"Ako si Ludwig," halos malaglag ang kanyang panga ng marinig ang pangalang iyon. Hindi niya malilimutan ang unang tikim, sa luto ng Diyos, na kasalo ang isang estrangherong tao. Ang kanyang unang experienced na nagpamulat sa kanya ng kamunduhang meron sa mundo. Ito ang lalaking umangkin sa kanyang pagkababae ng ilang ulit sa loob lamang ng isang gabi. Ipinaranas nito sa kanya ang tamis ng unang halik, at sakit ng unang tusok sa kanyang pagkababae. Namula siya, at hindi malaman kung saan ititingin ang sarili. Parang nakakahiya, na nagkita pa sila ng lalaking ito. "Halika na," inakay na lang siya ni Ludwig, dahil parang wala siyang planong lumabas ng elevator. Ang bigat ng kanyang mga paa. Napapaisip siya kung tama na sumama siya sa lalaking ito sa kanyang opisina. Ang kakaba kaba niyang dibdib, ay biglang humarang sa kanyang daluyan ng hangin. Hawak siya ni Ludwig sa kamay, ng buksan nito ang pinto ng opisina nito. Ngunit umikot na ang kanyang paningin, at bago pa siya bumagsak s
LUDWIG: Nag-aalala niyang binuhat ang babae papasok ng kanyang opisina. Maging sina Rick at Arvie ay nagulantang. Gulat na gulat sila ng makitang buhat niya sa kanyang bisig si Estella. "Anong nangyari diyan?" nagmamadaling sumaklolo si Rick sa kanya. Inalis agad nito ang suot na sapatos ni Estella. Si Arvie naman ay inayos ang sofa upang lumapad. Dahan dahan niyang inihiga ang babae Namumutla ito at pawis na pawis. "Anong ginawa mo kay Estella, Ludwig?" tanong ni Rick sa kanya, "bakit siya namumutla? wag mong sabihing ginawan mo siya--" "Ulol!" sinuntok niya sa braso ang kaibigan. "Nasa elevator pa lang kami, namumutla na siya. Diyan na siya natumba sa pinto, buti nga at maagap ko siyang nahawakan," sagot niya sa kaibigan. "I-checheck ko siya," lumapit si Arvie sa kanila, dala ang stethescope na kinuha mula sa bag. "Sandali!" awat niya, "bakit ikaw ang magchecheck sa kanya?" nakakunot ang kanyang noo habang nakaawat ang braso kay Arvie. Alam niyang may crush ito kay E
ESTELLA:Iyak siya ng iyak hanggang makauwi ng bahay. Hindi niya akalaing ang mga sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraan araw ay dahil sa may binhi na ang kanyang sinapupunan. Hindi niya ito maaaring ipalaglag, ngunit paano na siya sa opisina nila? lalo lang siyang bubulyhin ng mga naroroon.Ni hindi na niya alam kung paano siya nakaalis ng opisina at paano siya nakarating ng bahay. Wala pa si Lala doon. Hindi niya alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kaibigan. Natatakot siyang baka palayasin nito. Wala itong alam sa pakikipag one night stand niya.Nahihiya siya sa mga kaibigan ni Ludwig, nalaman pa ng mga ito na nakipagsex siya sa hindi naman niya kakilala. Baka akalain nila, isa siyang pakawalang babae. Nanlalata siyang umupo sa sofa. Hindi na niya pinatuloy sina Ludwig nong ihatid siya.Isang beses na nga lang siyang nakipagsex, napuruhan ka agad. iyon ang labis niyang ikinababahala ngayon. Paano siya mabubuhay ng maayos ngayon? Hindi naman niya maaaring pilitin si Ludwig n
"Narito ako, para alukin ka ng kasal," walang kagatul gatol na sabi ni Ludwig sa kanya. Napamulagat sila ni Lala sa sinabi nito, saka nagkatinginan. "Ka-kasal agad? hindi ba pwedeng live in muna?" wika ni Lala sa mga bisita, "ang bilis mo namang ayain ng kasal ang kaibigan ko? hoy, kung inaakala mong pokpok yan, nagkakamali ka ha! Anak mayaman yan, naglayas lang. Kung plano mo namang lokohin siya, mag isip- isip ka muna. Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay!"Binulungan niya ang kaibigan, "bhe, ang OA mo diyan."."OA ba? ganting bulong niyo, "okay lang yan ,para alam niya kung ano ang papasukin niya.""Hindi ko naman gagawin yun. Ang totoo, matagal ko ng ipinahahanap si Estella sa kaibigan kong si Rick,"sagot ni Ludwig, "nagkataon naman na wala na pala siya sa Manila. Mabuti at nakita ko na siya.""Sinong Rick iyon? nasaan?" tumingin si Lala sa labas, "nasaan siya?""May duty siya ngayon, imbestigador kasi siya," si Arvie ang sumagot kay Lala. Nakatingin lang ito sa kanyang kaib
