LUDWIG:
Nakipark muna siya sa paradahan ng mga taxi upang bumili ng tubig. Nakalimutan niya ang kanyang tumbler, may sakit din ang kanyang driver, kaya medyo nahihirapan siya. Tiningnan muna niya ang paligid, mukha namang safe ang lugar na iyon. Saka pa siya bumaba ng sasakyan.
"Boss, makikipark lang, bibili lang akong tubig," paalam niya sa isang maedad na lalaking naroroon malapit sa may tindahan, abala ito sa kanyang ginagawa.
'Sige lang boss," sagot nito, na itinuloy ang pagbibilang ng mga bariyang malamang ay butaw ng mga taxi driver.
"Manang, isa pong mineral water na malaki at malamig, magkano ho?" tanong niya sa tindera na noon ay abala pakikipagtsismisan sa isang bumibili rin sa kanya.
"Ilan?" tanong nito, na patuloy pa rin ang pagdaldal sa kausap. Ni hindi man lang siya nakuhang lingunin.
"Isa lang ho, " nakita niya ng umalis ito at nagbukas ng ref. Subalit ang bibig nito, ay diretso pa rin sa pagsasalita habang nililingon ang katsismisan.
"Bente singko," inabot nito sa kanya ang tubig. Habang nagbabayad siya, patuloy pa rin ang pakikitsismis ng matanda sa isa nitong customer. Kahit inaabutan na siya nito ng sukli, doon pa rin ito nakatingin sa kausap niya sa dulo. Napailing na lang ako "Talaga palang totoong may mga ganitong tao sa kalsada, literal na tsismosa at pinag-uusapan ang buhay ng iba. Paano na aasenso ang Pilipinas kung ganito ang makikita ng mga kabataan." sabi niya sa sarili, at napapailing na naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.
"Boss, salamat ho, aalis na ho ako," paalam niya sa matandang lalaki na nakatungo.
"Ge," tinanguan lang siya ng matanda habang itinutuloy ang pagbibilang ng mga barya.
Binuksan na niya ang pinto ng kanyang sasakyan, subalit may isang babaeng nagmamadaling sumakay doon. Pasilip silip ito sa labas ng kalsada. Waring takot na takot. Sa tantiya naman niya ay matino ang babae. Nakasuot ito ng maayos na damit, mukhang anak mayaman. Nagsalita ito ng hindi man lang siya nililingon.
'Manong, tara na, diretso lang," sabi nito sa kanya.
At napagkamalan pa nga siyang taxi driver. Mukhang kailangan ng babaeng itong makalayo sa lugar na iyon. Marahil, ipinagkasundo din ito ng mga magulang at hindi ito sumasang-ayon kaya naisipan na lang tumakas. Nakakaawa ang mga ganitong klase ng babae. Hindi na mabilang sa kanyang mga daliri ang mga nakilala niyang naka fix marriage lang. Karamihan sa mga iyon, ay sa mga matatandang kulang na lang ay maagnas ipagkasundo. Merong naging maayos ang buhay, ngunit marami ang nasirang pangarap. Matapos pagsawaan ay binabalewala na lang ng mga napangasawa, lalo na kapag naanakan na.
Hindi niya ito masisisi kung ganoon din ang kwento ng buhay nito. Kalayaan at kinabukasan nito ang nakasalalay doon. Lalo pa itong tumago, ng makasalubong nila ang isang pulang sasakyan na kinalululanan ng isang mukhang matapobreng babae. Kita niya sa mata nito ang labis na pag-aalala na baka mahuli kung saka- sakali.
Ng makalagpas ang sasakyan, kita niya sa salamin kung paano ito nakahinga ng maluwag. Napaantanda pa ito at napausal ng dasal. Siguro, dahil na rin sa nabunutan ito ng tinik kaya gayun na lamang ang pasasalamat nito sa Panginoon.
Hindi niya inaasahang magtama ang kanilang mga paningin. Nagulat ito ng mapansing nakatingin din siya sa babae. Kiming ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. Noon lang niya nabisto ang buong hitsura ng kasamang babae. Hindi masasabing basta ito may hitsura, ang tamang term sa kanya, ay salitang maganda. Kaya medyo kumabog ang kanyang dibdib ng saglit na magtama ang kanilang mga mata.
Sanay na siya sa magagandang babae, lalo na sa sirkulong kinabibilangan niya. Kung ang babaeng ito ay isang anak mayaman, bakit hindi man lang niya ito napapansin sa mga party na pinupuntahan niya? Imposibleng hindi niya ito mapansin, dahil sa ganoong klase ng lugar, madalas, nagrerate silang magkakaibigan ng mga babaeng dumarating at pinupuntusan nila iyon mula ulo hanggang paa. Kung sakaling pumunta ito sa ganoong lugar, bibigyan niya ito ng perfect 10.
"Tumakas ka no?" binasag niya ang pader ng katahimikan na nakaharang sa kanilang dalawa. Nagulat ito sa kanyang sinabi. Kikibot kibot ang labi nito na parang nagdadalawang isip kung sasagutin ang kanyang katanungan.
"Pa-paano mo nalaman?" tanong nito sa kanya, na waring natatakot na isuli siya kung saan siya nanggaling.
"Hindi mo na kasi alam kung taxi ang nasakyan mo miss," nginitian niya ito,"bumili lang ako ng tubig, bigla na akong nagkapasahero."
"Hi-hindi ba ito taxi?" napatingin pa ang babae sa paligid, "naku sorry ho.. akala ko ho taxi, sige ho, ibaba niyo na lang ako diyan," sabi nito sa kanya, "nakakahiya ho, sa pagmamadali ko hindi ko na napansin na hindi pala taxi ang nasakyan ko."
"Okay lang, ihahatid kita kung saan ka pupunta, wala pa naman akong gagawin, saang lugar ba ang ruta mo?" tanong niya dito. Doon na lang niya ito ihahatid para hindi na ito maabutan pa ng kung sinong tinataguan nito.
Kinuha nito ang phone at may tiningnan doon. Kita niya ang pag-i-scroll ng babaeng iyon, na parang hindi alam kung saan pupunta. Saka ito ngumiti at nagsalita, "sa Moonstar club ho ako."
Moonstar club? doon din siya pupunta. Malayo iyon, at kailangan ng sasakyan makarating lang don. Isa iyong liblib na club na tanging mga anak ng mayayaman ang nakakapunta. May membership doon, kaya paano papasok ang isang ito doon?
"Member ka ba don?" tanong niya sa babae. Nanlaki ang mga mata nito, saka napatingin sa kanya.
"Hi-hindi ko alam na may membership ho don, hindi pa ho ako nakakapunta doon. Sa-- sa kanto na lang ho ako bababa, maghahanap na lang ho ako ng ibang mapapaglibangan," kita niya sa mukha nito ang labis na pagkadismaya. Tumingin tingin pa ito sa bintana na parang tinitingnan kung saan ito maaaring lumagi at maglibang.
"Isasama kita doon kung gusto mo, doon din kasi ako pupunta," nakangiti niyang sabi dito. Nagliwanag ang mukha nito, saka dumukwang palapit sa kanya. Ang amoy nito ay yung tipong masarap kayakap kapag natutulog.
"Talaga ho?" ang tinig nito ay parang tumama sa lotto sa sobrang saya, "pangarap ko hong makapunta sa mga ganoong klase ng club. Hindi daw ho kasi pinapapasok doon ang mga senior cetizen."
Tumpak ang iniisip niya, malamang, sa matanda ito nais ipagkasundo. Hindi pa siya sigurado kung iyon nga ang dahilan, subalit ang kanyang instinct ang nag uudyok sa kanyang paniwalaan ang una niyang hinala.
"Sa isang kondisyon," sabi niya sa babae na hindi na umalis sa pagkakalapit sa kanya. Nadidistract siya sa hitsura nito, lalo na sa mabangong amoy niya.
"Ano ho yun?" tanong nito na parang handang handang ibigay kung ano ang kanyang nais hilingin.
"Wag mo akong hino-ho, ang lakas makamatanda eh,. Ganun na ba ako katandang tingnan sayo? Isa pa, hindi ka ba natatakot sakin, na baka masama akong tao?" tanong niya dito. Inaalam niya kung gaano kalakas ang loob nitong sumama sa kanya.
"Kahit saan niyo ako dalahin, sasama ako, wag lang akong ipakasal ng magulang ko sa isang matandang halos triple ang edad sa akin," tugon ng babae sa kanya.
ESTELLA:Manghang mangha si Estella sa ganda ng club na iyon. Mga sosyal ang mga taong naroroon. May mga artista, at may mga tinitingala sa larangan ng negosyo. Nakatayo lang siya sa gilid at nagmamasid sa mga taong naglalabas masok doon. Ang mga mamahaling alahas na nakapulupot sa katawan ng bawat dumarating ay kumikinang sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa center stage.May mga dumarating na grupo, o kung minsan ay nag -iisa lang. Dito niya napatunayan, na may mundo palang ganito ang mga rich people, yung tipong makakapagwalwal sila ng walang camera, o maiipakita nila, kung sino talaga sila.May isang lalaking lumapit sa kanya. May dala itong baso ng alak, at sigurado siya, na para iyon sa kanya. Tumigil ito sa kanyang harapan, saka ngumiti ng malapad. Ang ngipin nitong may bakod na bakal ang una niyang napansin."Hi miss, alone? kanina pa kita nakikita dito. Paano kang nakapasok?" tanong nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Amoy paminta ang isang ito. Sa mga pitik ng daliri
LUDWIG:Dala marahil ng alak, nag-init siya sa offer ni Estella. "You can take me home". Umaalingawngaw iyon sa kanyang utak. Parang tumatakbo iyon sa buong isipan niya. Anong naiisipan ng babaeng ito, at iniooffer ang sarili sa kanya? Bigla siyang nag doubt kung sino talaga ito. Baka mamaya, gawa gawa lang ni Estella ang kwentong ipinagkasundo siya, at ang totoo, isa din siyang professional pokpok.Napangisi siya. Mukhang magi-enjoy siya ngayong gabi. Marahil, isa rin ito sa uri ng babae na mayaman nga, subalit tamad magtrabaho. Hindi na bibenta sa kanya ang ganitong klase ng pinagdadaanan. Pang-ilang babae na ito, na ang gusto lang pala, ay ang makabingwit agad ng customer na hindi halatang pokpok siya.Pinapanood niya ang kaharap na babae. Hindi niya mawari, kung lasing na ba ito, o naglalasing lasingan lang. Pinatagay niya ito ng dalawa pang ulit, hanggang mabuksan nila ang isa pang bote ng alak. Hindi na inabot ni Estella ang huling baso na tinagay niya, dahil lupaypay na ito.Di
One month later.. Nagising siya ng umagang iyon, na masama ang pakiramdam. Umiikot ang kanyang paningin. Pakiramdam niya, gumagalaw ang paligid, kaya hindi niya makuhang bumangon man lang. Sinisikmura pa siya. Dahil ata sa sobrang kape, kaya nakakaramdam siya ng hyper acidity. Nagpalipas pa siya ng limang minuto, bago tuluyang tumayo. Naaamoy niya ang nilulutong bawang sa kusina ng apartment na tinitirahan niya. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa amoy na iyon. Sumisigid sa kanyang sentido, ang amoy ng ginisa. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo, at pilit isinusuka ang isang bagay na pakiramdam niya ay nakakasama sa kanyang tiyan. Naluluha na siya sa labis na pagduwal, kahit wala siyang inilalabas. Sa mga nakalipas na araw, nararamdaman niya na rin ito, ngunit agad siyang naglalagay sa tiyan ng vicks vaporub. Dahil siguro sa kanyang pagpayat, kaya pati katawan niya ay naaapektuhan na. Lumabas na siya ng kwarto, at natanaw na nagluluto ang kaibigan niyang si Lala. Sumasayaw say
LUDWIG:"Shit!" napapukpok siya sa kanyang manibela ng kapain ang kanyang bulsa. Ang wallet na pinaglalagyan niya ng ID ay naiwan sa opisina niya, at iyon ay nasa 8th floor pa!Inasikaso niya ang maintenance ng elevator, dahil nagkaroon ng malfunction. Hindi ito nagsasara. Ayaw niyang abalahin ang ibang tauhan, kaya personal niya itong pinuntahan. Subalit hindi pa ito tapos, at mayroon siyang meeting. Wala siyang ibang choice, kundi dumaan sa hagdan."Damn!" daing niya matapos marating ang ikatlong palapag, "daig ko pa ang nag cardio work out dito," pinupunasan niya ng panyo ang bumubukal na pawis sa kanyang mukha. Hinubad niya ang suot na polo, at isinabit iyon sa gilid ng hagdan sa fire exit, "babalikan na lang kita mamaya."Hubad na hubad siya, habang paakyat, ng may maulinigang tinig ng isang babae na parang humihingi ng tulong. Pinakinggan niya iyong mabuti, wala iyon sa ikaapat na palapag.Habang tumataas ang kanyang nararating, lumalakas ang tinig na iyon. Nakakaawa, nagmamakaa
