Alanganin ang pag ngiti nina Mr. Emperial. Nagpupunas ang mga ito ng pawis habang halatang hindi alam ang mga gagawin. "Ngayon, andito na ang mga kasamahan niyo, bakit niyo sila pinapirma ditan sa petition?" tanong ni Ludwig. "Hi-hindi namin sila pinilit!" matapang na sabi ni Mia, "nagkusang loob sila!" "Sabi po nila sir," nagsalita na ang mga katrabaho nila, "kaya daw nila.kaming ipatanggal kung hindi kami pipirma. Gagawan daw nila.kami ng issue." "Hindi totoo yan! sinungaling ka!" sigaw ni Melody dito, "daddy.." nagmamakaawa ang mukha nito habang hawak ang braso ng ama. "Ah.. mapag-uusapan naman natin ito, hindi ba Ludwig?" alanganin ang ngiti ni Mr. Emperial, "pwede naman natin itong-- itong palagpasin na lang." "Palagpasin?" nakangising sagot ni Ludwig, "nong si Miss Amorez ang idinidiin niyo, pinapaluhod niyo pa, saka hihingi ng tawad. Ngayon, gusto nyo, palagpasin ito? unfair naman ata kayo, hindi ba?" "Pero Ludwig, maaatim.mo bang ipahiya ang magiging biyenan mo?"
Lahat ay nakatingin sa kanila ng mga sandaling iyon. Kanya kanyang bulungan ang mga naroroon."Ludwig, pinakawalan mo sina Mr. Emperial at Mr. Calderon ng dahil sa babaeng iyan?" tanong sa kanya ni Mr. Amaya, "ipinagpalit mo ang friendship ng tatay mo sa kanila ng dahil lang sa isang babae?""Hindi isang babae lang ang pinag uusapan natin dito, Mr. Amaya, kundi ang pagiging bully ng mga anak nila. Hindi nila pinalaki ng maayos sina Melody. Nag aalaga sila ng mga magiging halimaw! Nakikita niyo ba?" sagot niya, "kung para sa inyo ay okay lang ang ginagawa nila, bakit hindi natin subukang gawin sa mga anak niyo ang ginagawa nila sa mga kasamahan nila?""Pero sobra naman ata yung pakakawalan mo na lang sila ng ganun ganun na lang," sabi naman ni Mr. Rodriguez.Kinawayan niya ang kanyang secretary, may dala itong mga folder. Ipinamahagi ito sa lahat ng naroroon."Kung makikita niyo diyan, nakasulat diyan ang winawaldas nilang pera, katulong ang iba nating accountant, paano ko nalaman? nao
Pinaakyat siya ni Ludwig sa opisina nito, hindi niya alam kung ano ang dahilan. Wala naman siyang report na dapat isubmit. Pinihit niya ang seradura,una niyang isinilip ang kanyang ulo. Nag iisa ito doon, na nakaupo sa swivel chair. "Lock the door," bilin nito sa kanya. Agad niyang ginawa ang iniuutos nito., "Come," inilahad pa nito ang kamay sa kanya. "Bakit?" paglapit niya dito, agad siyang hinila ng asawa pakandong, " I miss you.." hinalikan siya nito sa labi. Ilang linggo na rin niyang hiindi naiibigay ang pangangailangan ng lalaki, dahil sa lungkot na pinagdadaanan niya mula ng mawala si Lala. Nangayayat siya ng husto. Kung hindi dahil sa dinadala niya, baka hindi na siya kumain. Ramdam niya ang pagkasabik nito sa kanya. Binuksan nito ang zipper ng kanyang damit. Saka ibinaba iyon, na naghantad sa kanyang mayayamang dibdib. Bumaba sa leeg ang halik nito, patungo sa kanyang dibdib. "Uhhm.. uuhmm," daing niya habang nakasabunot sa buhok ni Ludwig. Binuhat siya nito
"Ram, ano bang pinagsasasabi mo?" alanganin ang ngiti niya sa lalaki, "hay naku, kmain ka na nga lang." "Nagtatanong lang naman ako eh, mukhang guilty ka," ngumisi pa ito sa kanya. "Puro kalokohan na ang naiisip mo," naiiling niyang sagot dito. "Ano ba ang nagustuhan mo kay Ludwig? mas gwapo naman ako diyan?" hindi niya akalaing diretsahan itong magtatanong sa kanya. "Kasi, mabait siya," sagot niya dito. "Mabait din naman ako ah," sagot sa kanya ni Ram, "saka mas bata ako sa kanya at sariwa." "Ram!" tinig iyon ni Ludwig, "ano ka, karne? saka mahiya ka naman, hipag mo si Estella! ate mo siya!" "ANong hipag? kasal na ba kayo? malay ko bang iisa ang tipo natin sa babae," ngumuya pa si Ram. "Okay ah, maayos ka ng sumagot ngayon. Samantalang hindi ka naman makabasag pinggan," nangunot ang noo ni Ludwig sa kapatid, "ano yan? sinasapian ka ni Boy Abunda?" "Depende, kapag may nakita akong alam ko ay para sa akin, hindi ko hinihintay na dumating siya, lalo na kung pwede ko naman siyan
Napatingin siya kay Ram. Hindi naman ito ganito noong una niyangdatnan sa opisina 3 months ago. Bigla na lang itong nagpakita ng interes sa kanya ngan.. "Nangako na ako sa sarili ko, na hindi na ako magpapalamang. Kung kaya kong agawin, gagawin ko," sagot ni Ram. Napatda siya sa sinabi ng kanyang bayaw , "anong ibig mong sabihin?" "Hindi kita ipalalamang sa kanya, pangako yan.." saka ito tuluyang lumayo sa kanya. Hinabol na lang niya ito ng tingin. Masyado palang possessive si Ram. Napailing na lang siya. Ramdam niya na nakatingin ito sa kanya at pinagnmamasdan ang bawat niyang kilos. Naiilang siya sa ginagawa ng lalaki. Parang kinikilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama saka inirapan.. Napansin ito ng isa nitong katabi at agad na lumapit sa kanya. "Estella, galit ka ba sakin?" tanong ni Irene. "Huh? bakit naman ako magagalit sayo, " nginitian niya ito. "Kanina mo pa kasi ako iniirap irapan eh," sabi nito. "Naku Irene, hindi
"Ano itong nababalitaan kong may babae ka daw kinakalantare sa opisina niyo, Ludwig?" umuwi sa na siya ng bahay upang ipaalam dito sa kanyang mommy ang tungkol kay Estella, subalit may makating dila na pala ang naunang magtsismis sa kanya. "Sino namang nagtsismis sa inyo niyan?' tanong niya dito. Hindi muna siya sumagot, dahil alam niyang magmimisa ang kanyang mommy ng pagkahaba haba kung saka sakali. "Ang tanong ko ang sagutin mo, Ludwig, meron ba?" ibinuka pa nito ang hawak abaniko saka nagpaypay. "Ano naman kung meron? nasa tamang edad na naman ako, wala namang masama dahil binata ako," naupo siya sa sofa at pinanood na lang niya ang ina na magpalakad lakad sa kabuuan niyon. "Anong meron? mayaman ba yan? kilala ba? baka mamaya, ubusin lang niya ang yaman natin!" ainghal nito sa kanya. "Mabait siya ,ma. May unawaan na kaming dalawa. Hindi ako makakapayag na pigilan niyo ako ngayon. Pumalpak na nga kayo kay Raquel, tapos kung kani kanino niyo na naman ako nais ireto?" walan
"Anong nangyayari dito?" tanong nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Nanlibre ng kape si Ram, gusto mo?" alok niya dito, "masarap pala tong flavor na to ng kape." "Tapos na ang breaktime, magtrabaho na kayo!" utos nito sa kanila. Agad siyang napatingin sa kanyang asawa. "Nagtataas kayo sir ng boss?" tanong niya dito. Pati mga kasamahan nila doon ay napatingin din sa kanila, "bakit sir?" Waring napahiya naman ito. Nagulat din sa ginawa. Huminga muna ito ng malalim saka siya tiningnan. "Pasensiya na. Pasensiya na kayong lahat," tumalikod na si Ludwig sa kanila diretso labas sa pinto. "Saglit lang, kakausapin ko lang siya," paalam ni Ram sa kanya, saka nagmamadali ding lumabas ng kanilang opisina. Malalaki ang hakbang ni Luswig paalis ng lugar na iyon. Nadala pa niya doon ang sama ng loob sa ina. Nakakahiya sa mga nakakita sa kanya. Baka isipin ng mga ito na tinotoyo siya. "Ludwig! Ludwig!" malakas ang boses na tawag sa kanya ni Ram. Kaagad siyang huminto, "Bakit
Wala pa si Ludwig sa kanilang bahay. Nagiguilty siya, na hindi niya man lang ito pinakinggan. Pakiramdam tuloy niya ay wala siyang kwentang asawa. Nakita niya lang sa CCTV na si Ram ang nauna. Kahit pa galit ang kanyang asawa, si Ram ang unang sumugod. Hindi na lang nagsalita si Ram at humingi agad ng tawad. Ngunit siya, bilang asawa, hindi man lang niya napanindigan na manatili sa tabi ng asawa, bagkus, siya pa ang namimilit dito na humingi ng tawad kahit hindi naman dapat. Nagluto siya agad ng hapunan. Alam niya na nagkamali siya. Kailangang makabawi siya kay Ludwig. Nakakahiya ang kanyang ginawa. IPinagluto niya ito ng paborito nitong sinigang na hipon. Madali itong lambingin, subalit alam niyang sumama ang loob nito. Patapos na siyang magluto, ng bumukas ang pinto. Natigilan pa siya saglit. Pinakulo lang niya ang hipon, saka pinatay na ang apoy. Humarap siya dito. Nasa may pinto lang ito. Naluha siya ng makita itong may dalang bulaklak. Hindi na siya nakakilos. Ngumiti