LUDWIG: Gabi na naman. Nakahiga siya sa kama, habang nakaunan ang ulo sa kanyang mga braso. Iniisip niya kung paano niya sasabihin sa kanyang ina, na nag- asawa na siya, at hindi iyon si Raquel o kung sino mang inirereto sa kanya. Hindi naman niya maaaring pabayaan ang kanyang mag ina. Alam niya sa kanyang sarili, na hindi siya naniniwala sa love at first sight, pero ng makilala niya ang kanyang asawa, bumaliktad ang kanyang mundo. Iba ang amats na nagawa sa kanya. Ngayon, naniniwala na siya, na kaya may inaalis na tao sa buhay ng tao, ay para makapasok ang karapat dapat. Bumukas ang pinto ng banyo, at humalimuyak ang amoy ng sabon na nagmumula doon. Ang amoy na kinababaliwan niya gabi gabi. Ang amoy na pinangarap niya noon, at ngayon ay natupad na. Napalingon siya sa pinagmulan ng ganoong amoy, si Estella. Nakangiti ito sa kanya, biglang hinubad ang suot na robe. Napangiti siya at inilahad ang kamay upang maabot ang kamay nito. Agad umibabaw sa kanya si Estella, at siniil siya
ESTELA: Nakaupo lang siya sa kanyang pwesto, ng lapitan siya nina Melody. Nakangiti ang mga ito sa kanya na mukhang maaamong tupa. "Sama ka samin mag lunch.." yaya ni Melody sa kanya, "baka hindi darating yung kaibigan mong war freak, saka para na rin, magkakila kilala tayo, alam mo naman, medyo hindi tayo okay, kaya gusto naming bumawi, right girls?" "Oo nga naman Estella. Isa pa, mukha ka namang mabait, masyado lang kaming naging salbahe sayo," segunda dito ni Amy. "Kailangan siguro nating magkaroon ng bonding." "Ah, sige, salamat, kayo na lang.." nakangiti niyang sagot saka niya itinuloy ang kanyang ginagawa. Hindi na niya pinansin ang pang iirap ng mga plastic na iyon. Wala naman siyang pakialam kahit magalit pa ang mga ito. Ang mahalaga lang sa kanya ay silang mag-asawa. "Ehem.." si Melody iyon na waring kinukuha ang kanyang atensiyon, "Estella.." "Ano yun?" hindi niya ito tinapunan ng kahit na konting tingin, ngunit sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niyang itina
LALA: Sa isang magandang restaurant siya dinala nina Melody. Sakay siya ng kanyang motor, at naka pants at t-shirts lang saka rubber shoes. Napangiwi ang kanyang mga makakadinner date noong makita siya. "Oh, my, Lala.. hindi ko ba nasabi sayo na kailangan mag dress?" tanong ni Melody sa kanya, "at bakit ka naka helmet?" "Naka bike ako eh," itinuro niya ang kanyang motor. Dahil wala namang alam ang mga ito sa karakas ng mga 2 wheels, hindi nila pinansin ang kanyang motor, "bawal ba?" "Ah, eh.. hi-hindi naman.. halika na," inaya siya nito sa lamesang bilog. Bukod sa kanilang dalawa, may tatlo pa silang kasama. "Lala, these are my friends, si Mia, Amy and Rachel," pakilala nito sa mga kaibigan, "guys, kilala niyo na naman si Lala hindi ba?" "Hi, Lala, " bati ng mga ito sa kanya. Naiimagine na tuloy niya na sinasabunutan ang mga ito. "Hi!" naupo siya pabukaka sa isang upuan, "dito na lang ako mauupo ha, pagud na pagod kasi ako sa biyahe. Ang layo naman nitong hang out place niyo, m
Excited na ang mean girls sa pupuntahan nilang motor bike shop. Nagulat sila sa laki ng lugar na iyon. Maganda ang facilities na parang hotel. Inilibot ng mga ito ang paningin, at hindi maiiwasang humanga ang mga ito. "Ang ganda naman dito," sabi ng mga babaeng nakaupo sa sofa at umiinom ng isinerve na kape. "May pakape pa. "Bibili ako kahit limang big bike," masayang masaya pa si Melody sa pagsasabi sa kanila. "Ang gwapo ng m ga ahente dito ah. Lalo na iyong nakakulay green." "Paano mo nalaman ang lugar na ito ,Lala?" tanong sa kanya ni Mia, "mukhang Lala the explorer ka ah," nagtawanan pa ang mga hitad. Hindi na siya maooffend sa pinagsasabi ng mga ito, dahil sanay siya sa bardagulan. Mabuti na lang at dumating na ang kanilang agent. Makisig na makisig ang lalaki. Inaya sila nito sa loob ng opisina, upang doon pumirma ng mga kontrata. "Miss Lala, salamat naman at nagdala ka ng customer dito. May incentives ka samin," sabi nito sa kanya na hindi naririnig ng mga kasama niya.
Iyak siya ng iyak ng makita si Lala na nakahiga sa hospital bed. Awang awa siya sa sinapit ng kaibigan. Hindi niya akalaing ang pag ganti sa mga babaeng iyon ang magbubunsod sa kaibigan niya sa ganitong klase ng aksidente.Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito si Lala. May bali ang braso ng kaibigan at naka-brace ang binti.Dahan dahan itong nagmulat ng mata. Iginala gala nito doon ang paningin. Halos hindi ito makamulat sa labis na pamamaga ng pisngi."Beb!! Beb, kumusta ka na?" hinawakan niya ang kamay nito," may masakit ba sayo? ano? tatawag ba ko ng doctor?" nagpapanic siya habang naiiyak na hinahalik halikan ang kamay ni Lala.Ngumiti ito sa kanya, na parang sinasabing kumalma siya. "okay lang ako," mahina niyang sabi. "Matagal pa tong mawawala sa mundo. Para walang makapambully sayo.""Ikaw talaga, ako pa rin ang inaalala mo kahit nasakyan ka na.." napatawa naman siya sa sinabi nito, "okay ka
Umaagos ang kanyang luha habang tinitingnan ang mga larawan nila ng kaibigan. HIndi niya akalaing iiwanan siya bigla nito. Alam niyang may kasalanan siya kaya lalo na siyang naguguilty. Si lala ang nagligtas sa kanya, sa panaginip niya na niyayaya na siya ng mama niya na umalis. Alam niya ang pigurang iyon kahit nakatalikod. Nakaupo siya sa kanyang pwesto ng dumaan ang grupo nina Melody. "Kawawa naman si Lala no?" malakas ang boses nito, "pero deserved niya yun." saka nagtawanan ang grupo nila. Nagpanting ang kantyang tenga sa narinig. Hinablot niya ang buhok ni Melody, "anong sabi mo, ha?" gigil niyang tanong dito. "Ano ba, Estella, bitiwan mo nga siya," pinipigilan siya nina Rachel. 'Estella, tama na," inawat siya ng iba niyang kasama. Talagang namula ang anit ni Melody sa kanyang paghatak ng buhok. "Walanghiya ka!" sigaw sa kanya ni Melody, "kakalbuhin mo ba ako?!" "Oo! at puputulin ko rin yang dila mo!" sigaw niya dito. "Namatay na yung tao, wala kang respeto! gusto
Ipinatawag siya sa board room. HIndi niya iyon akalain. Ilang araw hindi pumasok sina Melody, tapos ngayon, ipinapatawag siya. Hindi niya alam kung bakit kailangang sa board room pa. Kumatok siya, binuksan iyon ng isang sekretarya. Nagulat siya, na naroon ang mga share holders ng kumpanya, kasama sina Melody, na abot tainga ang pagngisi. "Magandang umaga po, ipinapatawag niyo raw po ako?" tanong niya sa mga ito. "Oo, maupo ka, hija," isang matanda ang nag insist sa kanya na maupo, na sa tingin niya, ay ang tatay ni Melody. "Salamat po," naupo siya paharap sa mga ito. "ipinatawag niyo raw po ako?" "Oo, hija, napag alaman namin, mula sa aming mga anak, na nambubully ka raw. Hindi naman ata tama iyon," sabi ng matanda, na kamukha naman ni Rachel. Sanay siyang makiharap sa mga ganitong klase ng tao, at alam naman niya kung paano ipagtatanggol ang kanyang sarili. "Paki-sabi po sa akin kung sino ang binully ko?" tanong niya sa mga ito. "Ang aming mga anak, silang apat," sago
Alanganin ang pag ngiti nina Mr. Emperial. Nagpupunas ang mga ito ng pawis habang halatang hindi alam ang mga gagawin. "Ngayon, andito na ang mga kasamahan niyo, bakit niyo sila pinapirma ditan sa petition?" tanong ni Ludwig. "Hi-hindi namin sila pinilit!" matapang na sabi ni Mia, "nagkusang loob sila!" "Sabi po nila sir," nagsalita na ang mga katrabaho nila, "kaya daw nila.kaming ipatanggal kung hindi kami pipirma. Gagawan daw nila.kami ng issue." "Hindi totoo yan! sinungaling ka!" sigaw ni Melody dito, "daddy.." nagmamakaawa ang mukha nito habang hawak ang braso ng ama. "Ah.. mapag-uusapan naman natin ito, hindi ba Ludwig?" alanganin ang ngiti ni Mr. Emperial, "pwede naman natin itong-- itong palagpasin na lang." "Palagpasin?" nakangising sagot ni Ludwig, "nong si Miss Amorez ang idinidiin niyo, pinapaluhod niyo pa, saka hihingi ng tawad. Ngayon, gusto nyo, palagpasin ito? unfair naman ata kayo, hindi ba?" "Pero Ludwig, maaatim.mo bang ipahiya ang magiging biyenan mo?"