kasi ng manager ko do'n. Panigurado namang mas masaya 'yon no'ng nag-resign na ako. Maso-solo na niya si Vito. Saksak pa niya sa atay niya, eh. I don't care!
Nag-suklay lang ako, nagpahid ng konteng pulbo at red lipstick na din. Pagkababa ko bumungad agad sa'kin ang pamangkin kong umiiyak habang karga ng nanay niya. Ang dungis pa nga, eh. Wala na naman sigurong gatas.
"Bakit umiiyak ang butchokoy?" nilapitan ko at pinunasan ang luha nito na may kasama pang sipon.
"Wala na kasing gatas. Huling timpla na 'yong kagabi. Wala din naman kasing lumalabas dito sa dede ko," nangungonsumeng saad ni Carla. Ka-live-in ng Kuya ko.
"Nasaan ba si Kuya?" nakapameywang kong tanong.
"Manghihiram lang daw ng pambili ng gatas sa kumpare niya,"
Napabuntong hininga na lang ako. May kinuha ako sa bag ko. Hinanap ko pa 'yong coin purse ko. May iniipit kasi akong isang daan do'n.
"Ito muna ibili mo ng kahit sachet muna na gatas para lang mapainom kay Karl." Abot ko dito ng pera. Nahihiya pa nga siyang abutin, eh.
"S-salamat, Ate. Babalik ko na lang mamaya kapag nakadiskarte si Paul pag-uwi,"
Nginitian ako naman siya, "'Wag mo ng ibalik. Bili niyo na lang ng malaking gatas 'yon."
Naluluha naman itong napangiti na din. Ramdam ko ang hirap ng buhay na pinagdadaanan nilang magkasintahan. Hindi pa kasi graduate si Kuya ng mabuntis niya si Carla. Kapos din kasi sa pera pampaaral. May dalawa pa kaming kapatid na nag-aaral din. Halos wala ngang natitira sa sahod namin ni Mama. Sakto lang pangkain, Pero sa awa ng diyos, nakakaraos naman sa araw-araw. Hindi ko lang talaga ma-take kapag nauubusan ng panggatas ang pamangkin ko. Baby pa siya at ayokong danasin niya ang hirap ng buhay namin. Ako nga taga bili ng gatas ang vitamins nito kapag sumasahod ako. Minsan kapag nakaka-extra si Kuya, siya na bumibili ng mga needs ng anak niya. Pero s'yempre ako lagi ang taya dahil ako ang nagkakapera kapag kinsenas katapusan. Okay lang naman sa'kin. 'Di ko maatim na pabayaan sila.
"Ate, pahinging baon," kalabit ni Pao-pao sa laylayan ng damit ko.
Kinurot ko naman ang pisngi nito na kinahagikgik niya. Hinalik-halikan ko din ito. Ganito ako maglambing sa mga kapatid ko. Kumuha ako ng trenta pesos sa wallet ko tsaka inabot dito.
"Ibili mo 'yan ng pagkain mo mamaya, ha? 'wag puro chitchirya." bilin ko dito.
Alam nitong ayokong kumakain sila ng mga junk foods. Mas okay pang lugaw or kahit anong kakanin ang bilhin nila na nakakabusog. Kapag naggo-grocery naman ako binibilhan ko din sila ng mga biscuits at choco drinks na pwede nilang baunin sa eskwelahan. Tuwang-tuwa na sila no'n. Maintindihin ang mga kapatid kong 'yan. Alam nila kapag kinakapos na kami. Minsan nga nalalaman ko na lang na, naglalako pala sila ng bananaque. Tindi no'ng kapitbahay namin tapos pinagmemeryenda sila kapag napapaubos nila ito. Binibigyan din sila ng bente.
Bata pa lang madiskarte na. Hanggat maaari, 'di ko gustong makita na gano'n ang ginagawa ng mga kapatid ko. Para kasing kaawa-awa. Baka sabihin na pinababayaan lang namin silang magtrabaho sa murang edad. Tsaka natatakot din ako na baka may kumursonada sa dalawa kong kapatid at ma-kidnap. Advance ako mag-isip, eh. Mahirap na ang panahon ngayon.
"Opo, Ate. Salamat," sabay halik nito sa pisngi ko. Hahatid ko pa siya sa school. Madadaanan din naman namin kung saan siya nag-aaral. Malapit lang dito sa bahay.