"Hindi ka ba nagtataka, bhe? bakit walang dalang parents or family ang groom mo?" tanong ni Lala sa kanya. Araw ng kasal nila ni Ludwig. "May mga usapan na kasi kami, secret marriage muna. Walang makakaalam. Kaya ito, ganito ang set up. Okay na to, ayoko rin naman ng maraming tao sa kasal ko eh.," sagot niya kay Lala. Isang buwan lang nilang pinagplanuhan ang kasalang ito, dahil nagmamadali na si Ludwig. "Sa bagay. Tama ka naman nga. Oh my God, yan ba yung kaibigang imbestigador ni Ludwig? ang pogi naman," kinikilig nitong turo kay Rick. "Ang gwapo niya talaga.." "Si Arvie, hindi ka ba nagagwapuhan dun? doctor pa yun," alam niyang asar ito sa lalaki, kaya expected na niya na negative na naman ang lalabas sa bibig nito. "Baka kwago. Saka wag mo ngang sirain ang moment ko. Kita mo namang minsan lang ako magkacrush, tapos parang hindi mo naman ako sinusuportahan. Wag mong maisali ang lalaking iyon sa pinag- uusapan natin at naiimbiyerna ako dun." "Baka naman kinikilig. Tulak ng
Nakaupo lang siya sa kama at nakatingin sa bintana. Kinakabahan siya sa unang gabi ng kanilang pagsasama bilang mag- asawa ni Ludwig. Kinikilabutan at nanginginig ang kanyang katawang lupa. "Lord.. Lord.. anong gagawin ko? hindi naman ako maaaring uminom ng alak. Kaya ko ba ito? kinakabahan ako," kinakausap niya ang kanyang sarili habang kinukuskos ang buhok. Narinig niya ang langitngit ng pinto ng banyo, indikasyon na lumabas na ang lalaki. Humalimuyak ang amoy ng shampoo at sabon na ginamit nito. Ang lakas maka amoy masarap. Ramdam niya ng yumugyog ang kama. Marahil naroon na ang lalaki. Naramdaman niya ang kamay nito na humahawi sa kanyang buhok. Napqpikit siya ng madiin, saka nagmamadaling tumayo. "Ah.. eh.. hi-hindi ka ba nagugutom?" tanong niya dito na kinukutkot ang kanyang kuko ng makalapit sa bintana ng hotel kung saan sila nagcheck in. "gu-gusto mo ng kape? i-ipagtitimpla kita!" naglakad siya patungo sa pinaka dining area ng kwarto. Inabutan siya ni Ludwig bago pa
Nagkukwentuhan sila ni Lala, ng biglang ibinagsak ni Melody ang Isang folder sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nagulat Silang magkaibigan, lalo na ng dagdagan pa ito nig babae ng dalawa pang makakapal na folder. "Puro tsismis! Magtrabaho ka kaya!" Sabi nito sa kanya habang nakataas ang kilay. Tumingin ito Kay Lala na waring inuuri ang kaibigan, "hindi ito tsismisan area para sa mga katulad niyo. Ipaphoto copy mo yan sa baba!" "Ha? di ba may printer dito? bakit sa baba pa?" tanong niya dito habang tinitingnan ang mga papel na ibinigay nito, "ang dami naman nito." "So? nagrereklamo ka, ganun? mahiya ka naman no. Bakit ba pinapayagan ng opisina na makapasok yang katsismisan mo dito ha?" Sita nito Kay Lala, "baka mamaya, magsumbong pa yan na may umabuso din sa kanya no!" "Ano bang problema mo?" inayos ni Lala ang dalang basket, inilapag iyon sa lamesa kung saan inilagay ni Melody ang mga folder, "nagdedeliver ako ng pagkain dito. Mukhang napakatalas ng bibig mo, sanay akong humiwa ng ka
"Good afternoon to all," malapad ang ngiti ni Ludwig na bati sa kanila, "ako muna ang acting manager niyo, okay ba?" "Okay na okay sir!" sagot ng mga naroroon. Maging siya ay sumagot din at pumalakpak sa sinabi ng lalaki. Iginagala nito ang mata sa paligid. Malayo kasi ang kanyang lamesa. Nasa bandang dulo pa. Sumunod ang paningin ng mga katrabaho niya, partikular na si Melody, ng lapitan siya ni Ludwig. "Misis.." pinandilatan niya ito ng mata at pinipigilang magsalita, "I mean, Miss Amorez, bakit narito ka sa sulok, sa harap ng mga printer, paano ka makakapagtrabaho niyan ng maayos? Madami pang bakanteng lamesa doon." "Ludwig, este sir, maarteng lumapit dito si Melody at humawak sa braso, "si Sir Lee ang naglagay sa kanya diyan," maarte nitong sabi. "Ah, ganun ba? eh lumipat ka na," utos sa kanya ni Ludwig, "doon ka sa lamesang iyon," itinuro sa kanya ang isang malaking lamesa malapit sa pinto. "Na-naku.. okay lang ako dito sir," awat niya sa asawa, at sinisenyasan na umalis
Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung