ESTELLA:
Manghang mangha si Estella sa ganda ng club na iyon. Mga sosyal ang mga taong naroroon. May mga artista, at may mga tinitingala sa larangan ng negosyo. Nakatayo lang siya sa gilid at nagmamasid sa mga taong naglalabas masok doon. Ang mga mamahaling alahas na nakapulupot sa katawan ng bawat dumarating ay kumikinang sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa center stage.
May mga dumarating na grupo, o kung minsan ay nag -iisa lang. Dito niya napatunayan, na may mundo palang ganito ang mga rich people, yung tipong makakapagwalwal sila ng walang camera, o maiipakita nila, kung sino talaga sila.
May isang lalaking lumapit sa kanya. May dala itong baso ng alak, at sigurado siya, na para iyon sa kanya. Tumigil ito sa kanyang harapan, saka ngumiti ng malapad. Ang ngipin nitong may bakod na bakal ang una niyang napansin.
"Hi miss, alone? kanina pa kita nakikita dito. Paano kang nakapasok?" tanong nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Amoy paminta ang isang ito. Sa mga pitik ng daliri ng kanyang kaharap, alam niyang hindi ito full blood na lalaki. "Para sayo."
"Okay lang ako, may hinihintay ako," sagot ko sa kanya. Mukhang iba ang nais ng isang ito. Malamang ay hindi siya ang tipo nito, dahil isa itong bakla.
Nangunot ang noo nito,"mukha namang wala kang kasama ah," sumilip pa ito sa likuran niya, "come on, join us there," itinuro nito ang grupo ng mga kababaihang halos hubad na ang katawan, na nakaupo sa mahabang hilera ng VIP table,"pa-walk ka ba?"
"Pa-walk?" napaisip siya kung saan niya narinig ang salitang iyon. Habang tinitingnan niya ng lagpasan ang kaharap niya, unti -unti niyang narerealize ang isang bagay, "naku, hindi ho. Hindi ho ako ganyan," tanggi ko dito.
"Wag--" napalingon ito sa kanyang likuran, at walang lingon likod na bigla itong umalis. Parang may kinatakutan, kaya biglang bumahag ang buntot.
"Anong sinasabi nun sayo?" nasa likuran ko pala si Ludwig.
"Inaaya niya akong sumama sa grupo nila. Tinatanong pa nga kung paano ako nakapasok dito," sagot niya sa lalaki. Habang nasa sasakyan, nakapagtanungan na sila ng pangalan at ng edad, kaya alam na nila kung paano iaaddress ang isa't-isa.
"Good, wag kang magpapauto diyan, doon tayo, hindi kasi darating ang mga kasama ko," inaya siya ni Ludwig sa isang table na nasa sulok at hindi pansinin ng karamihan. "Inayos ko pa ang membership mo, para lang legal kang nakapasok dito. Here's your ID."
"Thank you," ibinalik niya sa bag ang ID na hiniram nito upang maayos ang kanyang pagpasok sa lugar na iyon. Walang malakasan doon, dapat, miyembro bago makatambay. "Bakit hindi ako dapat sumama sa kanila?" usisa ko sa kanya.
"Mga professional prostitute ang mga yan. Dito nila pinupuntirya ang kanilang mga customer dahil mayayaman lang ang nakakapasok dito." sagot niya sa akin, bago tawagan ang waiter. Sumenyas lang ito at agad iyong naintindihan ng kausap.
"So? mayaman din sila?" tanong niya kay Ludwig, "kasi mayayaman lang ang nakakapasok dito hindi ba?"
"Oo, mayayaman sila, mga tamad lang. Yung iba, itinakwil na ng pamilya, yung iba naman, happy go lucky, sadyang malilibog lang kaya naririto. Nakikipagsex na lang din sila, nagpapabayad na lang. Instang 20k ang isang gabi hindi ba?" explain ni Ludwig, "kaya sila ang wag mong pakikisamahan, dahil masisira ang buhay mo sa mga yan."
"Tatandaan ko," sagot niya kay Ludwig. Napatitig pa siya sa lalaki. Napakasimple nitong manamit. Hindi rin ito ang tipo ng tao na maraming alahas. May isa lamang iyong suot, relo. Ang bigotehin nitong mukha ay mas lalong nagpatingkad sa mala foreigner nitong anyo.
"Baka naman matunaw ako niyan?" sita nito sa kanya. Bahagya pa siyang napahiya sa sinabi nito. Na-iwas na lang siya ng paningin dito.