"Peng, sabay kayong umuwi mamaya ni Pao-Pao, ah? hintayin mo siya. 'Wag kang uuwi ng 'di siya kasama." Bilin ko sa isa ko pang kapatid na nasa highschool.
"Yes po. Makakaasa ka," pa-cute pa nitong saad. May pagpiyok pa ang boses, eh. Nagbibinata na nga talaga. Ang bilis ng panahon.
"Sa bakasyon magpatuli ka na, ah?"
Bigla naman sumama ang tingin niya sa'kin at nawala ang ngiti. Takot kasing magpatuli 'yan. Masakit daw kasi 'yon at baka mamaga daw ang jun-jun niya.
"Oh, bakit ganyan ang tingin mo?" taas kilay ko pang sita dito. Napakamot naman ito sa ulo na halatang naiinis.
"Ate naman. Ayokong magpatuli. Tsaka na," tanggi nito may papadyak pa.
"Peng-peng supot," asar naman ni Pao, sa kanya. Natawa naman kami pero sinita ko din ito at sinabing 'wag na niyang asarin at baka magkapikunan pa.
Dumating naman si Mama, galing palengke. Mukhang hirap na hirap sa mga bitbit niya. Bago pala siya umalis kanina ginising muna niya ako. "Tulungan niyo nga ako dito," Agad naman kaming tumalima at tinulungan siya.
"Pechay, aalis ka na ba?" tanong nito sa'kin.
"Paalis na, Ma. Sabay-sabay na kami nila Pao. Baka ma-traffic pa ako,"
Humarap muna ako sa malaking salamin namin dito sa sala. Inayos ko ang suot ko ng damit. Nagpaalam na kami at sabay-sabay na lumabas ng bahay.
Hinatid ko sila sa school bago ako sumakay ng jeep pa quezon avenue. Buti nga isang sakayan lang papunta sa coffee shop.
Halos kalahating oras din ang binyahe ko, paano naman kasi panay hinto ng jeep na nasakyan ko para magsakay ng pasahero. Punong-puno at siksikan na nga kami, eh. Nakakasar!
"Good Morning," magiliw na bati sa'kin ni Kuya Roger.
"Good Morning din po." Medyo hingal ko pang bati dito. Nagtatakbo na kasi ako dahil fifteen minutes na lang at mag-aalas diyes na.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng shop at dumiretso sa stock room. Do'n kasi ang time in-out namin. May computer do'n na pwedeng mag-log ang employees.
Kinuha ko na din ang apron ko at net sa buhok. Pinusod ko muna ang buhok ko bago ito kinabit. Naghugas na din ako ng kamay. Naglagay muna ako ng lipstick parang natanggal kasi 'yong nilagay ko kanina dumikit sa face mask ko.
Lumabas na ako at dumiretso sa counter. Binati ko naman si Miss. Lisa na abala sa pagtulong para magbilang ng mga pastries na dumating.
"Hello, Peach. Can you help Mary, para mag-display ng mga cakes?" malambing at mahinahon nitong turan. Ang cute talaga ng boses niya. 'Yong pwedeng mag-voice over sa mga radio station na pang-drama. Tumalima naman ako agad. Ako ang taga abot kay Mary ng cakes.
"Bakit ang ganda mo?"
Napalingon naman ako kay Mary. "Huh?" maanga kong tanong. Natawa naman ito, "Ang sabi ko, bakit ang ganda-ganda mo?" ulit pa niya. Para naman akong nahiya sa tanong niyang 'yon. Sanay naman akong sabihan ng gano'n kahit do'n sa dati kong work. Kaya nga inggit na inggit 'yong manager namin dahil hindi siya napapansin.
"Ay namumula ka,"
Lalo naman akong nahiya at napaiwas ng tingin. "H-hindi naman, eh." Tanggi ko pa kahit feeling ko nag-iinit 'yong tenga ko.
"Sana ganyan din ako kaputi katulad mo. Anong skin care mo?" usisa pa niya. Natatawa na naman ako. Parang magkakasundo kami ni Mary. Siya kasi 'yong madaldal at unang nag-approach sa'kin. Mukhang mababait din naman 'yong iba kong kasama.
"Facial wash at malamig na tubig lang ang hinihilamos ko,"
Parang 'di naman siya satisfied sa sagot ko. "Weh, 'di nga? ako nga kung ano-ano ng pinapahid ko sa pagmumukha ko pero wala pa ding pagbabago. Ang laki na nga ng gastos ko dito," naiiling-iling pa nitong sabi.
Tawang-tawa naman ako sa sinabi niya. Bigla naman siyang napatahimik at napatigil din ako dahil sumeryoso ang mukha nito. Pagkalingon ko nakita ko agad si Miss. A, na nasa counter nakatingin sa amin.
"G-good Morning, Mam." Sabay naming bati ni Mary. Tumango lang ito sa amin at binalik ang tingin sa menu na nasa counter.
"Can you give me a Coffee Jelly Frapuccino and Ham and Cheese Toastie." rinig kong sabi nito sa counter.
Nagmamadali naman ang kasama ko sa counter para gumawa ng drink at 'yong sandwich ni Miss. A. Binilin din nito na ihatid sa office niya 'yong pagkain.
Pagkaalis niya naging kalmado na ang galaw namin. "Nakakataranta talaga kapag si Boss ang nandito sa counter," Si Katie. Ang in-charge sa pagawa ng mga drinks. Lumapit naman si Yani na nagpapainit ng sandwich sa micro.
"Sinabi mo pa. Pero ang sarap niyang titigan, noh? kaso napaka-istrikta. Hindi nga 'yon nakikipag-usap sa'tin, Laging si Miss. Lisa lang ang kausap niya," mahinang bulong ni Katie. Tahimik naman akong nakikinig lang sa usapan nila. Totoo namang nakakailang kapag nasa paligid si Miss. A. Kahit ako na-starstruck. Ang bango-bango pa niya. 'Yong tumatambay sa ilong ang perfume niya. Ang kinis-kinis pa ng kutis. Naalala ko tuloy ng mahawakan ko ang kamay niyang napakalambot. Parang kamay ng sanggol, gano'n. Haha!
"Mabait naman siya kaso, hindi lang mahilig makipag-kwentuhan. Maghapon lang sa loob ng office niya. Siguro ang daming ginagawa," Si Yani.
"Panigurado. Parang wala na ngang social life si Boss. Never ko atang nakitang nagbakasyon 'yon or gumala," tirada naman ni Katie.
Lalo naman akong na-curious tungkol kay Miss. A. Kapag mayayaman at may negosyo, wala naman ata talagang oras sa family or sa sarili nila? puro pagpapayaman ang inaatupag.
"Sinabi mo pa. Sa tagal ba naman natin dito si Miss. Lisa lang ata ang party goer, eh. Napaka cool pa. Pero si Boss, naku, ayoko na lang mag-tell." Nagkatawanan pa sila.
After nila mag-prepare ng pagkain ni Miss. A, narinig kong nagtuturuan pa sila kung sinong maghahatid sa office nito. Para kasing walang may gusto, eh. Nakita ko naman na nakatingin sila sa'kin. Get's ko na kung anong gusto nilang mangyari kaya nagkusa na ako.
Nilagay ko sa tray 'yong pagkain at dinala sa office ni Boss. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang seryosong nakasubsob sa mga papel na nasa table niya. Maingat ko namang pinatong 'yong tray sa side table nito na walang laman.
Papalabas na sana ako ng pinto ng marinig ko 'yong boses niyang napakahina. " Thank you," Lumingon ako sa kanya pero hindi pa din siya nakatingin.
"Welcome po." Tsaka ako lumabas ng office niya. Napabuga na lang ako ng hangin at bumalik sa counter. Nakita ko sila Mary na nakaabang sa'kin. Parang naghihintay ng bagong chika.
"Oh, kumusta?" tanong ni Katie. Nagtaka naman ako sa tanong niyang 'yon.
"Huh?"
Natawa sila tsaka hinablot ako papalapit sa kanila. "Hindi ka ba sinungitan or comment sa food niya?"
"Wala naman. Nag-thank you lang siya,"
Sabay-sabay naman silang nagkatinginan at tumingin ulit sa'kin. "Sure? walang side comment or anything?" paninigurado pa ni Yani. Naguguluhang tumango ako. Bakit ba gano'n na lang ang mga reaksyon nila?
"Bakit?" hindi ko na napigilang mag-usisa.
"Eh kasi lagi 'yang may reklamo pagdating sa pagkain niya. Alam mo 'yong mema?" bulong nito sabay sulyap sa paligid.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang saad ko.
"Ganito kasi 'yon, kapag may gusto siyang pagkain, dapat sakto lang 'yong init ng sandwich niya or pasta. Kapag 'di niya nagustuhan 'yon di na niya kakainin at ipapatawag kami para lang sabihin na ayusin next time 'yong pag-prepare ng pagkain niya. Kahit nga sa drinks niya. Kapag masyadong matamis or kulang sa ice kahit sakto naman 'yong measure namin may masasabi at masasabi siya."