Hinanap niya sa pc ng company ang profile ni Estella. Doon niya nalaman, na magdadalawang buwan na pala itong nagtatrabaho doon. Nagtataka naman siya kung bakit hindi niya ito nakikita kapag may meeting sila. Napakaimposible naman na hindi ito nakakaattend, ang meeting ay para sa lahat ng empleyado per department. Kinuha niya ang telepono at idinial ang number ng HR. "Yes po sir?" mula iyon sa kabilang linya. "Mag- schedule ka ng meeting sa marketing department. Lahat ay kailangang umattend." bilin niya dito. "Sir? kakameeting lang po sa kanila last week," sagot nito. "Magpopromote tayo ng bagong supervisor at manager." "A-ano pong nangyari kay Mr. Lee?" "Wala na siya. Umattend din kayo." "Si-sige po sir." Ibinaba na niya ang telepono. Malamang, umattend si Estella doon. Kaya malalaman na ng babae na siya ang may-ari ng kumpanya. Gusto niyang malaman, kung karelasyon ba nito ang sumundo ditong babae kahapon. Hindi talaga siya nito nakilala. Nag iba kasi ang hugis ng
ESTELLA: Papasok pa lang siya sa opisina, naririnig na niya ang bulungan ng mga naroroon tungkol sa pagkakakulong ni Mr. Lee. Napadako siya sa kumpulan ng ilang kababaihan na malapit sa reception. "Sino kaya yung ginawan ng masama ng panot na yun ngayon? Buti naman may tumayo na upang maipakulong ang manyak na iyon." "Sinabi mo pa. Sa dami ng namanyak nun dito, dapat lang na makulong siya! ang balita nga, marami yung anak, iba iba ang ina." "Wala kasing nagkakagusto dun. Hindi na nga maganda ang hitsura, ibinagay pa ang ugali." "Totoo yan. Akala mo pa kung sinong matalino yun, wala namang alam sa computer." "Bakit ba hindi napapaalis yun?" "Malakas yun sa manager, kamag-anak niya kasi yun. Pinaaral niya kaya ayun, lakas lakasan ang loob." "Sana naman, mapansin ni sir ang mga hinaing ng iba dito, hindi yung sa matataas lang siya nakikinig." "Trot mga sissy, yan din ang hirap, wala tayong karapatang mag- voice out ng nais natin regarding sa work. Para kasing guwardiya
LUDWIG "Iyon ba si Estella?" hindi makapaniwala si Arvie, "hanep ang katawan pare!" "Wag mo ng pagpantasyahan. Humanap ka ng sayo!" saway niya sa kaibigan na halata ang interes kay Estella. Batid niyang nagkacrush ito sa babaeng gusto niya. Pero hindi niya hahayaang mapalapit ito doon. Baka mamaya, sa halip na siya ang gustuhin, maibaling pa sa isang ito na gwapo ring gaya niya. "Bakud na bakod ah! Ano yan? Halaman na kailangan mong bakuran?" napapailing si Arvie sa kanya. "Sayung sayo siya pre, ang problema lang, baka magwapuhan siya sa akin. Alam mo naman ako, habulin ng girls. Kaya hindi ko masisisi si Estella, kung sakaling hangarin niyang magustuhan ko-- aray!" isang unan ang tumama sa ulo nito, mula sa pagpapalipad ng kanyang kamay, "ano yan? pikon?" "Ang gwapo mo kasi. Ibaon kaya kita, baka tutubo ka pa? marami ng magiging gwapo sa mundo," sarkastiko niyang sabi sa kaharap. "Lahi mo pa, hindi ba? gusto mo?" "Alam mo, pikon ka," umayos pa ng upo si Arvie saka siya hina
ESTELLA: "Ipinapatawag ako ni-- ni sir?" tanong niya sa HR, na pinuntahan pa siya sa kanilang department, "ba-bakit daw po?" hindi siya makapaniwala na tatawagan siya ng mula sa pinakamataas. "Hindi ka pa daw nakakausap ni sir, Miss Amorez. Hindi nga rin niya alam na empleyado ka niya," ngumiti ito saka may iniabot sa kanya na isang folder, "ibinilin niya rin, na ibigay ko ito sayo. Wag mo daw yang bubuksan." bilin nito sa kanya. Napatingin siya sa folder na iniabot sa kanya ng HR. Nagtataka siya kung bakit kailangang siya pa ang magdala ng bagay na iyon sa CEO, maaari naman iyong ipadala sa iba. Bigla siyang natakot. Naiisip niya na baka maningil ng utang na loob ang lalaking iyon sa kanya. Sasal ang tibok ng kanyang puso na tinatambol ang kanyang dibdib. Aandap andap siya kung lalakad o mauupo. "Hoy, Estella, anong inaarte mo diyan? baka kailangan ni sir yan, tatanga tanga ka na naman diyan!" asik sakin ni Melody, "akin na nga yan! ako na ang magdadala. Baka mamaya, landiin