Share

Chapter 9

ESTELLA:

Papasok pa lang siya sa opisina, naririnig na niya ang bulungan ng mga naroroon tungkol sa pagkakakulong ni Mr. Lee. Napadako siya sa kumpulan ng ilang kababaihan na malapit sa reception.

"Sino kaya yung ginawan ng masama ng panot na yun ngayon? Buti naman may tumayo na upang maipakulong ang manyak na iyon."

"Sinabi mo pa. Sa dami ng namanyak nun dito, dapat lang na makulong siya! ang balita nga, marami yung anak, iba iba ang ina."

"Wala kasing nagkakagusto dun. Hindi na nga maganda ang hitsura, ibinagay pa ang ugali."

"Totoo yan. Akala mo pa kung sinong matalino yun, wala namang alam sa computer."

"Bakit ba hindi napapaalis yun?"

"Malakas yun sa manager, kamag-anak niya kasi yun. Pinaaral niya kaya ayun, lakas lakasan ang loob."

"Sana naman, mapansin ni sir ang mga hinaing ng iba dito, hindi yung sa matataas lang siya nakikinig."

"Trot mga sissy, yan din ang hirap, wala tayong karapatang mag- voice out ng nais natin regarding sa work. Para kasing guwardiya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status