Nagulat naman ako sa mga impormasyon na nalaman ko. Gano'n ba siya ka perfectionist? grabe naman pala. Pero kanina, parang okay naman ang mood nito. Hindi nga lang tumingin or sumulyap man lang sa'kin. Sa dami ba naman ng papel sa table niya kahit ako 'di makakatayo kung gano'n kadami ang paper works ko. Parang ang sakit sa ulo maging boss na katulad niya. Kaya siguro suplada or masungit.
"Hindi naman sa tinatakot ka naman, ah? pero be careful sa mga kilos mo and most specially, sa food niya kapag ikaw ang nasaktuhan na mag-bibigay no'n sa kanya.
Tumango-tango ako. "Noted."
Habang nagpupunas ako ng table, iniiisip ko pa din 'yong mga napag-usapan namin kanina tungkol kay Miss. A. Nasisindak pala sila kay Boss. Hindi pa naman niya ako nasusungitan or nasusupladahan, pero 'wag naman sana. Sanay naman ako sa gano'n. Mas mukhang malala pa nga 'yong manager ko sa dati kong work. Namamahiya pa 'yon kahit madaming tao. Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensiya ko, matagal ko na 'yon nasoplak.
***
Addyson P.o.v."Tara labas naman tayo. Mag-early out ako ngayon, Boss, ah?" himas sa braso ko ni Lisa. Ganyan 'yan kapag gustong mambwesit. Tinapik ko naman ito dahil pumipirma ako ng cheke. "Edi umuwi ka na. Walang pumipigil," asik ko dito. Hinampas naman ako ng wallet na hawak nito. "Aba, sumama ka sa'kin. Let's party!" taas pa niya ng kamay na sumasayaw-sayaw pa. "Mag-party ka mag-isa mo." walang emosyong kong saad. Hiniklas naman nito ang buhok ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong ballpen."Alam mo tatanda kang dalaga kapag ganyan ka ng ganyan. Masyado momg sinusubsob ang sarili mo a trabaho. May bukas pa!" sermon nito. Sanay naman ako d'yan. Immune na nga ako sa talumpati niyan araw-araw."Madami pa akong kailangang tapusin.""Tomorrow na 'yan. Masyado kang nagpapayaman. Kapag ikaw nagkasakit, ewan ko na lang." sabay upo niya sa table. Humarang pa talaga sa harap ko. Anak ng!"Umalis ka nga d'yan. Ang laki mong kalat," Hawi ko sa binti
Peachy P.o.v."Ate, Ang sarap naman nito." Kumento ni Pao sa spaghetti na kinakain niya. Halos mabulunan na ito sa sunod-sunod na pagsubo. Ang dungis din ng gilid ng labi nito dahil sa sauce.Tuwang-tuwa sila sa pasalubong ko na binili ni Boss."Sweldo mo ba, Te?" Tanong ni Peng na pinapapak ang manok. "Oo nga, Nak. Ang dami mo naman atang binili? baka maubos ang pera mo," concern na sambit ni Mama. "Hindi ko po 'yan binili. Bigay po ng boss ko.""Ang bait Naman ng amo mo. Sa uulitin kamo," biro ni Kuya. Gusto ko ngang sabihin na estrikta at may pagkamasungit kaya 'yon. Laging pang naka kunot ang noo.Sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Kita ko Ang saya sa mga mata nila. Sobrang bihira ko kasi sila malibre sa mga fastfood. Pasalamat talaga ako kay Madam, at nanlibre. Pambawi siguro sa maaga niyang paninermon sa'kin kanina. 'Di bale, bawing-bawi na siya. .."Anong oras ka nakauwi kahapon? grabe 'yong traffic dahil may nagbanggaan," tanong ni Yani sa'kin habang nag-aayos ng mga p
Addyson P.o.v.It's so tiring pero 'masaya naman itong araw na 'to kahit ang daming nangyari maghapon. 'Yong tinapunan ng coffee ng customer si Peachy. I was really pissed off. Banned na yon sa shop ko. Napaka-attitude, akala mo naman kaputian at kagandahan. Tss!Then i decided na bilhan ng bra ang undies tsaka naisip ko din na dumaan ng groceries. It really help. Makaka-save siya ng pera dahil she doesn't need to buy for her family. Kakarating ko lang ng condo, then i checked my phone. Ang daming missed calls from Lisa. May mga chat din siya. Nagtatanong kung nasaan ako. Agad ko naman itong tinawagan baka emergency."Hello? what's up?" tanong ko sa kabilang linya."Hey! kanina pa kita tinatawagan. Where have you been?" sunod-sunod nitong tanong. It's really iritating. I just rolled my eyes."Bakit nga? what do want from me?" iritang saad ko. Ang daming paligoy-ligoy, eh. Naglalakad na ako paakyat sa unit ko. "Umalis ka bigla sa shop kanina. Akala ko nasa office ka pa. Alam mo naman
Peachy P.o.v.Dalawang araw lang sa hospital ang pamangkin ko at pinauwi na din ng Doctor. Bibili na lang kami ng gamot niya tsaka vitamins dahil hindi na pala ito nakakainom. Para na din lumakas ang immune system niya. Binayaran na din ni Boss Ang bills namin. Nag-aalala pa naman si Mama baka daw 'di makalabas Ng hospital ang apo niya, 'yon pala bayad na. Ang laki na talaga Ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko alam paano Ako mkakabawi sa kabutihan niya sa amin. Dalawang buwan pa lang ata ako sa cafe, pero grabe na 'yong tulong nito. Gano'n din siguro siya sa ibang staff. Kahit sinasabing strict, may pagka-snob at parang nakaka-ilang siyang kausap dahil ang yaman niya kaya nakakapang-liit kapag magkasama kami. May soft side din pala siya. "Te, bakit ka nangingiti d'yan mag-isa? Kinikilig ka pa ata?"asar na kapatid ko. Kinurot ko naman siya sa pisngi. "Mag-ingat kayo pag-uwi, ah? Di-diretso na Ako sa coffee shop at baka ma-late ako." Lumapit Naman sa'kin si Mama. "Nak, paki sab
Peachy P.o.v."Hoy! tatakasan mo na naman ako, ha?!" sigaw ni Aling Cora. Napahinto ako sa pagtakbo at humarap sa kanya. Malapit na ko sa gate eh, nahuli pa tsk!"Ahm, Aling Cora, bukas pa po kasi 'yong sweldo ko. Promise po bibigay ko ang bayad sa renta bukas.""Mag-da-dalawang buwan mo ng sinasabi 'yan eh! Lagi mo akong tinatakasang bata ka. Kung wala kang pambayad, magbalot-balot ka na ng gamit niyo at lumayas na kayo dito!"Halos lumuwa naman 'yong mata niya sa galit at lumalaki pa ung butas ng ilong ng matabang si Aling cora, sabay ismid at talikod.Nakita ko ang paglabas ng mga kapit-bahay namin at nakatitig sila sa'kin. Sa lakas ba naman ng boses nito kahit ata ipis magigising, eh. Nakakahiya. Napayuko na lang ako at mabilis na lumabas ng gate.Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid sa aking mga mata. No, ayokong umiyak. Sanay na 'ko sa sermon ni Aling Cora pag-nade-delayed ako ng bayad sa apartment na inuupahan namin. Pero bakit gano'n masakit pa din kapag pinag-sasalitaan niya
Addyson P.o.v."Dy, kulang pa tayo ng tao. Wala ka pa din bang napipili sa mga applicants?" tanong ni Lisa habang binabasa ko ang isang contrata na gusto niyang ipapirma sa'kin. Napapakunot noo na lang ako sa daming papel na nasa harapan ko. Sumasakit ang ulo ko sa pag-re-review ng contracts at kung ano-ano pang kailangan intindihan."Ilan pa ba ang nakapila?" saad ko habang nakatuon pa din sa kontrata."Sampu na 'yong na-interview mo. Wala ka pa bang napupusuan?" nanunudyong sambit pa nito. Umangat ako ng tingin habang hawak ang pilot ballpen."Wala pa akong napipili sa kanila. 'Yong iba kasi kulang sa experience. Baka hindi kayanin ang trabaho dito sa shop," sagot ko.Napabuntong hininga naman ito. "Kung sabagay." sangayon nito. Tumayo na ito at nagpaalam na lalabas muna para mag-assist sa mga staff. Napasandal na lang ako sa upuan habang minamasahe ang ulo kong kagabi pa sumasakit.Ang dami ko kasing iniisip. Ako din kasi ang nag-aasikaso ng mini grocery namin. Pero sila Kuya at Mo