"Hi-hindi no.." pagsisinungaling niya. Napalunok pa siya at bahagyang namula, dahil ramdam niya ang init ng mata nito na nakatingin sa kanya. Buti na lang at dumating na ang inorder nito. Dalawang bote ng mamahaling alak.
"Sir?" sabi ng waiter, na parang nagtatanong kung may nais pang orderin ang lalaki, habang ibinababa ang mga pulutan. Mukhang kilala na ng waiter na ito ang kasama niya, dahil hindi ito nagsalita, alam na kung ano yun.
"Tatawagan na lang kita mamaya," sagot nito. Dagling umalis ang waiter doon, at ito naman ay naglagay ng yelo sa mga baso, saka iniabot sa akin ang isang baso, "Oh, iinom natin ang problema mo!" itinaas pa nito ang kanyang baso, at itinungki nsa aking hawak. Agad nitong nilagok ang laman niyon, "hindi ka ba umiinom?'
'Umiinom naman," sinimsim niya ang laman ng baso. Humahagod iyon sa kanyang lalamunan. Ang mainit at mapait na lasa noon ay sinabayan niya ng kain ng sizzling liempo, "woooh! ang sarap!"
"Ano ngang pangalan noong nais ipakasal sayo ng tatay mo?" tanong nito, habang nagsasalin ulit bsa baso ng alak. Iniikot ikot pa ng lalaki ang yelo na nasa loob ng baso, na parang inihahalo sa alak upang lumamig agad iyon.
"Si don Lucas Vuenaventura," sagot niya. Ginaya niya ang ginagawa ng lalaki sa alak. Sumasama ang kamig ng yelo dito at tumatagos iyon sa baso. Sumimsim siya ng kaunti,"nagulat na lang ako na kailangan kong ikasal doon, upang maging collateral sa kanilang merging. Totoo sigurong ang anak na babae, ay pamayad utang ng mga ama. Literal na pamayad sa utang ha."
"Matanda na yun ah," napatitig sa kanya ang lalaki,"parang nakakasukang tingnan na ang asawa mo ay tatay na ng tatay mo hindi ba? buti pumayag ang mommy mo?" ito naman ang lumagok ng alak na nasa sariling baso, inubos niya iyon. Sanay na sanay ito sa inuman.
"Madrasta ko na lang ang kasama namin. Namatay ang mama ko, elementary pa lang ako. Wala pa siyang isang taong patay, pinakasalan na ng papa ko, ang asawa niya, na ex niya. May dalawa silang anak na matanda pa sa akin. Tinanggap ko na lang iyon. Gusto ko kasi, maging masaya si papa. Pinakisamahan ko silang lahat ng maayos, pero ngayon, ayoko na, tama na ang pagiging mabait sa loob ng mahabang panahon," inubos na niya ang laman ng kanyang baso.
"Kanina, ikinulong nila ako, saka na lang ako palalabasin kapag ikakasal na kami. Eh, pikon yung dalawa kong step sister, inasar ako, pinatulan ko. Yun, iniwan ko silang nakatali, kinalbo ko nga eh," natatawa siya sa ikinukwento niya. Kumakapal na ang kanyang balat at ang kanyang mukha. Hindi na siya nahihiyang magkwento sa lalaki.
"Ang salbahe mo pala," natatawa ito at naiiling sa sinasabi niya.
"Ngayon na lang, makaganti man lang sa tagal ng panahon na inapi nila ako. Hindi pala magandang mabait masyado ang isang tao, inaabuso siya," wika niya. Isang lagok na lang ang ginawa niya sa kanyang alak na nasa baso. Marami rami na siyang naiinom kaya masyado na rin siyang matabil.
"Saan ba kita ihahatid?" tanong ni Ludwig sa kanya, "mahirap sumakay dito." May pag-aalala ang tinig nito. Subalit nanlaki ang mata ng lalaki, sa kanyang isinagot.
"Take me whereever you want, You can take me home.." saka humagikhik siya ng todo.
LUDWIG:Dala marahil ng alak, nag-init siya sa offer ni Estella. "You can take me home". Umaalingawngaw iyon sa kanyang utak. Parang tumatakbo iyon sa buong isipan niya. Anong naiisipan ng babaeng ito, at iniooffer ang sarili sa kanya? Bigla siyang nag doubt kung sino talaga ito. Baka mamaya, gawa gawa lang ni Estella ang kwentong ipinagkasundo siya, at ang totoo, isa din siyang professional pokpok.Napangisi siya. Mukhang magi-enjoy siya ngayong gabi. Marahil, isa rin ito sa uri ng babae na mayaman nga, subalit tamad magtrabaho. Hindi na bibenta sa kanya ang ganitong klase ng pinagdadaanan. Pang-ilang babae na ito, na ang gusto lang pala, ay ang makabingwit agad ng customer na hindi halatang pokpok siya.Pinapanood niya ang kaharap na babae. Hindi niya mawari, kung lasing na ba ito, o naglalasing lasingan lang. Pinatagay niya ito ng dalawa pang ulit, hanggang mabuksan nila ang isa pang bote ng alak. Hindi na inabot ni Estella ang huling baso na tinagay niya, dahil lupaypay na ito.Di
One month later.. Nagising siya ng umagang iyon, na masama ang pakiramdam. Umiikot ang kanyang paningin. Pakiramdam niya, gumagalaw ang paligid, kaya hindi niya makuhang bumangon man lang. Sinisikmura pa siya. Dahil ata sa sobrang kape, kaya nakakaramdam siya ng hyper acidity. Nagpalipas pa siya ng limang minuto, bago tuluyang tumayo. Naaamoy niya ang nilulutong bawang sa kusina ng apartment na tinitirahan niya. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa amoy na iyon. Sumisigid sa kanyang sentido, ang amoy ng ginisa. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo, at pilit isinusuka ang isang bagay na pakiramdam niya ay nakakasama sa kanyang tiyan. Naluluha na siya sa labis na pagduwal, kahit wala siyang inilalabas. Sa mga nakalipas na araw, nararamdaman niya na rin ito, ngunit agad siyang naglalagay sa tiyan ng vicks vaporub. Dahil siguro sa kanyang pagpayat, kaya pati katawan niya ay naaapektuhan na. Lumabas na siya ng kwarto, at natanaw na nagluluto ang kaibigan niyang si Lala. Sumasayaw say
LUDWIG:"Shit!" napapukpok siya sa kanyang manibela ng kapain ang kanyang bulsa. Ang wallet na pinaglalagyan niya ng ID ay naiwan sa opisina niya, at iyon ay nasa 8th floor pa!Inasikaso niya ang maintenance ng elevator, dahil nagkaroon ng malfunction. Hindi ito nagsasara. Ayaw niyang abalahin ang ibang tauhan, kaya personal niya itong pinuntahan. Subalit hindi pa ito tapos, at mayroon siyang meeting. Wala siyang ibang choice, kundi dumaan sa hagdan."Damn!" daing niya matapos marating ang ikatlong palapag, "daig ko pa ang nag cardio work out dito," pinupunasan niya ng panyo ang bumubukal na pawis sa kanyang mukha. Hinubad niya ang suot na polo, at isinabit iyon sa gilid ng hagdan sa fire exit, "babalikan na lang kita mamaya."Hubad na hubad siya, habang paakyat, ng may maulinigang tinig ng isang babae na parang humihingi ng tulong. Pinakinggan niya iyong mabuti, wala iyon sa ikaapat na palapag.Habang tumataas ang kanyang nararating, lumalakas ang tinig na iyon. Nakakaawa, nagmamakaa
Hinanap niya sa pc ng company ang profile ni Estella. Doon niya nalaman, na magdadalawang buwan na pala itong nagtatrabaho doon. Nagtataka naman siya kung bakit hindi niya ito nakikita kapag may meeting sila. Napakaimposible naman na hindi ito nakakaattend, ang meeting ay para sa lahat ng empleyado per department. Kinuha niya ang telepono at idinial ang number ng HR. "Yes po sir?" mula iyon sa kabilang linya. "Mag- schedule ka ng meeting sa marketing department. Lahat ay kailangang umattend." bilin niya dito. "Sir? kakameeting lang po sa kanila last week," sagot nito. "Magpopromote tayo ng bagong supervisor at manager." "A-ano pong nangyari kay Mr. Lee?" "Wala na siya. Umattend din kayo." "Si-sige po sir." Ibinaba na niya ang telepono. Malamang, umattend si Estella doon. Kaya malalaman na ng babae na siya ang may-ari ng kumpanya. Gusto niyang malaman, kung karelasyon ba nito ang sumundo ditong babae kahapon. Hindi talaga siya nito nakilala. Nag iba kasi ang hugis ng
ESTELLA: Papasok pa lang siya sa opisina, naririnig na niya ang bulungan ng mga naroroon tungkol sa pagkakakulong ni Mr. Lee. Napadako siya sa kumpulan ng ilang kababaihan na malapit sa reception. "Sino kaya yung ginawan ng masama ng panot na yun ngayon? Buti naman may tumayo na upang maipakulong ang manyak na iyon." "Sinabi mo pa. Sa dami ng namanyak nun dito, dapat lang na makulong siya! ang balita nga, marami yung anak, iba iba ang ina." "Wala kasing nagkakagusto dun. Hindi na nga maganda ang hitsura, ibinagay pa ang ugali." "Totoo yan. Akala mo pa kung sinong matalino yun, wala namang alam sa computer." "Bakit ba hindi napapaalis yun?" "Malakas yun sa manager, kamag-anak niya kasi yun. Pinaaral niya kaya ayun, lakas lakasan ang loob." "Sana naman, mapansin ni sir ang mga hinaing ng iba dito, hindi yung sa matataas lang siya nakikinig." "Trot mga sissy, yan din ang hirap, wala tayong karapatang mag- voice out ng nais natin regarding sa work. Para kasing guwardiya
LUDWIG "Iyon ba si Estella?" hindi makapaniwala si Arvie, "hanep ang katawan pare!" "Wag mo ng pagpantasyahan. Humanap ka ng sayo!" saway niya sa kaibigan na halata ang interes kay Estella. Batid niyang nagkacrush ito sa babaeng gusto niya. Pero hindi niya hahayaang mapalapit ito doon. Baka mamaya, sa halip na siya ang gustuhin, maibaling pa sa isang ito na gwapo ring gaya niya. "Bakud na bakod ah! Ano yan? Halaman na kailangan mong bakuran?" napapailing si Arvie sa kanya. "Sayung sayo siya pre, ang problema lang, baka magwapuhan siya sa akin. Alam mo naman ako, habulin ng girls. Kaya hindi ko masisisi si Estella, kung sakaling hangarin niyang magustuhan ko-- aray!" isang unan ang tumama sa ulo nito, mula sa pagpapalipad ng kanyang kamay, "ano yan? pikon?" "Ang gwapo mo kasi. Ibaon kaya kita, baka tutubo ka pa? marami ng magiging gwapo sa mundo," sarkastiko niyang sabi sa kaharap. "Lahi mo pa, hindi ba? gusto mo?" "Alam mo, pikon ka," umayos pa ng upo si Arvie saka siya hina
ESTELLA: "Ipinapatawag ako ni-- ni sir?" tanong niya sa HR, na pinuntahan pa siya sa kanilang department, "ba-bakit daw po?" hindi siya makapaniwala na tatawagan siya ng mula sa pinakamataas. "Hindi ka pa daw nakakausap ni sir, Miss Amorez. Hindi nga rin niya alam na empleyado ka niya," ngumiti ito saka may iniabot sa kanya na isang folder, "ibinilin niya rin, na ibigay ko ito sayo. Wag mo daw yang bubuksan." bilin nito sa kanya. Napatingin siya sa folder na iniabot sa kanya ng HR. Nagtataka siya kung bakit kailangang siya pa ang magdala ng bagay na iyon sa CEO, maaari naman iyong ipadala sa iba. Bigla siyang natakot. Naiisip niya na baka maningil ng utang na loob ang lalaking iyon sa kanya. Sasal ang tibok ng kanyang puso na tinatambol ang kanyang dibdib. Aandap andap siya kung lalakad o mauupo. "Hoy, Estella, anong inaarte mo diyan? baka kailangan ni sir yan, tatanga tanga ka na naman diyan!" asik sakin ni Melody, "akin na nga yan! ako na ang magdadala. Baka mamaya, landiin
"Ako si Ludwig," halos malaglag ang kanyang panga ng marinig ang pangalang iyon. Hindi niya malilimutan ang unang tikim, sa luto ng Diyos, na kasalo ang isang estrangherong tao. Ang kanyang unang experienced na nagpamulat sa kanya ng kamunduhang meron sa mundo. Ito ang lalaking umangkin sa kanyang pagkababae ng ilang ulit sa loob lamang ng isang gabi. Ipinaranas nito sa kanya ang tamis ng unang halik, at sakit ng unang tusok sa kanyang pagkababae. Namula siya, at hindi malaman kung saan ititingin ang sarili. Parang nakakahiya, na nagkita pa sila ng lalaking ito. "Halika na," inakay na lang siya ni Ludwig, dahil parang wala siyang planong lumabas ng elevator. Ang bigat ng kanyang mga paa. Napapaisip siya kung tama na sumama siya sa lalaking ito sa kanyang opisina. Ang kakaba kaba niyang dibdib, ay biglang humarang sa kanyang daluyan ng hangin. Hawak siya ni Ludwig sa kamay, ng buksan nito ang pinto ng opisina nito. Ngunit umikot na ang kanyang paningin, at bago pa siya bumagsak s
Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung